You are on page 1of 11

DETALYADONG BANGHAY SA

ARALING PANLIPUNAN 7

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kinaroroonan ng Asya sa pamamagitan ng mapang pandaigdig.
2. Naibibigay ang epekto ng konsepto ng Asya sa pamumuhay ng tao.
3. Naipagpapangkat-pangkat ang mga rehiyon sa Asya sa pamamagitan ng
blangkong mapa.
II. NILALAMAN
a. Paksa: Konsepto ng Asya
b. Sanggunian: Mateo, Grace Estela C., Ph.D.: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan,
p.128-130., Blando, Rosemarie C., et al. Asia: Pagkakaisa sa GItna ng
Pagkakaiba, p.116-117
c. Kagamitan: Power Point Presentation
III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. PANIMULA
1. Pagbati
Magandang Umaga, Grade 7!
Magandang Umaga din po!
2. Panalagin
Bago tayo magsimula sa ating
talakayin sa araw na ito, hinihiling
ko ang katahimikan ng lahat at
damhin natin ang presensya ng
panginoon. Jana, maari mo bang
pangunahan ang pagdarasal?
Tayo po ay yumuko at damhin natin ang
presensya ng panginoon. Panginoon,
maraming salamat po sa araw na ito at muli
niyo po kaming pinagtipon-tipon upang
magkaroon ng bagong kaalaman mula sa
aming guro at kamag-aral. Maraming salamat
din po sa paggabay at sa mga biyayang
ipinagkaloon niyo sa amin at patawarin mo po
kami sa aming mga nagawang kasalanan sa
isip, salita at sa gawa. Amen.

Amen.

Bago kayo magsiupo maari bang


pakiayos ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat na nakikita
sa inyong paligid at itago ang mga
bagay na walang kinalaman sa
ating aralin ngayon at maari na
kayong magsiupo.

3. Pagtatala sa lumiban sa klase


Jane, Mayroon bang lumiban sa
klase?
Wala po.
Mahusay!

4. Balik Aral
Bago tayo magsimula sa ating
panibagong aralin atin munang
balikan ang inyong pinag aralan sa
mga nagdaang araw. Malinaw ba?
Yes ma’am.
Ano nga ba ulit ang ating
itinalakay sa ating nakalipas na
talakayan? Patungkol po sa panahon ng mesolitiko,
neolitiko, at Metal.

Mahusay! Ating tinalakay ang


patungkol sa Panahon ng bato na
kung saan nakapaloob dito ang
panahon ng paleolitiko,
mesolitiko, neolitiko at metal.

Ano nga ba ulit ang uri ng


pamumuhay sa panahon ng
paleolitiko, mesolitiko at neolitiko. Pangangaso, Pangingisda at Pagsasaka.

Mahusay!

B. PAGGANYAK
Bago tayo muling tumungo sa ating
panibagong aralin ay may hinanda
akong gawain na maaring makatulong
sa inyo para unti-unti ninyong
maunawaan ang ating tatalakayin sa
araw na ito. Naiintindihan ba? Opo!

Panuto: Magbigay ng mga letra mula


sa alpabeto na katumbas ng mga
bilang na iyong nakikita sa loob ng
kahon.
A.S,Y,A

1 19 25 1 Asya po

Mahusay! Ano ang salitang mabubuo


mula rito? Handa na po!

Magaling!

C. PRESENTASYON NG PAKSA Patungkol po sa Konsepto ng Asya.


Ngayon ay darako na tayo sa panibago
nating aralin. Handa na ba kayo? (Answer may vary)

Base sa maikling aktibidad na ating


ginawa, ano sa tingin niyo ang ating
tatalakayin sa araw na ito?

Tama! Maraming Salamat sa iyong


sagot maaari ka ng maupo.
 Naipapaliwanag ang konsepto ng
Asya tungo sa paghahating-
Mahusay! Alamin natin kung ano ano heograpiko:
ng aba ang nakapaloob sa konsepto ng Silangang Asya, Timog-Silangang
Asya. Maari mo bang pakibasa, Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya,
Janella? Hilagang Asya at Hilaga/Gitnang
Asya.

Salamat, ngayon ay tuklasin naman


natin kung bakit pa ngaba natin
kailangang pag-aralan ang konsepto
ng Asya.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG
Narito ang mga kahalagahan ng pag- KONSEPTO NG ASYA.
aaral ng Konsepto ng Asya. Maari mo  Ang mga Pilipino ay Asyano.
bang basahin John Lester?  Ang Asya ay patuloy na nagpapakita
ng matatag na pagbabagong
pampulitika, pangkabuhayan at
pangkultura.
 Napakaraming mahalagang ambag
ang asya sa kabihasnan ng daigdig.

Maraming Salamat John Lester, Iilan Opo!


lamang iyan sa mga dahilan kung
bakit marapat lamang na maging
interesado tayo sap ag aaral ng
konsepto ng Asya. Naintindihan ba?
Ngayon ay handa na ba kayong suriin Opo!
ang mga kaalaman hingil sa Konsepto
ng Asya? Alam mo ang mga sakop ng
Asya at kung saan ang angkop na
lokasyon ng kontinenteng ito?

Sa puntong ito ay unahin muna nating ETIMOLOHIYA NG HEOGRAPIYA


tukuyin kung ano ng aba ang  Nagmula sa (2) salitang Griyego *geo
heograpiya at kontinente. Maari bang (daigdig) at graphein (magsulat).
pakibasa Jemelyn?  Ito ay nangangahulugang
paglalarawan ng ibabaw o balat ng
lupa.

