You are on page 1of 49

3

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kasaysayan ng
Kinabibilangang Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kasaysayan ng Kinabibilangang Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San
Antonio

Bumuo
sa
Pagsusul
at ng
Modyul
Manunulat: Joemel P. Calderon
PhD Tagasuri ng Nialalaman: Ronald G. Morla PhD
Tagasuri ng Wika: John A. Ocampo PhD
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jay Ahr E. Sison
Tagasuri sa John Paul C. Paje Bobby
ADM: Patnugot: P. Caoagdan
TEadgDa,pLammabheartloa:F. Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Gamurot PhD BLoibrbaydaP.MC. aRouabgidoaPn hEDdD, Lamberto F.
Tagasuri: Gamurot PhD, A lnlagnelTic. aMMa .n BaluoraPyhaDg PhD
MDai.aEndaitVh.aFRa.cuCnaparas EdD
Tagaguhit: NAelvsitnorEP. .ENsupesj
Tagalapat: oca EdD Helen R. Bose
PhD Paulino D. De Pano
PhD
Bobby P. Caoagdan EdD
Lamberto F. Gamurot, PhD Allan
T. Manalo PhD
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon–Rehiyon
III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
3
Araling
Panlipuna
n
Ikalawang Markahan – Modyul
1: Kasaysayan ng
Kinabibilangang Rehiyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Baitang 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Kasaysayan ng Kinabibilangang
Rehiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang
at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag- aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing
teksto, makikita ninyo ang kahon g ito sa pinakakatawan
ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng


paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang
3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Kasaysayan ng Kinabibilangang Rehiyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag- aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat
Alamin mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita
Subukin natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay
Balikan o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

3
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang
kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin,
gawain o isang
sitwasyon.

4
Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
Surin aralin.
Layunin nitong matulungan
kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing
Pagyamanin para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay
upang
mapagtibay ang iyong
pang- unawa at mga
kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga
Isaisip katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong
kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
4
Sa bahaging ito, may ibibigay
Karagdaga
ng Gawain sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang
iyong
kaalaman o kasanayan
sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin


ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha
o paglinang ng modyul na
ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit
ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta
sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

5
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alam
in
Maligayang pagdating sa Unang Modyul ng
Ikalawang Markahan sa Araling Panlipunan 3!

Sa unang markahan, iyong naipamalas ang pang-unawa


sa kinalalagyan ng mga lalawigan sa rehiyong kinabibilangan
ayon sa katangiang heograpikal nito.
Sa modyul na ito, mas lalawak pa ang kaalaman mo
tungkol sa iyong rehiyon. Matututuhan mo ang pasimula ng
iyong sariling lalawigan at ang mga karatig nitong lalawigan sa
rehiyong kinabibilangan.
Sa loob ng dalawang Linggo, inaasahang
maisasakatuparan mo ang sumusunod na layunin o
pinakamahalagang kasanayan: Nasusuri ang kasaysayan
ng kinabibilangang rehiyon.

1
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa
kasaysayan
ng kinabibilangang rehiyon. Mainam na gabayan ang
mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa
pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung pano
matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit
ng modyul na ito.

Subuk
in
Panuto: Isulat ang Tama sa iyong sagutang papel kung ang
mga sumusunod na pahayag ay naglalahad ng katotohanan
ukol sa kasaysayan ng mga lalawigan sa Rehiyon III, Mali
naman ang isulat kung hindi.
1. Ang pinakamatandang naitatag na lalawigan
ng Rehiyon III ay Pampanga.
2. Ang pinakabatang naitatag na lalawigan ng Rehiyon
III ay ang Bataan.
3. Ang lahat ng lalawigan ng Rehiyon III ay
nasakop ng mga Kastila.
4. Ang Tarlac ang pinakabagong lalawigan na
napabilang sa Rehiyon III.
5. Naitatag sa bisa ng mga kautusan o batas ang
mga lalawigan ng Rehiyon III.

2
Binabati kita sa iyong pagsagot sa bawat aytem.
Nakakuha ka man ng mataas o mababang puntos ay ayos
lang. Lalo pa nating palalawakin ang iyong kaalaman sa
tulong ng mga sumusunod na bahagi ng araling ito.

Arali
n Kasaysayan ng
Kinabibilangang
1 Rehiyon
Mahalaga na pag-aralan ang kasaysayan ng mga pook
sapagkat dito matatanto ang unti-unting pag-unlad ng mga
ito at ang pagpupunyagi ng mga mamamayan. Nagbibigay
ito ng inspirasyon sa mga mamamayan at ng pagtatangi na
nagiging daan upang higit na magsikap sa pagpapaunlad.
Nararapat lamang na iyong mapag-aralan ang
kasaysayan ng iyong rehiyon sapagkat ang kaalaman dito ay
naglalahad sa iyong pagkakakilanlan.
May kani-kaniyang kuwento ukol sa pasimula ng mga
lalawigan sa Rehiyon III. Ang daloy ng kasaysayan ng
bawat lalawigan ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon para
magbalik- tanaw at maipagmalaki ang Rehiyon III.

