Professional Documents
Culture Documents
G3-Q1-M2 - Final
G3-Q1-M2 - Final
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kinalalagyan ng mga Lalawigan
sa Rehiyon Batay sa Direksiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Rehiyon Batay
sa Direksiyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronel Al K. Firmo PhD, CESO v
Librada M. Rubio PhD
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Baitang 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Rehiyon Batay
sa Direksiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 3
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kinalalagyan
ng mga Lalawigan sa Rehiyon Batay sa Direksiyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
vi
Alamin
1
Subukin
Lagyan ng tsek () ang loob ng kahon bago ang numero kung
tama at ekis (🗶🗶) naman kung mali ang sinasaad ng
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
2
Aralin Kinalalagyan ng mga
Balikan
3
Panuto: Lagyan ng kaukulang simbolo sa loob ng kahon na nasa
mapa. Gawin ito sa sagutang papel.
Tuklasin
4
Ang lahat ng mapa ay nakaayon sa hilaga. Kung titingnan
ang mga mapa, mapapansin sa isang panig nito ang may
ganitong simbolo, Hilaga (H). Kung ito naman ay nasusulat sa
Ingles, North (N) ang makikita at mababasa. Ang kaalaman
mo sa mga direksiyon ay makatutulong nang malaki upang
masanay ka sa pagbabasa ng mapa.
Hilagang direksyon
(North Arrow)
- Ito ay gabay upang matukoy
ang ibang direksiyon ng mga
lugar sa mapa.
Kanluran Silangan
Timog
compass rose.
Ipinakikita nito ang Hilaga,
Timog, Silangan at Kanluran.
5
Ang isang instrumento na nakatutulong sa pagtukoy ng
direksiyon ay ang compass. Ito ay laging nakaturo sa
Hilaga. Nakikita mo ba ang mga pangunahing direksiyon na
nakalagay rito? Nakakita ka na ba at nakagamit nito? Ang
mga iskawts at manlalakbay ay gumagamit ng compass
upang hindi sila maligaw.
Compass
Hilaga
Hilagang Hilagang-
-Kanluran Silangan
Kanluran Silangan
Timog- Timog-
Kanluran Silangan
Timog
6
H-Hilaga HS-Hilagang-Silangan
T-Timog HK-Hilagang-Kanluran
S-Silangan TS-Timog-Silangan
K-Kanluran TK-Timog Kanluran
Suriin
Sa pagbabasa ng mapa, gumagamit tayo ng pananda o
simbolo upang malaman ang aktuwal na distansiya ng mga lugar
sa isa’t isa.
Nakikita ang pananda sa ilalim
na bahagi ng mapa kagaya ng nasa
larawan. Ito ang iskala.
Ang iskala ay bahagi ng mapa
na nagpapakita ng katumbas na
distansya sa mapa sa aktuwal na
distansiya sa lupa.
Makikita mo sa Mapa kung paano sinukat ang distansiya ng
Lungsod San Fernando
hanggang Lungsod Tarlac.
Gamit ang iskala na may
katumbas na sukat na 25
kilometro bawat isang putol
na may dalawang kulay na
itim at abo. Mapapansin na
ang tinatayang distansiya sa
pagitan ng Lungsod Tarlac at
Lungsod ng San Fernando ay
45.9 kilometro.
7
Kung ang isa namang lugar sa
mapa ang iyong ituturo, sasabihin mo
ang lugar na malapit dito. Hindi
eksakto ang ibinibigay na direksiyon
ng relatibong lokasyon pero
nagagamit ito upang matunton ang
lugar na nais mong makita.
Gamitin nating halimbawa ang
mapang ito.
8
Pansinin ang mapa ng Rehiyon III, kung
iba’t ibang lugar ang pagbabatayan,
mapapansin na nagbabago ang pagtukoy
ng lokasyon ng mga ito. Halimbawa, kung
tutukuyin ang lokasyon ng Nueva Ecija at
gagawing batayan ang Bulacan, ito ay nasa
Hilaga ng Bulacan. Subalit kung Tarlac ang
gagawing batayan, ang lokasyon nito ay
nasa Silangan ng Tarlac.
