You are on page 1of 51

Evolve.

Adapt.
Overcome.
CEFI is now ready.

KABANATA 5: ANG KABIHASNAN SA TSINA

Prepared by: Ionna Clarisse E. Abejo


JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag aaral ay:

• napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa


Tsina
• nailalarawan ang kalagayan, pamumuhay, at mga paniniwala ng mga
sinaunang pamayanang umusbong sa Tsina;
• natutukoy ang mga pangyayaring humubog sa mga sinaunang
kabihasnan ng Tsina na nagbigay-daan sa pag unlad ng kanilang
kultura at Lipunan.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Warm up activity:
T A O I S M O X S
T P R O P I P U I
S E W H T A I K L
I T A J O C J O K
N S D A U K L Y R
A I G F H X Z A O
E N N E Q W S L U
W O H T L R J A T
C Q T I T E R P E
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Sinaunang Kabihasnan ng Tsina

• Mas bata kung ihahambing sa mga sinaunang kabihasnan


• Umusbong ang mga kabihasnan sa Ilog Hwang-ho noong 2000
BCE, mahigit kumulang 1500 taon matapos ang pagbuo ng mga
lungsod estado ng Summer at 1000 taon maitayo ang mga
lungsod ng Mohenjo at Harappa.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

ILOG YANGTZE
• Pinakamahabang Ilog sa Asya

ILOG HWANG-HO
• Tinatawag na yellow river
• Nakalikha ang ilog na ito ng malapad na lambak sa parang ng
hilagang tsina, na siyang naging mainam na panahanan ng mga
sinaunang Tsino
• Nakapag patayo ang sinaunang Tsino ng mga kabihasnang agraryo
sa lambak na ito
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Sinaunang Kabihasnan ng Tsina

Ilog Yangtze Ilog Hwang-Ho


JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Sinaunang Kabihasnan ng Tsina

• Dahil sa natural na hating naghihiwalay sa kanila sa ibang bahagi ng


Asya, nahihiwalay ito sa subcontinent ng India dahil sa
bulubunduking Himalaya
• Umunlad ng walang impluwensya ng mga dayuhan
• Subalit hadlang ito sa pakikipag kalakalan sa ibang kabihasnan
• Naniniwala ang mga sinaunang Tsino na sila lamang ang tanging
sibilisadong mga tao, at tinuturing ang ibang mga tao bilang barbaro.
• Tinawag nila ang kanilang lupaing Chung-Kuo, na ang kahulugan ay
“Gitnang Kaharian”
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Sinaunang Kabihasnan ng Tsina

Sinocentrismo- Pilosopiya ng mga Tsino ng pagpapalagay ng


kanilang lupain bilang centro ng mundo
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Mga Kulturang Yangshao at Lungshan

• Noong panahon ng neolitiko, ang mga sinaunang Tsino ay nakatira


sa mga kabundukan ng hilaga at kanlurang Tsina dahil wala pa
silang kakayahang pigilan ang pag apaw ng Ilog Hwang-Ho
• Nang matutunan na ng mga Tsino ang pagkontrol at pagbaha ng
ilog, nakabuo sila ng mga pamayanan sa kapatagan malapit sa Ilog
Hwang-Ho
• Nabuhay sila sa pagtatanim ng palay, trigo at barley
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Mga Kulturang Yangshao at Lungshan

• Sa bandang kanluran ng kasalukuyang probinsya ng Hunan


umusbong ang kulturang Yangshao
• Pangunahing tatak ng kulturang ito ang mga magagandang palayok
na kanilanag inireregalo sa mga pumanaw
• Pinipintahan nila ang mga palayok na ito gamit ang tatlong kulay:
puti, pula at itim
• Masasabing ang mga nakapinta dito ay hindi kinopya sa kalikasan
• Iba-ibang hugis ng palayok ang kanilang niluluto sa mga hurno
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Mga Kulturang Yangshao at Lungshan