3
Balik
an
Panuto: Sur in ang apat na magkakaugnay na larawan sa
ibaba at hulaan kung ano ang salitang napapaloob sa mga
ito.

O M N A A N P A K

Sagot:

M A P A A A N H A L

Sagot:

Pamprosesong tanong: Ano ang kaugnanyan ng mga


nabuong salita sa kasaysayan ng mga lalawigan ng ng
Rehiyon III?
Napakahusay! Handang-handa kana sa pagtuklas
ng bagong aralin.
4
Tuklasi
n
Alam mo ba kung
ano ang Mmmm… Hindi
pinagmulan ng ko alam eh.
mga lalawigan dito Ikaw, alam mo
sa ating Rrehiyon?

Sige!
Hindi rin. Tara
Halika, na!
magsaliksik
tayo
tungkol
dito.

Ang Gitnang Luzon ang may pinakamalawak na


kapatagan sa buong bansa. Dito nanggagaling ang suplay ng
bigas sa maraming lalawigan sa Pilipinas kaya tinagurian itong
Rice Granary of the Philippines o Kamalig ng Bigas sa
Pilipinas. Noong una, anim na lalawigan lamang ang sakop ng
Rehiyon III: ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga,
Tarlac at Zambales.
Dala ng pag-unlad ng mga lalawigan, naibilang na ang mga
malalaking lungsod gaya ng Olongapo ng Zambales at
Angeles sa Pampanga.
Nagsunuran na rin ang mga Lungsod ng Balanga sa
Bataan, Lungsod Cabanatuan, Palayan, Science City of Munoz,
Gapan, at San Jose sa Nueva Ecija, Lungsod San Fernando, at
Mabalacat sa Pampanga, Lungsod San Jose del Monte,
Malolos, at Meycauayan ng Bulacan at Lungsod Tarlac sa
lalawigan ng Tarlac. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Bilang 103, ng
5
taong 2002, naisama ang Aurora bilang lalawigan na
dating sakop ng Rehiyon IV. Umabot na sa labing-apat na
lungsod at pitong lalawigan ang Rehiyon III.
Sa kasalukuyan, ang mga lalawigan at lungsod sa
rehiyon ay nabuo upang mas lalong matugunan ang mga
pangangailangan ng bawat mamamayan nito. Isa sa mga
magandang dahilan ng pagsama-sama ng mga lalawigang
ito ay ang pagiging magkalapit ng kanilang mga
pinagmulan na hitik sa kasaysayan. Alamin ang mga
kuwento ng bawat lalawigan sa rehiyon.

Ang Lalawigan ng Aurora


Noong 1572, ang Kastilang manlalakbay
na si Juan de Salcedo ang kauna-unahang
Europeo na bumisita sa teritoryong tinatawag
na ngayong Aurora habang ginagalugad niya
ang hilagang baybayin ng Luzon.
Sinasabi ring bumisita si Salcedo sa mga
bayan ng Casiguran, Baler, at Infanta.
Ang Baler ang kasalukuyang kabisera ng
Aurora.
Ang mga naunang misyonero
snagltaalatawgignagn
Doña
mayisyaonng sma gBaler at Aurora
PCraasnigsiusrkan o nnoaong 1609. Quezon
Hindi naglaon,
iptoina ymahalaan ng mga misyonerong Agustino at
Recolletos dahil sa kawalan ng mga tauhan ng mga
Pransiskano.
Ang kasaysayan ng Aurora ay nauugnay sa lalawigan ng
Quezon at Nueva Ecija. Dating bahagi ng Nueva Ecija ang ilang
teritoryong nabibilang sa Aurora ngayon. Gayundin ang
Quezon. Noong 1902 sa panahon ng mga Amerikano, naisama
sa Tayabas (ngayon ay ang lalawigan ng Quezon na noon ay
tinatawag na Kalilaya na nang lumaon ay tinawag na
6
Tayabas).

7
Taong 1979 naman, sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 7,
naihiwalay ang Aurora sa Quezon at naging ganap na
lalawigan noong Agosto 13. Ang lalawigan ng Aurora ay
isinunod sa pinangalan ni Doña Aurora Quezon na asawa ng
dating Pangulong Manuel L. Quezon. Sa bisa naman ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103, inilipat ni dating
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Aurora, na dating
sakop ng Rehiyon 4, sa Rehiyon III o Gitnang Luzon noong
2002.

