You are on page 1of 40

3

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kasaysayan ng Kinabibilangang
Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kasaysayan ng Kinabibilangang Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joemel P. Calderon PhD
Tagasuri ng Nialalaman: Ronald G. Morla PhD
Tagasuri ng Wika: John A. Ocampo PhD
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jay Ahr E. Sison
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Patnugot: Bobby P. Caoagdan EdD, Lamberto F. Gamurot PhD
Tagasuri: Bobby P. Caoagdan EdD, Lamberto F. Gamurot PhD,
Allan T. Manalo PhD
Tagaguhit: Diana V. Facun
Tagalapat: Alvin E. Espejo

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V


Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Helen R. Bose PhD
Paulino D. De Pano PhD
Bobby P. Caoagdan EdD
Lamberto F. Gamurot, PhD
Allan T. Manalo PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon–Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
3
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kasaysayan ng Kinabibilangang
Rehiyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Baitang 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kasaysayan ng Kinabibilangang Rehiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 3
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kasaysayan
ng Kinabibilangang Rehiyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo
Alamin ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita
Subukin natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
Balikan balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing


Pagyamanin para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga
Isaisip katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang
Gawain iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Maligayang pagdating sa Unang Modyul ng Ikalawang


Markahan sa Araling Panlipunan 3!

Sa unang markahan, iyong naipamalas ang pang-unawa sa


kinalalagyan ng mga lalawigan sa rehiyong kinabibilangan ayon
sa katangiang heograpikal nito.
Sa modyul na ito, mas lalawak pa ang kaalaman mo tungkol
sa iyong rehiyon. Matututuhan mo ang pasimula ng iyong sariling
lalawigan at ang mga karatig nitong lalawigan sa rehiyong
kinabibilangan.
Sa loob ng dalawang Linggo, inaasahang
maisasakatuparan mo ang sumusunod na layunin o
pinakamahalagang kasanayan: Nasusuri ang kasaysayan ng
kinabibilangang rehiyon.

1
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa kasaysayan
ng kinabibilangang rehiyon. Mainam na gabayan ang mga
mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng
paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung pano
matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng
modyul na ito.

Subukin

Panuto: Isulat ang Tama sa iyong sagutang papel kung ang mga
sumusunod na pahayag ay naglalahad ng katotohanan ukol sa
kasaysayan ng mga lalawigan sa Rehiyon III, Mali naman ang
isulat kung hindi.
1. Ang pinakamatandang naitatag na lalawigan ng
Rehiyon III ay Pampanga.
2. Ang pinakabatang naitatag na lalawigan ng Rehiyon III
ay ang Bataan.
3. Ang lahat ng lalawigan ng Rehiyon III ay nasakop ng
mga Kastila.
4. Ang Tarlac ang pinakabagong lalawigan na napabilang
sa Rehiyon III.
5. Naitatag sa bisa ng mga kautusan o batas ang mga
lalawigan ng Rehiyon III.

2
Binabati kita sa iyong pagsagot sa bawat aytem. Nakakuha
ka man ng mataas o mababang puntos ay ayos lang. Lalo pa
nating palalawakin ang iyong kaalaman sa tulong ng mga
sumusunod na bahagi ng araling ito.

Aralin
Kasaysayan ng
1 Kinabibilangang Rehiyon
Mahalaga na pag-aralan ang kasaysayan ng mga pook
sapagkat dito matatanto ang unti-unting pag-unlad ng mga ito
at ang pagpupunyagi ng mga mamamayan. Nagbibigay ito ng
inspirasyon sa mga mamamayan at ng pagtatangi na nagiging
daan upang higit na magsikap sa pagpapaunlad.
Nararapat lamang na iyong mapag-aralan ang kasaysayan
ng iyong rehiyon sapagkat ang kaalaman dito ay naglalahad sa
iyong pagkakakilanlan.
May kani-kaniyang kuwento ukol sa pasimula ng mga
lalawigan sa Rehiyon III. Ang daloy ng kasaysayan ng bawat
lalawigan ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon para magbalik-
tanaw at maipagmalaki ang Rehiyon III.

3
Balikan

Panuto: Suriin ang apat na magkakaugnay na larawan sa ibaba


at hulaan kung ano ang salitang napapaloob sa mga ito.

O M N A A N P A K

Sagot: _______________________________

M A P A A A N H A L

Sagot: _______________________________

Pamprosesong tanong: Ano ang kaugnanyan ng mga nabuong


salita sa kasaysayan ng mga lalawigan ng ng Rehiyon III?
Napakahusay! Handang-handa kana sa pagtuklas ng
bagong aralin.

