You are on page 1of 24

Grade 7

AralingPanlipunan
Unang Markahan
PaunangSalita
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mgabahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahagingito, malalamanmo ang
mgadapatmongmatutuhansamodyul.

Alamin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuhamo ang lahat ng tamang sagot
Subukin (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
Tuklasin suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
Suriin konsepto at mgakasanayan.
Binubuoito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mgakasanayan sa
Pagyamanin paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
Pagyamanin paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

i
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
Isaisip natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
Isagawa realidad ng buhay.
Ito ay gawain nanaglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Tayahin
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Karagdagang Gawain aralin.

Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalaang paalala sa paggamit ng modyulnaito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sapag-wawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o taga-pagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakalingikaw ay mahirap ang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapag daloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatandasaiyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ii
Modyu 1: Heograpiya ng Asya

Alamin

Isinasagawa ang modyul na ito upang makatutulong sa iyo bilang isang


mag-aaral na handang maipagmamalaki at maitataguyod ang pagiging Asyano.
Sa pag-aaral ng Araling Asyano, mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng
heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano (Asya
noon, ngayon at sa hinaharap).

Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na geo


daigdig at graphein magsulat. Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng
ibabaw o balat ng lupa at ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran. (Project
EASE)

Sa Asyanong pananaw, tatalakayin natin ang lokasyon, hangganan at


pagkahati-hati ng mga rehiyon sa Asya.

Ito ang araling inihanda para sa inyo.

Aralin 1 – Ang Katangiang Pisikal ng Asya

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang malilinang mo


ang mga sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Timog- Kanlurang
Asya at Hilagang Asya;
2. Natutukoy sa mapa ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano;
3. Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano;
4. Nakakagawa ng isang tula na magpapahayag ng kagandahan ng
katangiang pisikal ng Asya.

Handa ka na ba? Ngayon ay subukan mong sagutin ang mga sumusunod


na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. Kaya mo iyan, may mga
tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
2. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
3. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
4. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog
Silangan at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona
ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong
pisikal, historical, at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga
at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang
historikal, kultural, agrikultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos
pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao
rito.
5. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika

6. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.


a. 3 c. 5
b. 4 d. 6

2
7. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog
Silangang Asya maliban sa isa;
a. Pilipinas c. Indonesia
b. Saudi Arabia d. Malaysia
8. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
a. Kapuluan c. Kalupaan
b. Kabundukan d. Kontinente
Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na mga tanong.

9. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan


at interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay
pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.

3
10. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang
na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya
ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at
maigsi ang tag-init. Ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang
Asya?
a. Ang mga rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at
tag-ulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng
rehiyon na nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa
rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal
ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa
anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa
mga tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na
may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
12. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng
Bulubunduking Ural hanggang sa baybayin ng karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko
13. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ____________.
a. Kabundukan c. Peninsula
b. Lambak d. Talampas
14. Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa____________.
a. Bundok c. Ilog
b. Dagat d. Talon
15. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng
anyong lupa at anyong tubig.
a. Demograpiya c. Pilosopiya
b. Heograpiya d. Topograpiya

4
Aralin
Katangiang Pisikal ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Tinatawag na


kontinente ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo. Iba’t ibang
kaanyuang pisikal ang matatagpuan sa Asya kagaya ng kinaroroonan, sukat
at hugis, mga anyong lupa at anyong tubig.

Balikan

GAWAIN 1: PAGSUSURI SA MAPA

Panuto: Pag-aralang mabuti ang mapa ng daigdig at sagutan ang mga


katanungan sa ibaba.

1. Ano ang Kontinente?


2. Anu-ano ang mga kontinente sa mundo?
3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
4. Saang kontinente nabibilang ang mga Asyano?

5
Tuklasin

GAWAIN 2: KONSEPTONG NAIS KO, HULAAN MO, GAME KA NA BA?

Panuto: Tukuyin ang konspetong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno


ng wastong letra sa loob ng kahon.