Ang Lalawigan ng Bataan


A n g Bataan ay dating
teritoryong pagmamay-ari ng
Pampanga at corregimiento o distrito
ng Mariveles kasama ang
Maragondon sa Cavite.
Mas kilala ito dati sa tawag na
Vatan. Itinatag ito noong 1754 ng
mga Kastila sa pangunguna ni
Gobernador Heneral Pedro Manuel
Arandia. Ang lalawigang ito ay naging
bahagi ng mga makasaysayang
Dambana kaganapan sa bansa. Ilan sa mga ito
ng ay ang mga sumusunod.
Kagitingan

Lusong Point sa Mariveles sa


paNgotoantagn1g5k7a4n, gdusamkaupoingaanngg Luzon
ngunit sila ay nabighou.kbo ni Limahong, isang Intsik na
p ir a ta , sa
Ang Hukbong P a n d a g a t n g m g a Olandes (Dutch)
ay sumubok na sakupin ang bansa noong 1647. Sa taong
iyan, ang kanilang puwersa ay lumusob sa Abucay na
ngayon ay isa sa mga bayang bumubuo sa Bataan.
Tulad ng Tarlac, Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija
ang Bataan ay isa sa mga unang lalawign ng Pilipinas na
lumaban sa pamahalaang Kastila sa panahon ng himagsikan
simula
8
noong 1896.

9
Nakilala ang lalawigan dahil sa katapangang ipinakita ng
mga sundalong Pilipino at Amerikano sa pakikipaglaban sa mga
sundalong Hapon na umabot hanggang sa makasaysayang
“Araw ng Kagitingan” noong Abril 9, 1942. Bilang tanda sa
makasaysayang araw na ito, ipinatayo ang Mount Samat
Shrine o Dambana ng Kagitangan sa Pilar, Bataan.

Ang Lalawigan ng Bulacan

Ang kasaysayan ng Bulacan ay


mababakas sa isang maliit na pamayanan ng
mga
mangingisda sa baybayin ng Look ng
Maynila.
Nang lumaon ang pamayanang ito ay
lumaki at umunlad bunga ng pagsasaka
at iba pang gawain at nakilala bilang
Bulacan.
kapo
k Pinaniniwalaang ito ay naging ganap na
ito ay tinatawag
lnaala‘wbiuglaanklnakoaonn’go1B57u8la. kNaann(gBudluamcaant)inn
gaang
pinaiksi. Sinasabi mringga maaaring nagmula ang pangalan ng
lalawigan sa napakaKraasmtilain,
gpipnuanoininwga‘lakaanpgokn’aopabkualarkamnaingisa sa
mga produktongmkignagingailmiwuamngulaknlgakantian
hnaglammgaanKsastluilaganroon.
kung kayat
Noon pa mang ikalabing walong siglo, kinikilala na ang
mayamang lalawigan ng Bulacan hindi lamang sa yamang-
lupa kundi pati sa kalakalan dahil sa malapit ito sa Maynila.
Ito ang nagdulot ng malaking pag-unlad sa buong lalawigan.
Ayon sa mga tala, noong panahon ng mga Espanyol, ang
lalawigan ng Bulacan ay isa sa apat na alcaldias ng Provincia
de Pampanga na ang kabisera ay ang Bulakan. Ang
paghahati-hati ng mga pamayanan bilang lalawigan at bayan
10
ay bahagi ng pagsasaayos ng buong kolonya ayon sa
pangangailangan ng mga Espanyol.

11
Isa sa mga maningning
na bahagi ng kasaysayan ng
Bulacan ay ang Kasunduan sa
Biak-na-Bato noong 1897.
Higit sa lahat, ang
pagkakatalaga ng Malolos
bilang kabisera ng Unang
Republika ng Pilipinas noong
September 15, 1898 ang Simbahan
maituturing na ng
Barasoain
pdienkalakraansaytoantannitgoi.aAynngaganap sa
Simbahan ng Barasoain kung saan napagtibay ang
Saligang Batas ng Unang Republika na tinatawag na
Konstitusyon ng Malolos.
Duyan din ng mga magigiting na bayani ang Bulacan
tulad ni Marcelo H. del Pilar, Gregorio del Pilar at ang mga
‘Babae ng Malolos’ na lubos na hinangaan ni Rizal. Ang
Bulacan ay tirahan din ng mga malikhain tulad ng makatang
si Francisco
“Baltazar” Balagtas.

Ang Lalawigan ng Nueva Ecija


Naging ganap na lalawigan ang Nueva Ecija noon 1848
matapos ang mahabang panahon nang ito ay magsimula
bilang isang comandancia (distrito militar) noong 1705, sa
ilalim ng pamumuno ni Gobernador Heneral Don Fausto
Cruzat y Gongora na siyang nagpangalan rito ng Nueva Ecija
bilang pagkilala sa kanyang lupang tinubuan sa lumang
lungsod ng Ecija sa
Seville, Espanya.
Unang narating ng mga misyonerong Agustino ang
Gapan at unti-unting pinasok ang mga bayan papuntang
hilaga. Sakop pa rin ng hilagang Pampanga ang mga lugar
na ito noong panahong iyon.

12
Nang iniwan ng mga Agustino ang kanilang misyon sa
kautusan ni Haring Carlos III, mga paring Franciscano naman
ang namahala ng mga panirahan sa mga bayan. Nagtayo sila
ng mga simbahan, kumbento,
paaralan, at bahay
pamahalaan. Upang mapag-
ugnay ang mga panirahang
itinatag ng mga Espanyol,
nagpagawa sila ng mga daan
at tulay. Nagpagawa rin sila ng
sistema ng irigasyon sa
Pantabangan na siyang
piangasgamsaukl a san g malawak
na palayan
teknolohiya ng lalawigan.
Naging benepisyal sa lalawigan ang malalapit na Ilog
Pampanga, Peñaranda, at Talavera. Ang mga ilog na ito ang
nagpapataba sa kalupaan ng Nueva Ecija na nagbigay-daan
sa pag-unlad ng sektor
ng agrikultura.

Ang Lalawigan ng
Pampanga
Bago pa man
dumating ang mga
Espanyol, ang Pampanga
ay isa ng lumalaking pook
panirahan na
matatagpuan sa mga
‘pampang ng ilog’ nito
ang Rio Grande de
Pampanga.
‘pampang’,Ang salitang
kung saan
Rio Grande de
Pampanga
nagmula ang pangalan ng lalawigan, ay nangangahulugang
tabing ilog. Dahil dito, tinawag na mga Kapampangan ang
mga sinaunang nanirahan dito.

13
Ang Pampanga ang isa sa
mga naunang lalawigang nilikha ng
mga Espanyol noong December
11,1571. Noong 1585, nagkaroon
ng pag- aalsa ang mga
Kapampangan laban sa pang-
aabuso ng mga encomendero o mga
tagapamahala ng malalawak na
lupain sa Pilipinas sa panahon ng
mga Kastila. Taong 1660,
pinamunuan ni Francisco Maniago
ang isang pag-aalsa dahil sa
Francisco
pagpapatupad ng sapilitang Maniago
paggawa at pangongolekta ng labis
na tributo o ang pangkalahatang buwis na ipinataw ng
mga Kastila sa mga Pilipino.
Noong 1860, ang mga bayan ng Bamban, Capas,
Concepcion, Victoria, Tarlac, Mabalacat, Magalang, Porac at
Floridablanca ay nahiwalay sa Pampanga at napasailalim sa
Comandancia Militar de Tarlac. Noong 1817 naman ang
huling apat na lugar ay naibalik sa Pampanga at ang limang
iba pa ay nanatiling munisipalidad ng lalawigan ng Tarlac.
Noong Disyembre 8, 1941, binomba ng mga Hapones ang
Clark Air Base. Dito nagsimulang nasakop ang Pampanga.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga
Kapampangan sa pamamagitan ng mga samahang gaya ng
HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon) at
Kapampangang Gerilya ay nakipaglaban hanggang sa
mapaalis nila ang mga Hapones.
Sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991, lubos na
napinsala ang maraming bayan sa Pampanga. Ilan sa mga ito
ay nalubog sa lahar. Sa kasalukuyan, ang Lungsod San
Fernando ang kabisera ng Pampanga at maging ng buong
Rehiyon III.

14
Ang Lalawigan ng Tarlac
Ang Tarlac ay mayroong mahabang kasaysayan
sa larangan ng pulitika at himagsikan.
Ang Tarlac ay hango sa isang talahib
na tinatawag na ‘Malatarlak’. Ito ay
dating bahagi ng mga lalawigan ng
Pampanga at Pangasinan. Ang mga
unang bayan nito ay ang Paniqui (1574),
Tarlac (1686), Bamban at Capas (1710).
Tnaonngglu1m86ik0ha ang mga Malatarlak
Espanyol ng
icsoamn ga n d a n c i a mula sa mga bayan ng Concepcion,
Bamban, Capas, Mabalacat, Magalang, Porac, Floridablanca,
Victoria, at Tarlac. Ganap lamang itong naging lalawigan nong
May 28,1873.
Noong 1896, ang Tarlac ay isa sa walong pinakaunang
lalawigang nag-alsa laban sa mga Espanyol. Ito ang naging
bagong kuta ng Unang Republika ng Pilipinas noong Marso
1899. Nagtagal lamang ito ng isang buwan bago ilipat ang
kuta sa Nueva Ecija dahil sa tangkang paghuli kay Aguinaldo
ng mga Amerikano.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
naging mahalaga rin ang ginampanang bahagi ng
lalawigan. Noong 1945, napalaya ng pinagsamang puwersa
nga mga Filipino at Amerikano ang Camp O’Donnell sa
Capas na kilala rin bilang huling hantungan ng tinaguring
‘Death March’ na la sa Bataan.
nagsimu
Sa Tarlac galing ang ilan sa
mga kilalang mga tao tulad ni
dating Pangulong Corazon C.
Aquino at Benigno “Noynoy”
Aquino III, ang bayaning si
Benigno
S. Aquino Jr o mas kilalang si
March
Death
15
‘GNei noeyr’a,l
aAtssieCmabrlyo
s n P g.
URnoitmedulo na
nNagtiionngs.pa
ngulo ng