4
Tuklasin

Alam mo ba kung
ano ang pinagmulan Mmmm… Hindi ko
ng mga lalawigan alam eh. Ikaw, alam
dito sa ating mo ba?
Rrehiyon?

Sige! Tara
Hindi rin. Halika, na!
magsaliksik
tayo tungkol
dito.

Ang Gitnang Luzon ang may pinakamalawak na kapatagan


sa buong bansa. Dito nanggagaling ang suplay ng bigas sa
maraming lalawigan sa Pilipinas kaya tinagurian itong Rice
Granary of the Philippines o Kamalig ng Bigas sa Pilipinas. Noong
una, anim na lalawigan lamang ang sakop ng Rehiyon III: ang
Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.
Dala ng pag-unlad ng mga lalawigan, naibilang na ang mga
malalaking lungsod gaya ng Olongapo ng Zambales at Angeles
sa Pampanga.
Nagsunuran na rin ang mga Lungsod ng Balanga sa Bataan,
Lungsod Cabanatuan, Palayan, Science City of Munoz, Gapan,
at San Jose sa Nueva Ecija, Lungsod San Fernando, at Mabalacat
sa Pampanga, Lungsod San Jose del Monte, Malolos, at
Meycauayan ng Bulacan at Lungsod Tarlac sa lalawigan ng
Tarlac. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 103, ng

5
taong 2002, naisama ang Aurora bilang lalawigan na dating
sakop ng Rehiyon IV. Umabot na sa labing-apat na lungsod at
pitong lalawigan ang Rehiyon III.
Sa kasalukuyan, ang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon
ay nabuo upang mas lalong matugunan ang mga
pangangailangan ng bawat mamamayan nito. Isa sa mga
magandang dahilan ng pagsama-sama ng mga lalawigang ito
ay ang pagiging magkalapit ng kanilang mga pinagmulan na
hitik sa kasaysayan. Alamin ang mga kuwento ng bawat
lalawigan sa rehiyon.

Ang Lalawigan ng Aurora


Noong 1572, ang Kastilang manlalakbay na
si Juan de Salcedo ang kauna-unahang Europeo
na bumisita sa teritoryong tinatawag na
ngayong Aurora habang ginagalugad niya
ang hilagang baybayin ng Luzon. Sinasabi
ring bumisita si Salcedo sa mga bayan ng
Casiguran, Baler, at Infanta. Ang Baler ang
kasalukuyang kabisera ng Aurora.
Ang mga naunang misyonero sa
lalawigan ay ang mga Pransiskano na
nagtatag ng misyon sa Baler at Casiguran Doña Aurora Quezon
noong 1609. Hindi naglaon, ito ay
pinamahalaan ng mga misyonerong Agustino at Recolletos dahil
sa kawalan ng mga tauhan ng mga Pransiskano.
Ang kasaysayan ng Aurora ay nauugnay sa lalawigan ng
Quezon at Nueva Ecija. Dating bahagi ng Nueva Ecija ang ilang
teritoryong nabibilang sa Aurora ngayon. Gayundin ang Quezon.
Noong 1902 sa panahon ng mga Amerikano, naisama sa Tayabas
(ngayon ay ang lalawigan ng Quezon na noon ay tinatawag na
Kalilaya na nang lumaon ay tinawag na Tayabas).

6
Taong 1979 naman, sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 7,
naihiwalay ang Aurora sa Quezon at naging ganap na lalawigan
noong Agosto 13. Ang lalawigan ng Aurora ay isinunod sa
pinangalan ni Doña Aurora Quezon na asawa ng dating
Pangulong Manuel L. Quezon. Sa bisa naman ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 103, inilipat ni dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo ang Aurora, na dating sakop ng Rehiyon 4, sa
Rehiyon III o Gitnang Luzon noong 2002.

Ang Lalawigan ng Bataan


Ang Bataan ay dating teritoryong
pagmamay-ari ng Pampanga at
corregimiento o distrito ng Mariveles
kasama ang Maragondon sa Cavite.
Mas kilala ito dati sa tawag na Vatan.
Itinatag ito noong 1754 ng mga Kastila
sa pangunguna ni Gobernador Heneral
Pedro Manuel Arandia. Ang lalawigang
ito ay naging bahagi ng mga
makasaysayang kaganapan sa bansa.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.
Dambana ng Kagitingan Noong 1574, dumaong ang hukbo
ni Limahong, isang Intsik na pirata, sa
Lusong Point sa Mariveles sa pagtatangkang sakupin ang Luzon
ngunit sila ay nabigo.
Ang Hukbong Pandagat ng mga Olandes (Dutch) ay
sumubok na sakupin ang bansa noong 1647. Sa taong iyan, ang
kanilang puwersa ay lumusob sa Abucay na ngayon ay isa sa
mga bayang bumubuo sa Bataan.
Tulad ng Tarlac, Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija ang
Bataan ay isa sa mga unang lalawign ng Pilipinas na lumaban sa
pamahalaang Kastila sa panahon ng himagsikan simula
noong 1896.

7
Nakilala ang lalawigan dahil sa katapangang ipinakita ng
mga sundalong Pilipino at Amerikano sa pakikipaglaban sa mga
sundalong Hapon na umabot hanggang sa makasaysayang
“Araw ng Kagitingan” noong Abril 9, 1942. Bilang tanda sa
makasaysayang araw na ito, ipinatayo ang Mount Samat Shrine o
Dambana ng Kagitangan sa Pilar, Bataan.

Ang Lalawigan ng Bulacan

Ang kasaysayan ng Bulacan ay mababakas


sa isang maliit na pamayanan ng mga
mangingisda sa baybayin ng Look ng Maynila.
Nang lumaon ang pamayanang ito ay lumaki
at umunlad bunga ng pagsasaka at iba
pang gawain at nakilala bilang Bulacan.
Pinaniniwalaang ito ay naging ganap na
lalawigan noong 1578. Nang dumating ang mga
Kastila, pinaniniwalaang napakaraming mga
kapok
namumulaklak na halaman sa lugar kung kayat
ito ay tinatawag na ‘bulaklakan’ o Bulakan (Bulacan) na pinaiksi.
Sinasabi ring maaaring nagmula ang pangalan ng lalawigan sa
napakaraming puno ng ‘kapok’ o bulak na isa sa mga
produktong kinagigiliwang angkatin ng mga Kastila noon.
Noon pa mang ikalabing walong siglo, kinikilala na ang
mayamang lalawigan ng Bulacan hindi lamang sa yamang-lupa
kundi pati sa kalakalan dahil sa malapit ito sa Maynila. Ito ang
nagdulot ng malaking pag-unlad sa buong lalawigan.
Ayon sa mga tala, noong panahon ng mga Espanyol, ang
lalawigan ng Bulacan ay isa sa apat na alcaldias ng Provincia de
Pampanga na ang kabisera ay ang Bulakan. Ang paghahati-hati
ng mga pamayanan bilang lalawigan at bayan ay bahagi ng
pagsasaayos ng buong kolonya ayon sa pangangailangan ng
mga Espanyol.

8
Isa sa mga maningning
na bahagi ng kasaysayan ng
Bulacan ay ang Kasunduan sa
Biak-na-Bato noong 1897. Higit
sa lahat, ang pagkakatalaga
ng Malolos bilang kabisera ng
Unang Republika ng Pilipinas
noong September 15, 1898 ang
maituturing na Simbahan ng Barasoain
pinakanatatangi. Ang
deklarasyon nito ay naganap sa Simbahan ng Barasoain kung
saan napagtibay ang Saligang Batas ng Unang Republika na
tinatawag na Konstitusyon ng Malolos.
Duyan din ng mga magigiting na bayani ang Bulacan tulad
ni Marcelo H. del Pilar, Gregorio del Pilar at ang mga ‘Babae ng
Malolos’ na lubos na hinangaan ni Rizal. Ang Bulacan ay tirahan
din ng mga malikhain tulad ng makatang si Francisco
“Baltazar” Balagtas.

Ang Lalawigan ng Nueva Ecija


Naging ganap na lalawigan ang Nueva Ecija noon 1848
matapos ang mahabang panahon nang ito ay magsimula bilang
isang comandancia (distrito militar) noong 1705, sa ilalim ng
pamumuno ni Gobernador Heneral Don Fausto Cruzat y Gongora
na siyang nagpangalan rito ng Nueva Ecija bilang pagkilala sa
kanyang lupang tinubuan sa lumang lungsod ng Ecija sa
Seville, Espanya.
Unang narating ng mga misyonerong Agustino ang Gapan
at unti-unting pinasok ang mga bayan papuntang hilaga. Sakop
pa rin ng hilagang Pampanga ang mga lugar na ito noong
panahong iyon.

9
Nang iniwan ng mga Agustino ang kanilang misyon sa
kautusan ni Haring Carlos III, mga paring Franciscano naman ang
namahala ng mga panirahan sa mga bayan. Nagtayo sila ng
mga simbahan, kumbento,
paaralan, at bahay pamahalaan.
Upang mapag-ugnay ang mga
panirahang itinatag ng mga
Espanyol, nagpagawa sila ng mga
daan at tulay. Nagpagawa rin sila
ng sistema ng irigasyon sa
Pantabangan na siyang
pinagmulan ng teknolohiya ng
pagsasaka sa lalawigan. malawak na palayan

Naging benepisyal sa lalawigan ang malalapit na Ilog


Pampanga, Peñaranda, at Talavera. Ang mga ilog na ito ang
nagpapataba sa kalupaan ng Nueva Ecija na nagbigay-daan sa
pag-unlad ng sektor
ng agrikultura.

Ang Lalawigan ng Pampanga


Bago pa man
dumating ang mga
Espanyol, ang Pampanga
ay isa ng lumalaking pook
panirahan na matatagpuan
sa mga ‘pampang ng ilog’
nito ang Rio Grande de
Pampanga. Ang salitang
Rio Grande de Pampanga ‘pampang’, kung saan
nagmula ang pangalan ng lalawigan, ay nangangahulugang
tabing ilog. Dahil dito, tinawag na mga Kapampangan ang mga
sinaunang nanirahan dito.

10
Ang Pampanga ang isa sa mga
naunang lalawigang nilikha ng mga
Espanyol noong December 11,1571.
Noong 1585, nagkaroon ng pag-
aalsa ang mga Kapampangan laban
sa pang-aabuso ng mga
encomendero o mga tagapamahala
ng malalawak na lupain sa Pilipinas sa
panahon ng mga Kastila. Taong 1660,
pinamunuan ni Francisco Maniago
ang isang pag-aalsa dahil sa
pagpapatupad ng sapilitang Francisco Maniago
paggawa at pangongolekta ng labis
na tributo o ang pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga
Kastila sa mga Pilipino.
Noong 1860, ang mga bayan ng Bamban, Capas,
Concepcion, Victoria, Tarlac, Mabalacat, Magalang, Porac at
Floridablanca ay nahiwalay sa Pampanga at napasailalim sa
Comandancia Militar de Tarlac. Noong 1817 naman ang huling
apat na lugar ay naibalik sa Pampanga at ang limang iba pa ay
nanatiling munisipalidad ng lalawigan ng Tarlac.
Noong Disyembre 8, 1941, binomba ng mga Hapones ang
Clark Air Base. Dito nagsimulang nasakop ang Pampanga. Noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga Kapampangan sa
pamamagitan ng mga samahang gaya ng HUKBALAHAP (Hukbo
ng Bayan Laban sa Hapon) at Kapampangang Gerilya ay
nakipaglaban hanggang sa mapaalis nila ang mga Hapones.
Sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991, lubos na
napinsala ang maraming bayan sa Pampanga. Ilan sa mga ito ay
nalubog sa lahar. Sa kasalukuyan, ang Lungsod San Fernando
ang kabisera ng Pampanga at maging ng buong Rehiyon III.

11
Ang Lalawigan ng Tarlac
Ang Tarlac ay mayroong mahabang kasaysayan sa
larangan ng pulitika at himagsikan.
Ang Tarlac ay hango sa isang talahib
na tinatawag na ‘Malatarlak’. Ito ay dating
bahagi ng mga lalawigan ng Pampanga
at Pangasinan. Ang mga unang bayan
nito ay ang Paniqui (1574), Tarlac (1686),
Bamban at Capas (1710). Taong 1860
nang lumikha ang mga Espanyol ng isang Malatarlak

comandancia mula sa mga bayan ng Concepcion, Bamban,


Capas, Mabalacat, Magalang, Porac, Floridablanca, Victoria, at
Tarlac. Ganap lamang itong naging lalawigan nong May 28,1873.
Noong 1896, ang Tarlac ay isa sa walong pinakaunang
lalawigang nag-alsa laban sa mga Espanyol. Ito ang naging
bagong kuta ng Unang Republika ng Pilipinas noong Marso 1899.
Nagtagal lamang ito ng isang buwan bago ilipat ang kuta sa
Nueva Ecija dahil sa tangkang paghuli kay Aguinaldo ng mga
Amerikano.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig naging
mahalaga rin ang ginampanang bahagi ng lalawigan. Noong
1945, napalaya ng pinagsamang puwersa nga mga Filipino at
Amerikano ang Camp O’Donnell sa Capas na kilala rin bilang
huling hantungan ng tinaguring ‘Death March’ na nagsimula sa
Bataan.
Sa Tarlac galing ang ilan sa
mga kilalang mga tao tulad ni dating
Pangulong Corazon C. Aquino at
Benigno “Noynoy” Aquino III, ang
bayaning si Benigno S. Aquino Jr o
mas kilalang si ‘Ninoy’, at si Carlos P.
Romulo na naging pangulo ng
General Assembly ng United Nations.
Death March