Dito Magsimula:

KONSEPTO

DISKRIPSYON
1. Bigkis o pagtutulungan para sa
kapwa kapakinabangan
2. Ang pangunahing tagalinang ng
1. U _ N _ y _ N kapaligiran para sa kanyang
kabuhayan at pagtugon sa
2. _ A _ pangangailangan.
3._ A P _ L _ G _ _ A 3. Kalikasan, ang ekolohikal na
komposisyon ng daigdig.
N 4. Maunlad na yugto ng kulturang
4. K _ B _ H A _ N _ _ panlipunan,moral at kultural
5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng
5. _ E O G _ A _ I Y _ mundo.
6. S_ N _U _ A 6. Katutubo o tagapagsimula.
7. Pag-unawa at paghanga sa
7. K _ L T _ R _ L sining,kaugalian,paniniwala,
8. _O N _ I N _N T_ gawaingpanlipunan,edukasyon,
relihiyon at siyentipiko.
9. A- _ Y _ 8. Ang malaking masa ng lupain sa
10. P _ S _ K _ L mundo.
9. Ang pinakamalaking kontinente sa
sukat at sa populasyon.
10. Katangiang nakikita at
nahahawakan.

6
GAWAIN 3: PAGBUO NG ISANG KONSEPTO GAMIT ANG OVAL
CALLOUT

Panuto: Bumuo ng isang konspeto tungkol sa kahalagahan ng kapaligiran sa


tao sa pamamagitan ng pagsama-sama ng lima (5) o higit pang salita at isulat
sa loob ng oval-call out. Gawin ito sa kuwarderno.

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
___________________________

Halimbawa: Ang KABIHASNAN ng KONTINENTE ng ASYA ay bunsod ng


UGNAYAN ng PISIKAL na KAPALIGIRAN nito at ng TAO.

GAWAIN 4 : PICTURE PARADE


Panuto: Mula sa mga larawan, tukuyin kung alin ang anyong lupa at anyong
tubig. Isulat sa talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.

Mga Anyong Lupa Mga Anyong Tubig


Caspian Sea Fertile Crescent

1. 1.
Lake Baikal Ilog Huang Ho 2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Banawe Rice Terraces Mt. Everest

Khyber Pass Borneo Rainforest

7
Suriin

GAWAIN 5: MAGBASA PARA MATUTO

Panuto: Tunghayan ang isang teksto tungkol sa kinaroroonan, sukat at hugis,


mga anyong lupa at anyong tubig ng Asya.

Kinaroroonan
Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng
Kabundukang Ural hanggang sa baybayin ng Karagatang Arctic at tuloy-tuloy
sa kipot Bering. Sa Silingan, ang hangganan ay mula Kipot Bering patungong
karagatang Pasipiko, kasama ang Hapon at Taiwan. Sa Timog, nakapaligid
ang Dagat Timor hanggang karagatang Indian at Dagat Arabia. Sa kanluran
naman ang mga hangganan ay ang Dagat Arabia papuntang Dagat
Mediterranean, tuloy-tuloy sa Dagat Aegean, Kipot Dardanelles at Bosporus,
Black Sea at Bundok Caucasus hanggang Kabundukang Ural.

8
Mapapansin dingnapalilibutan ng mga anyong-tubig ang kontinente ng
Asya. Sa Hiliga matatagpuan ang karagatang Arktiko, sa Silangan ay ang
karagatang Pasipiko, sa Timog ay ang karagatang Indian at sa kanluran ay
ang Red Sea, Mediterranean Sea, Black Sea, Caspian Sea at Kabundukan
ng Ural. (Project Ease)

Sukat at Hugis
Ang sukat ng Asya ay umaabot sa 44,339, 000 kilometrong kwadrado,
kasama ang mga pulo nito. Sumasakop ito ng ikatlong bahagi ng kapuluan ng
daigdig. Kung ihahambing ang laki nito sa ibang kontinente, katumbas ng
Asya ang pinagsamang sukat ng hilaga at timog Amerika, kasama ang
Australia, at mahigit pa sa apat na beses na laki ng Europa. (Project EASE)

