You are on page 1of 4

CALAUAG CENTRAL COLLEGE INC.

Rizal Cor. Arguelles Sts., Poblacion Cuatro


Calauag, Quezon 4318
Junior High School Department
School Year 2022-2023

MASUSING PANG ISANG ARAW NA BANGHAY ARALIN


SA ASIGNATURANG ARALING PANLIPUNAN PARA SA BAYTANG 7
GURO: REDENCIO U. SILANG ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN
MARCH 13, 2023 BAITANG GRADE 7
ARAW NG PAGTUTURO (MONDAY) PANGKAT (COMPASSION)
ORAS 12:30-1:30 PM PANAHUNAN IKAAPAT
(60minuto)
I. LAYUNIN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa sa
A. Pamantayang Pangnilalaman mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
B. Pamangtayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa
mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.
C. Mga Kasanayan Sa Pagkatuto Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga
pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano (AP7 KSA- IIf-1.9)
1. Nabibigyang katuturanang konsepto ng
pilosopiya
2. Naiisa- isa ang mga pilosopiyang sumibol sa Asya
3. Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng
pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano
II. NILALAMAN Kabanata 4: Mga Sinaunang Kaisipan, Kaugalian at
Paniniwala ng mga Asyano
Aralin 1: Mga Pilosopiya sa Asya
III. KAGAMITANG PANTURO Sanggunian: Ang Paghubog ng mga Sinaunang
A. Sanggunian _Kabihasnan sa Asya Pahina 143 - 148
B. IBA PANG KAGAMITAN Smart TV, Multi Media Projector, Laptop, Kartolina,
Speaker , Mga Larawan nina Confucious, Lao Tzu
at Shi Huang Ti
IV. PAMAMARAAN Ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa
A. Balik aral sa mga unang natutunan nakaraang aralin?
Pagpapakita ng guro ng mga larawan nina
Confucius, Lao Tzu, Shang Yang at Han Fei Tzu sa
mga mag-aaral. Habang inaawit ang koro ng
awiting Pananagutan ni Bugoy Drilon.
Sino sa inyo ang makakapagbigay ng ideya kung
sino ang nasa larawan? Anong pilosopiya ang
tumatak sa isipan ninyo at bakit?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Gamit ang estratehiyang “Atbash Cipher”


(Pagganyak) hahanapin ng mga mag-aaral ang sagot sa kahon
na kung saan nakatala rito ang mga letrang
alpabeto na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral
upang mabuo ang salitang hinahanap ng guro na
kaangkop sa paksang tatalakayin. Isulat ang
letrang nasa katapat ng bawat kahon upang
lumabas ang sagot.

A B C D E F G H I J K L M
Z Y X W V U T S R Q P O N

1. XLMUFXRFH- CONFUCIUS
2. OZL GAF- LAO TZU
3. KROLHLKRBZ- PILOSOPIYA
4. OVTZORHN- LEGALISM
5. ULFI YLLPH- FOUR BOOKS

C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong Quote Analysis:


aralin Hingin ang mungkahi o ideya ng mga mag-aaral
batay sa kanilang interpretasyon sa mga
sumusunod na paniniwala.

“ Huwag mong isipin kung ano ang magagawa ng


katungkulan mo para sa iyo, kung hindi kung ano
ang magagawa mo sa mga taong nagluklok sa
iyo.”

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin


nila sa iyo”.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Share Mo Lang!


paglalahad ng bago ng kasanayan Ikaw ay hinahamon na magbigay ng pananaw at
(Modeling) pang-unawa sa mga pilosopiya nila Confucius, Lao
Tzu, Shang Yang, Han Fei Tzu sa pamamagitan ng
Share Mo Lang Organizer. Ibigay ang sariling
interpretasyon base sa iyong pagkaunawa sa anyo
ng Share Mo Lang (SML) o maikling pahayag.

LAO TZU
If you are depressed, you are living in the past. If
you are anxious, you are living in the future. If you
are at peace, you are living in the presence”
SML @ Lao Tzu____________________________

CONFUCIUS
“When you know a thing to hold that you know it,
and when you do know a thing, to allow that you
know it- This is knowledge.”
SML @ Confucius__________________________

MENCIUS
“ There is no greater delight than to be conscious
of sincerity on self examination”
SML @ Shi Huang Ti_______________________

1. Ano ang iyong napuna sa mga pilosopiyang


nabasa?
2. Sa anong Aspekto nagkakatulad at nagkakaiba
ang mga pilosopiya (Venn Diagram)
3. Naniniwala ka ba sa kanilang mga pilosopiya?
Ano ang naging batayan mo ng pagsang- ayon sa
knilang mga pilosopiya?
4. Paano nakatulong ang mga pilosopiya sa
pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano?
F. Paglinang tungkol sa kabihasaan Sino ang ang dakilang pilosopo sa Asya ang iyong
(Independent Practice) higit na pinaniniwalaan. Ipaliwanag ang iyong
sagot sa pamamagitan ng paggawa ng isang
sanaysay.

