You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF GUIMARAS
CABALAGNAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN
GRADO 7

UNANG MARKAHAN
I.LAYUNIN
Natutukoy ang uri Anyong Lupa sa Asya.

II. PAKSA
Nilalaman:Ang Anyong Lupa ng Asya
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Blando, Rosemarie, et. al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba (Modyul ng Mag-aaral), Department of Education, 2014, 21-23
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
Pagtatala ng Liban
Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
Balik- Aral

A. A K T I B I T I
Gawain: Mapa Suri!
Panuto: Matapos mong subukin ang iyong kaalaman patungkol sa Katangiang Pisikal ng Asya, atin
namang balikan kung naunawaan mo nga ang nakaraang talakayan. Tukuyin kung anong Rehiyon
ng Asya ang mga nasa larawan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

________________________________________________________________ ________________________________ ________________________________

________________________________________________________________ ________________________________________________________________

________________________________________________________________

B. A N A L I S I S
1. Naging madali ba ang inyong ginawa?
2. Anong- anu ang mga rehiyon matatagpuan ito?

C. ABSTRAKSYON
Pagkakaroon ng ng malayang talakayan tungkol sa Anyong Lupa ng Asya.
Mga uri ng Anyong Lupa

1. Bulubundukin o hanay ng mga bundok.


Pinakatanyag ay ang Himalayas na may habang umaabot
sa 2,415 kilometro. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir
(Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien
Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus
Azerbaijan, George Russia, at Armenia) at ang Ural
(Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga bulubundukin ng
Asya. Kadalasang pinapangkat sa dalawang kabundukan sa
Asya. Ang una ay nagmumula sa hilagang-silangan dulo
ng Asya malapit sa Bering Strait na tumatahak pahilig
patungong Afghanistan at Pakistan, samantalang ang
ikalawa naman ay nagmumula sa kanlurang bahagi ng TIBETAN PLATEAU
Asya partikular sa Turkey patungong Iran na mula sa mga
bansang ito ay tumatahak pahalang patungong Himalayas,
bababa sa Myanmar at tangway ng Malay.
Ang dalawang sistema ng kabundukang ito ay
magtatagpo sa Afghanistan at Pakistan. Sa Himalayas ay
ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas
na halos 8,850 metro, pangalawa ang K2 (8,611 metro) na
nasa Pakistan / China. Pangatlo naman ang Mt.
Kanchejunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.

2. Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas


ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may GOBI DESERT
taas na halos 8,850 metro, pangalawa ang K2 (8,611
metro) na nasa Pakistan / China. Pangatlo naman ang Mt.
Kanchejunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.

3. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang


Tibetan Plateau na itinuturing na pinakamataas na
talampas sa buong mundo (16,000 talampakan) at
tinaguriang Roof of The World ay nasa Asya. Ang
talampas ng
KAPULUAN NG INDONESIA
Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangetic Plain
ng India ay kilala rin.

4. Disyerto. Ang Gobi Desert (Mongolia at Hilagang China, 1,295,000 kilometro kwadrado) na
siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo ay isa lamang sa mga disyertong
matatagpuan sa Asya. Makikita rin dito ang mga disyerto na Taklamakan (China), Karakum
(Turkmenistan), at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia, at India.
5. Kapuluan o Arkipelago ay pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang
pinakamalaking archipelago state sa buong mundo na binubuo ng humigit-kumulang na 13,000 mga
PURAO ISLAND
pulo. Ang Pilipinas at ang Japan ay kabilang din sa mga bansang binubuo ng kapuluan.
6. Pulo. Umaabot sa 1,994,300 kilometro kuwadrado ang kabuoang sukat ng mga pulo sa
Asya at kabilang dito ang Cyprus sa kanluran; Andaman, Sri Lanka, at mga pulo ng Maldives sa
katimugan; Borneo, Java Sumatra, at mga pulo ng Pilipinas sa TimogSilangan; Hainan, Taiwan,
Sakhalin, Kuril, at mga Pulo sa Japan sa silangan; at Wrangel, New Siberian, Zemlya, at Severnaya sa
hilaga.

7. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan ang
Asya. Tinatayang nasa 7,770,000 kilometro kuwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey
sa kanluran; Arabia, India, Indochina, at Malay sa katimugan; Korea,
Kamchatka, at Chukotsk sa silangan; at Taymyr, Gyda, at Yamal sa hilaga
INDIA PENIINSULA
(bahagi sa Siberia).

8. Kapatagan. Halos sangkapat (1/4) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-Gangetic
Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.

D. APLIKASYON
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga halimbawa ng Uri ng Anyong Lupa at mga
halimbawa nito.

IV. E B A L W A S Y O N KAPATAGAN NG PILIPINAS


Panuto :
Pumili ng sagot sa loob ng kahon.Isulat ito sa sulatang papel.

1. Uri ng anyong lupa na kung saan ang Himalayas ang pinakatanyag?


2. Ito ay pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia?
3. Halos sang( ¼) na bahagi ng lupain ng asya ay anong uri ng Anyong Lupa?
4. Lupain ng Anyong Lupang nakausli sa karagatan ang asya?
5. Umaabot sa 1 994 300 kilometro kuwadrado ang buong sukat ng mga ______ sa Asya?
6. Uri ng anyong lupa na siyang pinakamalaki sa Asya?
7. Ang Tibetan Plateau ay itinuturing na pinakamataas na uri ng Anyong Lupa?
8. Anong uri ng Anyong Lupa ang Mt. Everest?
9. Kilala ito bilang pilikamalaking disyerto sa buong mundo.
10. Ito ay tinatawag na treeless mountain tract.

V. KASUNDUAN
Pag-aralan ang mga uri ng klima sa Asya.
Prepared By:

JANINE G. DULACA
LSB

You might also like