Mga Anyong Lupa


Mga anyong lupa sa kontinente ng Asya tulad ng mga bundok, bulkan,
talampas, kapatagan, lambak, disyerto, kapuluan at tangway.
Ang Bundok Everest ang pinakamataas na bundok sa mundo na nasa
hanay ng kabundukan ng Himalaya. Ang Mount Fuji ang pinakatanyag na
bundok sa Japan. Sa Pilipinas naman, ipinagmamalaki ang Mayon at ang
Taal ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig. Sa Indonesia naman ay ang
bulkang Krakatoa.
Ang Tibet ang pinakamalaking talampas sa daigdig. Dito nagmumula
ang malalaking ilog sa Silangang Asya. Nasa India naman ang malaking
talampas Deccan.
Matatagpuan ang malaking kapatagan ng Indus Ganges sa hilaga ng
India. Ang lambak ng mga Ilog Huang Ho, Yangtze at Amur sa Tsina ay
may haba na 2,880 kilometro. Malawak din ang mga lambak ng mga Ilog
Mekong sa Indotsina, Ilog Chao Phraya sa Thailand, Ilog Irrawoaddy at
Salween sa Myanmar. Sa Pilipinas naman, pinaka malawak ang kapatagan
ng Gitnang Luzon at Koronadal sa Mindanao.

9
Isa ring pisikal na kaanyuan sa Asya ang mga disyerto. Nasa Tsina
ang 1,440 kilometrong Takla Makam at ang disyerto ng Gobi. May disyerto
rin sa Arabia, Iran, Iraq at India. Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan
sa daigdig na binubuo ng 13,000 mga pulo. Ang hapon ay isa ring kapuluan.
Ang tangway ay bahagi ng kapuluang nakausli sa karagatan. Halimbawa nito
ang mga tangway ng India, Indonesia, Saudi Arabia at Malaysia. Dahil sa laki
itinuturing ng ibang mamumulat na isang sub-kontinente ang India.

Mga Anyong Tubig


May mga anyong tubig din sa kontinente ng Asya tulad ng mga
karagatan at dagat, ilog, lawa, golpo at look.
Maliban sa karagatang Atlantiko ang tatlong karagatan sa daigdig ay
nakapalibot sa Asya. Ang mga ito ay ang mga karagatang Pasipiko sa
Silangang Asya, Karagatang Indian sa Timog, at ang Arktiko sa Hilaga.
Ilang dagat naman ang matatagpuan sa rehiyon. Ang Timog Dagat
Tsina, ang pinakamalaking dagat sa Asya ay napapaligiran ng Vietnam,
Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Ang Dagat Meditrranean, pangalawa sa
pinakamalaking dagat sa Asya, Aprika at Europa.
Ang Dagat Bering ay nasa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika. Ang
Dagat Okhotsk ay nasa hilaga ng Hapon at silangan ng Rusya. Ang
Silangang dagat Tsina ay nasa silangan ng Tsina. Nasa pagitan ng Turkey at
Rusya ang Black Sea at nasa pagitan ng Saudi Arabia at baybayin ng Aprika
ang Red Sea. Nasa dulo ng Red Sea ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong
sa Asya at mahabang ruta sa Asya sa halip na umikot pa sa katimugang dulo
ng Aprika.
Maraming ilog sa Asya. Ang mga Ilog Lema at Ob at nagsisimula sa
kabundukan, umaayos sa Rusya Dumadaloy sa India, Pakistan at
Bangladesh ang mga Ilog Indus, Ganges at Brahmaputra. Ang Huang Ho o
Yellow River, Ilog Yantze at Ilog Amur ang malaking Ilog sa Tsina. Ang Ilog
Yangtze ang pinakamahaba sa Asya at umaabot ito sa 5,590 kilometro.

