You are on page 1of 13

I.

Layunin
Sa loob ng 60 minutong pag-aaral ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya,
Hilagang Asya at Hilaga/Gitnang Asya.
B. Nakapangmumungkahi ng mga paraan kung paano nila matatanggap at
mapahahalagahan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kultura,
paniniwala, at pananampalataya ng bawat rehiyon sa Asya.
C. Nakabubuo ng isang tula na nagpapakita ng mga paniniwala at
pamumuhay ng mga Asyano.
II. Paksang Aralin
Paksa/Kaalaman : Ang Heograpiya ng Asya
Konsepto/Kakayahan : Ang Iba’t Ibang Rehiyon sa Asya

Pagpapahalaga : Pagkilala at pagtanggap sa


pagkakaiba at pagkakatulad ng mga bansa sa Asya Sanggunian:
Kagamitan:
1 Laptop, 1 Bluetooth Speaker, 1 Projector, 5 kopya ng Heograpiya sa Asya, 5
putting Kartolina, 5 itim na Pentel pen

III. Mga Gawain sa Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bilang balik-aral tayo ay maglalaro ng 4 pics
1 Word, kung saan inyong tutukuyin kung
anong bansa ang isinisilarawan ng mga litrato
sa bawat slide.
Handa na ba kayo?
Kung gayon, tayo’y magsimula na.
Ang unang slide ay tumutukoy sa anong Japan bansa?

Isinalarawan naman ng ikalawang slide ay Pilipinas ang


bansang?

Sa ikatlong slide ay ating makikita ang litrato


ng tatlong bidang lalaki sa pelikulang 3 idiots,

sa tingin ninyo anong bansa ang tinutukoy


rito? India
Ang bansang isinasalarawan sa ikaapat na
slide ay isa sa pinakamayamang bansa sa

mundo at ang pangunahing produkto nito ay


petrolyo. Ano kaya ito? Saudi Arabia

Sa huling slide na ito ay isinasalarawan


ang bansang nasa interseksyon ng Europa Georgia
at Asya. Ano ito?

2. Pagganyak
Mula sa mga bidyo na aking ipapanuod sainyo,
ilista ninyo sa isang papel ang mga nakita o
napansin niyong uri ng kapaligiran, kultura,
tradisyon, paniniwala, at pisikal na anyo ng
mga mamamayan sa bawat rehiyon sa Asya.

Bidyo

1:
Gitna/Hilagang Asya
Ano ang inyong napansin sa rehiyon ng Gitna Batay po sa mga
o Hilaganag Asya? impormasyon na aking
nakalap mula sa bidyo,
marami pong bansa sa
Gitnang Asya ang may
pananampalatayang Islam.
Bukod po dito, ang klima na
kanilang nararanasan ay
halos tag-lamig.
Mahusay! Ngayon ay ating panuorin ang bidyo
tungkol sa Silangang Asya.

Bidyo 2: Silangang Asya


Meron bang maaaring magbahagi ng kanyang Ako po ma’am
nakita sa bidyo?
Ano ang iyong napansin? Napansin ko po na karamihan
sa mga tao sa Silangang Asya
ay singkit ang mga mata.
Nakakaranas rin po sila ng
tag-init at taglamig.
Tama, maraming Salamat sa iyong
pagbabahagi. Atin namang panuorin ang
bidyo tungkol sa rehiyon kung saan kabilang
ang ating bansa, ang Timog -Silangang Asya.