9
Paano mo Paano nagkakaiba-iba o
mailalarawan nagkakapare-pareho
ang iyong ang mga katangian ng
sariling iyong lalawigan sa mga
lalawigan? karatig lalawigan?
10
Bawat lalawigan sa rehiyong ito ay nakikilala sa
sariling pisikal na katangian. Basahin at suriin mo ang
bawat katangian ng mga lalawigan sa
ating rehiyon.
AURORA
Ang Aurora ay may kabuuang sukat na
3,147.32 kilometrong parisukat (km2). Ito ay
nasa rehiyon ng Gitnang Luzon at
napaliligiran ng mga lalawigang tulad ng
Quezon sa Timog, Nueva Ecija sa Kanluran,
Nueva Vizcaya, Quirino at Isabela sa Hilaga.
Ang Dagat Pilipinas ay nasa silangang
bahagi ng Aurora. Baler ang kabisera ng
lalawigan.
Kung pagmamasdan ang mapa, ang Aurora ay tulad ng
isang taong ang posisyon ay nagdarasal. Napaliligiran ito ng mga
Bulubunduking Sierra Madre at Dagat Pilipinas.
Ang lalawigang ito na dating bahagi ng Rehiyon IV ay
napabilang sa Rehiyon III sa pamamagitan ng Executive Order
No. 103. s.2002.
Ang kalupaan ng Aurora ay mas malaki kaysa sa mga
lalawigan ng Bulacan, Tarlac, Pampanga at Bataan. Mas maliit
naman kaysa sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Zambales.
BATAAN
Ang lalawigan ng Bataan ay isang
peninsula o anyong lupa na napaliligiran ng
katubigan. Ito ay may lawak na 1,373.0
kilometrong parisukat (km2). Halos walumpong
porsiyento ng kalupaan nito ay mga burol at
bundok. At sa mapa ay mapapansin na ito ay
kahugis ng ulo ng kabayo.
11
Ito ay nasa katimugang bahagi ng Gitnang Luzon na
napaliligiran ng Look Maynila sa silangan, Look Subic at Dagat
Kanlurang Pilipinas sa kanluran at Dagat Kanlurang Pilipinas
sa timog.
Ang Bataan ay ang may pinakamaliit na kalupaan sa
Gitnang Luzon sa kabila ng mataas na industriyalisasyon.
BULACAN
Ang lalawigan ng Bulacan ay may lawak
na 2,774.85 kilometrong parisukat (km2). Ito ay
matatagpuan sa timog ng Gitnang Luzon na
nasa hilaga ng Maynila. Makikita sa mapa na
ang hugis nito ay katulad ng isang sapatos.
Sa Silangang bahagi ng Bulacan ay
matatagpuan ang lalawigan ng Aurora, Look
Maynila sa bandang timog at kanluran at Nueva Ecija sa Hilaga.
Matatagpuan din ang Pampanga sa kanlurang bahagi ng
lalawigang ito.
Ang Bulacan ay mas malaki ang kalupaang sakop kaysa sa
mga lalawigan ng Tarlac, Pampanga at Bataan. Ngunit ito ay
mas maliit kaysa sa mga lalawigan ng Aurora, Zambales, at
Nueva Ecija.
NUEVA ECIJA
Ang lalawigan ng Nueva Ecija ay may
lawak na 5,943.62 kilometrong parisukat (km2).
Nakapaligid dito ang lalawigan ng Nueva
Vizcaya sa hilaga, Aurora sa silangan, Bulacan
sa timog at Tarlac sa kanluran. Kung pag-
mamasdan sa mapa, ang hugis ay tila isang oso.
Ang lungsod ng Muñoz ang nag-iisang
Science City sa Pilipinas at ikalawa sa buong mundo.