12
Ang Lalawigan ng Zambales
Sa paggalugad noong 1572 ni Juan de Salcedo, napansin
niya na ang Zambales at La Union ay sakop ng Pangasinan.
Sinasabing naitatag ang lalawigan noong 1578 ngunit ayon sa
tala, nahiwalay lamang ito noong August 28, 1901 at nilikhang
isang hiwalay na lalawigan ng Komisyong Taft noong panahon ng
mga Anerikano sa Pilipinas. Ang mga unang naitatatag na bayan
ay ang Masinloc, (1607), Iba (1611) at Sta. Cruz (1612). Masinloc
ang unang kabisera ng lalawigan. Ngunit nang magkaroon ng
sigalot tungkol sa pagpili ng kabisera, hiniwalay ang mga bayan
ng Infanta, Dasol, Anda, San Isidro, Alaminos, Bani, Balincaguing,
Agno, Dolores, Alos at Bolinao at isinama sa Pangasinan. Labing-
apat ang natira sa Zambales. Ang bayan ng Iba ang ginawang
kabisera ng lalawigan.
Ang pangalan ng lalawigan ay nagmula sa salitang Sambal.
Hango ito sa diyalekto ng mga
katutubo na dumating at nanirahan
sa lugar, ang mga Sambal. Sila, na
sumasamba sa mga espiritu, ay
natagpuang nakatira sa mga
pamayanan sa kahabaan ng
baybayin. Sila ay tinawag na
Sambales na hango sa salitang
pagsamba sa anito
Malay na samba na ang ibig
sabihin ay pagsamba sa mga anito o mga namatay na kamag-
anak. Kalaunan ang Sambales ay naging Zambales.
Taong 1895 itinayo ng mga Kastila ang isang base militar sa
Look ng Subic na napasakamay ng mga Amerikano mula 1898
hanggang 1992. Ito ngayon ay kilalang Special Economic Zone
na katulong ng bansa sa pagpapaunlad. Katulad ng Pampanga,
isa rin ang Zambales sa matinding napinsala ng pagsabog ng
Bulkang Pinatubo noong 1991.
Pamprosesong Tanong: Ano ang nagbunsod sa pagkabuo ng
lalawigan?

13
Suriin

Sa iyong nabasang kasaysayan ng mga lalawigan ng


Rehiyon III, malinaw ang sumusunod na impormasyon:

Una, ang mga lalawigan ay kapwa


nasakop ng mga dayuhan.

Ikalawa, ang mga lalawigan ay nabuo


bunga ng kautusan o mga batas,

Ikatlo, ang mga lalawigan ay nagpunyagi


at ipinaglaban upang matamasa ang kanilang
kalayaan.

Ikaapat, ang mga lalawigan ay may sari-


sariling kasaysayan at pagkakakilanlan.

14
Suriin mo ang diagram sa ibaba upang higit na
maunawaan ang kasaysayan ng iyong kinabibilangang rehiyon.

•Kasama ang •Nanakop ang


Bulacan, Nueva mga Kastila,
Ecija, Pampanga Ameikano, at
at Tarlac sa unang Hapones
naghimagsik sa
mga Kastila.

nagpunyagi
nasakop ng mga
para sa kanilang
dayuhan
Kalayaan

may sari-sariling nabuo bunga ng


kasaysayan at kautusan o mga
pagkakakilanlan batas

•Halimbawa, kilala •Sa utos ng mga


ang Bataan sa mananakop o
tinatawag natin kaya ay ng
pagsasabatas
ngayong "Araw ng
nalikha ang mga
Kagitingan" lalawigan

15
Subukang Sagutin: Sa iyong palagay, aling bahagi ng kasaysayan
ng mga lalawigan ng Rehiyon III ang higit na nagpapakilala sa
mga ito na tatatak sa isip at puso ng lahat ng mamamayan?
Bakit? Maaaring gamitin ang tri-question approach sa ibaba
upang higit na masuri ang tekstong nabasa.

Ano ang bahagi ng


kasaysayan ng mga
lalawigan ng Rehiyon
III ang maituturing na
katangi-tangi?

Bakit ang bahaging


Paano mahuhubog
ito ng kasaysayan ng
ang ating kamalayan
mga lalawigan ng
sa kasaysayan ng
Rehiyon III ang
mga lalawigan ng
maituturing na
Rehiyon III?
katangi-tangi?

Sa iyong pagtuklas at pagsuri ng kasaysayan ng mga


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon ay tiyak na marami kang
napagtantong impormasyon!
Ngayon, sa mga sumusunod na gawain ay mapagtitibay at
mapapayaman pa ang iyong mga nalaman.

