You are on page 1of 10

MATAAS NA PAARALAN NG SAGAD

TAONG PANURUAN 2019-2020


BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1 PETSA: __________________

I. LAYUNIN

A. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga panitikan, paniniwala, wika at


tradisyon ng Kabisayaan.
B. Naiisa-isa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Kabisayaan

II. PAKSANG-ARALIN
1. PAKSA: Kabisayaan: Mga Rehiyon at Lalawigan at Wika)
2. SANGGUNIAN: Panitik 7
3. KAGAMITAN: manila paper

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin Magandang umaga din po sa inyo Bb. Dalo ,
2. Pagbati maligayang pagdating sa pangkat
3. Pagpuna sa kapaligiran _____________. Mabuhay!
4. Pag-uulat ng liban

B. PAGGANYAK

Tanong:
Nakarating ka na ba sa mga lalawigan ng Opo, nakarating na po ako sa Aklan.
Kabisayaan tulad ng Aklan, Antique, Iloilo Capiz at
iba pa?

Ano ang masasabi mo sa lugar na iyong Maganda po ang lugar at malinis.Mababait din
napuntahan? po ang mga tao sa Aklan.

C. PAGTALAKAY SA ARALIN

KABISAYAAN
Ang Visayas o kabisayaan , tinagurian ring
Gitnang Pilipinas ay isa sa tatlong pangunahing
pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang
Luzon at Mindanao.
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay
ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte at Samar.

Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon VI)]


Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng isla
ng Panay at Guimaras. Ang mga lalawigan nito ay:
 Aklan
 Antique
 Capiz
 Guimaras
 Iloilo
Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VI)
 Lungsod ng Iloilo (Iloilo City)

Mga Rehiyon at Lalawigan


Ang Visayas ay nahahati sa 3 rehiyon na lalo pang
nahahati sa 17 mga probinsiya.
Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon VI)]
Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng isla
ng Panay at Guimaras. Ang mga lalawigan nito ay:
 Aklan
 Antique
 Capiz
 Guimaras
 Iloilo
Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VI)
 Lungsod ng Iloilo (Iloilo City)
Gitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)
Kabilang sa Gitnang Kabisayaan ang mga pulo
ng Cebu,Siquijor,Bohol,Negros Occidental at Negros
Oriental. Ang mga lalawigan nito ay:
 Bohol
 Cebu
 Siquijor
 Negros Occidental
 Negros Oriental
Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VII)
Lungsod ng Cebu (Cebu City)
Silangang Kabisayaan (Rehiyon VIII
Ang Silangang Kabisayaan ay binubuo ng mga
pulo ng Leyte, Biliran, at Samar. Ang mga lalawigan nito
ay:
 Biliran
 Leyte
 Timog Leyte
 Silangang Samar
 Hilagang Samar
 Kanlurang Samar
Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VIII)
Tacloban (Tacloban City)

Wika
Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan
ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan
ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang
Kabisayaan, at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang
iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang
Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon.

Tanong:
1. Paano mo mailalarawan ang Kabisayaan batay sa -Nalaman kong maraming magagandang lugar
mga impormasyong natutunan? na matatagpuan sa Kabisayaan. mIba-iba rin
ang wikang ginagamit rito ngunit
nakakaintindi rin naman sila ng wikang
Filipino.

IV. KASUNDUAN
-Alamin ang kahulugan ng bulong at awiting-bayan
MATAAS NA PAARALAN NG SAGAD
TAONG PANURUAN 2019-2020
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1 PETSA: __________________

I. LAYUNIN
A. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga panitikan, paniniwala, wika at
tradisyon ng Kabisayaan.
B. Naiisa-isa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Kabisayaan

II. PAKSANG-ARALIN
1. PAKSA: Kabisayaan: Mga Rehiyon at Lalawigan at Wika)
2. SANGGUNIAN: Panitik 7
3. KAGAMITAN: manila paper

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin Magandang umaga din po sa inyo Bb. Dalo ,
2. Pagbati maligayang pagdating sa pangkat
3. Pagpuna sa kapaligiran _____________. Mabuhay!
4. Pag-uulat ng liban

B.PAGGANYAK
I. LAYUNIN
A. Nabibigyang kahulugan ang pabula
B. Naihahambing ang pabula sa ibang akdang pampanitikan

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Pabula
SANGGUNIAN: Panitik 7
KAGAMITAN:
III. PAMAMARAAN
A. PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kapaligiran
4. Pag-uulat ng liban
B. PAGGANYAK
-Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang PABULA gamit ang concept map.