12
Ang Nueva Ecija ang may pinakamalawak na kapatagan
sa Gitnang Luzon. Ito rin ang may pinakamalawak na kalupaan
sa buong rehiyon.
PAMPANGA
Ang Pampanga ay may lawak na 2,044.99
kilometrong parisukat (km2). Itinuturing na
pinakasentrong lalawigan sa Gitnang Luzon.
Nasa silangan nito ang Bulacan, Tarlac at Nueva
Ecija sa hilaga, Zambales sa kanluran at Bataan
sa timog.
Kung titingnan sa mapa, ang hugis nito ay katulad ng
isang pagong.
Ang Pampanga ay isang malawak na kapatagan. Dito
matatagpuan ang Bundok Arayat sa hilagang-silangan at
kabundukan ng Zambales sa gawing kanluran.
Ang lalawigan ng Pampanga ay ang ikalawang
pinakamaliit na lalawigan sa buong rehiyon. Ang kalupaang
sakop nito ay maituturing na doble sa sukat ng Bataan na
itinuturing na pinakamaliit na lalawigan sa buong rehiyon.
TARLAC
Ang Tarlac ay lalawigan sa Gitnang
Luzon na may lawak na 2,736.64 kilometrong
parisukat (km2). Nasa hilaga nito ang
Pangasinan, Pampanga sa timog, Nueva
Ecija sa silangan at Zambales sa kanluran.
Ang hugis ng Tarlac kung titingnan sa
mapa ay kamay na naka-thumbs up.
Ang Tarlac ay mas malaki sa mga lalawigan ng Pampanga
at Bataan. Mas maliit naman ito sa mga lalawigan ng Aurora,
Bulacan, Nueva Ecija at Zambales.
13
ZAMBALES
Ang Zambales ay nasa kanlurang bahagi ng
Gitnang Luzon. Ito ay may lawak na 3,714.83
kilometrong parisukat (km2). Nasa hilaga nito ang
lalawigan ng Pangasinan, nasa silangan naman
ang Tarlac at Pampanga, Bataan sa Timog at sa
kanluran ang West
Philippine Sea.
Sa mapa naman ng Zambales ay mapapansin na ito ay tila
isang asong nakadapa.
Ang Zambales ang ikalawang pinakamalaki na kalupaan sa
rehiyon.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Anong mga lalawigan ang bumubuo sa iyong rehiyon?
2. Anong lalawigan ang may pinakamalaking sukat ng
kalupaang sakop? Alin naman ang pinakamaliit?
3. Paghambingin ang laki ng lalawigan ng Bataan at
Nueva Ecija.
4. Ano-ano ang mga lugar na nakapaligid sa lalawigan ng
Pampanga batay sa pangunahing lokasyon?
5. Paano nagkakaiba at nagkakapareho ang mga lalawigan
sa iyong sariling rehiyon?
Pagyamanin
14
A. Saang cardinal at ordinal na direksiyon nakapuwesto ang
bawat bilang? Isulat ito sa sagutang papel. (tumutukoy ito sa
Pangunahing Lokasyon at Pangalawang Direksiyon)
1. Hilaga .
2. ______________________
3. ______________________
4. ______________________
5. ______________________
6. ______________________
7. ______________________
8. ______________________
15
D. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga simbolo
na nasa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.
Hanay A Hanay B
a. Relatibong lokasyon ang pagtukoy ng
isang lugar ay ibinabatay sa
kinaroroonan ng mga nasa paligid at
1.
katabing-pook nito.
b. Compas Rose nagpapakita ng
Pangunahing Lokasyon (Cardinal) at
2. Pangalawang Direksiyon (Ordinal)
16
1. Mga lalawigan na nasa timog na bahagi ng rehiyon.
2. Bahagi ng rehiyon na nasa timog-kanlurang lalawigan.
3. Mga lalawigan na nasa hilagang-silangan na bahagi
ng rehiyon.