Maraming Salamat Jemelyn, sa


makatuwid ang heograpiya ay ang pag
aaral ng pag aaral ng mga katangiang
pisikal ng daigdig, ang pinagkukunang
yaman, klima, vegetation cover, at
aspektong pisikal ng populasyon nito.

Ano naman ang Kontinente? Paki basa


nga serene. KONTINENTE
 Ang tawag sa pinaka malaking masa o
debisyon ng lupain sa mundo.
Salamat! Sa makatuwid ang
kontinente ay ang masa na nagbibigay ANG ANIM NA KONTINENTE NG
ng debisyon sa mundo. Ngayon ay MUNDO.
suriin naman natin kung ano ano nga  North America
ba ang anim na kontinente ng mundo.  South America
Maari mo bang basahin phoebe?  Europe
 Africa
 Australia
 Asia

Salamat! Kapansin pansin naman sa


larawan na ang pinaka Malaki sa lahat
ng ito ay ang Asya.

Ang Asya ang pinka malaking


kontinente sa daigdig nagtataglay ito
Opo!
ng pinaka malaking potential upang
umunlad at maging isang
pakapangyahirang kontinente.
Naintindihan ba?

May sarili itong pinagmulan,


paniniwala, kasaysayan at tradisyon.
ASYA
Ngayon ay atin ngang alamin ang
 Ang Asya ay mula sa salitang Aegean
pinagmulan ng salitang “Asya” maari
na “asu” na nangangahulugang
mo bang paki basa benel?
“pagbubukang-liwayway” o “lugar na
sinisikatan ng araw”

Salamat! Susunod na slide maari bang


pakibasa mo ito John Vincent?  Mga Griyego ang unang gumamait ng
katawagang ito upang tukuyin ang
maliliit na rehiyong malapit sa Europa
na katabi lamang ng Asya.
Ngayon ay ating suriin at basahin ang
mga pangunahing kaalaman patungkol
sa Asya. Maari bang pakibasa mo ito
Sydney?

Salamat! Ngayon ay alamin naman


natin kung paano ng aba nagkaroon ng HEOGRAPO
terminong “Kanluiran at Silangan”.  Tawag sa mga nagpakadalubhasa sa
Maari bang pakibasa Anthony? pag- aaral ng heograpiya.
 Ang naghati sa daigdig sa dalawa: ang
silangan at ang kanluran.
Salamat! Sa makatuwid ang mga
heograpo ang sila ang nagbigay ng Opo!
termino o naghati sa daigdig sa
dalawa. Naintindihan ba?

Susunod na slide maari bang pakibasa


mo ito, Carlo? ORIENTE
 Mula sa slitang Latin na “oriens”, na
nangangahulugang “silangan” o lugar
na sinisikatan ng araw.

OKSIDENTE
 Mula sa salitang Latin na “accidente”
na nangangahulugang “kanliran” o
“lugar na nilulubugan ng araw”
Salamat, Carlo! Ang Asya ay nasa
silangan samantalang ang Europa at
Amerika naman ay nasa kanluran.
Dito din nagmula ang salitang
“Kanluranin” na tuimutukoy sa mga
taong mula sa Amerika at Europa.

Naintindihan ba?
Opo!
D. PAGLALAPAT
Ngayong naintindihan niyo ang ating
aralin sa araw na ito, maglabas kayo Opo!
ng Lapis at sagutan ang aking
hinandang gawain. Malinaw ba?

Maari mo bang pakibasa ang panuto,


Grace? Panuto: Isulat ang mga pangalan ng
kontinente sa kanilang nararapat na lokasyon.
Maari na kayong magsimula.

Tapos na ba ang lahat?

Pakipasa na ang inyong sagutang


papel paharap.

E. PAGLALAHAT
Mayroon pa ba kayong katanungan? Wala na po.

Kung lubos niyo ngang naunawaan Opo!


ang kabuoan ng tinalakay sa araw na
ito, meron lamang akong mga ilang
katanungan upang masigurado kong
mabuti kung kayo ay nakinig.
Malinaw ba?

Ano nga ba ang ating tinalakay sa Patungkol po sa Konsepto ng Asya.


araw na ito?

Mahusay! Ano-ano nga ba ulit ang Noth America, South America, Europe,
mga kontinente sa mundo? Africa, Austrilia at Asia.

Magaling!

Alin sa anim na kontinente ang pinaka Ang Asya po.


Malaki o malawak?

Mahusay! Ano naman ang tawag sa Heograpo po.


mga naghati sa ating daigdig?

Magaling! Batid kong kayong lahat ay


natuto sa ating talakayan ngayong
araw.

IV. PAGTATAYA “IWASTO NATIN”

ASU ASYA HEOGRAPIYA KONTINENTE SANGKATLO


Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang akmang termino o salita batay sa paglalarawan sa
pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong notebook.

___________1. Pag- aaral ng katangiang pisikal na paglalarawan sa mundo. (Heograpiya)

___________2. Ito ay ang salitang pinagmulan ng pangalan ng Asya. (Asu)

___________3. Pinaka malaking kupain sa mundo. (Kontinente)

___________4. Kabuuang sakop ng Asya sa kalupaan ng daigdig. (Sangkatlo)

___________5. Pinakamalaking kontinente sa mundo. (Asia)

Inihanda ni:

PRINCESS MAE G. BALLESTEROS

Student Teacher

You might also like