You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF GUIMARAS
CABALAGNAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

Grade &Section Petsa:

I.LAYUNIN
a.Naipapaliliwanag ang konsepto ng Heograpiya.
b. Naitala ang saklaw nap ag-aaral ng Heograpiya.

II. Nilalaman
Likas na Yaman

III.Kagamitan

IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
Pagbati
Panalangin
Pagpaalala ng “Classroom health and safety protocols”
Pagkuha ng attendance

A. AKTIBITI
Gawain: Subukan mo akong buoin
Panuto: Sa gawaing ito ay susubukan mong makabuo ng isang salita sa pamamagitan ng pag-aayos
ng mga letra. Ang mga salitang iyong mabubuo ay may kaugnay sa konsepto ng Heograpiya

ISKLAIP

ATKINGANA
LAAAGPRA

DDIIGGA

OMUDN
Dugtungan ang salitang nasa kahon upang makabuo ng konsepto ng heograpiya.
Ang Heograpiya ay ____________________________________________________________.

B. ANALISIS
Gamit ang PPT ng guro at modyul ng mga mag-aaral na nasa pahina 9-11, unawain ang tungkol sa
kinaroroonan, lokasyon, at paghahating pangrehiyon ng Asya.Pagkatapos ay sasagutin ng mga mag-
aaral ang mga pamprosesong tanong:
1. Batay sa talahanayan at pie graph, ano ang pinakamalaking kontinente sa ating daigdig?
2. Batay sa teksto ilang rehiyon ang bumubuo sa asya?Ano- ano ang mga rehiyong ito?
3. Paano hinati ang asya sa ibat ibang rehiyon?Ano-ano ang batayang isinaalang-alang sa paghating
ito?

C. ABSTRAKSYON
Punuan Mo Ako!
Panuto: Isulat mo sa concept organizer ang mga konseptong pinag-aralan sa Heograpiya.Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Ang mga saklaw ng pag-aaral ng Heograpiya ay_______________________________.

D. APLIKASYON
Halika, Sulat Tayo!
Panuto:Sumulat ng isang repleksiyon ng inyong natutunan sa paghahating heograpiko sa asya mula sa
iba’t ibang rehiyon.Ilahad ang iyong mga saloobin at ideya tungkol sa kahalagahan ng paghahating
heograpiko ng mga rehiyon sa Asya.
Gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka na makikita sa kahon.Gawin ito sa inyong sagutang
papel.
IV. E B A L W A S Y O N
Panuto :
Fact o Bluff
Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap kung ito ay TAMA o MALI tungkol sa
paghahating heograpikal ng Asya. Isulat ang FACT kung ang pahayag ay TAMA at BLUFF
kung ang pahayag ay MALI. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon.
2. Ang Hilagang Asya, Timog-Silangang Asya, Silangang Asya, Timog Asya at
Kanlurang Asya ang mga rehiyong bumubuo sa Asya.
3. Ang bansang Pilipinas, Thailand, Vietnam at Myanmar ay matatagpuan sa rehiyon ng
Silangang Asya.
4. Ang Timog-Silangang Asya ay binansagang Farther India at Little China dahil sa
impluwensiya ng mga nasabing bansa sa rehiyong ito.
5. Ang Hilagang Asya ay kilala rin sa katawagang Central Asia o Inner Asia.
V. KASUNDUAN
Basahin ang pahina 10-11 ng modyul at pag-aralan ang sumusunod na paksa.

Prepared By:

JANINE G. DULACA
LSB

You might also like