4. Lalawigan na nasa dulong hilagang bahagi ng rehiyon?
5. Mga lalawigan na nasa silangan?
palengke paaralan
palaruan munisipyo
ospital simbahan
17
3. Ang ospital ay nasa __________________ ng palaruan.
4. Ang munisipyo ay nasa ___________________ ng simbahan
5. Anong istruktura ang nasa timog ng palaruan? ____________
N U E V A E C I J A
B A T A A N Z O R U
U D A X H G A N M R
L E R J M K M I P O
A D L E A A B K A R
C C A A T S A A G A
A V C N U A L W A B
N B R N T N E A S A
X J L Y O A Z N A Y
Z P A M P A N G A O
18
Isaisip
19
Isagawa
Rehiyon III-
8. Ilang lalawigan na bumubuo sa
iyong rehiyon?
9. Anong lalawigan ang may
pinakamalaking sukat ng kalupaang
sakop? Alin naman ang pinakamaliit?
10. Anong lalawigan ang napapalibutan ng Tarlac, Bulacan,
Bataan at Zambales?
Tayahin
Tingnan ang mapa ng rehiyon III. Sagutin ang sumusunod
na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
20
2. Aling lalawigan ang matatagpuan sa gitnang bahagi ng
iyong rehiyon?
a. Pampanga c. Aurora
b. Zambales d. Bulacan
Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang Venn Diagram na makikita sa ibaba. Ibigay
ang mga katangian ng mga lalawigan sa Rehiyon III. Pumili ng
isang lalawigan mula sa rehiyon at ihambing ito sa sariling
lalawigan Isulat ang sagot sa sagutang papel o notebook.
Venn diagram
21
22
Subukin Balikan: Mapa ng Rehiyon III Suriin Pagyamanin
1. √ 1. Aurora, Bataan, A.
2. √ Bulacan, Nueva Ecija, 1. Hilaga
3. √ Pampanga, Tarlac, 2. Timog
4. X Zambales 3. Kanluran
5. X 2. Nueva Ecija, Bataan 4. Silangan
3. 5 943.62 (Nuva Ecija) / 1 5. Hilagang kanluran
373.0 (Bataan) 6. Hilagang silangan
4. Tarlac, Zambales, 7. Timog kanluran
Bataan 8. Timog silngan
5. Laki at hugis
C. D. E. F. G. (kahit hindi
B. 1. 1. A 1. C 1. Pampanga, Bulacan 1. Silangan magkakasunod)
2. A 2. D 2. Bataan, Zambales 2. Kanluran 1. Aurora
2. 3. C 3. E 3. Aurora, Nueva Ecija 3. Timog 2. Bataan
4. B 4. B 4. Aurora 4. Hilaga 3. Bulacan
3.
5. A 5. A 5. Nueva Ecija, Aurora, 5. Palaruan 4. Nueva Ecija
Bulacan 5. Pampanga
6. Tarlac
7. Zambales
H. Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon III
Lalawigan Lokasyon at Direksiyon Sukat Hugis at Pisikal na Anyo
Aurora silangan ng rehiyon 3 147.32 km2 payat at pahaba bulubundukin
hugis taong nagdarasal
Bataan Timog kanluran ng rehiyon 1 373.0 km2 Pinakamaliit na lalawigan hugis ng
ulo ng kabayo
Bulacan Timog Silangan 2 774.85 km2 Hugis sapatos
Nueva Ecija Hilagang Silangan 5 943.62 km2 Pinakamalaking lalawigan sa
rehiyon. Hugis aso
Pampanga timog 2 044.99 Hugis pagong, ikalawang
pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon
Tarlac hilaga 2 736.64 Hugis kamay nan aka thumbs up.
Zambales Kaluran ng rhiyon 3 714.83 Hugis asong nakadapa
Isaisip Isagawa Tayahin
1. Hilagang Direksiyon 1. Aurora 1. A
2. Compass Rose 2. Bataan 2. A
3. Iskala 3. Bulacan 3. D
4. Relatibong Lokasyon 4. Nueva Ecija 4. A
5. Nueva Ecija 5. Pampanga 5. A
6. Tarlac
7. Zambales
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: