You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV - CALABARZON
Division of San Pablo City
SAN CRISTOBAL INTEGRATED HIGH SCHOOL
Brgy. San Cristobal, San Pablo City

JuneAP1

Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko: Silangang Asya,


Timog- Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya/ Gitnang Asya

I. Layunin
1. Natutukoy ang heograpikal na katangian ng Asya, lokasyon nito at ang mga
rehiyon nito.

II. Paksa: ANG KONTINENTE NG ASYA

Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral tungkol sa Asya ang pag-aaral din ng pisikal

na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang

heograpiya. Ang bawat salik nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo,

vegetation cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang

lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano at

patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at kabuhayan.

ANG KONTINENTE NG ASYA

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking

dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay

sa pamamagitan ng pagtukoy nglatitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator)

at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang

Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang

Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop ng Asya ang mula 10° Timog hanggang

90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang 175° Silangang longitude


Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga kontinente sa daigdig.

Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kwadrado, halos

katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at

Australia, at halos sangkapat (¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi

ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at

Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-

alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto.

Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central

Asia(Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia,

Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia.

Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at

Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at

Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel,

Cyprus, at Turkey.

Bahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan

at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng

Sri Lanka at Maldives. Ang Timog-Silangang Asya ay minsang binansagang Farther India at

Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito

ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast Asia(Myanmar, Thailand,

Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia(Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei,

Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South

Korea, at Taiwan.
MAPA NG MGA REHIYON SA ASYA
III. Activity: 10 item multiple choice
Name: Module: JuneAP1
Grade Level &Section:

______________1. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?


a. Asya b. Kontinente c. Bundok d. Tangway

______________2. Ano ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo?


a. Hilagang Amerika b. Australia c. Asya d. Europe

______________3. Ito ay itinalaga bilang zero degree longitude.


a. Equator b. Tropic of Cancer c. Tropic of Capricornd. Prime Meridian

______________4. Ito ay matatagpuan sa 23.50 hilaga ng Equator.


a. Equator b. Tropic of Cancer c. Tropic of Capricornd. Prime Meridian

______________5. Ito ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na


hemisphere nito.
a. Equator b. Tropic of Cancer c. Tropic of Capricornd. Prime Meridian

Tukuyin kung saang Rehiyon ng kabilang ang mga sumusunod na bansa.


Isulat ang HA:Hilagang Asya, TA:Timog Asya, KA:Kanlurang Asya, SA: Silangang Asya, TSA:
Timog-Silangang Asya

_________6. Pilipinas
_________7. North Korea
_________8. Yemen
_________9. Tajikistan
_________10. Pakistan

IV. References
Batayang Aklat:Mateo Ph.D, Grace Estela C., et. al., Asya:
Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal Publishing House,
Quezon City, 2008, pp. 3-9
De Leon, Zenaida M., et al.,ASYA: Tungo sa Pag-unlad,
Makabayan Serye, Vibal Publishing House,
Quezon City, 2003, pp. 4-6

Asya sa Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng Mag-aaral) pp.20-22

ACT JUSTLY, LOVE MERCY, WALK HUMBLY WITH YOUR GOD


-Micah 6:8

Prepared by: Mr. Melvin A. Anives


Checked by: Ms. Diane Solis
Noted by: Donny Aris C. Malvar, Ed. D.

You might also like