You are on page 1of 42

MGA SINAUNANG PILOSOPIYA

ANO ANG
PILOSOPIYA?
-mula sa salitang Griyego na “philosophia” na
nangangahulugang “pagmamahal sa karunungan.”
-hindi nakasalig sa anumang paniniwala o
pananampalataya sa sinumang kinikilalang
diyos ng mga tao.
-nag-ugat sa malikhain at mapanuring kaisipan ng
mga tao na naglalayong itaguyod ang kritikal na
pag-iisip upang mabigyang linaw at halaga
ang mga bagay at desisyong isinasagawa ng
mga ito.
Confucianismo Noong panahon ng
digmaan, sa ilalim ng
dinastiyang Zhou sa Tsina,
Taoismo umusbong ang ilan sa
pinakadakilang pilosopiya
sa Asya. Marami sa
pilosopiyang ito ay umiiral
Legalismo pa rin hanggang
sa kasalukuyan.
CONFUCIANISMO
Confucianismo
Pinaniniwalaan sa Confucianismo
na ang tamang asal at moralidad ay
mahalaga upang hubugin ang mga tao
na maging mabubuting
tagapaglingkod at tagapamahala ng
pamahalaan.
CONFUCIUS
-K’ung-fu-tzu (Master
Kung) o Kong Qiu
-Tsinong Iskolar
-nagmula sa mahirap na
pamilya (nagsumikap mag-
aral para sa pamilya)
-mahusay na guro, subalit naroon pa rin ang kaniyang
pagnanais na makapaglingkod sa pamahalaan.

-nagpalipat-lipat siya ng lugar upang higit na mapalaganap


ang kaniyang mga aral

-ang pilosopiyang itinatag ni Confucius ay naging


mahalagang bahagi ng pagpapatatag ng lipunang Tsino

-lumaganap ang pilosopiyang ito sa mga


katabing bansa hanggang sa nakilala na ito sa buong mundo.
Mga Aral ng
Confucianismo
-nakasentro sa pagkakaroon
ng mabuting pag-uugali,
katarungan, at mabuting
pamumuno.
-mayroong 5 hanggang
6 na milyong
tagasunod sa mundo
“Huwag mong gawin
sa iba ang ayaw mong
gawin din nila sa iyo.”

-ginintuang
patakaran-
Four Books:
1.Dakilang Karunungan
2.Mencius
3.Analects
4.Doktrina ng mga Aba
Five Classics
-orihinal na ginamit sa DIVINATION upang mabatid
Classic of Changes
ang mga darating napangyayari

Book of History -kalipunan ng mga talumpati at talakayan


-kalipunan ng mga awiting bayan at mga tulang
Classic of Odes
panseremonya
Classic of Rites
-talakayan ng mga alituntunin sa pag-uugali at sa mga
seremonyang pampubliko at pampribado