10
Mula sa talampas Tibet, may ilang ilog sa Timog-Silangang Asya. Ang
Ilog Mekong na may habang 4,166 kilometro ay dumadaloy sa tangway ng
Indonesia hanggang Timog Tsina, ang ilog Chao Phraya sa Thailand, ang
mga ilog Irrawaddy at Salween sa Myanmar ang tumutuloy sa Dagat
Andaman. Sa Pilipinas, ang Ilog Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki sa
Korea, pianamalaki naman ang Ilog Yalu. Ang mga ilog naman sa Kanlurang
Asya ay ang Tigris-Euphrates at Jordan.
Sa lawa, pinakamalaki ang lawang Ural sa Hilagang Asya at Rusya na
may sukat na 64,740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa Gitnang Asya ay
ay ang Balkash at Baikal. tinaguriang Lawang Asin dahil sa tindi ng alat ng
tubig. Ang pampang ng lawa ay pinagkukunan ng asin sa Timog-Silangang
Asya, ang lawa ng Laguna de Bay sa Pilipinas ay malaking anyo ng tubig-
tabang.
Isa sa mga mahalagang golpo sa Asya ay ang Golpo ng Persia na
dinaraanan ng mga tanker ng langis. Malaki rin ang Golpo ng Siam at Golpo
ng Tankin, Golpo ngLingayen at Golpong Davao ang pinakamalaking
golpo.
Sa mga look naman, ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon.
Ang look ng Maynila sa Pilipinas ay isang likas na daugan sa daig-dig ang
North at South Harbor. (Project EASE)

11
GAWAIN 6: PAGTAPAT-TAPAT

Panuto: Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat sa sagutang
papel.

HANAY A HANAY B
1. Ang pinakatanyag na bundok sa
Japan.
2. Ang pinakamalaking kapuluan sa
daigdig na binubuo ng 13,000 mga
pulo.
A. Deccan
3. Ang pinakamataas ng bundok sa B. Mt. Everest
mundo. C. Indonesia
4. Bahagi ng kapuluang nakausli sa
karagatan. D. Krakatoa
5. Ang pinakamaliit na talampas sa E. Mt. Fuji
daigdig.
6. Ang pinakamaliit na bulkan sa F. Pilipinas
daigdig. G. Tangway
7. Bulkang matatagpuan sa
Indonesia. H. Taal
8. Malaking Talampas sa India. I. Tibet
9. Bansang matatagpuan ang
disyertong Takla Makan at Gabi. J. Tsina
10. Bansang matatagpuan ang
pinakamalawak na kapatagan ng
Gitnang Luzon.

GAWAIN 7: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN


Panuto: Mula sa binasang teksto, punan ang talahangyan ng mga halimbawa
ng mga sumusunod na anyong tubig.

Anyong Tubig Mga Halimbawa

1. Karagatan 1. ____________, ___________,


__________
2. Dagat 2. ____________, ___________,
__________
3. Ilog 3. ____________, ___________,
__________
4. Lawa 4. ____________, ___________,
__________
5. Golpo 5. ____________, ___________,
__________

12
Pagyamanin

GAWAIN 8: MAPA-SURI
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng Asya at alamin ang mga bansang
kinabibilangan ng bawat rehiyon:

Mga Rehiyon sa Asya

Hilagang/ Silangang
Gitnang Asya
Asya Tsina
Japan
Kazakstan Mongolia
Kyrgyztan North Korea
Tajikistan South Korea
Uzbekistan Taiwan
Turkmenistan (Republic of
China)

Timog
Kanlurang
Asya
Afghanistan
Armenia Timog
Azerbaijan Silangang
Bahrain Asya
Brunei
Cyprus Darussalam
Georgia Cambodia
Iran Indonesia
Iraq Laos
Israel Timog Asya Malaysia
Jordan India Myanmar
Kuwait Pakistan Pilipinas
Lebanon Bangladesh Singapore
Oman Bhutan Thailand
Saudi Nepal Timor-Leste
Arabia Maldives Vietnam
Syria Sri Lanka
Turkey
UAE
Yemen

13
GAWAIN 9: SAAN AKO NABIBILANG?
Panuto: Itala sa kahon ang mga bansa batay sa kanilang rehiyong
kinabibilangan.

Hilagang Kanlurang Timog Asya Silangang Timog


Asya/Gitnang Asya Asya Silangang
Asya Asya
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ___________ ____________
____________

14
Gawain 10 : MAPA Hanapin Mo Ako! Kaya Mo!

Panuto: Gamit ang blankong mapa ng Asya, pangalanan ang mga bansa nito
na nasa bawat numero. Nasa loob ng kahon ang pagpipilian.