Bidyo 3: Timog - Silangang Asya


Ano ang iyong napansin sa rehiyon ng Timog Karamihan po sa mga bansa
– Silangang Asya? sa Timog – Silangang Asya ay
Magaling! Ngayon atin namang bigyang pansin ang rehiyon ng Timog Asya.
maraming puno, bundok at karagatan. Ang mga tao naman po ay may kayumanggi ang
balat at hindi ganon kataasan.
niyo tungkol Ang Timog Asya po ay may
may iba’t ibang paniniwala o
relihiyon isa na po rito ay ang
Hinduismo at Islam.
iyong
ra sa
ang mga
ya.

mog – Ang mga bansa sa Timog –


Kanlurang Asya ay
napapaligiran ng disyerto. Sila
rin po ay nakakaranas ng
matinding tag – init.
mahusay
asyon at
na inyong

.
dyo ay tutungo (hahatiin ang grupo sa
Ang pamamagitan ng pagbibilang
bahagi ng mula 1 hanggang 5)
ng pangkat.
g mga
o sa iisang
Bago kayo magsimula sa inyong gawain, (Bibigyan ng tig-iisang kartolina,
bibigyan ko ang bawat pangkat ng isang pentel pen, at kopya
kopya ng babasahin tungkol sa Heograpiya ng babasahin ang bawat sa Asya. Bukod dito
makakatanggap rin grupo)
kayo ng tig – iisang kartolinang puti at pentel pen.
Tingnan ninyo ang pahina 35 hanggang 37.
Mayroong limang bahagi ng Asya na nariyan. Basahin niyo ang
mga bahagi na iiatas sa inyong pangkat.

Ang unang pangkat ay tatalakayin ang


Hilagang Asya, ikalawang pangkat para sa
Kanlurang Asya, pangatlong pangkat para sa
Timog Asya, ikaapat na pangkat sa Silangang Asya, at
ikalawang pangkat para sa Timog-Silangang Asya.

Ang bawat pangkat ay kailanagan gumawa ng isang tsart kung


saan itatala niyo ang mga datos ayon sa kinaroroonan, hugis,
sukat, anyo at klima ng bahagi ng Asyang napunta sa inyo.
Kayo ay bibigyan ko ng labing limang minuto upang matapos
ang inyong gawain.

May katanungan ba? Wala po!