• Kasabay ng kulturang Yangshao ay ang pag usbong ng Kulturang


Lungshan sa mga parang ng silangang Tsina (Sa kasalukuyang
probinsya ng Shandong)
• Ang tatak kulturang Lungshan ay ang mga itim na palayok na mas
maganda at hindi pinipintahan o pinapalamutian
• Binubuo ito gamit ang gulong o potter’s wheel, at niluto sa mas
mataas na temperatura
• Nagtagpo ang mga kasapi ng kulturang Yangshao at kulturang
Lungshan noong 2000 BCE
• Nakabuo sila ng Malaki at maayos na mga pamayanang
nababakuran ng mga pader
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Mga Kulturang Yangshao at Lungshan

• Natuklasan nila ang gumawa ng sandata mula sa tanso


• Mayroon sila pagsusulat na kahawig ng simbolong kasalukuyang
ginagamit ng mga Tsino
• Kakayahan ng paglikha ng telang seda sa pamamagitan ng mga silk
worm
• Tinuturing na mga ninuno ng kabihasnang Tsino
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Pag-usbong ng mga Dinastiya

• Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang mga pinuno ay


pinapayagan ng diyos na mamuno basta’t silay makatarungan
• Mandate of heaven o “mandato ng langit ang tawag sa gantong
pagbasbas ng mga diyos.
• Pinaniniwalaan ng mga Tsino na ang mga pinuno ay anak mismo ng
diyos
• Binabansagan nila ang kanilang mga pinuno bilang “anak ng langit”.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Tsina ay pinamumunuan ng mga sumusunod na Dinastiya


1. Hsia
2. Shang
3. Chou
4. Ch’in
5. Han
6. Sui
7. T’ang
8. Sung
9. Yuan
10. Ming
11. Ch’ing
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Hsia

• Ayon sa mga Alamat, natuklasan ng isang bayaning nagngangalang


“Yu” ang nagpipigil sa matinding pagbaha sa Ilog Hwang-Ho.
• Pinaniniwalaang si Yu ang nagtayo ng unang dinastiya noong 2000
BCE.
• Gayunpaman, hindi pa napatutunayan ng mga arkeologo o
anthropologo ang dinastiyang ito
• Tanging kaalaman sa dinastiyang ito ay nagmula lamang sa alamat
na Tsino.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Shang

• Napatunayan ng mga arkeologo ang pag iral ng Dinastiyang Shang


nang matagpuan nila noong 1920 ang labi ng lungsod ng An-yang sa
hilagang parang ng Tsina
• Noong panahon ng Bronse, ginagamit ang tanso sa kagamitang
kailangan sa ritwal panrelihiyon tulad ng tasa at mga kaldero
• Nahukay mula rito ang mga kasangkapan at sandatang gawa sa
bato, kahoy, at mga buto ng hayop
• Maraming kasangkapan ng at kagamitang yari sa tanso ang nahukay
mula sa mga libingan ng mga hari at mga nobilidad
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Shang

• Nahukay din mula sa lungsod ang ilang mga buto ng hayop na mga
mga nakaukit na katanungan.
• Paniniwalang ang mga buto ay ginagamit sa panghuhula at paglikha
ng mga propesiya at tinatawag itong oracle bones.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Orcacle Bones
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Chou

• Noong 1100 BCE, pinatalsik sa pwesto ng mga Chou ang mga


Shang at bumuo ng bagong Dinastiya na nagtagal ng 900 na taon.
• Ang sakop ng mga Chou ay mula sa Ilog Wei sa kanluran hanggang
sa karagatan sa silangan at mula sa timog Manchuria sa hilaga
hanggang sa lambak Yangtze sa timog.
• Sa panahong ito, nasaksihan ng mga Tsino ang ilang mahalagang
pag unlad sa aspekto ng agrikultura, teknolohiya,transportasyon, at
pakikipag kalakalan.
• Natuklasan ang pag gamit ng bakal at ginamit ito upang makabuo ng
mga pang araro at mas matalas na sandata.
• Naisaayos ang Sistema ng tubig at gumawa sila ng mga lagusan ng
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Chou

• tubig upang mas mapadali ang transportasyon ng kanilang mga ani.