15
5

8 10
1
7

9
2

12 4
3

14
11
13

Russsia China Philippines Maldives Indonesia

Oman Mongolia Iran India Japan

South Korea Taiwan Pakistan Oman Sri Lanka

15
Isa-isip

Ang heograpiya ay may malaking papel na ginampanan sa


pamumuhay ng mga tao saang dako ng mundo.

Nagkaroon ng mga pagkakaiba sa pamumuhay ng mga tao sa Asya


dahil sa katangiang pisikal ng bawat rehiyon nito. Ang klima ay isang
mahalagang salik na makakaapekto sa bahay at pamumuhay ng mga Asyano
dulot ng mga pagbabago nito.

GAWAIN 11: SURIIN MO AKO!Panuto: Suriin ang ugnayan ng heograpiya sa


pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa bawat rehiyon sa Asya gamit
ang Cause-Effect-Evidence o CEE Chart.

Halimbawa:
E
D Bansa o rehiyon na E Pangingisda ang isa B Ang mga bansang
A P I
H napapaligiran ng E sa mga ikinabubuhay D
E
tulad ng Pilipinas,
I katubigan K ng mga tao. N
S
Indonesia, Japan,
L T
A O
I
Y Malaysia.
A
N

.
E
D Bansa o rehiyon na E B
A P I
H may malawak na E D
E
I kapatagan K N
S
L T I
Y
A O A
N

E
D Bansa o rehiyon na E B
A P I
H may malawak na E
D
E
I kagubatan. K N
S
L T I
Y
A O A
N

E
D Bansa o rehiyon na E B
A P I
H may malawak na E D
E
I disyerto K N
S
L T I
Y
A O A
N

16
Isagawa

GAWAIN 12: KAYA KO TO!

Kung ikaw ay isang turista na nais maglakbay at manirahan sa isang


lugar/bansa sa Asya, ano ang iyong sariling pananaw sa mga katanungan sa
ibaba.

1. Anong lugar sa Asya ang pipiliin mo? Bakit?


________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Anu-anong magagandang katangiang pisikal ng Asya ang sa palagay mo ay


tanging sa ating bansa lamang matatagpuan na maipagmamalaki mo sa
buong mundo?
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________

3. Masasabi mo bang mayaman ang Asya dahil sa taglay nitong katangiang


pisikal? Bakit?
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________

17
Tayahin

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog


Silangan at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona
ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong
pisikal, historical, at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga
at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang
historikal, kultural, agricultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos
pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao
rito.
2. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika
3. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
4. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
5. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
6. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng
Bulubunduking Ural hanggang sa baybayin ng karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko

18
7. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ____________.
a. Kabundukan c. Peninsula
b. Lambak d. Talampas

8. Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa ____________.


a. Bundok c. Ilog
b. Dagat d. Talon
9. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng
anyong lupa at anyong tubig/
a. Demograpiya c. Pilosopiya
b. Heograpiya d. Topograpiya
10. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.
a. 3 c. 5
b. 4 d. 6
11. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog
Silangang Asya maliban sa isa
a. Pilipinas c. Indonesi
b. Saudi Arabia d. Malaysia
12. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
a. Kapuluan c. Kalupaan
b. Karagatan d. Kontinente
Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na mga tanong.

19
13. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan
at interpresyon tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay
pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganran ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.
14. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang
na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya
ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at
maigsi ang tag-init , ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang
Asya?
a. Ang mga rehiyonay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at
tagulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng
rehiyon na nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa
rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal
ng Kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa
anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa
mga tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na
may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano,

20
Karagdagang Gawain

GAWAIN 13: “ASYA KAY GANDA”

Panuto: Gumawa ng isang tula na may pamagat na “ASYA KAY GANDA”.


Isulat sa buong papel.

KRITERYA SA PAGMAMARKA NG
ISANG TULA
DESKRIPSYON ISKOR

Pagkabuo (Angkop at 5
wasto ang mga salitang
ginamit sa pagbuo.)

Nilalaman (Mabisang 5
naipahayag ang mensahe
ng tula.)

Pagkamalikhain 5
(Napakaganda at
napakalinaw ang
pagkasulat.)

Kaangkupan (May 5
malaking kaugnayan sa
paksa ang ginawang
tula.)

TOTAL 20

21

You might also like