You are on page 1of 25

Aralin 1

Sinocentrism
Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


napahahalagahan ang mga bagay at kaisipang pinagbatayan
(sinocentrism, divine origin, devajara) sa pagkilala sa sinaunang
kabihasnan, na may tuon sa:
● kahulugan at konsepto ng sinocentrism,
● mandato ng langit, at
● siklo ng dinastiya.
Mahahalagang Tanong

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:

● Ano ang sinocentrism?


● Paano nakaaapekto sa isang bansa o lahi ang isang
sinaunang paniniwala?
● Gaano kahalaga ang mabuting ugnayan ng pinuno o
pamahalaan at mga mamamayan?
Pagsusuri

Sinocentrism
-nagmula sa dalawang salita: ang “sino” na
nangangahulugang “Tsino” at “centre” na
nangangahulugang “gitna.”
Kapag pinagsama ang dalawang salita ay
tumutukoy ito sa paniniwala ng mga Tsino na sila
at ang kanilang naitatag na kabihasnan
ang sentro ng daigdig.
Pagsusuri

-bahagi ng kaisipang sinocentrism ang


pagkakaroon ng mataas na pagtingin at
paggalang ng mga Tsino sa kanilang pinuno

-kinilala ng mga Tsino ang kanilang emperador


bilang “Anak ng Langit” o Son of Heaven.
Pinaniwalaan nilang pinili siya ng langit upang
pamunuan ang sangkalupaan.
Pagsusuri

Ayon kay Zhang (2016), ang


paniniwala sa sinocentrism ang
naghubog sa pakikitungo ng bansang
Tsina sa kaniyang mga karatig-bansa,
lalo na sa mga bansang Hapon,
Korea, at Mongolia.
Pagsusuri

Mandato ng Langit (Mandate of Heaven)


Ang pamumuno ng emperador ng Tsina ay
sang-ayon sa tinaguriang basbas ng
kalangitan, o mandate of heaven, kung kaya’t
ang pinuno ay nagkaroon ng
malaking responsibilidad sa pagpapanatili ng
kaayusan sa kaniyang nasasakupan.
Pagsusuri

Naniniwala ang mga Tsino na sa sandaling


ang kanilang pinuno ay maging mapang-abuso
o mabigo sa kaniyang responsibilidad,
ang kaniyang posisyon ay babawiin ng
kalangitan at igagawad sa susunod na taong
puspos ng kabutihan.
Pagsusuri

Ang mandate of heaven ang nagpaliliwanag


kung bakit may mga nagaganap na
pagbabago o pagpapalit ng dinastiya sa Tsina.
Ang heaven, sa kulturang Tsino ay hindi
nangangahulugang “diyos.” Sa halip ay isa
itong makapangyarihang batas ng kalikasan.
Ito ay naaayon sa Rites of Zhou, isa sa
sinaunang dokumento tungkol sa pulitikang Tsino.
SikloPagsusuri
ng Dinastiya (Dynastic Cycle)

Naniniwala ang mga Tsino na ang mga


kaganapan na tulad ng kalamidad,
pagkakaroon ng
peste, sakit, kaguluhan, digmaan, at kahirapan
ay mga palatandaan na hindi na nalulugod
ang kalangitan sa kasalukuyang emperador at
sa kaniyang pamumuno.
Pagsusuri

Kaya naman, kung mangyari ang mga iyon ay


magkakaroon ng panibagong pagpili at
pagtatalaga ng susunod na emperador na
inaasahang magdudulot muli ng kabutihan at
kasaganahan sa kaniyang nasasakupan.
Kapag hindi
Pagsusuri
na naman nagampanan ng
bagong emperador ang kaniyang tungkulin
at responsibilidad ay magkakaroon na
naman ng kalamidad hanggang sa
magtalaga na naman ng panibagong
pinuno ang kalangitan.
Ang siklong ito ay walang hanggan at
nagpapatuloy lamang. Ang konseptong ito
ay tinatawag na siklo ng dinastiya.
Pagsusuri
“Ang pamumuhay ay pakikipag-
ugnayan sa kapwa.”
Pagsusuri

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang sinocentrism?
2. Ano ang mandato ng langit?
3. Ano ang siklo ng dinastiya?
Pagsusuri
Pagsusuri
Pagpapahalaga

Taglay pa rin kaya ng mga Tsino ang


paniniwalang sinocentrism hanggang sa
modernong kabihasnan? Paaano kaya nila ito
napananatili? May kinalaman kaya ito sa
kaunlarang tinatamasa ng Tsina sa kasalukuyan?
Inaasahang Pag-unawa

● Tumutukoy ang sinocentrism sa paniniwala ng mga Tsino


na sila at ang kanilang naitatag na kabihasnan ang sentro
ng daigdig.
● Nakaaapekto sa isang bansa o lahi ang isang sinaunang
paniniwala sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito
hanggang sa kasalukuyan.
● Dahil sa mabuting ugnayan ng pamahalaan at mga
mamamayan nito, napadadali ang pag-unlad ng
kabihasnan.
Paglalagom

Lubos na pinaniwalaan ng mga Tsino na ang


1 kanilang bansa ang sentro ng daigdig.

Bahagi ng kaisipang sinocentrism ang


2 pagkakaroon ng mataas na pagtingin at
paggalang ng mga Tsino sa kanilang pinuno.
Paglalagom

Ang mandate of heaven ang nagpaliliwanag kung


3 bakit may mga nagaganap na pagbabago o
pagpapalit ng dinastiya sa Tsina.

.
Kasunduan

Sagutin sa kuwaderno ang sumusunod na tanong:


● Ano ang konsepto ng divine origin?
● Ano ang naging bahagi nito sa paghubog ng
kasaysayan ng mga bansang Asyano?

You might also like