16
Ang Lalawigan ng Zambales
Sa paggalugad noong 1572 ni Juan de Salcedo,
napansin niya na ang Zambales at La Union ay sakop ng
Pangasinan.
Sinasabing naitatag ang lalawigan noong 1578 ngunit
ayon sa tala, nahiwalay lamang ito noong August 28, 1901 at
nilikhang isang hiwalay na lalawigan ng Komisyong Taft noong
panahon ng mga Anerikano sa Pilipinas. Ang mga unang
naitatatag na bayan ay ang Masinloc, (1607), Iba (1611) at
Sta. Cruz (1612). Masinloc ang unang kabisera ng lalawigan.
Ngunit nang magkaroon ng sigalot tungkol sa pagpili ng
kabisera, hiniwalay ang mga bayan ng Infanta, Dasol, Anda,
San Isidro, Alaminos, Bani, Balincaguing, Agno, Dolores, Alos
at Bolinao at isinama sa Pangasinan. Labing- apat ang natira
sa Zambales.
Ang bayan ng Iba ang ginawang kabisera ng lalawigan.
Ang pangalan ng lalawigan ay nagmula sa salitang
Sambal.
Hango ito sa diyalekto ng
mga katutubo na dumating at
nanirahan sa lugar, ang mga
Sambal. Sila, na
sumasamba sa mga
espiritu, ay natagpuang
nMaaklaytirnaasasamm pagsamba
gbaa na ang sa anito
isbaibgihipnaamyapyagnsaanmsbaa sa mga anito o mga namatay na
ha b a an n g
kam a g - an a k. Kalaunan ang Sambales ay naging
Zambales. baybayin. Sila ay tinawag na
SambTaaleosngna18h9a5nigtionasyao ng mga Kastila ang isang base
militar
salitLaonogk ng Subic na napasakamay ng mga Amerikano mula
1898 hanggang 1992. Ito ngayon ay kilalang Special Economic
Zone na katulong ng bansa sa pagpapaunlad. Katulad ng
Pampanga, isa rin ang Zambales sa matinding napinsala ng
pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Pamprosesong Tanong: Ano ang nagbunsod sa

17
pagkabuo ng lalawigan?

18
Sur
in
Sa iyong nabasang kasaysayan ng mga lalawigan
ng Rehiyon III, malinaw ang sumusunod na
impormasyon:

Una, ang mga lalawigan ay kapwa


nasakop ng mga dayuhan.

Ikalawa, ang mga lalawigan ay


nabuo bunga ng kautusan o mga batas,

Ikatlo, ang mga lalawigan ay


nagpunyagi at ipinaglaban upang matamasa
ang kanilang kalayaan.

Ikaapat, ang mga lalawigan ay may


sari- sariling kasaysayan at
pagkakakilanlan.

19
Sur in mo ang diagram sa ibaba upang higit na
maunawaan ang kasaysayan ng iyong kinabibilangang
rehiyon.


Kasama ang •
Nanakop ang
Bulacan, Nueva mga Kastila,
Ecija, Pampanga Ameikano, at
at Tarlac sa unang Hapones
naghimagsik sa
mga Kastila.

nagpunyagi
nasakop ng
para sa
mga
kanilang
dayuhan
Kalayaan

may sari-sariling nabuo bunga ng


kasaysayan at kautusan o mga
pagkakakilanlan batas


Halimbawa, kilala •
Sa utos ng mga
ang Bataan sa mananakop o
tinatawag natin kaya ay ng
ngayong "Araw ng pagsasabatas
nalikha ang mga
Kagitingan"
lalawigan

20
Subukang Sagutin: Sa iyong palagay, aling bahagi ng
kasaysayan ng mga lalawigan ng Rehiyon III ang higit na
nagpapakilala sa mga ito na tatatak sa isip at puso ng lahat ng
mamamayan?
Bakit? Maaaring gamitin ang tri-question approach sa
ibaba upang higit na masuri ang tekstong nabasa.

Ano ang bahagi ng


kasaysayan ng mga
lalawigan ng Rehiyon
III ang maituturing
na katangi-tangi?

Bakit ang
Paano mahuhubog
bahaging ito ng
ang ating
kasaysayan ng
kamalayan sa
mga lalawigan ng
kasaysayan ng mga
Rehiyon III ang
lalawigan ng
maituturing na
Rehiyon III?

Sa iyong pagtuklas at pagsuri ng kasaysayan ng mga


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon ay tiyak na marami
kang napagtantong impormasyon!
Ngayon, sa mga sumusunod na gawain ay mapagtitibay
at mapapayaman pa ang iyong mga nalaman.