16
Pagyamanin

A. Panuto: Buuin mo ang mga datos na hinihingi ng sumusunod


na talahanayan ukol sa pinagmulan ng pangalan ng bawat
lalawigan ng Rehiyon III. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Mga Lalawigan Pinagmulan ng Pangalan

Aurora

Bataan

Bulacan

Pampanga

Nueva Ecija

Tarlac

Zambales

Pamprosesong Gawain: Upang lalo mo pang matutuhan ang


kasaysayan ng rehiyong iyong kinabibilangan, isa-isahin mong
ipaliliwanag kung papaanong nakuha ng mga lalawigan ang
kani-kanilang pangalan? Itala sa kwaderno ang iyong kasagutan.

17
B. Panuto: Idugtong ang lalawigan sa kaliwang hanay sa tamang
taon kung kailan ito naitatag sa kanang hanay. Isagawa ito sa
iyong kwaderno.

Lalawigan ng Rehiyon III Taon ng Pagkakatatag

____1. Aurora 1979

____2. Bataan 1901

____3. Bulacan 1873

____4. Nueva Ecija 1754

____5. Pampanga 1705

____6. Tarlac 1578

____7. Zambales 1571

Pamprosesong Gawain: Anong lalawigan ang maituturing na


pinakabata? Pinakamatanda? Pagsunod-sunurin mo ang mga ito
mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda. Isulat ang
sagot sa kwaderno.
Taon ng
Bilang Lalawigan
Pagkakatatag
1

18
C. Panuto: Ang mga salitang nasa kahon ay nauugnay sa
kasaysayan ng mga lalawigan ng Rehiyon III, hanapin mo ang
mga ito sa kahon ng mga titik sa ibaba. Maari mong bilugan o
kaya ay guhitan ng linya ang mahahanap na salita. Isagawa
ito sa sagutang papel tulad ng bond paper.

Baler Kalilaya Limahong Samat


Barasoain Clark Pinatubo Malolos
Capas Ninoy Cruzat Subic
Pantabangan Maniago Masinloc

O B A R A S O A I N M D C V L
G A F B D U E V G R A X R B I
A L G A S B R G A Z S M U R M
I E B S A I L Y T A I A Z T A
N R N F C C A P A S N A A D H
A C M R A L O B S C L F T H O
M V H Y I M A L O L O S Y O N
R C J L B A R A O A C I S Z G
E X A T C A S A P S T A M A T
F K R A T P I N A T U B O T I
D Y O P C A P S A A C R T Y U
T B U G H F G E I M O P J P M
U T M P A N T A B A N G A N H
Y O N I N D L Y O S K J M D E
F G B H S D O A R V C L A R K

19
D. Panuto: Ihanay ang labinlima (15) na konsepto sa Gawain C
ayon sa lalawigan kung saan sila nauugnay. Isulat ang mga
sagot sa iyong kwaderno.

Lalawigan Nauugnay na Konsepto

Aurora

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

20
Pamprosesong Gawain: Pumili ka ng isa sa mga konsepto sa
Gawain D at ipaliwanag kung paano o bakit ito nauugnay sa
lalawigan kung saan ito inihanay. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Piniling kosepto: _____________________________________________

Paliwanag:
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

E. Panuto: Buuin mo ang timeline sa sumusunod na pahina sa


pamamagitan ng paglalagay sa loob ng mga kahon nito ang
mga impormasyong nauukol sa kasaysayan ng bawat
lalawigan ng Rehiyon III. Gawin mo ito sa hiwalay na buong
papel tulad ng bond paper.

• Nagalugad ni Juan de Salcedo ang lalawigan.


• Itinayo ng mga Kastila ang isang base militar sa Look ng
Subic
• Ito ay naging bagong kuta ng Unang Republika ng Pilipinas.
• Ito ay naging bagong kuta ng Unang Republika ng Pilipinas.
• Araw ng Kagitingan
• Nilikha ni Gobernador Heneral Fausto Cruzar ang lalawigan.
• Naitatag ang Malolos bilang kabisera ng Unang Republika
ng Pilipinas
• Binomba ng Hapon ang Clark Air Base

21
F. Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang hinihinging kasagutan
ukol sa ilang tauhan ng kasaysayan ng Rehiyon III.

Ano ang kanyang Gaano kahalaga


nagawa? ang kanilang
nagawa?

Ano ang kanilang


nagawa?

22
G. Panuto: Kasama ng iyong sariling lalawigan, pumili pa ng isang
lalawigan at paghambingin ang dalawang ito. Isulat sa T-
Diagram ang iyong gagawing paghahambing. Gawin mo ito
sa iyong kwaderno.