Kung gayon atin nang simulan ang pangkatang (mag-uumpisa nang tukuyin
gawain. ng mga mag-aaral ang
iba’tibang katangiang pisikal
ng bahagi ng Asyang
napunta sa kanilang pangkat)
(Natapos ang takdang oras)
2. Pagtalakay
Ngayong natapos na ang takdang oras ay (Magtatalakay ang unang
dumako na tayo sa ating talakayan. Unahin pangkat)
natin ang ang unang pangkat na ibabahagi Ang bahagi ng Asya na
ang tungkol sa katangiang pisikal ng Hilagang napunta sa amin ay ang
Asya. Hilagang Asya. Ang Hilagang
Asya ay humahati sa
kontinente ng Europa at Asya.
Ang rehiyong ito ay may
pinakamahabang panahon ng
taglamig kung kaya hindi
kayang tumubo sa kalakhang
bahagi nito ang mga
punongkahoy. Sa ibang
bahagi nito ay malalawak ang
mga damuhan na may
iba’tibang anyo gaya ng ng
steppe, prairie, at savanna.
Ang mga puno rito ay
kadalasang coniferous
bunsod ng malamig na
klimang namamalagi sa rehiyong ito.
Mahusay! Ngayon naman pakinggan namanAng bahaging napunta sa
natin ang ikalawang pangkat. amin ay ang Kanlurang Asya.
Mabuhangin at mabato ang
karaniwang lugar dito. Ang init
sa rehiyong ito ay
nagreresulta sa pagkatuyo ng
mga ilog at lawa rito. Wala ring
masyadong ulang
nararanasan ang bahaging ito
ng Asya. Nahahati sa tatlong
rehiyong pisikal ang
Kanlurang Asya. Ang Northern
Tier kung saan lupain ng
kabundukan at talampas,
Arabian Peninsula na isang
malawak na tangwa na
pinaliligiran ng iba’t-ibang
anyong tubig ngunit salat sa
tubig dahil disyerto ang
malaking bahagi nito, at
Fertile Crescent na
nagtataglay naman ng
matabang lupa at saganang
suplay sa tubig.
Magaling ang ikalawang pangkat. Pakinggan
naman natin ang ilalahad ng ikatlong grupo.
Natapat po sa amin ang
bahagi ng Timog Asya. Sa
bahagi ng Timog Asya ay
may anyong hugis tatsulok.
Ang Timog Asya ay may
hangganang Indian Ocean sa
Timog at Kabundukan ng
Himalayas sa hilaga.
Mabundok sa bahagi ng
Timog Asya. Makikita ang mga
hanay ng bundok ng Hindu
Kush sa Afghanistan,
Karakoram Range sa
Pakistan at China, at
Himalayas sa Nepal. Ang
Indus, Ganges, at
Brahmaputra na ilan sa
malalaking ilog sa daigdig ay
matatagpuan sa Timog Asya.
Mainit sa rehiyong ito maliban
sa mga kabundukan na
nananatiling malamig dahil sa
niyebe o yelo.
Mahusay ang ikatlong pangkat, nailahad
ng mabuti ang mga impormasyon.
Pumunta naman tayo ngayon sa ikaapat
na pangkat.
Napunta po sa amin ang
bahagi ng Silangang Asya.
Malaking bahagi ng kalupaan
ng Asya ay sakop ng
Silangang Asya partikular
na ang Tsina na sumasakop
sa 20% sukat na kontinente.
Nasa Silangan nito ang Pacific
Ocean. Matataba ang mga
kapatagan dito, malalalim ang
mga lambak at matataas ang
mga bundok. Ang mga ilog ng
Huang Ho, Yangtze, at Xi
Jiang ay ang tatlong
pinakamahahalagang ilog sa
pamumuhay ng mga Tsino
dahil sa nagpapataba ito ng
mga lupain at ginagamit na
ruta para sa
pakikipagkalakalan.
Samantala, sa pamamagitan
ng Sea of Japan at Korean
Strait, ang bansang Japan ay
nahihiwalay sa mismong
lupain ng Silangang Asya.
Nasa maliit na bahagi lamang
ng bansa ang malaking bahagi
ng populasyon sapagkat
mahigit 80% ng lupain ng
Japan ay kabundukan.
Mahusay para sa ikaapat na pangkat, naibigay
mila ang lahat ng dapat na paksa.
Pakinggan naman natin ang huling pangkat.
Ang huling bahagi naman ng
Asya ay ang aming
tatalakayin, Ang
TimogSilangang Asya. Sa
kahabaan ng Timog-Silangang
Asya ay makikita sa timog ang
China at Japan. Ang India
naman ay nasa Kanluran nito
at Pacific Ocean naman sa
silangang bahagi. Magubat na
kabundukan ang matatagpuan
sa hilaga ng rehiyon
samantalanag lambak-ilog
naman sa timog. Nauuri sa
dalawang rehiyon ang Timog-
Silangang Asya; Ang
3. Paglalahat
Upang lagumin ang ating naging talakayan
sa araw na ito, ako ay may ibibigay sa
inyong katanungan na inyong sasagutin.
Unang tanong, ano ang natutuhan niyo Natutuhan ko po ang iba’t
sa talakayan natin ngayong araw at ano ibang katangiang pisikal
ang kahalagahan nito? ng bawat rehiyon sa Asya.
Mahusay para sa huling pangkat! Palakpakan ang inyong
mga sarili dahil naging mahusay ang inyong paglalahad.
Pangkontinenteng TimogSilangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na
nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang mga kabundukan at talampas
mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng China ang naghihiwalay sa bahaging
ito ng Timog-Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang Pangkapuluang TimogSilangang
Asya o Insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa
karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia at East Timor. Ang ilan sa
kapuluuang ito ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire dahil hitik sa mga bulkan ang
lugar na ito at maaring magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.

Ikalawang tanong, paano mo gagamitin ang iyong ng pamumuhay at paniniwala ng


mga natutuhan upang matulungang maliwanagan ating mga kapwa Asyano.
ang ibang tao? Ang aking natutuhan ay maaari
Mahalaga po na matutunan ito dahil bilang tayo ay kong ibahagi sa iba nang sag anon
kasapi sa Asya, magkakaroon tayo ng malawak na magkaroon sila ng mas malawak na
pang-unawa sa mga karatig na bansa at kaalaman ukol sa iba’t ibang bansa
matutuhang bigyang paggalang at respeto ang uri sa Asya na hindi lamang bumabase
sa kung
ano ang kanilang naririnig sa
iba.
Magaling klase! Natutuwa akong malaman (papalakpak) na
mayroon kayong natutuhan ngayong araw na ito.
Palakpakan niyo ang bawat-isa.
Diyan na nagtatapos ang ating talakayan.
Ngayon tayo ay dadako sa ating pangwakas na
gawain.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pangkatang Gawain
Ngayon naman para sa ating pangwakas
na gawain, atin muling gagamitin ang
limang pangkat natin kanina.
Maaari ba kayong pumwesto sa inyong Opo!
pangkatan kanina?
(ang klase ay pupunta sa
kanilang mga pangkat)
Ayan! Ngayon naman sa loob ng limang
minuto, kayo ay inaasahang makagawa ng
maikling chant patungkol sa iba't ibang
rehiyon na inyong natutunan ngayong araw.
At ang sampung minuto naman ay ilalaan
para sa pagpresinta ng bawat grupo sa
kanilang mga gawa sa ating klase.
Handa na ba kayo? Opo!
Kung gayon, maaari na kayo magsimula. (Ang mga pangkat ay
nagsimula ng bumuo
ng chant)
(matapos ang limang minuto)
Ngayon ating simulan na ang presentasyon
ng bawat pangkat.
(ang unang pangkat ay
magpepresenta ng
kanilang gawa)
Mahusay, unang pangkat. Dumako naman tayo
sa ikalawang pangkat.
(ang ikalawang pangkat ay
magpepresenta ng
kanilang gawa)
Magaling, ikalawang pangkat! Susunod na
ang ikatlong pangkat.
(ang ikatlong pangkat ay
magpepresenta ng
kanilang gawa)
Sa ating Maraming salamat sa inyong
malikhaing pagkakagawa. Sunod na
ang ikaapat na pangkat.
(ang ikaapat na pangkat ay
magpepresenta ng kanilang
gawa)
Magaling. At ngayon naman, ang huli,
ikalimang pangkat.
(ang ikalimang pangkat ay
magpepresenta ng kanilang
gawa)
Mahusay, ikalimang pangkat! Palakpakan (palakpakan)
ninyo ang inyong mga sarili mula sa
malikhain ninyong mga presentasyon.
2. Indibidwal na Gawain
Para sa indibidwal na gawain, magbibigay Isa sa mga bansa sa Asya ay
ako sa inyo ng kopya ng mapa ng Asya. syempre, ang ating bansa,
Kayo ay kailangang pumili ng dalawa ang Pilipinas. Alam naman
hanggang tatlong bansa mula rito. Ipaliwanag nating lahat na ang Pilipinas
sa inyong sagutang papel ang mga ay may mayaman na
tradisyon. May Ilokano, mga
impormasyon tungkol sa mga bansa sa Asya
Cebuano, Pangasinense,
na nakuha ninyo mula sa ating aralin
Tagalog at iba pa. Ang mga
ngayong araw. Bigyang pansin ang kanilang pangkat na ito ay isa lamang
pagkakaiba at pagkakapareho sa kanilang sa mga patunay na tayo ay
kultura, mamamayan, paniniwala at iba pa. may mayaman na kultura.
Likas din sa ating mga Pilipino
ang pagiging masayahin.
Ang Japan ay isa sa mga
bansa sa Asya. Malapit ito sa
ating bansa. Tayong mga