21
Pagyaman
in
A. Panuto: Buuin mo ang mga datos na hinihingi ng
sumusunod na talahanayan ukol sa pinagmulan ng
pangalan ng bawat lalawigan ng Rehiyon III. Gawin ito
sa iyong kwaderno.

Mga Lalawigan Pinagmulan ng Pangalan

Aurora

Bataan

Bulacan

Pampanga

Nueva Ecija

Tarlac

Zambales

Pamprosesong Gawain: Upang lalo mo pang matutuhan


ang kasaysayan ng rehiyong iyong kinabibilangan, isa-isahin
mong ipaliliwanag kung papaanong nakuha ng mga
lalawigan ang kani-kanilang pangalan? Itala sa kwaderno
ang iyong kasagutan.

22
B. Panuto: Idugtong ang lalawigan sa kaliwang hanay sa
tamang taon kung kailan ito naitatag sa kanang hanay.
Isagawa ito sa iyong kwaderno.

Lalawigan ng Rehiyon III Taon ng


Pagkakatatag
1. Aurora 1979

2. Bataan 1901

3. Bulacan 1873

4. Nueva Ecija 1754

5. Pampanga 1705

6. Tarlac 1578
7. Zambales 1571

Pamprosesong Gawain: Anong lalawigan ang maituturing


na pinakabata? Pinakamatanda? Pagsunod-sunurin mo ang
mga ito mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda.
Isulat ang sagot sa kwaderno.
Taon ng
Bilang Lalawigan
Pagkakatata
g
1

3
4
5
6
7

23
C. Panuto: Ang mga salitang nasa kahon ay nauugnay sa
kasaysayan ng mga lalawigan ng Rehiyon III, hanapin mo
ang mga ito sa kahon ng mga titik sa ibaba. Maari mong
bilugan o kaya ay guhitan ng linya ang mahahanap na
salita. Isagawa ito sa sagutang papel tulad ng bond paper.

Baler Kalilaya Limahong Samat

Barasoai Clark Pinatubo Malolos

n Ninoy Cruzat

CapPasntabang Subic Maniago


an Masinloc
O B A R A S O A I N M D C V L
G A F B D U E V G R A X R B I
A L G A S B R G A Z S M U R M
I E B S A I L Y T A I A Z T A
N R N F C C A P A S N A A D H
A C M R A L O B S C L F T H O
M V H Y I M A L O L O S Y O N
R C J L B A R A O A C I S Z G
E X A T C A S A P S T A M A T
F K R A T P I N A T U B O T I
D Y O P C A P S A A C R T Y U
T B U G H F G E I M O P J P M
U T M P A N T A B A N G A N H
Y O N I N D L Y O S K J M D E
F G B H S D O A R V C L A R K

24
D. Panuto: Ihanay ang labinlima (15) na konsepto sa Gawain
C ayon sa lalawigan kung saan sila nauugnay. Isulat ang
mga sagot sa iyong kwaderno.

Lalawigan Nauugnay na Konsepto

Aurora

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

25
Pamprosesong Gawain: Pumili ka ng isa sa mga konsepto
sa Gawain D at ipaliwanag kung paano o bakit ito nauugnay
sa lalawigan kung saan ito inihanay. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

Piniling kosepto:

Paliwanag:

E. Panuto: Buuin mo ang timeline sa sumusunod na pahina sa


pamamagitan ng paglalagay sa loob ng mga kahon nito
ang mga impormasyong nauukol sa kasaysayan ng bawat
lalawigan ng Rehiyon III. Gawin mo ito sa hiwalay na
buong papel tulad ng bond paper.

 Nagalugad ni Juan de Salcedo ang lalawigan.


 Itinayo ng mga Kastila ang isang base militar sa
Look ng Subic
 Ito ay naging bagong kuta ng Unang Republika ng
Pilipinas.
 Ito ay naging bagong kuta ng Unang Republika ng
Pilipinas.
 Araw ng Kagitingan
 Nilikha ni Gobernador Heneral Fausto Cruzar
ang lalawigan.
 Naitatag ang Malolos bilang kabisera ng Unang
Republika ng Pilipinas
 Binomba ng Hapon ang Clark Air Base

26
F. Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang hinihinging
kasagutan ukol sa ilang tauhan ng kasaysayan ng Rehiyon
III.

Ano ang Gaano


kanyang kahalaga ang
nagawa? kanilang
nagawa?

Ano ang
kanilang
nagawa?

27
G. Panuto: Kasama ng iyong sariling lalawigan, pumili pa ng
isang lalawigan at paghambingin ang dalawang ito. Isulat
sa T- Diagram ang iyong gagawing paghahambing. Gawin
mo ito sa iyong kwaderno.