• Isa pang tuklas na nagpadali ng kanilang pamumuhay ay ang
pagkatuto nilang magpaamo at sumakay sa mga kabayo at
sinasabing natutunan ito ng mga tsino sa mga nomad
• Napadali ang pagpapadala ng mensahe, nakatulong sa
pangangasiwa sa mga teritoryong malayo sa kabisera at sumasakay
nadin dito ang mga hukbo imbes na sa karwahe.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Mga Pilosopiyang Umusbong sa Tsina


• Nagkaroon ng mga tagapangasiwa ang pamahalaan na mga
karaniwan ay guro at mga iskolar na naging mga pantas ng pulitika
at pamahalaan.

Si Confucious at ang Confucianismo


• Si Kung Fu-tzu na mas kilala bilang Confucious ay isa sa lingkod-
bayan na namuhay noong 551 BCE hanggang 479 BCE.
• Aniya, kailangan ng mga taong sumunod sa mga particular na
tuntunin ng etika at moralidad upang maibalik ito sa dati nitong
kaluwalhatian.
• Ang pangunahing nilalaman ng mga kaisipan ni Confucious ay ang
kahalagahan ng edukasyon at pagiging sibilisado.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

• Kung ang tao ay may pinag-aralan, gugustuhin niyang gawin ang


tama ng hindi pinipilit
• Do not do to others what you do not want others to do unto you
• Inilarawan din ni Confucious ang mga tamang asal na dapat isabuhat
ng mga tao sa pakikipag ugnayan.
Limang Pangunahing ugnayan ng tao:
1. Ugnayan ng namumuno sa kanyang mga pinamumunuan;
2. Ugnayan sa pagitan ng magulang at anak;
3. Ugnayan ng mga mag-asawa;
4. Ugnayan ng mga mas nakatatanda sa mga mas nakababatang
kapatid; at
5. Ugnayan ng mga magkaibigan o mga kasapi sa isang komunidad
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

• Ilan sa mga mga kaugaliang itinataguyod ni Confucious ay ang


pagiging matapat, matapat, ang pagkakaroon ng integridad, at ang
pagiging mapag bigay.
• Isandaang taon pagtapos pumanaw ni Confucious ay nabuhay
naman ang pantas na si Meng-tzu o mas kilala bilang Mencious.

Mencious
• Tanyag na naging Taga sunod ni Confucious dahil sa ambag niya sa
Pilosopiyang Confucianismo
• Lahat ng tao ay may angking kabutihan na maaaring malinang sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kaugaliang Confucian.
• Ang kanyang sariling tuntunin ay naglalarawan ng konsepto ng
“pamahalaan ng kabutihan”
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Filial Piety- Paggalang o pagsunod sa mga magulang


- Isa sa pinaka mahalagang ugali ng mga Tsino
- Hindi lamang diyos ang nararapat sambahin, kundi pati
mga Espiritu ng mga dakilang ninuno.
• Ayon sa Hsiao Ching, ang filial piety ang simula ng kabutihang asal
ng tao, ito ang magtuturo sa isang tao kung pano maging mabuting
mamamayan sa Lipunan.
• Ayon sa Confucianismo, ang mga nakatatandang lalaki ang nasa
posisyon ng awtoridad sa pamilya
• Sa kabilang banda, makapagbibigay naman ng karangalan ang
babae sa kanilang pamilya kung sila ay ikakasal sa kagalang-galang
na lalaki.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

• Magkakaroon lamang ng kapangyarihan ang babae sa kanyang


pagtanda kapag siya na ang biyenan ng iba
• Ang pag aari lamang ng mga kababaihan sa lipunang Tsino ay ang
dote o drowry ba ibinibigay ng kanilang asawa
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Si Lauzu at ang Taoismo

• Naniniwala ang mga Taoist na ang pamumuhay nang tama ay


naaayon lang dapat sa landas ng Tao o batas ng kalikasan.
• Taliwas ang Taoismo sa mga turo ng confucianismo. Naniniwala ang
mga ito sa “pagkilos nang hindi kumikilos”
• Nakasaad sa Tao Te Ching ang pagpapakilala at pagpapahalaga sa
mga bagay na itinuturing ng karamihan na masama o hindi maganda
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang Konsepto ng Yin at Yang

