You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 1 WEEK: 1 DAY: 1

Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –


COMPETENCY : heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-
Asya,Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya.
Natutukoy ang konsepto ng Heograpiya at naipapaliwanag ang
OBJECTIVES :
Heograpiya ng kontinente ng Asya.
CONTENT : Heograpiya: Kontinente ng Asya
LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba - (Modyul ng Mag-
RESOURCES : aaral), ph.3-19, SLM-AP7-Q1-Modyul 1, MELCS, Mapa o Globo,
Kagamitang Biswal/Mga larawan
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
● Panalangin
● Pagtatala ng mga lumiban sa klase

B. Pagganyak: (Motivation)
● Magpapaskil ng mapa ng daigdig.
● Tatanungin ang mga mag-aaral:
a. Anu-ano ang inyong nakikita sa mapa ng daigdig?
b. Ano ang tawag sa malalaking masa ng lupain na makikita
sa mapa?
c. Ilan lahat ang kontinente ng daigdig?
● Magtawag ng mga mag-aaral na gustong ituro ang bawat
kontinente ng mundo sa mapa.

C. Paglalahad: (Presentation)
● Bakit nga ba kailangan nating pag-aralan ang Heograpiya?
● Base sa mapa ng daigdig na inyong nakita, makatutulong ba
ito sa pag-aaral ng heograpiya? Bakit?
● Saang kontinente ba nabibilang ang Pilipinas?
D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)
● Ilalahad ang konsepto ng Heograpiya.
● Isa-isahin ang mga Kontinente ng Daigdig.
● Tatalakayin ang Heograpiya:Kontinente ng Asya
E. Paghahasa (Exercises)

Pangkatang Gawain: Mga Kontinente ng Daigdig


Panuto: Punan mo ng tamang kasagutan ang mapa ng daigdig. Ilagay
ang tamang label o pangalan ng kontinente sa larawan ng blankong
mapa ng daigdig.
F. Paglalahat: (Generalization)
Sa pag-aaral ng kasaysayan, mahalagang maunawaan ang
kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga
bansang Asyano.
Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego –
ang geo (daigdig) at graphein (magsulat). Ito ay nangangahulugan ng
paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa. Ang heograpiya ay maraming
kinukuhang datos sa iba’t ibang agham pisikal, bayolohikal, at sosyal.
Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat
pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook.
Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa
sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay
samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. May pitong
kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asia, Europe, North
America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang
karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga
bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.

G. Paglalapat (Application)
● Bilang mag-aaral, sa anog paraan mo maipapakita ang
kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya?

H. Pagtataya: (Evaluation)
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Saan nagmula ang salitang “heograpiya”? Ibigay ang kahulugan
nito.
2. Ano ang ibig sabihin ng kontinente? Ilang kontinente ba mayroon
ang daigdig?
3. Isa-isahin ang mga kontinente ng daigdig.
4. Batay sa lupang nasasakop, alin sa pitong kontinente ang
pinakamalaki?
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Magsaliksik tungkol sa Paghahating Heograpiko ng Asya at ang mga
bansang kabilang o bahagi ng bawat rehiyon nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 1 WEEK: 1 DAY: 2

Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –


COMPETENCY : heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-
Asya,Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya.
Nasusuri ang ibat-ibang rehiyon ng Asya batay sa mga salik sa
OBJECTIVES :
paghahating heograpiko.
CONTENT Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating Heograpiko: Ang mga
:
Rehiyon ng Asya at mga Bansang bumubuo nito
LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba - (Modyul ng Mag-
RESOURCES :
aaral), ph.3-19, Modyul, MELCS, Mapa o Globo
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
● Panalangin
● Pagtatala sa mga mag-aaral na lumiban sa klase
● Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa

B. Pagganyak: (Motivation)
Pangkatang Gawain:

Magbibigay ang guro sa bawat pangkat/grupo ng larawan ng mapa


ng Asya. Kukulayan ng mag-aaral ang bawat lugar sa mapa ayon sa
rehiyon na kinabibilangan nito.

