You are on page 1of 2

AP K2 (Week 5)

1. Ano ang dynastic cycle?

Ang dynastic cycle ang tawag sa paulit-ulit na kaganapang


pagbagsak ng isang dinastiya at may sisibol na panibagong
dinastiya. Ito ay isang mahalagang teoryang pampulitika sa
kasaysayan ng Tsina. Ayon sa teoryang ito, ang bawat dinastiya
ng Tsina ay umaangat sa isang pulitikal, kultura, at
ekonomikong tugatog at pagkatapos, dahil sa katiwalian sa
moral, ay bumaba, nawala ang Mandate of Heaven, at
bumagsak, para lamang mapalitan ng isang bagong dinastiya.

2. Paano nagkakaiba ang mga pilosopiyang Confucianismo,


Taoismo, at Legalismo?
Ang Confucianismo ay nagsimula sa pagtuturo ni Confucius
noong panahon ng paglalaban ng Tsina. Ang Taoismo ay isang
relihiyon na ang karamihan ay matatagpuan sa mga bansa sa
malayong Silangan tulad ng; Tsina, Japan, Vietnam, Singapore,
Korea, at Malaysia. Ang Legalismo ay itinaguyod ni Han Fei Tzu.
Ayon sa kanya, ang tao ay likas na masama at makasarili. Upang
malutas ang kaguluhan sa mundo, marapat na sumunod ang lahat
ng tao sa batas. Taliwas sa aral ng Confucianismo, naniniwala
ang mga legalista na hindi kailangan ang moralidad at ang
sinumang lumabag sa batas ay dapat itakwil o parusahan.
3. Ano ang kadalasang dahilan ng pag-aalsa ng mga tao
sa isang pinuno?
Ang kadalasang dahilan ng pag-aalsa ng mga tao sa isang
pinuno ay ang hindi pagkakaisa ng pinuno sa kanyang
mamamayan o nasasakupan. Nag-aalsa rin ang taong bayan dahil
maaring hindi nila nagugustuhan ang pamamalakad o pamumuno
ng pinuno. Ginagawa nila ito upang mapalitan na ang pinuno ng
bago na sa tingin nila ay makakatulong sa pag-unlad at pag
papaganda ng kanilang lugar/bansa..

You might also like