Pilipino ay may nakuhang
kultura na mula sa kanila dahil
tayo ay nasakop ng mga
Hapones noon. Mayaman din
ang kanilang kultura at talaga
namang iniingatan nila ito.
Ngayon klase ay maaari na ninyong ipasa (pangongolekta ng guro ng
ang inyong mga gawa. gawa ng klase)
Nawa ay may natutunan kayo mula sa ating Opo ma'am!
aralin ngayon araw na ito.
3. Real – life Activity
pangwakas na gawain, aking hinihikayat ang bawat ano ang mga (nagtipon ang
isa na makipagkwentuhan sa inyong mga kamagaral. buong klase base sa kanilang
Alamin ninyo ang mga nakagawian o tradisyon na mga gustong makausap)
mayroon kayo. Halimbawa, ang inyo bang mga
magulang ay Ilokano o Cebuano? Kung ganoon, ano-
tradisyon ninyo sa inyong probinsya? Kayo ba
ay may pagkakapareho o pagkakaiba? At
ibahagi ito sa bawat isa. Sa ganitong paraan,
makikilala rin natin ang pinagmulan ng bawat
isa dito sa ating klase. Pagkatapos, ang may
gustong magbahagi ay maaaring magtaas ng
kamay.
Klase, siguraduhin na hindi ganoon kalakas Opo ma'am!
ang inyong mga boses upang hindi tayo
makaistorbo sa ibang nagkaklase. Maliwanag
ba?
(matapos ang sampung minuto)
Magtaas lamang ng kamay ang may (nagtaas ng kamay ang mga
gustong magbahagi ng kaniyang mga estudyanteng gustong
natuklasan sa kanyang mga kamag-aral o sumagot)
kaibigan.
Nalaman ko po na kami ng
aking mga kaibigan ay may
iba't ibang mga tradisyon sa
aming pamilya. May iba po sa
amin na mapamahiin. Ngunit
sa kabila po ng pagkakaiba
namin, natutuwa po ako na
kami pa rin po ay
magkakaibigan.
Magaling. Sino pa ang nais magbahagi? Kami po, napansin po namin
na mas marami po kaming
pagkakapareha dahil
parepareho po kaming dito sa
maynila lumaki. Kaya parang
maiuugnay ko rin po ito sa
mga bansa sa Asya na may
magkakapareha ng katangian.
Mahusay klase! Natutuwa naman ako at may Maraming salamat din po
natutunan kayo mula sa ating mga tinalakay ma'am!
ngayong araw. Maraming salamat sa inyong
partisipasyon.
IV. Pagtataya
A. Sagutin ang mga katanungan base sa mga impormasyon na nalaman mula sa
klase.
1. Ano-ano ang mga impormasyon na nalaman mo mula sa iba’t-ibang rehiyon
sa Asya? Paki-lista ang mga nalaman kada rehiyon sa Asya.
2. Anong rehiyon sa Asya ang pumukaw sa iyong interes?
3. Bakit mo napili ang rehiyon na iyong napili?
4. Bakit mahalaga na malaman ang mga iba’t-ibang kaalaman sa iba’-ibang
bansa sa Asya?
5. Paano mo magagamit ang natutunan mo upang maging mas konektibo at
mapagkasundo ang pagkakaiba-iba ng mga bansa sa Asya?
6. Anong pakiramdam na nadagdagan at napalawak ang mga kaalaman tungkol
sa Asya?
B. Pag-uulat ng Sariling Pagtataya
Gumuhit ng isang emoji na magpapakita o magsasalarawan ng iyong
naramdaman o karanasan sa naging talakayan ngayong araw. Maaari ring
magbigay ng paliwanag ukol rito, at maging ng suhestiyon para sa susunod na
talakayan.
V. Takdang Aralin/Kasunduan
Lumikha ng isang malayang tula batay sa bansang napili mula sa Asya. Ibahagi ang
iyong saloobin ukol sa uri ng paniniwala, pamumuhay at kulturang tinataglay nito.
Maging malikhain sa pagsulat ng tula.

You might also like