Spring and Autumn Annals


-ulat o tula ng estado ng Lu
May mga birtud (virtue) na kinakailangang
taglayin
ng bawat mamamayan:
1. Li: Pagkamagalang
2. Xiao: Paggalang sa magulang
3. Yi: Pagiging patas
4. Xin: Pagkamatapat at Mapagkakatiwalaan
5. Jen: Kagandahang loob
6. Chung: Katapatan sa Estado (pinakamataas sa lahat)
-shi o iskolar (mabuting lalaki)
-napauunlad niya ang kaniyang
kaalaman at nagiging mabuting mamamayan sa
pamamagitan ng patuloy na
pag-aaral.
-ang isang lalaking nakapag-aral at nagtataglay
ng kagandahang loob, kagandahang asal,
pagkamakatuwiran, at paggalang sa mga magulang
ay karapat-dapat na maglingkod at makibahagi sa
pamahalaan.
-(estudyante ni Confucius)
Sumuporta nang kaniyang
sabihin na ang lipunan ay:
nahahati lamang sa mga
1.) nakapag-aral at
2.) hindi nakapag-aral
Ang mga nakapag-aral ay
naghahanapbuhay gamit ang isip at sila
ang mga namumuno sa pamahalaan.
Samantala, ang mga hindi nakapag-aral
ay ginagamit ang lakas ng kanilang
katawan at sila ng mga naglilingkod
sa lipunan.
-nakatuon lamang ito sa kalalakihan sa
lipunan
-naniniwalang walang lugar ang
kababaihan sa larangan ng pamahalaan
at sa pagtatamo ng tamang edukasyon,
bagkus ay nararapat lamang silang
magsilbi sa asawa at pamilya
Sang-ayon din sa pilosopiyang ito, ang
pagtatalaga ng tao sa pamahalaan ay
dapat
nakabatay sa talino at kakayahang taglay,
sa halip na sa anumang pribilehiyo lamang
na maaaring minana o ipinagkaloob. Dito
nagsimula ang konsepto ng pagpapatupad
ng Civil Service Examination
TAOISMO
Taoismo (Daoismo)
-nakabatay sa “tao.”
-Ang pilosopiyang ito ay nangangahulugang
“tamangdaan,”
-tao (nag-uugnay at nagbubuklod sa lahat
ng bagay sa sanlibutan)
-itinatag ni Lao Tzu (sinasabing isa ring
iskolar kasabay ni Confucius
Lao Tzu
-iskolar na sinasabing
namuhay kasabay ni
Confucius
-ang Taoismo ay nakilala sa
Tsina noong panahon ng
Dinastiyang Zhou
Lao Tzu
-Sinasabing nanungkulan
siya noon bilang tagapamahala ng
mga talaan sa palasyo ng emperador.
Siya ang kinikilalang
may-akda ng Tao Te Ching (“Ang Daan
at ang Kapangyarihan Nito”) Sa isang paglalakbay sa kanlurang
hangganan ng Tsina ay nalungkot siya nang makitang hindi lahat ng tao
ay sumusunod sa tamang daan ng pakikipagkapwa.
Mga Aral ng Taoismo
=Wu wei o “hindi pagkilos” ang isa sa
mahahalagang paniniwala ng Taoismo.
Sang-ayon dito, tulad ng kalikasan, hindi
kailangang ipilit ng tao ang ano man,
sapagkat ang lahat ay mangyayari nang
naaayon sa Tao.
Ipinahahayag ng paniniwalang ito na
“hindi dapat hadlangan ang natural na
ayos ng mga bagay”.
Ang mga aral ng Taoismo ay matutunghayan sa Dae
de Fing o The Book of the Way of the Virtue.
-relihiyon (Taoismo)
-sinasamba ng mga tagasunod ang mga
hsien o immortal.
Nagdarasal ang mga tao sa mga hsien upang
makamit ang mahabang buhay o kawalang
kamatayan.
Ang pagninilay, pagdidiyeta,
pagsasagawa ng yoga, at alchemy o
paghahalo ng mga
kemikal at metal ay ilan sa mga
pamamaraang isinisagawa ng mga
tagasunod ng
pilosopiyang ito upang humaba umano
ang kanilang buhay.
YIN at YANG
-sumasalamin sa balance ng
kalikasan at daigdig.
Ayon dito “ang lahat sa mundo ay
may kasalungat at katumbas”
Hal:
kabutihan-kasamaan
kaliwanagan-kadiliman
YIN
sumimbolo sa aspektong
pambabae; inilalarawan bilang
mabagal, malambot,
mapagbigay, malamig, basa,
diffused at passive.
Iniuugnay ito sa tubig,
buwan, at sa gabi.
YANG
kabaliktaran ng yin. Ito
ay inilalarawan
bilang mabilis, matigas,
matatag, mainit, tuyo,
focused at active. Iniuugnay
ito sa sunog, langit, araw, at
umaga.
LEGALISMO
-pilosopiyang
naglalayong higit na
mapatatag at
maipagtanggol ang
estado
-itinatag ito nina Shang
Yang at Han Feizi.
Si Shang Yang ay isang mahusay na
administrador.
Sinasabing napasusunod niya ang mga
mamamayan ng
kaniyang pinamumunuang lugar sa
pamamagitan ng
malulupit na patakaran.
Han Feizi naman ay bumuo ng kaisipan
hinggil sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
Sa kanilang
pagtutulungan ay nabuo ang pilosopiyang
Legalismo.
Ginamit ito upang patatagin at palawakin ang
dinastiyang Qin.
Mga Aral ng Legalismo
Ang Legalismo ay nagtuturo sa mga mamamayan ng sumusunod na
aral:
• Bigyang tuon ang paglilingkod ng bawat mamamayan sa estado.
• Itinuturing na karangalan ang makapaglingkod sa pamahalaan bilang
sundalo at
magsasaka.
• Ang mga gampaning tulad ng pagiging artisano, mangangalakal,
pilosopo, at iskolar
ay isinasantabi sapagkat ipinagpapalagay na ito ay walang pakinabang
para sa
estado.
Ang kaguluhan sa Tsina ay nabigyan ng lunas sa pamamagitan ng paggamit ng
kamay na
bakal. Upang mapasunod ang mga estado, kailangan ang mga istriktong batas
at
mabibigat na parusa. Ang tuon ng pilosopiyang ito sa mga batas ang ugat ng
pangalang
Legalismo. Karaniwan lamang na kaparusahan ang pagputol ng bahagi ng
katawan o
kamatayan. Naging tanyag ang pilosopiya ng Legalismo sa panahon ng Qin,
ang
dinastiyang humalili sa Zhou. Tunay na lumakas ang dinastiya at napag-isa nito
ag mga
mandirigmang estado. Gayunpaman, hindi ito nagtagal at bumagsak matapos
ang 15
taong paghahari.

You might also like