You are on page 1of 12

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Paghahating Heograpikal sa mga
Rehiyon ng Asya

1
Araling Panlipunan – Ikapitong Taon
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Paghahating Heograpikal sa mga Rehiyon ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Jesila D. Cancio


Editor: Gemma F. Depositario
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Joelyza M. Arcilla, EdD
Marcelo K. Palispis, EdD
Carmelita A. Alcala, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

1
Alamin

Sa araling ito ay mahalagang pag-aralan ang tungkol sa paghahating-heograpiko ng


kontinente ng Asya at mga rehiyon nito sa pamamagitan ng pagbabasa sa teksto at pagsagot
sa mga iba’t ibang gawain sa mga sumusunod na pahina ng modyul na ito.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, dapat mong malaman ang mga sumusunod:

MELC: Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating- heograpiko:


Silangang Asya, Timog – Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Hilagang
Asya
(AP7HAS-1a-1.1)

1. Nasusuri ang konsepto sa paghahating- heograpikal ng Asya at bawat rehiyon nito.

2. Nailalahad ang mga bansa na sakop ng bawat rehiyon sa Asya;

3. Napahahalagahan ang paghahating- heograpikal ng mga rehiyon ng Asya;

Subukin

Panuto: Suriin ng mabuti ang mga tanong o pahayag at ibigay ang tamang kasagutan
sa bawat bilang. Piliin lamang ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa kwaderno.

1. Binubuo ang Hilagang Asya ng mga bansang dating _________


a. Soviet East Asia b. Soviet West Asia
c. Soviet Central Asia d. Soviet South Asia

2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _________.


a. Timog Asya b. Timog Silangang Pilipinas
c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya

3. Matatagpuan ang sumusunod na mga bansa sa Silangang Asya maliban


sa isa ________.
a. China b. Japan c. Malaysia d. South Korea

4. Anong bundok ang naghihiwalay sa Europa at Asya?


a. Bundok Apo b. Ural Mountains
c. Bundok Everest d. Mt. Kanchenjunga

2
5. Ang mga sumusunod na bansa ay napabilang sa Timog Silangang Asya. Alin dito ang hindi
kabilang?
a.Pilipinas b. Vietnam c. Bhutan d. Thailand

6. May limang rehiyon ang kontinenteng Asya tulad ng Timog Silangang Asya,
Silangang Asya,Timog Asya, Kanlurang Asya, at ____________.
a. Europa b. Hilagang Amerika
c. Aprika d. Hilagang Asya

7. Ang mga sumusunod na mga bansa ay kabilang sa rehiyon ng Timog Asya


maliban sa isa,
a. Bharain b. Nepal c. India d. Pakistan

8. Anong rehiyon sa Asya ang binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia
a. Timog Asya b. Hilagang Asya
c. Silangang Asya d. Kanlurang Asya

9. Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga


sona, ano ang aspeto o salik ang pinagbabatayan nito?
a. Pisikal b. historikal
c. kultural d. lahat ng nabanggit

10. Ang Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawang subregion ang pang –
Kontinenteng Timog Silangang Asya o mainland Southeast Asia at___________.
a. Muslim World c. Insular Southeast Asia
b. Arid Asia d. Soviet Asia

Balikan

Ang Asya ang pinakamalaki sa lahat ng kontinente sa daigdig. Saklaw nito ang
pinakamalawak na lupain at katubigan sa buong mudo. Ang lawak ng Asya ay umaabot ng
hanggang 164 degree longitude at hanggang 85 degree latitude. Ngayon ay balikan mo ang
iyong natutunan noong nakaraang aralin. Napag- aralan mo na kung paano tukuyin ang tiyak
na lokasyon ng isang bansa o lugar gamit ang mapa o globo.

Punan ng tamang sagot ang Cloud Callout na nasa ibaba upang maibigay ang tiyak
na lokasyon ng kontinenteng Asya . Isulat ito sa iyong kwaderno.

3
Ang tiyak na lokasyon ng kontinenteng
Asya ay nasa humigit kumulang 10 degree
1)_______ hanggang 90 degree North
2)________ latitude at mula naman
3)____ degree hanggang 175 degree east
longitude.