Sariling Lalawigan:

Ihah am b i n g n a
Pagkakatulad P ag k a k a ib

H. Panuto: Maglista sa iyong kwaderno ng dalawang


pangyayaring nauukol sa kasaysayan ng mga
lalawigang nabasa at tukuyin ang dahilan kung bakit
ang mga ito ang iyong napili.

Pangyayari sa Kasaysayan
Paliwanag ng Pagpili
ng Rehiyon III

Binabati kita sa masigasig mong pagsisikap na matapos


ang walong gawain! Maaari mo nang ituloy ang mga susunod
pang gawain upang higit na mapagtibay ang iyong
kaalaman.

28
Isaisi
p
A. Panuto: Gawin ang iyong 3-2-1 tiket ukol sa iyong
aralin. Magiging gabay mo ang sumusunod. Isulat sa
iyong kwaderno.
3-2-1 Tiket
3 Bagay na natutunan ukol sa aralin…

2 Bagay na nakapukaw ng iyong pansin ukol sa aralin…

1 Bagay na pagsisikapang gawin ukol sa aralin…

B. Panuto: Dugtungan ng naangkop na mga salita ang


sumusunod upang makabuo ng isang pangungusap ukol
sa kahalagahan ng pag-aaral sa kasaysayan ng
kinabibilangan mong rehiyon.

Mahalagang malaman at masuri ang kasaysayan ng


kinabibilangan rehiyon sapagkat

.
Hindi ba’t nakatutuwa na marami kang natutunan sa
iyong aralin? Tunay ngang napakahalaga ng pag-aaral sa
kasaysayan ng iyong kinabibilangang rehiyon. Ngayon ay
higit pa itong palalalimin ng mga sumusunod na bahagi ng
modyul na ito!

29
Isaga
wa
A. Panuto: Kumpletuhin ang pahayag ukol sa iyong tugon
sa mga konseptong natutuhan sa araling ito.
Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutuhan
ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,

Bilang mamamayan,

30
B. Panuto: Lumikha ng isang islogan-poster na naglalaman
ng iyong pagtatangi sa kasaysayan ng sariling lalawigan.
Maaring gamitin ang sumusunod na rubrik bilang iyong
gabay sa pagsasagawa nito.

Rubrik sa Paglikha ng Islogan-Poster

Puntos
Kailangan ng
Pamantayan Mahusay Katamtaman
Pagpapabuti
3 puntos 2 puntos 1 puntos

Nilalaman (Ang
mensaheng
nilalaman ay
nakapanghihikayat
sa mambabasa.)
Pagkamalikhain
(Ang islogan-
poster
ay malikhain at
nakaaakit tignan.)
On-time
(Natapos ang
gawain sa
itinakdan
g Mahusay! Naipa ita mo sa amamagitan n g mapanuring
ppaagn-iaishipona.t) p ikhain yong mga natutunan sa
pagkamal
ang i
aKraalliinnigsaniton!g gawa = 1 puntos
Ngayon ay handa ka na upang tayahin ang
iyong pangkalahatang natutunan. Binabati kita!

31
Tayah
in
Panuto: Sumulat ng isang maikling talata ukol sa kasaysayan
ng iyong sariling lalawigan. Ang rubrik sa ibaba ay ang iyong
magiging gabay sa pagsulat.

Rubrik sa Pagsulat ng Maikling Talata

Puntos Pamantayan

5 Napakahusay at maingat ang pagkakasulat.


Tama ang nailagay na impormasyon sa talata
at nagpapakita ng pagkatuto sa pagsusuri ng
kasaysayan ng sariling lalawigan.
4 Mahusay at maingat ang pagkakasulat.
Tama ang nailagay na impormasyon sa
talata at
nagpapakita ng pagkatuto sa pagsusuri
ng kasaysayan ng sariling lalawigan.
3 Nakapagsulat ng talata ngunit kulang sa
paglalahad ng natutunan sa pagsusuri
ng kasaysayan ng sariling lalawigan.
2 Nakapagbanggit ng isang ideyang nauugnay
sa kasaysayan ng sariling lalawigan

1 Sinubukang gawin ngunit hindi natapos

Isang malaking hamon ang pagsulat ng talata, ngunit


nakaya mong makabuo ng maikli ngunit naglalaman ng
iyong tunay na kaalaman ukol sa araling ito. Muli kitang
binabati dahil nagtagumpay ka!
Upang higit pang maging makabuluhan ang iyong
napag- aralan, hinihikayat kitang isagawa ang sumusunod
na gawain.

32
Karagdagang
Gawain
Panuto: Magtanong sa iyong mga lolo at lola ukol sa mga
kwento sa panahon ng mga Hapon sa inyong bayan at
lalawigan. Itala sa iyong kwaderno ang makakalap na
impormasyon gayundin ang iyong reaksyon ukol dito.

