You are on page 1of 3

HOLY ROSARY ACADEMY OF SAPANG DALAGA INC.

Purok Bougainvilla, Poblacion, Sapang Dalaga, Misamis Occidental


“One Heart, One Soul for God and Country”
Government Recognition No:067 S.1967
School I.D # JHS-405137 & SHS- 407562
Mobile #: 09301231133/09121800264
E-mail Address: hraofsapangdalagainc@yahoo.com

LEARNING PLAN
GRADE 7 ARALING ASYANO
Takdang Araw: 3
KONSEPTO NG ASIA

UNIT STANDARDS
CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano.

PERFORMANCE STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano

LEARNING COMPETENCIES

Sa pagtatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang Asya, TimogSilangang Asya, Timog-
Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya. (AP7HAS-Ia-1.1)
2. Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano. (AP7HAS-Ia-1)

LEARNING TARGETS

1. Naipakikita ang kaalaman at pag-unawa sa kapaligiran at ang mga kaganapang nakaapekto rito.
2. Nauusisa at nasusuri ang mga isyung pangkapaligiran at nakabubuo ng wastong kongklusyon.

EXPLORE
PANGUNAHING TANONG: Paano dapat nakikipag-ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran?
PAKSA 1: Eurocentric vs. Asian-centric
1. Ipagawa ang Gunitain. Bigyan ang mga mag-aaral ng tatlo hanggang limang minute para isagawa ito. Pagkatapos ay talakayin sa klase
ang sumusunod na mga tanong:
 “Ano ang isinulat mo sa semantic web?” Tumawag ng tatlo hanggang limang mag-aaral. Gumawa s pisara ng semantic web
batay sa sagot ng mga mag-aaral
 “May impluwensiya bas a iyong pamumuhay ang kapaligiran? Ipaliwanag.” Tumawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral.
2. Pangunahan ang talakayan.
 “Mahalaga ang kapaligiran sa pagbuo ng konsepto ng Asia. Subalit sa mahabang panahon ang konsepto ng Asia ay nagmula
sa pananaw ng mga Europeo. Maraming dahilan kung bakit ito nangyari. Sa kasalukuyan, mahalaga na magkaroon tayo ng
konsepto ng Asia mula sa pananaw ng mga Asyano.”

FIRM UP

STRATEGY: Take a stand at Imaging


1. Paghahanda – Itanong sa mga mag-aaral, “Sino ang nakadiskubre sa Pilipinas?”
2. Ipaliwanag: “Kung ang sagot ninyo ay si Ferdinand Magellan,” ang kasagutang iyan ay mula sa pananw ng mga Europeo. Ito ay
batay sa mga isinulat ng historyador na mula sa Spain at kasama ni Ferdinand Magellan sa kaniyang ekspidisyon. Subalit hindi totoo
na siya ang nakadiskubre sa Pilipinas. Bago paman dumating si Magellan ay may mga pamayanan at kaharian na sa Pilipinas. May
sarili nang kultura at tradisyon ang mga sinaunang Filipino.”
3. Ipabasa gamit at Imaging.
4. Paglalahad (Oral Recitation) – batay sa nabasa, sagutin ang sumusunod na mga tanong:
 Ano ang kahulugan ng Eurocentric na pananaw?
 Ano-ano ang mga palatandaan na Eurocentric na pananaw ang ginamit sa paglalarawan ng kontinenteng Asia?
5. Ipabasa naman nang tahinmik ang Linangin ukol sa Asian-centric agmit ang librong KAYAMANAN.
6. Paghahambing – gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay at pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
 Ano naman ang kahulugan ng terminong Asian-centric?
 Paano ito naiiba sa Eurocentric?
 Magbigay ng halimbawa ng pagkakaiba ng dalawang pananaw. Gawin ito nang isahan. Pagkatapos ng limang minute ay
maghaharap ang magkapareha upang ibahagi ang kanilang sagot sa bawat isa.
 Gamitin sa pagkakataong ito ang take a stand na estratehiya. Isusulat ng bawat mag-aaral sa isang pirasong papel ang
kaniyang opinion sa paggamit ng Asian-centric sa pag-aaral ng kabihasnang asyano. Mamili siya sa sumusunod:
Lubos na sumusuporta, neutron, o hindi umaayon.
 Hayaang ipahayag ng piling mag-aaral ang kaniyang kasagutan o posisyon.
7. Paglalahat – “Batay sa Asian-centric na pananaw, ano-ano ang mga katangi-tanging katangian ng Asia?”
8. Pagsasalin – Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang gagawin mo sa kaalaman na batay sa pananaw na Eurocentric? Paano mo ito
isasakatuparan?

DEEPEN

1|Page
1. Mag-uulat ang bawat pangkat ng mga kaalaman na kanilang binago batay sa pananaw na Asian-centric
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay hindi nadiskubre ni Ferdinand Magellan. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay nagsimula nang may pangkat na tao na kilala
bilang Austronesians na namuhay sa mga pulo na kabilang sa archipelago na nagyon ay kilala bilang Pilipinas.

TRANSFER
A. Evaluation – Ipasagot sa mga bata ang Tiyakin 1, Letter B sa pahina 10 na nasa kanilang librong KAYAMANAN Araling Asyano.

B. Assignment (GRASP)

1. Gagamitin ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutuhan sa aralin upang masagot ang pangunahing tanong. Pipili sila ng naiibang
Gawain.
 Kuwento – Lumikha ng isang kuwento na nagpapakita kung paano dapat nakikipag-ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran.
 Rap – Lumikha ng rap na nagpapahayag kung paano dapat nakikipag-ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran.
 Poster - Gumawa ng Poster na nagpapakita kung paano dapat nakikipag-ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran. Lagyan
ng mahusay na pamagat ang iyong poster.

Inihanda ni:

Jaya M. Plaza – AP Teacher

2|Page
3|Page

You might also like