You are on page 1of 12

Southern Masbate Roosevelt College, Inc.

P. Avenido St., Katipunan, Placer, Masbate

Detalyadong Banghay-Aralin
Paaralan Southern Maasbate Roosevelt Antas 7
College
Guro Rona Windy A. Alayon Asignatura Araling Panlipunan
Petsa & Oras Enero 29, 2024 (7:30-8:30) Markahan Pangalawang Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pangnilalaman pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
B. Pamantayan sa Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
Pagganap nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.
C. Mga Kasanayan Nasusuri ang mga kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa iba’t
sa Pagkatao ibang uri ng pamumuhay. Code: AP7KSA-IIg-1.10
 Naipakikita ang pagkakaiba ng pananaw sa Kababaihan sa iba’t-ibang
relihiyon, pilosopiya, at batas gamit ang talahanayan.
 Napahahalagahan ang papel ng mga babaeng Asyano ngayon sa
pamamagitan ng paggawa ng tatlong saknong na tula.
 Naitatanghal ang nagawang tula sa harap ng mga kaklase.
II. NILALAMAN
A. Nilalaman Pangalawang Markahan: Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Paksa:
Aralin 10: Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano: Ang Kababaihan ng Asya
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Pahina 196-201
Kagamitang Pang-
aaral
3. Mga Pahina ng Pahina 196-201
Teksbuk
4. Karagdagang K-12 Learning Materials
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Laptop, PowerPoint Presentation, Chalk, Projector/TV, Printed Materials
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-
AARAL
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin A. Panalangin
at/o pagsisimula ng  Opo ma’am, (sa
bagong aralin -Joy, pangunahan mo ang panimulang panalangin ngalan ng Ama,
sa araw na ito. ng Anak, at
Espiritu Santo,
Amen….)
B. Pagbati (Greetings)

-Magandang umaga mga bata!  Maganda umaga


rin po ma’am!

C. Pagtala ng Lumiban (Attendance)

-May lumiban ba sa araw na ito?  Si Jaheil Velasco


lang po ma’am.

D. Panuntunan sa Silid-Aralan:

1. I-off o ilagay sa silent mode ang mga cellphone.


2. Maging masigasig at makilahok sa talakayan sa
silid-aralan.
3. Makinig at sumunod sa mga panuto.
4. Respetuhin ang guro at mga kaklase.
5. Umupo ng maayos, at kung maari ay umupo ang
mga may malabong paningin sa harapan.

E. Pagbabalik Aral:

 Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayon  “Ako po Ma’am!” Sa


ay ano ba ang inyong mga natutunan sa aking naaalala po ay
ating nakaraang aralin? tungkol iyon sa
kontribusyong Asyano
sa Sangkatauhan.

 Tama!

 Anu-anong imperyo ba ang may  Sumerian, Babylonian,


kontribusyon sa paghubog ng Assyrian, Hittite,
sangkatauhan? Chaldean, at
Phoenician po ma’am.

 Tama, magaling.

 Sino naman ang makakapagbigay ng


 Ang mga halimbawa
halimbawa ng mga pananaw, paniniwala at
po ng mga pananaw,
tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng
paniniwala at tradisyon
mga Asyano?
sa paghubog ng
kasaysayan ng mga
Asyano ay ang
pilosopiyang gaya ng
Confucianismo,
Taoismo at Legalismo.

 Tama, magaling at naalala niyo po nga ang


ating nakaraang aralin.

B. Paghahabi sa  Bago tayo dumako sa ating ay may inihanda


layunin ng aralin akong gawain na may kaugnayan sa ating
talakayan ngayong araw. Handa na ba
kayo?

 Sino ang mga nais makilahok sa ating  Ako po ma’am.


munting gawain? Ako po, ako
po(…)
HANAPIN MO AKO!
Panuto: Mula sa krossita ay subukan mong hanapin,
sa anumang direksyon, ang mga salitang nasa loob
ng kahon.

 Mahusay mga bata, salamat sa mga


nakilahok.

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa Mga Layunin:
bagong aralin  Naipakikita ang pagkakaiba ng pananaw sa
Kababaihan sa iba’t-ibang relihiyon,
pilosopiya, at batas gamit ang talahanayan.
 Napahahalagahan ang papel ng mga
babaeng Asyano ngayon sa pamamagitan ng
paggawa ng tatlong saknong na tula.
 Naitatanghal ang nagawang tula sa harap ng
mga kaklase.
Panonood ng Video Clip presentation

Title: Ang Pagpupunyagi ng mga Babae sa Asya


https://youtu.be/S-5Z6YYJrds

Mga Katanungan:
(ang mga mag-aaral ay
1. Tungkol saan ang inyong nnapanood?
magbibigay ng kanilang
2. Ano ang nais ipahiwatig sa inyo ng
sariling ideya)
pinanood na video?