33
29

Subukin
1. Tam Tuklasin Balikan
a 1. Mananakop
Pamprosesong Tanong: Iba-
2. Mali 2. Pamahalaan
3. Tam iba ang sagot. Pamprosesong Tanong: Iba-
a iba ang sagot.
4. Mali
Pa5g.yamT
aamni n Pagyamani
n Gawain B
Gawain A
1. Auror Lalawigan Taon ng
a– ng Pagkakatata
Doña Rehiyon g
III
Auror Aurora 1979
a
Quez Bataan 1901
on
2. Bulac Bulaca 1873
an - n
bulak Nueva Ecija 1754
3. Pam
O pBa An g R A S O A I N M D C V L G A F B D U E Pampanga 1705
VG
R Aa –X R B I A L G A S B R G A Z S M U R M I E
Tarlac 1578
BS
A PIaLmY T A I A Z T A N R N F C C A P A S N A A
D H pAanCg M R A L O B S C L F T H O M V H Y I
MAL
O nLgO S Y O N R C J L B A R A O A C I S Z G Zambales 1571
Ilo g
EXA T C ASAPSTAMATFKRATPINA
TUB Pagyamani
4. O N u ev
T I DYOPC A PSA A C RTYU TBUG HF n Gawain D
a Lalawiga Nauugnay
G EEciIjaM O P J P M U T M P A N T A B A N G A N
H
Y O– N I N D L Y O S K J M D E F G B H S D O A R
n na
V ECcijLaA R Konsepto
Aurora
K na Baler
lugar Kalilaya
Bataan
sa Limahon
Espa g Samat
Bulaca
nya Barasoai
n
5. Tarla n
Nueva Ecija
c- Malolos
Malat Cruzat
Pagyamarlaanki Pampanga
Pantaban
n G6.aw aZianmEb
gan
ales
Tarlac Clark

Sam Pinatubo
bal Zambales
Para Maniago
sa Capas
pagp Ninoy
apali Subic
wana Pagyamani Pinatubo
g- n Gawain F
Iba- Masinloc
iba
ang
Isaisip sagot Isagawa
G aw ai n A
P ag y a ma Gawain A
ni Iba-iba ang sagot
Iba-iba ang sagot Gawain B. Islogan-
n GawainGaCwain Poster
B Iba-iba ang
Dugtungan Iba-iba i sl o g a n-
Kar a g d a g
ang sagot
p o ster Gawain
Tayahin a n g
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot

Pagwawast
Susi
o sa
Sanggunian

"About – Aurora.Gov.Ph". 2019.


Aurora.Gov.Ph.
http://www.aurora.ph/about/history.
"About – Bataan.Gov.Ph". 2015.
Bataan.Gov.Ph. https://
www.bataan.gov.ph/about/.
"About - Bulacan". 2020. Experience Bulacan. https://
www.bulacan.gov.ph/generalinfo/index.php.
"About Tarlac Province, Philippines". 2019. Islandsproperties.Com.
https://www.islandsproperties.com/places/tarlac.htm#:~:text
=Tarlac%20was%20origina ly%20a%20part,rise%20in%20arms
% 20against%20Spain.
Admin, Web. 2013. "Provincial
Government Of Pampanga".
Pampanga.Gov.Ph.
https://www.pampanga.gov.ph/index.php/component/con
tent/article/90-capitol/the-province/848-general-
information.html.
Austria, Ma. Rosalie, Jeaneth Doyog, Mary Abigail Bautista,
Diosdado Mateo, Jose Galang, Teodora Mendoza,
Angelique Romero, Mary Jane De Vera, Grace Almera,
and Alma LIngat. 2019. Araling Panlipunan: Kagamitan
Ng Mag- Aaral Rehiyon III Central Luzon. 1st ed. San
Fernando, Pampanga: Department of Education-Bureau
of Learning Resources.
"History Of Iba – Official Website Of Municipality Of Iba".
2020. Ibazambales.Gov.Ph. https://
www.ibazambales.gov.ph/history-of-iba/.
K To 12 Most Essential Learning Competencies. 2020. Ebook.
Pasig City: Department of Education.
Manalo, Thea Joy, Charity Capunitan, Walter Galang, and
Rodel Sampang. 2015. Araling Panlipunan: Patnubay

30
Ng Guro. 1st ed. Pasig City: Department of Education.

31
"Official Gazette". 1999. Officialgazette.Gov.Ph. https://
www.officialgazette.gov.ph/downloads/1999/05may/
19990510-PROC-0109-JEE.pdf.
Santiago, Fernando. 2015. "De La Salle University".
Dlsu.Edu.Ph. https://www.dlsu.edu.ph/wp-
content/uploads/pdf/conferences/research-congress-
proceedings/2015/TPHS/017TPH_Santiago_FA.pdf.
"The Beginnings Of Tarlac". 2016. Web.Archive.Org.
https://web.archive.org/web/20160122230159/
http://visit- tarlac.com/the-beginnings-of-tarlac.

32
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag
sa:

Department of Education–Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like