PABULA

Tanong:
1. Batay sa mga naiugnay na salita ano ang iyong naging kaalaman ukol sa pabula.
2. Paano ito naiba sa ibang akdang pampanitikan?

C. PAGTALAKAY SA ARALIN
-Kahulugan ng pabula
-Elemento ng pabula
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Aral

D. GAWAIN
-Gamit ang Venn diagram ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pabula sa ibang akdang
pampanitikan.

PABULA IBA PANG AKDANG


PAMPANITIKAN

\
E. SINTESIS
Nalaman ko na___________________________________________
Naunawaan ko___________________________________________

IV. KASUNDUAN-Alamin ang kahulugan at gamit ng pang-ugnay


MATAAS NA PAARALAN NG SAGAD
TAONG PANURUAN 2019-2020
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 2 PETSA: __________________

I. LAYUNIN
A. Nailalahad ang mensaheng tinutukoy sa video clips na papanoorin.
B. Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhang
napanood na animation.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Pabula
SANGGUNIAN: Panitik 7
KAGAMITAN: speaker, laptop

III. PAMAMARAAN
A. PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kapaligiran
4. Pag-uulat ng liban

B. PAGGANYAK
-Ipabasa ang pabulang Ang Pagong at si Matsing.

Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa mga ugali ng pangunahing tauhan?
2. Sinong tauhan ang dapat at di-dapat tularan? Bakit?

C. MUNGKAHING GAWAIN
-Ipagawa sa mag-aaral ang sumusunod na pangkatang gawain.

PANGKAT I – Mula sa binasang pabula, isa-isahin ang mga katangian ng mga tauhan gamit
ang tsart sa ibaba.

TAUHAN KALAKASAN KAHINAAN


PANGKAT II – Tukuyin ang mensaheng iniiwan ng pabulang nabasa sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang islogan.

PANGKAT III- Paglalarawan ng taong kakilala na may pagkakatulad ang katangian sa mga
tauhan sa pinanood.

D. SINTESIS
-Magbigay ng kaisipang naihatid at damdaming napukaw mula sa pinanood na video.

KAISIPANG NAKINTAL DAMDAMING NAPUKAW

IV. KASUNDUAN

-Magbasa ng pabula at isulat ang mahalagang aral na napuloto nakuha mula dito.

MATAAS NA PAARALAN NG SAGAD


TAONG PANURUAN 2019-2020
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 2 PETSA: __________________

I. LAYUNIN
A. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda.
B. Nahihinuha ang magiging kinalabasan ng mga pangyayari.
C. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa akda.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti
SANGGUNIAN: Panitik 7 pp.12-13
KAGAMITAN: speaker, laptop

III. PAMAMARAAN
A. PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kapaligiran
4. Pag-uulat ng liban
B. PAGGANYAK
-Magpakita ng larawan ng isang putakti. Magbigay ng mga konotasyong salita mula sa larawang
nakita.

C. MUNGKAHING GAWAIN
1. Ipabasa sa mag-aaral ang akdang “Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti” sa pahina 12-
13 ng batayang aklat.
2. Pasagutan ang Pagpapalawak ng Talasalitaan at Paunlarin ang Kaisipan sa pahina 13 at 14
sa batayang aklat.
3. Ipagawa ang sumusunod na pangkatang gawain.

PANGKAT I – Pagtukoy sa mahahalagang impormasyon sa akdang binasa gamit ang Conflict


Dissection.

Tauhan Tagpuan
Suliranin Solusyon

PANGKAT II – Pag-iisa-isa ng mahahalagang kaisipang iniwan sa mambabasa sa


pamamagitan ng isnag dula-dulaan.