• Ang pagkakaroon ng masamang bagay (Yin) ay


kinakailangan upang magkaroon ng
mabubuting bagay (Yang)
• Walang kabutihan kung walang kasamaan

• Ang taliwas na mga pilosopiyang Confucianismo


(na nagtuturo ng pagsunod sa mga alituntunin ng
kabutihang asal) at Taoismo (nagturo ng simpleng pag ayon sa
kalikasan ay ginamit ng mga Tsino
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ch’in

• Pinabagsak ng mga pinuno ng Ch’in ang pinuno ng Chou noong 221


BCE
• Ang kasalukuyang mga pangalan ng Tsina ay matatagpuan sa
dinastiyang ito
• Pinangalanan ang pinuno ng Ch’in bilang si Shih Huang Ti na
nangangahulugang “Unang Emperador”
• Pinatibay ang depensa ng imperyong Tsino laban sa mga nomad na
maaaring sumugod sa kanila.
• Ipinatayo ang “Great Wall of China” at pinakalat nya ang mga kawal
sa iba’t ibang himpilan at tore nito.
• Nagpatayo ng Kalsada at mga lagusan para sa mas madaling
transportasyon at komunikasyon.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ch’in

Great Wall of China


JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ch’in

• Isinaayos ang Sistema ng pagsulat upang mas maging simple at


mas madaling matutunan
• Naging kilala ang Dinatiyang Ch’in at si Emperador Shih Huang Ti sa
pagiging mahigpit at marahas
• Ipinapasunog ang mga aklat na hindi naaayon sa pananaw ng
dinastiyang Ch’in
• Ang mga gawang tumututol sa pamahalaan ay ipinapasara maging
ang iskolar na may puna sa pamahalaan ay pinapalayas o pinapatay
• Dahil sa pagkawala ng mahuhusay na iskolar ay humina ito at
tuluyang natapos ng mag alsa ang mga kawal at manggagawa
noong 206 BCE, makalipas ang ilang taon mula ng pumanaw si Shih
Huang Ti
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Han

• Itinayo ni Liu Pang at pinangalanan ang kanyang sarili bilang si


Emperador Gao Tzu na ang ibig sabihin ay “Dakilang Ninuno”
• Sa pamumuno ni Wu Ti, pinakamalawak na pagsakop ng teritoryo ay
natamo sa dinastiyang ito.
• Sinakop ang lupaing lagpas sa dating hangganan ng Tsin. Sa Timog,
nakaabot ang imperyo hanggang sa hilagang Vietnam; sa Silangan
naman ay nasakop nila ang hilagang Korea; ar sa hilaga ay nakaabot
pa sa ilang bahagi ng Manchiria na ngayon ay kabilang sa bansang
Mongolia.
• Nakalikha ng mas maraming ruta para sa kalakalan
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Han

• Silk route ang pinakatanyag na ruta


mula Tsina na dumadaan sa Gitnang
Asya patungong India, Persia,
hanggang sa silangang bahagi ng
imperyog Romano sa Europa
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Han

• Ibinalik ang kaisipang Confucian at muling dumami ang mga iskolar


• Nagsimula ang pagsusulit na tumutukoy sa mga karapat-dapat
maglingkod sa pamahalaan (civil service exam)
• Itinututing na unang sistema na serbisyong sibil sa mundo
• Nagkaroon ng ambag sa agham at teknolohiya
• Gumamit sila ng mapa ng bituin at iba pang mga instrumenting
astronimiko, dahilan para maisaayos nila ang kalendaryong ginagamit
• Mahalagang tuklas noong panahong ito ay ang pagkalikha ng
magnetic compass
• Sa paghahanap ng tanso at bakal na tutunawin at gagawing
kasangkapan natuklasan ang lodestone, likas na bato balani o magnet
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Han

