You are on page 1of 1

BLUE TEAM: PILOSOPIYA (KUYA KIM) in Ano na Kuya Kim?

ALAM N’YO BA NA , ang salitang pilosopiya ay hango sa salitang Griyego na philo na


nangangahulugang “pagmamahal” at sofia na ang ibig sabihin ay “karunungan”. Samakatuwid
mga kaibigan, ang pilosopiya ay nangangahulugang “pagmamahal sa karunungan”. Nakilala ang
Tsina dahil sa mga pilosopiyang yumabong dito noong sinaunang panahon. Ang pilosopiyang
Tsino ay nakatuon sa tao at lipunan sa pagkamit ng isang huwarang pamumuhay, at sa pagtatag
ng isang maayos na lipunan. Tatlong dakilang pilosopiya ang lumitaw sa Tsina at nagkaroon ng
isang matinding impluwensiya sa buhay ng mga Tsino: ang Confucianismo, Taoismo, at
Legalismo at lageng tandaan ang buhay ay weather weather lang.
YELLOW TEAM CONFUCIANISMO ( JESSICA SOJO) in KMJS
(KAMAKAILAN LUMIPAD ANG AMING TEAM SA TINAGURIANG SLEEPING GIANT NG
ASYA ang China dito nakausap ng aming kasamahan sa team ang tinaguriang “Master Kung” ng
Tsino walang iba kundi si Confucius - ang pinakatanyag at pinakadakila pilosopo sa Tsina. AYON
SA ULAT Siya ay ipinanganak noong 551 BCE sa estado ng Lu sa Tsina. DI UMANO Si Confucius ay
dumanas ng kahirapan sa buhay at kung ano anong trabaho ang pinasukan nya para lamang
maging edukado. Naging guro siya at empleyado sa pamahalaan. Dahil dito dapat mapayabong
ng tao ang kaniyang mabubuting asal (virtues) tulad ng jen o kagandahang loob, yi o pang maka
tuwiran, at li o pagkamagalang. - KMJS muna!
GREEN TEAM TAOISMO (NOLI DE CASTRO) in Magandang Gabi Bayan
Magandang hapon bayan dumako naman tayo sa Taoismo sa isang lugar sa Tsina si Lao
Tzu (Lao Tze) ang kilalang nagpasimula ng pilosopiyang Taoismo. Ayun sa ulat ang pangalan nya
ay nangunguhulugang “old master.” At yun pa sa balita hindi matatawaran ang impluwensiya ng
Taoismo sa mga Tsino. Ayon sa aklat na sinulat Lao Tzu, ang Tao Te Ching (na nangangahulugang
“Ang Daan ng Kalikasasan”), mayroong pwersa ng kalikasan na gumagabay sa lahat ng mga
bagay sa mundo ito ay tinatawag na Tao o “landas”. At yun ang aming ulat sa araw na ito
“kabayan special report”.
RED TEAM LEGALISMO ( ATTY. JOSE SISON & JOPET SISON) in Ipaglaban Mo!
Pag usapan naman natin ang legalismo na isang pilosopiyang ipinalaganap nina Shang
Yang at Han Fei Tzu na nagturo ng kahalagahan ng pagpapatupad ng batas upang makamit ang
katatagang panlipunan. Ang pilosopiyang legalismo ay kabaligtaran ng pilosopiyang
Confucianismo at Taoismo para sa mga Legalista walang ibang mahalaga kundi ang estado ang
pagpapatatag sa kapangyarihan ng estado ang dapat pagtuunan ng pansin ayun pa sa nakalap
na impormasyon upang sumunod ang mamamyan kailangan ng mahigpit na batas at mabibigat
na parusa. “Kapag nasa katuwiran ipaglaban mo”

You might also like