D. Pagtalakay ng At ngayon ay dumako na tayo sa ating aralin,


bagong konsepto
at paglalahad ng “Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano:
bagong kasanayan Ang Kababaihan ng Asya”
#1

Ang mga sinaunang Asyano ay naniniwala sa papel


ng mga kababaihan bilang mga diyosa.
Sa paniniwala ng mga taga-Western Asia,
nagsimula ang lahat ng bagay sa pamamgitan ng
isang diyosa na may pangalang Tiamat. Nagmula
kay Tiamat ang mga nilikha niyang diyos subalit
napatay siya ni Marduk, isa sa mga diyos na
kaniyang nilikha. Ang mga labi ni Tiamat ang
naging lupa at langit.

Mahalaga naman sa mga taga-Mesopotamia ang


diyosa ng tubig na tinawag nilang Nammu. May
bahaging ginampanan si Nammu sa paglikha ng
tao. Diyosa rin nila si Inanna, ang diyosa ng pag-
ibig at digmaan. Siya ay tinaguriang Inang
Kalikasan.

Ang mga Dravidian ay naniwala sa diyosa ng


buwan.

Sa Japan naman, si Amaterasu-O-mi-kami ang


diyosa ng araw. Sa kaniya nagmula ang Emperador
ng Japan. Mahalaga ang papel na ginampanan ng
mga babaeng diyosa sa mga kabishasnang Asyano.
Sa Imperyong Babylonian ipinatupad ang Batas ni
Haring Hammurabi. Masasalamin sa mga batas nito
ang mababang pagtingin sa mga kababaihan sa
lipunan, ito ay ang sumusunod:

Ang South Asia ay may katumbas ding mga batas


na nagpapakita ng mababang pagturing sa
kababaihan. Ito ang Code of Mandu.
Matapos makamit ni Buddha ang kaliwanagan,
kinumbinse siya ng isa sa kaniyang disipulo na
payagan ang mga babe na maging mga mongha.
Dahil dito, sila ang nangaral ng turo ng Buddhism
sa kababaihan Datapwa’t nasa ilalim pa rin ng mga
monghe ang mga mongha.

Naging mapanghamak naman ang pilosopiyang


Confucianism sa kababaihan. Ang malaking
pagpapahalaga ay palaging nasa kalalakihan. Sa
mga aral nito nakasaad na superior ang asawang
lalaki sa kaniyang asawang babae. Dapat sundin ng
babae ang anumang iutos ng lalaki.

Sa Judaism naman, ang kuwento ng kapanganakan


ni Hesukristo ay nagpapakita kung paano itinuring
ng mga Hudyo ang kababaihan. Si Birheng Maria na
isang babeng Hudyo ay dumaan sa iasng pagsusuri
katulad din ng ibang babae na nasa murang edad
na labindalawa hanggang labintatlo. Ang
pagsusuring iyon ang magbabadya kung kailangan
nang ipagkasundo ang dalagita sa isang mas
matandang lalaking Hudyo na kaniyang magiging
asawa pagkalipas ng isang taon.

Sa tradisyonal na pananaw ng mga taga-Asia, ang


tanging papel lamang ng isang babe sa Lipunan ay
ang maging asawa at maging isang ina sa kaniyang
mga anak. Ang anumang papel na kakaiba sa mga
ito ay hindi pangkaraniwan. Bilang asawa, siya ay
inaasahang magiging tapat at maasikaso sa
pangangailangan ng kaniyang kabiyak.
Sa India, ang itinuturing na huwaran bilang
asawang babae ay si Sita, asawa ni Prinsipe Rama
sa epikong Ramayana. Sa Hinduism kailangang
patunayan ng babae ang kaniyang pagmamahal sa
asawa sa pamamagitan ng pagtalon sa apoy na
sumusunog sa bangkay ng kaniyang asawang lalaki.
Ang tawag sa tradisyong ito ay Sutte o Sati.

Sa Muslim naman, kailangang naksuot ng belo o


purdah ang asawang babae. Inaasahan na ang
isang babe na may asawa na itago ag kaniyang
sarili mula sa iba. Ito ay paalala sa kaniya na ang
tanging asawa lamang niya ang dapat nakakakita sa
kaniya.

Sa tradisyong Tsino naman ay ipinapakita ng


mababang antas ng kababaihan sa pamamagitan sa
dalawang bagay: ang foot binding at ang
concubinage.

Ang foot binding ay ang pagbabali ng arko ng paa


upang hindi ito lumaki ng normal. Ang tawag sa
ganitong klaseng paa ay lotus feet o lily feet.