• Gamit ang iodestone, nalikha ang si nan, instrumenting nagtuturo sa


kanila ng direksyon
• Natuklasan din dito ang paglikha ng papel na kawangis ng papel
na ginagamit sa kasalukuyan
• Natuklasan ng mga gumagawa ng palayok ang pag gawa ng
porselana
• Ang porselana ay ginamit na rin sa paggawa ng pinggan, mangkok,
at tasa
• Naging tanyang ang Tsina sa paggawa ng mga porselanang
pinggan na tinawag ng Europa bilang china.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Han

Iodestone Ni An Palayok Pinggan, tasa at


mangkok
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Sui

• Idineklara ni Yang Jian ang kanyang sarili bilang si Emperador Wen


• Namayani and dinastiyang ito mula 581 CE hanggang 618 CE sa
ilalim ng dalawang emperador
• Pagpapatibay muli ng Great Wall of China at pagpapalawak ng
imperyong Tsino upang muli nitong masakop ang dating terutoryo sa
Timog-Siilangang Asya at Gitnang Asya
• Nagpasimula din ng Dakilang Lagusan na magdudugtong sa Ilog
Hwang-Ho at Ilong Yangtze
• Napadali ang pagpapadala ng mga pagkaing inaani sa mga bukirin
sa bahagi ng Ilog Yang-Tze sa mga lungsod hilagang Tsina
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Sui

• Nagalit ang mga Tsino sa mga pinunong Sui dahil sa pwersahang


pagpapatrabaho sa kanila at pagpapadala sa ibang lupain upang
manakop
• Nagtagumpay ang mga tsino nang tagumpay na maipapatay ang
huling pinuno ng Sui noong 618 CE.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

DinastiyangT’ang
• Pinamumunuan mismo ng asawa ng Emperador na si Emperatus Wu
Hou at napaalis lamang ito ng mga opisyal sa puwesto noong 705
BCE at siya ay 82 taong gulang na.
• Nagpatuloy ang pagluwas ng seda at porselana gamit ang silk route
at nakapag angkat naman sila ng tsaa mula sa Timog Silangang
Asya
• Nakapasok sa Tsina ang kaalaman at kaisipan mula sa ibang
bahagi ng Asya tulad ng matematika at astronomiya mula sa India
• Kumalat ang Budismo, Islam at Kristyanismo na nakalikom ng sari
sariling tagasunod ngunit Budismo lamang ang nakapag iwan ng
marka sa lahat ng paniniwalang nakarating.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

DinastiyangT’ang

• Nalikha ang sinunang paraan ng paglilimbag gamit ang mga table ng


kahoy
• Ang wood block printing ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag
uukit ng mga salitang ililimbag sa isang
tabla
• Ang mga inuukitang table ay nilalagyan
ng tinta pagkatapos ay ididikit sa isang
pahinang papel.
• Nauna ang mga Tsino ng 600 taon sa
paglilimbag ng unang aklat kung
ihahambing sa unang aklat ng Europeo.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

DinastiyangT’ang

• Natuklasan din ng mga Tsino ang paglikha ng


pulbura o gun powder
• Ginagamitan nila ng pulbura ang mga kwitis
at iba pang uuri ng paputok
• Ang gamit nitong pandigma bilang pamputok
ng baril at kanyon ay hindi pa natutuklasan
• Nakilala ang makatang sina Li Po Taoist na gumagawa ng tula na
pumapaksa sa kalikasan, at Po Chu-I na lingkod-bayan na nagging
tanyag sa tulang pagpuna sa Lipunang Tsino.
• Humina ang Dinastiyang ito at napaalis ang pinakahuling pinuno
noong 907 BCE
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Sung

• Naging bihasa ang mga Tsino sa paglikha ng malalaking barko at


paggamit ng compass paglalayag kung kaya’t naging mas malago
ang kanilang pangangalakal
• Naglimbag ang mga Tsino ng mga piraso ng papel bilang salapi o
paper currency
• Kilala sa ambag sa sining ng pagpipinta, tanyag ang mga pintor
dito sa paggamit ng kalikasan bilang paksa.
• Nagsimula ang footbinding
• Mas kaakit akit ang mga babaeng mayroong lily feet o mga pang
maliit at kahugis ng lily.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Sung