BATAYAN sa PAGMAMARKA

Kategorya Paglalarawan Puntos


Introduksyon Nakapanghihikayat, 10
malinaw na nakalahad ang
pangunahing paksa
gayundin ang panlahat na
pagtanaw ukol dito
Diskusyon Makabuluhan ang bawat 20
talata dahil sa mahusay na
pagpapaliwanag at
pagtalakay sa paksa.
Konklusyon Nakapanghahamon at 20
naipapakita ang
pangkalahatang palagay o
paksa batay sa katibayan at
mga katwirang inisa-isa sa
bahaging gitna.
Kabuuan 50

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na Ano ang kahalagahan ng pilosopiya sa buhay ng


buhay tao? Magbigay ng pilosopiyang pinaniniwalaan at
(Application/Valuing) ipaliwanag.

H. Paglalahad ng Aralin Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang


(Generalization) griyego na "Philia" at "Sophia". Ang "Philo" ay
nangangahulugang "Pagmamahal" at ang
"Sophia" naman ay "Karunungan". Kung
pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa
Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay
palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang
magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at
magdagdag ng karunungan sa nagtatanong.

Ang Confucianismo[1] (Ingles: Confucianism; Tsino:


儒家; pinyin: rú jiā) ay isang sinaunang sistemang
pang-etika at pampilosipiyang Tsino na unang
pinaunlad mula sa mga turo ni Confucius, isang
sinauang paham at pilosopong Tsino. Itinuturo nito
ang tao ay sadyang itinulak ng tadhana upang
makisalamuha sa kapwa tao sa lipunan. Kaya ang
mga abnormal lamang at ang hindi "natural" na
tao ang namumuhay sa labas ng mga pamayanan.

Si Lao Tzu ang kilalang nagpasimula ng


pilosopiyang Taoismo. Ang pangalan niya ay
nangangahulugang ‘old master”. Hindi
matatawaran ang impluwensiya ng Taoismo sa
mga Tsino. Ayon sa aklat na sinulat ni Lao Tzu, ang
Tao Te Chin na nangangahulugang “Ang Daan ng
Kalikasan”. Mayroong puwersa ng kalikasan na
gumagabay sa lahat ng mga bagay sa mundo na
tinatawag na tao o landas.

Ang Legalismo ay pilosopiyang ipinalaganap nina


Shang Yang at Han Fei Tzu na nagturo ng
kahalagahan ng pagpapatupad ng batas upang
makamit ang katatagang panlipunan. Ang
pilosopiyang Legalismo ay kabaliktaran ng
taoConfucianismo na nakatuon sa moralidad at ng
Taosismo na binibigyang diin naman ang pakikiisa
ng tao sa kalikasan.
I. Pagtataya ng Aralin Piliiin ang titik ng tamang sagot at isulat sa papel.
(Evaluation) 1. Ito ay kasulatan na sinulat ni Lao Tzu na nasa
anyong patula.
a. Four Book b. Legalismo c. Philosophy d. Tao
Teaching
2. Ito ay salitang Griyego na nagsimula sa Philo at
Sophia.
a. Confucianism b. Legalism c. Pilosopiya d. Tao
Teaching
3. Pilosopiyang itinatag ni Lao Tzu.
a. Confucianism b. Legalism c. Taoism d. Tao
Teaching
4. Ito ay nangangahulugang Karunugan.
a. philo b. Sophia c. tender d. unbreakable
5. Ang katumbas na kahulugan ng philo at Sophia
kapag pinagsama ay:
a. Kalinisan at kagandahan b. kaluwalhatian at
kapurihan c. kasaganaan at katahimikan d.
pagmamahal sa karunungan

Susi sa Pagwawasto:
1. D
2. C
3. C
4. B
5. D
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin 1. magdala ng mga larawan ng mga kilalang
(Assignment) kababaihan sa Asya.
2. Saan larangan nakilala o naging tanyag ang mga
nakilalang kababaihan sa Asya?
3. Itala/Ipaliwanag ang kanilang mga naging ambag
at kontribusyon sa kani-kanilang bansa.
Inihanda ni:

REDENCIO U. SILANG
Student Teacher

You might also like