Sariling Lalawigan: ___________________________________________


Ihahambing na Lalawigan: __________________________________

Pagkakatulad Pagkakaiba

H. Panuto: Maglista sa iyong kwaderno ng dalawang


pangyayaring nauukol sa kasaysayan ng mga lalawigang
nabasa at tukuyin ang dahilan kung bakit ang mga ito ang
iyong napili.

Pangyayari sa Kasaysayan ng
Paliwanag ng Pagpili
Rehiyon III

Binabati kita sa masigasig mong pagsisikap na matapos


ang walong gawain! Maaari mo nang ituloy ang mga susunod
pang gawain upang higit na mapagtibay ang iyong kaalaman.

23
Isaisip

A. Panuto: Gawin ang iyong 3-2-1 tiket ukol sa iyong aralin.


Magiging gabay mo ang sumusunod. Isulat sa iyong kwaderno.

3-2-1 Tiket
3 Bagay na natutunan ukol sa aralin…

2 Bagay na nakapukaw ng iyong pansin ukol sa aralin…

1 Bagay na pagsisikapang gawin ukol sa aralin…

B. Panuto: Dugtungan ng naangkop na mga salita ang


sumusunod upang makabuo ng isang pangungusap ukol sa
kahalagahan ng pag-aaral sa kasaysayan ng kinabibilangan
mong rehiyon.

Mahalagang malaman at masuri ang kasaysayan ng


kinabibilangan rehiyon sapagkat _____________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
Hindi ba’t nakatutuwa na marami kang natutunan sa
iyong aralin? Tunay ngang napakahalaga ng pag-aaral sa
kasaysayan ng iyong kinabibilangang rehiyon. Ngayon ay higit
pa itong palalalimin ng mga sumusunod na bahagi ng modyul
na ito!

24
Isagawa

A. Panuto: Kumpletuhin ang pahayag ukol sa iyong tugon sa mga


konseptong natutuhan sa araling ito.
Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutuhan ay
ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

Bilang mamamayan,
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

25
B. Panuto: Lumikha ng isang islogan-poster na naglalaman ng
iyong pagtatangi sa kasaysayan ng sariling lalawigan. Maaring
gamitin ang sumusunod na rubrik bilang iyong gabay sa
pagsasagawa nito.

Rubrik sa Paglikha ng Islogan-Poster

Puntos
Kailangan ng
Pamantayan Mahusay Katamtaman
Pagpapabuti
3 puntos 2 puntos 1 puntos
Nilalaman (Ang
mensaheng
nilalaman ay
nakapanghihikayat
sa mambabasa.)
Pagkamalikhain
(Ang islogan-poster
ay malikhain at
nakaaakit tignan.)
On-time (Natapos
ang gawain sa
itinakdang
panahon.)
Kalinisan ng gawa = 1 puntos

Mahusay! Naipakita mo sa pamamagitan ng mapanuring


pag-iisip at pagkamalikhain ang iyong mga natutunan sa araling
ito!
Ngayon ay handa ka na upang tayahin ang iyong
pangkalahatang natutunan. Binabati kita!

26
Tayahin

Panuto: Sumulat ng isang maikling talata ukol sa kasaysayan ng


iyong sariling lalawigan. Ang rubrik sa ibaba ay ang iyong
magiging gabay sa pagsulat.

Rubrik sa Pagsulat ng Maikling Talata

Puntos Pamantayan

5 Napakahusay at maingat ang pagkakasulat.


Tama ang nailagay na impormasyon sa talata at
nagpapakita ng pagkatuto sa pagsusuri ng
kasaysayan ng sariling lalawigan.
4 Mahusay at maingat ang pagkakasulat. Tama
ang nailagay na impormasyon sa talata at
nagpapakita ng pagkatuto sa pagsusuri ng
kasaysayan ng sariling lalawigan.
3 Nakapagsulat ng talata ngunit kulang sa
paglalahad ng natutunan sa pagsusuri ng
kasaysayan ng sariling lalawigan.
2 Nakapagbanggit ng isang ideyang nauugnay sa
kasaysayan ng sariling lalawigan

1 Sinubukang gawin ngunit hindi natapos

Isang malaking hamon ang pagsulat ng talata, ngunit


nakaya mong makabuo ng maikli ngunit naglalaman ng iyong
tunay na kaalaman ukol sa araling ito. Muli kitang binabati dahil
nagtagumpay ka!
Upang higit pang maging makabuluhan ang iyong napag-
aralan, hinihikayat kitang isagawa ang sumusunod na gawain.

27
Karagdagang Gawain

Panuto: Magtanong sa iyong mga lolo at lola ukol sa mga kwento


sa panahon ng mga Hapon sa inyong bayan at lalawigan. Itala
sa iyong kwaderno ang makakalap na impormasyon gayundin
ang iyong reaksyon ukol dito.