Tuklasin

Bago mo pag-aralan ang sunod na teksto ay isagawa muna ang isang gawain sa
ibaba. Sundin lamang ang panuto sa pagsagot nito.

Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik sa loob ng kahon sa bawat aytem upang makabuo ng
salita o mga salita na may kaugnayan sa aralin na pag-aralan mo ngayon. Isulat ang
inyong sagot sa kwaderno.

1. AYSA GNAGNALIS GOMIT

2. AYSA GOMIT

3. ASYA GNAGALIH

4. AYSA GNARULNAK

5. AYSA GNAGNALIS

4
Suriin

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang teksto.

Paghahating Heograpikal sa Asya at Mga Rehiyon ng Asya

Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural ng mga sona. Ibig
sabihin, isina-saalang –alang sa paghahati ang mga sumusunod na aspeto o mga salik:
pisikal, historikal, at kultural. Batay sa mga salik na ito, nahahati sa limang rehiyon ang Asya:
Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya, at Silangang Asya.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia, mga
bansang napabilang dito: Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,
Uzbekistan, Georgia, at Armenia. Kilala rin ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia
(Gitnang Asya) o Inner Asia. Kabilang dito ang Mongolia at ang Siberia o ang lupaing bahagi
ng Russia na nasa Asya. Ikinakategorya naman ito bilang Arctic Asia na kakikitaan ng mga
tundra (o lugar na hindi katatagpuan ng mga puno kundi ng mga lichen,moss, damo, at woody
plant) at taiga ( o coniferous ).
Ang Kanlurang Asya ay ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong
mahalagang kontinente sa daigdig ang Aprika, Asya, at Europa.Itinuturing din itong Muslim
World at kinakategorya na Arid Asia o bahagi ng Asya kung saan may malawak na disyerto
at tuyong lugar. Mga bansang napabilang dito ay ang mga sumusunod: Bahrain, Cyprus,Iran,
Iraq, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, United Arab
Emirates, at Yemen. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din
dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam.
Ang Timog Asya ay kadalasang tinatatawag na “Land of Mysticism” dahil sa mga
paniniwalang nagtataglay ng mga pilosopiya at rehiyong umusbong dito gaya ng Hinduism,
Buddhism, Jainism at Sikhism. Mga bansang napabilang dito ay ang mga sumusunod:
Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, Sri Lanka. Ang bansang
India ang pinakamalaking bansa sa rehiyong ito sa usapi ng sukat at teritoryo at populasyon.
Ang Timog Silangang Asya naman ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil
sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng nasabing rehiyon. Nahahati ito
sa dalawang subregion: ang una ay ang pang- kontinenteng Timog Silangang Asya o
mainland Southeast Asia na binubuo ng mga bansang : Myanmar, Thailand, Vietnam, , Laos,
at Cambodia, at ang pangalawa ay ang insular Southeast Asia o pangkapuluang Timog
Silangang Asya na binubuo ng Pilipinas, Brunei, Indonesia, Malaysia, Singapore, at East
Timor. Bunga ng pagkakaiba sa katangiang heograpikal, dalawang magkaibang tradisyon ang
umunlad sa rehiyon : ang tradisyong agrikultural gaya ng naging kaharian ng Angkor sa
Cambodia at tradisyong pandagat tulad ng kaharian ng Srivijaya sa Sumatra. Samantalang
ang Silangang Asya naman ay binubuo ng mga sumusunod na bansa : China, Japan, South
Korea, North Korea at Taiwan.
Ang Timog Asya, Timog Silangang Asya, Silangang Asya ay tinatawag na Monsoon
Asia dahil ito ay kakikitaan ng mataba at mayamang lupa gayundin ng malaking populasyon.

5
Pagyamanin

Gawain A.

Panuto: Iguhit ang graphic organizer sa iyong kwaderno at isulat sa bawat oval ang
mga rehiyon na napabilang sa kontinente ng Asya. Pagkatapos ilista ang mga
bansang napabilang sa bawat rehiyon. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

Mga rehiyon ng
Asya

Isaisip

Ang mga rehiyon sa Asya tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona


sapagkat isinaalang–alang sa paghahating ito ang tatlong aspeto o mga salik tulad ng
pisikal, historical, at kultural.