Concubinage naman ang tawag sa pagkuha ng


asawang lalaki ng iba pang babae maliban sa
kaniyang asawa at itinitira ito sa kanilang bahay.
Subalit may mga babae rin sa lipunang Asyano na
may ginagampanang mahahalagang papel maliban
sa pagiging asawa at ina. Isa rito ang mga geisha
sa bansang Japan. Ang mga geisha ay mga
tradisyonal na tagapag-aliw sa mga kostumer sa
pamamagitan ng pag-awit at pagsasayaw ng mga
tardisyonal na musika. Sila rin ay tumutugtog ng
mga tradisyonal na instrument. May kasanayan rin
sila sa sining tulad ng calligraphy, tea ceremony, at
flower arrangement.

Sa lumang Pilipinas, mataas ang pagtingin sa


kababaihan. Ang mga kababaihan ang tumatayong
pinunong panrelihiyon na tinatawag na babaylan.

Ang mga babe ay may papel na ginagampanan


maliban sa pagiging asawa at ina lamang tulad ng
pagiging mangangalakal, magsasaka, at pagiging
pinuno ng pamayanan o kaharian. Kilala sa mga ito
si Prinsesa Urduja ng Pangasinan.
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto Sa puntong ito, dahil natalakay na natin ang ating
at paglalahad ng aralin, kumuha ng ½ na papel at sundin ang
bagong kasanayan nakasaad sa panuto.
#2
Panuto: Ipaliwanag ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng sitwasyon ng kababaihan sa
Kodigo ni Hammurabi at ni Manu gamit ang Venn
Diagram.

F. Paglinang sa NAISIP MO, ISULAT MO!


Kabihasaan(tungo
sa Formative Panuto: Gumawa ng tatlong saknong na tula
Assessment) tungkol sa katayuan ng mga babaeng Asyano
ngayon. Ipapasa niyo ito sa Biyernes.

KRAYTERYA!

15 10 5
Pagkakabuo Ankop at May iilang Walang
wasto ang salitang kaugnayan
mga ginamit na at hindi
salitang hindi wasto ang
ginamit sa angkop at mga
pagbubuo. wasto. salitang
ginamit.
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi
naipahayag gaanong naipahayag
ang mga naipahayag nang
mensahe ng mabisa mabisa ang
ng tula, ang nilalaman
mensahe ng tula.
ng tula.
G. Paglalapat ng
aralin sa pang- Panuto: Kabisaduhin ang inyong ginawang mga tula
araw-araw na at itanghal ito sa harap ng inyong mga kaklase sa
buhay susunod na araw.

Ito ang KRAYTERYA para sa pagtanghal ng iyong


tulang ginawa.

15 10 5
Pagkakabuo Ankop at May iilang Walang
wasto ang salitang kaugnayan
mga ginamit na at hindi
salitang hindi wasto ang
ginamit sa angkop at mga
pagbubuo. wasto. salitang
ginamit.
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi
naipahayag gaanong naipahayag
ang mga naipahayag nang
mensahe ng mabisa mabisa ang
ng tula, ang nilalaman
mensahe ng tula.
ng tula.

H. Paglalahat ng Sa paglalahat ng ating aralin ay hahatiin ko kayo sa (Okay po ma’am,


aralin limang grupo. 1,2,3,4,5…)

At ngayon, pumunta kayo sa inyong mga


kasamahan at maglahad kayo ng iyong mga
natutunan sa ating aralin sa araw na ito at isulat sa
papel sa loob ng 15 minuto.
I. Pagtataya ng
aralin BUUIN ANG TALAHANAYAN

Relihiyon/Pilosopiya/Batas Pananaw sa
Kababaihan
Confucianism
Buddhism
Hammurabi
Sinaunang Babylonia
Divine Origin ng Japan
Judaism
China
Pilipinas

J. Karagdagang
Gawain para sa Sagutan sa ½ papel ang sumusunod na
takdang-aralin at katanungan:
remediation
1. Ano ang bahaging ginampanan ng
kababaihan sa sinaunang Lipunan?
2. Bakit limitado ang Karapatan ng kababaihan Okay po ma’am.
sa sinaunang Lipunan?

May nais ba kayong itanong sa ating aralin at iyong Wala na po ma’am.


takdang-aralin?

Maraming salamat sa pakikinig at Goodbye Class! Goodbye Ma’am!

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral nan
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatutulong ba ang
remedial? Bilang ng mga mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punungguro at
propesor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa kong
guro?

Inihanda ni:

Rona Windy A. Alayon

Sinuri ni:

Catherine G. Gaurano

You might also like