You are on page 1of 1

Sinocentrism

Author: Polo, Divine Faye S.


Date Published: Jan 06 2022

Ang sinocentrism o sa tagalog ay sinosentrismo ay isang kaugalian at paniniwala na


nagmula pa sa Tsina. Paniniwala ng mga tsino na ang china ang pinakasentro ng
daigdig ."Gitnang Kaharian" o “Zongguo” Subalit naniniwala sila na ang kanilang kultura at
lipunan ay kakaiba sa iba o namumukod tangi sa lahat. Dahil tunay ito ay ang paniniwala ng mga
Tsino na ang sentro ng daigdig ay ang bansang Tsina dahil ang tingin ng mga ito sa kanilang lipi
ay ang pinakamataas sa lahat. Pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura at kabihasnan ang
natatangi sa lahat. Dahil sa paniniwalang ito, para sa mga tsino ang ibang lahi ay tinatawag nilang
barbaro. Ang ganitong tradisyon na perspektiba ng mga tsino ay tinaguriang Sinocentrism.

Ang Sinocentrism sinasabi nila na ang kanilang emperor ay binibilang na “Anak ng Langit”
o “Son of Heaven” kaya ang pamumunno ng kanilang emperor ay “mandate of heaven” o may
pahintulot sa langit. Naniniwala sila na ang kanilang paniniwala ay mula sa langit ay siguradong
may malaking responsibilidad sa lahat na panatilihing maayos na may kasaganahan at
kapayapaan ang kanilang bansa. Sa prinsipyo ng mandate of heaven ay pinaniniwalaang ang isang
pinuno na itinakda ng langit ay para mamuno ay tinatawag ding “Anak ng Langit” o “Son of
Heaven” Ang mandate of heaven ay isang prinsipyo o paniniwala ng mga taga-Tsina sa pagpapalit
ng dinastiya. Tumutukoy ang mandate of heaven sa basbas ng langit. Ang emperador ay ang
pinaniniwalaang “Anak ng Langit” o “Son of Heaven”. Ang emperador ay may ang nag-iisang
ipinadala mula sa langit at namumuno siya sa kapahintulutan o basbas ng langit, ang tinatawag
na mandate of heaven. Naniniwala sila na kakaiba at bukod tangi talaga ang pilosopiya at
panrelihiyon ng tsino dahil sa simula pa lang meron na silang sinusundan na gabay upang
panatilihin ang kaayusan at kasaganahan para maimpluwensyahan nito ang lipunan at kultura ng
mga tsino. Meron tayong iba’t ibang paniniwala at meron tayong iba’t ibang sinusundan na
pamantayan. Kapag ang emperador ay hindi nagampanan ang kanyang responsibilidad at hindi
nya natupad ang kanyang Gawain bilang pinuno. At mag patuloy sa pagiging masama at pag-
aabuso sa kanyang pamumuno ang kanyang posisyon na pagiging emperor ay maaaring palitan at
babawiin ng langit ang kanyang kakayahang mamuno. Dahil dito kung bakit nag babago bago ang
dynasty o ang pamilyang namumuno sa sinaunang kabihasnan sa Tsina.

Sa pagsusuri sa kaisipang Asyano sa Impluwensya nito sa Lipunan at Kultura ang


“Sinocentrism” ang basehan ng mga tsino o ang bansang tsina ang kaisipan nila at naging batayan
dito ay ang pundasyon sa pag-unlad ng kanilang sinaunang kabihasnan. Dahil dito sa kakaibang
pamantayan at kaisipan ang lipunan nat kultura ng mga tsino ay mas umunlad at umusbong pa sa
kasalukuyan at sa hinaharap. Bawat kabihasnan meron iba’t ibang paniniwala kung paano
magiging mabuti, maayos at maging maunlad ang kanilang sibilisasyon. Sa sinaunang kabihasnan
ng tsina ang “Sinocentrism” ang unang umusbong at naging silbing kaunlaran ng kanilang bansa
simula sa relihiyon, pilosopiya at iba pang datos upang maging maunlad ang kanilang bansa. At
dapat natin respetuhin ang bawat bansa na may kanya-kanyang pamamaraan kung paano nila
papaunlarin ang kanilang bansa.

You might also like