28
29
Subukin
Tuklasin Balikan
1. Tama
Pamprosesong Tanong: Iba-iba 1. Mananakop
2. Mali
2. Pamahalaan
3. Tama ang sagot. Pamprosesong Tanong: Iba-iba
4. Mali
ang sagot.
5. Tama
Pagyamanin Pagyamanin
Gawain A Gawain B
1. Aurora – Doña Aurora Quezon Lalawigan ng Taon ng
2. Bulacan - bulak Rehiyon III Pagkakatatag
3. Pampanga – Pampang ng Ilog
4. Nueva Ecija – Ecija na lugar sa Espanya Aurora 1979
5. Tarlac -Malatarlak
6. Zambales – Sambal Bataan 1901
Para sa pagpapaliwanag-Iba-iba ang sagot
Bulacan 1873
Pagyamanin
Gawain C Nueva Ecija 1754
O B A R A S O A I N M D C V L
Pampanga 1705
G A F B D U E V G R A X R B I
A L G A S B R G A Z S M U R M Tarlac 1578
I E B S A I L Y T A I A Z T A
N R N F C C A P A S N A A D H Zambales 1571
A C M R A L O B S C L F T H O
M V H Y I M A L O L O S Y O N Pagyamanin
Gawain D
R C J L B A R A O A C I S Z G
Lalawigan Nauugnay na
E X A T C A S A P S T A M A T Konsepto
F K R A T P I N A T U B O T I Aurora Baler
D Y O P C A P S A A C R T Y U Kalilaya
T B U G H F G E I M O P J P M Bataan Limahong
U T M P A N T A B A N G A N H Samat
Y O N I N D L Y O S K J M D E Bulacan Barasoain
F G B H S D O A R V C L A R K Malolos
Nueva Ecija Cruzat
Pantabangan
Pagyamanin Pampanga Clark
Gawain E Pinatubo
Maniago
Tarlac Capas
Ninoy
Zambales Subic
Pinatubo
Masinloc
Pagyamanin
Gawain F
Isaisip Isagawa
Gawain A Gawain A
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot
Gawain B Dugtungan Gawain B. Islogan-Poster
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang islogan-poster
Tayahin Karagdagang Gawain
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

"About – Aurora.Gov.Ph". 2019. Aurora.Gov.Ph.


http://www.aurora.ph/about/history.
"About – Bataan.Gov.Ph". 2015. Bataan.Gov.Ph.
https://www.bataan.gov.ph/about/.
"About - Bulacan". 2020. Experience Bulacan.
https://www.bulacan.gov.ph/generalinfo/index.php.
"About Tarlac Province, Philippines". 2019. Islandsproperties.Com.
https://www.islandsproperties.com/places/tarlac.htm#:~:text
=Tarlac%20was%20originally%20a%20part,rise%20in%20arms%
20against%20Spain.
Admin, Web. 2013. "Provincial Government Of
Pampanga". Pampanga.Gov.Ph.
https://www.pampanga.gov.ph/index.php/component/con
tent/article/90-capitol/the-province/848-general-
information.html.
Austria, Ma. Rosalie, Jeaneth Doyog, Mary Abigail Bautista,
Diosdado Mateo, Jose Galang, Teodora Mendoza,
Angelique Romero, Mary Jane De Vera, Grace Almera, and
Alma LIngat. 2019. Araling Panlipunan: Kagamitan Ng Mag-
Aaral Rehiyon III Central Luzon. 1st ed. San Fernando,
Pampanga: Department of Education-Bureau of Learning
Resources.
"History Of Iba – Official Website Of Municipality Of Iba".
2020. Ibazambales.Gov.Ph.
https://www.ibazambales.gov.ph/history-of-iba/.
K To 12 Most Essential Learning Competencies . 2020. Ebook. Pasig
City: Department of Education.
Manalo, Thea Joy, Charity Capunitan, Walter Galang, and Rodel
Sampang. 2015. Araling Panlipunan: Patnubay Ng Guro. 1st
ed. Pasig City: Department of Education.

30
"Official Gazette". 1999. Officialgazette.Gov.Ph.
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1999/05may/
19990510-PROC-0109-JEE.pdf.
Santiago, Fernando. 2015. "De La Salle University". Dlsu.Edu.Ph.
https://www.dlsu.edu.ph/wp-
content/uploads/pdf/conferences/research-congress-
proceedings/2015/TPHS/017TPH_Santiago_FA.pdf.
"The Beginnings Of Tarlac". 2016. Web.Archive.Org.
https://web.archive.org/web/20160122230159/http://visit-
tarlac.com/the-beginnings-of-tarlac.

31
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education–Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like