You are on page 1of 3

LYCEUM OF CAMALANIUGAN

TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN SCHOOL’S SYSTEM


Sapping, Camalaniugan, Cagayan

LEARNING PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 7

Teacher: TRICIA C. RODRIGUEZ Date: August 9, 2022


Grade and Section: Grade 7 – Pope John Paul II

Banghay Aralin Katangiang Pisikal ng Asya

Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


Pangnilalaman tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at


Pagganap tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Mga Kasanayang Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:


Pampagkatuto Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timo- Asya, Kanlurang Asya at
Hilagang Asya

Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng


Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima, at vegetation
cover.

Napaghahambing ang kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng


Asya

Mga Layunin: a. Natutukoy ko ang mga konsepto ng Asya tungo sa paghahating


heograpiko

b. naibabahagi ko ang sariling opinion tungkol sa kapaligirang pisikal ng


asya; at
c. nasusuri ko ang katangiang pisikal ng Asya

Sanggunian Kayamanan (Rex Bookstore) Revised Edition


Materyales PowerPoint, Chalk. laptop

PAG Stratehiya: Picture Analysis


TUK Ating lalakbayin ang mga katangi-tanging lugar sa Asya at alamin mo ang lebel ng iyong
LAS paunang kaalaman ukol dito. Nasa larawan ang mga lugar na ating lalakbayin. Tukuyin mo
ung anong bansa ang kinaroroonan nito at ano ang kahalagahan ng mga ito. Handa ka na ba?
Tayo naQ!

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa mga larawan? Ilahad ang pagkakatulad ng mga ito. Ilan ditto ang
anyong lupa at ilan ang anyong tubig?
2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktuwal na mapasyalan ang isa sa mga ito, ano
ang iyong pipiliin? Bakit?
3. Batay sa mga larawang iyong namalas, paano mo ilalarawan ang katangian ng Asya bilang
isang kontinente? Ano sa palagay mo ang humuhubog sa pagkaka iba – iba ng mga likas na
katangian ng isang kapalgiran?
4. Pare-pareho kaya ang likas na kapaligiran sa iba’t ibang panig ng Asya. Paano mo ito
nasabi?
5. Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumanap at patuloy na gumaganap
ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong naninirahan sa mga bansang ito?

PAG Pagtalakay sa Paksa


LINA
NG Stratehiya: Pag-akyat Tungo sa Pag-unlad
Ngayon ay bubuo ka ng sarili mong pagtataya. Ating ilalarawan ang pagtatayang ito sa
pamamagitan ng paglalagay sa iyong sarili bilang isang manlalakbay. Mula sa ibaba ay
magiging layon mong marating ang tuktok ng bundok na iyong tutuklasin. Gumawa ka ng
iyong pahayag ukol sa pauna mong kaalaman sa kontinente ng Asya at sa pisikal na
katangian nito sa pamamagitan ng pagpuna ng cloud call out sa unang hakbang ng iyong pag-
akyat sa ganap na pagkatuto.
Sa aking pagkakaalam, ang Asya ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
na may likas na yaman na
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Taglay ang iyong mga paunang kaalamn sa mga Aralin ng Modyul na ito, aalamin mo
ngayon ang mga tamang sagot sa mga tanong na inilahad, sa iyong pagtungo sa susunod na
bahagi ng Modyul. Ditto ay magkakaroon tayo ng talakayan at pagsusuri ng mga teksto
upang magkakaroon ka ng hustong kaalaman na magagamit mo sa paggawa.

PAG Cluster Map


PAP Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral ukol sa Asya ang pag-aaral din ng
ALA pisikal na katangian ng mundo sapagkat Malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito
LIM ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at
paghubog ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kabuhayan.
Pagmasdan mo ang iyong paligid. Alin sa mga nakikita o nararanasan mo ang maituturing
mong bahagi ng pisikal na katangian ng daigdig? Sagutin ito sa pamamagitan ng isang
Cluster Map.

HEOGRAPIYA

Stratehiya: Pahalagahan Mo!


Mahalagang isaalang-alang ng mga Asyano sa pag-unlad ang likas na yaman at ang kanilang
kapalgiran. Bakit mahalagang isaalang-alang ng mga Asyano ang kanilang kapaligiran?
Gumawa ng isang brochure na nagpapakita ng iba’t-ibang katangiang pisikal ng Asya tulad
ng klima at topograpiya. Mahalagang lamanin ng brochure ang mga paraan sa pangangalaga
ng kalikasan.

PAG Stratehiya: Pang-isahang Gawain!


LILI Bumuo ng isang poster/slogan na tumatalakay sa alinman sa mga sumusunod na aspektong
PAT pisikal ng Asya:
1. Topograpiya
2. Klima
3. Mga Likas na Yaman
4. Mga Kagila-gilalas na Tanawin sa Asya

RUBRIK PARA SA PAGBUO NG POSTER/SLOGAN


Pamantayan Mahusay (5 pts) Katamtaman (3pts) Kailangang
Paghusayan (1 pt)
Wasto ang
impormasyong
naipakita sa
poster/slogan
Malikhain at kaaya-
aya ang
poster/slogan
May kaugnayan at
may katuturan ang
binuong
poster/slogan
Kabuuang Iskor

Prepared by:

TRICIA C. RODRIGUEZ, LPT


Subject Teacher

Checked by:

PATRICK PAULO C. HALAMAN, LPT


Academic Coordinator

Noted by

MELCHOR S. UMAYAM, LPT, MAEng


School Principal

You might also like