PANGKAT III – Pagbibigay ng saloobin kung dapat o di dapat sisihin si Putakti sa sinapit ng
kaniyang mga asawa gamit ang Discussion Web.

OO HINDI

Dapat ba o di dapat
sisihin si Putakti sa
sinapit ng kaniyang
mga asawa?

D. SINTESIS

Ipabuo ang konsepto sa mag-aaral.


Nabatid ko na ____________________________________________
Napatunayan ko na ________________________________________

IV. KASUNDUAN
-Gumuhit o maghanap ng larawan ng iyong paboritong hayop. Ilarawan ang katangian nito
kung bakit ito ang iyong napili.
MATAAS NA PAARALAN NG SAGAD
TAONG PANURUAN 2019-2020
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

UNANG MARKAHAN
ARALIN 2 PETSA: __________________

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga pag-uugaling dapat o di-dapat tularan sa mga tauhan.
B. Nakapagpapamalas ng aktibong pakikilahaok sa talakayag
C. Naipahahayag ang damdamin ukol sa akda.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti
SANGGUNIAN: Panitik 7 pp.12-13
KAGAMITAN: cartolina

III. PAMAMARAAN
A. PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kapaligiran
4. Pag-uulat ng liban

B. PAGGANYAK
-Pagbalik-aralan ang paksang tinalakay noong nakaraang pagkikita.

C. MUNGKAHING GAWAIN
1. Ipagawa sa mag-aaral ang Pagpapalalim ng Karanasan sa pahina 15-17 sa batayang aklat.
2. Isagawa ang sumusunod na pangkatang gawain.

PANGKAT I – Pagsusuri sa pag-uugaling dapat o di-dapat na tularan sa mga sumusunod na


tauhan.

TAUHAN PAG-UUGALING NARARAPAT PAG-UUGALING DI


NA TULARAN NARARAPAT NA TULARAN
Lalapindigowa – i
Odang
Orak

PANGKAT II – Pagbabahagi ng ibang pabula na ang paksa ay hindi nalalayo sa akdang binasa
gamit ang Cycle Mapping.

PANGKAT III – Pagbuo ng dayalogo na gagamitan ng mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng


saloobin.

D. Pag-uulat ng Bawat Pangkat

D. SINTESIS
-Ilahad ang bisang ibinigay ng akda sa iyo.
Bisa sa isipan_________________________________
Bisa sa damdamin_____________________________
Bisa sa kilos__________________________________

IV. KASUNDUAN

MATAAS NA PAARALAN NG SAGAD


TAONG PANURUAN 2019-2020
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1 PETSA: __________________

I. LAYUNIN
A. Naiisa-isa ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin.
B. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman na ginagamitan ng mga pang-ugnay sa
pagpapahayag ng mga saloobin sa iba’t ibang sitwasyon.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagpapahayag ng Saloobin
SANGGUNIAN: Panitik 7 p.18
KAGAMITAN: cartolina

III. PAMAMARAAN
A. PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kapaligiran
4. Pag-uulat ng liban

B. PAGGANYAK
-Pagsagawa ng isang laro sa klase, “Tanong mo, Sagot ko.” May tanong na bubunutin ng
kalahok na inaasahang makapagbibigay ng kasagutan sa loob ng isang minuto.

C. PAGTALAKAY
-Kahulugan at gamit ng pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin
Halimbawa: mula sa puso, para sa akin, sa aking palagay, sa tingin ko, nauunawaan ko, nakita
ko, ramdam ko

D. MUNGKAHING GAWAIN
1. Pasagutan ang “Pagpapahalaga” sa pahina 17 ng Batayang aklat.
2. Ipagawa ang gawain sa “Pagganap” sa pahina 19 ng Batayang Aklat.

E. SINTESIS
Ipahayag sa mag-aaral ang kanilang opinyon tungkol sa paksang tinalakay.

IV. KASUNDUAN
-Ipahayag ang iyong saloobin ukol sa napapanahong isyu gamit ang mga pang-ugnay na
nagpapahay ng saloobin.

You might also like