C. Paglalahad: (Presentation)
● Ano ang iyong naging basehan sa pagkulay sa bawat lugar?
● Ibigay ang iba’t-ibang rehiyon sa Asya.
● Ano sa tingin mo ang batayan sa paghahati ng mga bansa sa
Asya?
● Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging paksa sa araw na ito.

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)
● Isa-isahin ang mga bansa na kabilang o bahagi ng bawat
rehiyon ng Asya.
● Ipapaliwanag ang iba’t-ibang salik ng paghahating heograpiko.
● Malayang talakayan hinggil sa iba’t-ibang rehiyon ng Asya at
kung sa anong salik ng paghahating heograpiko higit na nai-
aaplay sa kanila.

E. Paghahasa (Exercises)
Data Retrieval Chat!

Panuto: Punan ang Chat na nasa ibaba. Ibigay ang mga bansang
sakop ng bawat rehiyon ng kontinente ng Asya. Isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.
F. Paglalahat: (Generalization)
● Isa-isahin ang mga rehiyon ng Asya.
● Nauunawaan ang mga paraan o salik sa paghahating
heograpikal ng mga rehiyon ng Asya.
● Natutukoy ang mga bansa na bumubuo sa rehiyon ng Asya.
G. Paglalapat (Application)
● Bilang Asyano, mahalaga ba ang pagkakaroon ng paghahating
heograpiko sa mga lugar/bansa sa Asya? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

● Paano kaya nakakaapekto ang paghahating heograpiko ng mga


rehiyon sa Asya sa pamumuhay ng mga Asyano?

H. Pagtataya: (Evaluation)
Gawain: Bansang Asyano, I-Rehiyon Mo!

Panuto: Tukuyin mo kung saang rehiyon napapaloob ang sumusunod


na bansa. Isulat ang HA para sa Hilagang Asya, SA sa Silangang
Asya, TSA sa Timog Silangang Asya, KA sa Kanlurang Asya at TA
para sa Timog Asya. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel.

__________1. Kyrgyzstan ___________6. Nepal


__________2. Pakistan ___________7. Taiwan
__________3. Qatar ___________8. Indonesia
__________4. Singapore ___________9. Syria
__________5. South Korea ___________10. Turkmenistan

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)


Magreview o pag-aralan ang mga tinalakay nating paksa para sa
pasulit sa susunod nating pagtatagpo.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 1 WEEK: 1 DAY: 3

Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –


COMPETENCY : heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-
Asya,Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya.
Natataya ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:
OBJECTIVE : Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang
Asya, at Hilagang Asya;
CONTENT : Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating Heograpiko
LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba - (Modyul ng Mag-
RESOURCES :
aaral), ph.3-19.SLM AP 7-Q1-Modyul 1, MELCS
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
● Panalangin
● Pagtsek ng attendance
● Pagrereview ng mga paksang tinalakay sa nakaraang
pagtatagpo. (3 – 5 mins)

B. Pagganyak: (Motivation)

C. Paglalahad: (Presentation)

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

E. Paghahasa (Exercises)

F. Paglalahat: (Generalization)

G. Paglalapat (Application)

H. Pagtataya: (Evaluation)
Week 1-Summative Test:

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng


Heograpiya?
A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng
daigdig.
B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang
pamayanan.
C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at
alokasyon ng likas na yaman.
D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.

2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig?


A. 5 B. 6 C. 7 D. 8

3. Aling rehiyon sa Asya napapabilang ang bansang Pilipinas?


A. Timog asya B. Timog-Silangang Asya
B. Silangang Asya D. Hilagang Asya

4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs


at Korean drama, Aling rehiyon ka sa Asya napapabilang?
A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Timog Silangang Asya D. Kanlurang Asya

5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal,


historikal at kultural na aspeto. Kung pagsasama-samahin ang mga
bansa, alin ang mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon?
A. United Arab Emirates, Qatar at Iran
B. North Korea, Nepal at Singapore
C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan
D. China, Indonesia at Uzbekistan

6. Ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon na


kinabibilangan ng Hilagang Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang
Asya, Timog Asya at Timog Silangang Asya. Anong mga batayan o
aspeto ang dapat isasaalang-alang sa paghahati ng bawat rehiyon?
A. Isasaalang-alang ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal.
B. Isasaalang-alang ang mga porma ng anyong lupa, anyong tubig sa
lugar.
C. Isasaalang-alang ang klima ng isang lugar.
D. Isasaalang-alang ang aspektong historikal, kultural at heograpikal.

7. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya?


A. 5 B. 6 C. 7 D. 4

8. Alin ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa daigdig batay


sa laki ng lupaing sukat nito?
A. Africa B. Asya C. Europa D. Australia

9. Ang rehiyong ito ay kilala rin sa katawagang Inner Asia o Central


Asia?
A. Timog Asya C. Hilagang Asya
B. Silangang Asya D. Kanlurang Asya

10. Alin sa sumusunod ang pinagbatayan sa paghahati ng mga rehiyon


sa Asya?
A. Pisikal na aspeto
B. Historikal na aspeto
C. Kultural na aspeto
D. Lahat ng nabanggit.
11. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya. Tinatawag na heograpikal at
kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil sa isinaalang alang sa
paghahati ng mga aspetong pisikal, historikal, at kultural kumpara sa
ibang mga rehiyon, bakit ang hilaga at kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay?

A. Ang mga ito ay parehong napasailalim sa halos parehong karanasan


sa larangang historikal, kultural, agrikultural, at sa klima.
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang
ng kapaligirang pisikal.
C. Ang mga porma ng mga anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay
halos pareho.
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng mga pamumuhay ng mga
tao rito.

12. Mahalagang pagtuunan ng pansin sa pag-aaral tungkol sa Asya


ang heograpiya o katangiang pisikal ng mundo. Bakit?

A. Dahil iba-iba ang katangiang pisikal ng Asya.


B. Dahil ang Asya ay isa sa mga kontinente ng mundo,
C. Sapagkat malaki ang epekto ng pisikal na katangian ng kapaligiran
sa kilos at gawain ng tao.
D. Sapagkat dito natin malalaman ang iba’t-ibang lugar sa mundo.

13. Alin sa mga rehiyon sa Asya ang minsang binansagang Farther


India at Little China dahil sa mga impluwensya ng mga nasabing
kabihasnan sa kultura nito?
A. Timog Asya C. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog-Silangang Asya

14. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub regions,


ang Mainland Southeast Asia at Insular Southeast Asia. Kung ikaw ay
nakatira sa Vietnam, sa anong subregion ka napapabilang?
A. Mainland Southeast Asia C. Inner Asia
B. Insular Southeast Asia D. Sentral Asia

15. Aling salik ng paghahating heograpiko ang tinutukoy sa pahayag


na ito, “Halos lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ay
nasakop ng mga Kanluranin”?

A. Kultural B. Historikal C. Pisikal D. Pulitikal

16. Saang dikeksyon sa mapa matatagpuan ang Asya?


A. Kanluran B. Silangan C. Timog D. Hilaga

17. Ang Kanlurang rehiyon ng Asya ay tinatawag na Arid Asia. Aling


salik ng paghahating heograpiko ang pinapahiwatig ng pahayag na
ito?

A. Kultural B. Historikal C. Pisikal D. Pulitikal

18. Sa aling rehiyon sa Asya nasasakop ang mga bansang Nepal,


Bhutan, Maldives, India, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, at
Afghanistan?
A. Timog Asya C. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog-Silangang Asya
19. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente
at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga imahinasyong
guhit sa globo o sa mapa ng mundo. Ano ang tawag sa distansyang
angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator?

A. Prime Meridian B. Equator C. Latitude D. Longitude

20. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga


katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya ay maaaring nasa anyong lupa o anyong
tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng
tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto
at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng behetasyon tulad ng
savanna, prairie, rainforest, taiga at tundra.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay lamang ng iisang uri
ng klima.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)


Magsaliksik at maglista ng mga kilala o sikat na anyong lupa at
anyong tubig na matatagpuan sa koninente ng Asya. Isulat ang mga
ito sa isang malinis na long bond paper.

Attachments:

20. D 10. A
19. C 9. C
18. A 8. B
17. C 7. A
16. B 6. D
15. A 5. A
14. A 4. D
13. D 3. C
12. C 2. A
11. A 1. A
Week 1-Summative Test
Susi sa Pagwawasto

You might also like