Kung kaya’t ito ay binubuo ng limang rehiyon tulad ng Hilagang Asya, Kanlurang
Asya, Timog Asya, Timog Silangang, at Silangang Asya.

6
Isagawa

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa inyong
kwaderno.

1. Paano nakatulong ang paghahating heograpikal sa mga rehiyon ng Asya lalo na


ngayon na nakakaranas ng pandemic ang halos buong mundo?

Krayterya sa Pagmamarka:

Inndicator: Puntos
Kaangkupan sa paksa 5
Organisasyon sa ideya 3
Kaayusan sa Pagsulat 2
TOTAL 10

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng
iyong sagot at isulat ito sa inyong kwaderno.

1. Bakit kadalasang tinatawag na “Land of Mysticism ang Timog Asya?


a. Dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at relihiyong umusbong dito.
b. Dahil bahagi ito ng Asya kung saa matatagpuan ang malawak na disyerto at
tuyong lugar.
c. Dahil kakitaan ito ng mataba at mayamang lupa gayundin ng malaking
populasyon
d. Dahil sa malamig na klima.

2. Bakit tinatawag ding Soviet Asia ang Hilagang Asya?


a. Dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at relihiyong umusbong dito.
b. Dahil bahagi ito ng Asya kung saa matatagpuan ang malawak na disyerto at
tuyong lugar.
c. Dahil kakitaan ito ng mataba at mayamang lupa gayundin ng malaking
populasyon
d. Dahil sa malamig na klima.

7
3. Ang mga sumusunod ay mga bansang napabilang sa pangkapuluang Timog Silangang
Asya o insular Southeast Asia, maliban sa isa;
a.Pilipinas b. Indonesia c. Malaysia d. Armenia

4. May limang rehiyon ang kontinenteng Asya tulad ng Timog Silangang Asya, Silangang
Asya,Timog Asya, Kanlurang Asya, alin sa mga sumusunod ang kabilang pa nito?
a. Europa b. Hilagang Amerika c. Aprika d. Hilagang Asya

5. Ang mga sumusunod na mga bansa ay kabilang sa rehiyon ng Timog Asya maliban sa
isa,
a. Bahrain b. Nepal c. India d. Pakistan

6. Anong rehiyon sa Asya ang binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asya?
a.Timog Asya b. Hilagang Asya c. Silangang Asya d. Kanlurang Asya

7. Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona, ano
Ang aspekto o salik ang pinagbabatayan nito?
a. Pisikal b. historikal c. kultural d. lahat ng nabanggit

8. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region- ang
mainland Southeast Asia at ang insular Southeast Asia. Alin sa mga sumusunod na mga
bansa ang kabilang sa mainland Southeast Asia?
a. Myanmar b. Pilipinas c. Indonesia d. Malaysia

9. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong _________.


a. Timog Asya b. Timog Silangang Pilipinas
c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya

10. Matatagpuan ang sumusunod na mga bansa sa Silangang Asya maliban sa isa
________.
a. Malaysia b. Japan c. China d. South Korea

MAGALING!!!

https://cdn1.vectorstock.com/i/thumb-
large/00/25/clapping-emoticon-vector-820025.jpg

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng isang mapa ng iyong kinabibilangan na lalawigan at kulayan


mo ang iyong baranggay na kinabibilangan. Iguhit ito sa iyong kwaderno.

Indicator Iskala Iskor

Malinis at maayos ang 6-10


pagkaguhit nito

Kompleto ang mga 6-10


barangay nito

Nasunod ang panuto nito 6-10

Susi sa Pagwawasto

Subukin: Tayahin:
1. C 1. A
2. B 2. D
3. C 3. D
4. B 4. D
5. C 5. A
6. D 6. B
7. A 7. D
8. B 8. A
9. D 9. B
10. C 10. A

9
Sanggunian
Aklat
Grace Estela C. Mateo,Ph.D. et.al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Punong
Tanggapan: G. Araneta Avenue, Quezon City, Vibal Publishing House,
Inc.pages 5-9

Website
http://worldartsme.com/images/clip-art-book-page-clipart-2.jpg

https://encrypted-tbn0.gs tat ic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRPY7bnPrISZZ5QJM-


LVwMUlAlkD7uEYOThiA&usqp=CAU

http://clip art-library.com/homework-pictures.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

10

You might also like