• Binebendahan ang paa ng mga batang babae ng mahigpit na


mahigpit
• Hirap maglakad ang mga babaeng may bound feet dahil sa
pagkakabali ng paa
• Pinagtibay ang pananaw na ang kababaihan ay para lamang sa
tahanan
• Ang magkasunod na pamumuno ng T’ang at Sung ay nakapagbigay
ng kaginhawahan at kasaganahan sa kanilang nasasakupan.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang mga Mongol at ang Dinastiyang Yuan

• Si Temujin ang dakilang pinuno ng Mongol na mas kilala sa


pangalang Genghis Khan na ang ibig sabihin ay “pinuno ng daigdig”
• Ang apo na si Kublai Khan ang nagpatuloy sa pananakop ng Tsina
noong pumanaw si Gengis Khan
• Noong 1264, itinatag ni Kublai Khan ang Dinastiyang Yuan
• Sa kauna unahang pagkakataon, napamunuan ng mga dayuhan(na
itinuturing nilang mga barbaro noon) ang mga Tsino
• Pinakamadilim na panahon sa kanilang kasaysayan
• Bawal ang mga Tsino magkaroon ng kahit anong sandata at
humawak ng matataas na katungkulan
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Ang mga Mongol at ang Dinastiyang Yuan

• Ang mahahalagang tuklas ng mga Tsino na Wood block printing,


pulbura, at compass ay nadala ng mga manlalakbay na Europeo
pabalik ng Europa.
• Nakarating sa Tsina si Marco Polo kasama ang kanyang ama at
tiyuhin
• Ibinahagi nya ang kanyang mga naranasan sa pamamagitan ng mga
sinulat ngunit pinagdudahan ito ng ilang Europeo dahil sa kakaiba
niyang kwento.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ming

• Humina ang kapangyarihan ng mga Mogol dahil sa pagkamatay ni


Kublai Khan noong 1924
• Noong 1368, nagtagumpay si Zhu Yuanzhang, isang mangagagwa
na pinuno ng pag aalsa, sa pagpapatalsik sa mga Mogol.
• Muling nagging masagana ang mga mamamayan at lumago ang
kanilang populasyon.
• Dahil sa paglawak ng kanilang saklaw pa hilaga at pagkasira ng mga
pader na nilikha dati, nagtayo ng bago at mas matibay na Great Wall
• Nagpadala ang mga pinunong ming ng ekspedisyon sa iba’t ibang
lupain sa Asya at Aprika
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ming

• Napasailalim nila sa impluwesya ng Tsina ang mga lugar na hindi nila


mararating kung hindi sila tumawid ng dagat, pgbalik ng mga
manlalayag nagdadala sila ng mga handog na regalo galing sa mga
pinuno ng iba’t ibang lupain.
• Tinatayang umabot hanggang 40 estado ang nag-alay ng tribute sa
Emperador ng Tsina, kabilang ang Korea, Vietnam, Tibet, Japan,
Burma(Myanmar), Siam(Thailand), Ceylon(Sri Lanka), Java(Indonesia),
Malacca(Malaysia), at Pilipinas.
• Bilang kapalit nakaka tanggap ang mga pinunong ito ng regalo mula
sa Emperador na may halagang mas Malaki kaysa sa kanilang handog.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ming

• Ipinatigil na ang mga paglalayag noong 1943, at isinara ang Tsina sa


mga dayuhan
• Isa sa pinaka tanyag na nobelang nilikha noon ay ang akdang Water
Margin, na sa ibang salin ay may pamagat na All men are Brothers
• Naging tatak ng dinastiyang ito ang sisidlang porselana na
pinalamutian ng mga disenyong kulay bughaw
• Nanghina ito dahil sa kapabayaan at pagiging kampante at
nagkaroon ng pag aalsa at rebelyon na nagging dahilan ng
pagkaubos ng pondo
• Bumagsak ang Dinastiyang Ming noong 1644.
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ch’ing

• Ginamit ng isang dayuhang pangkat ang pagbagsak ng Dinastiyang


Ming upang agawin ang kapangyarihan sa Tsina
• Itinatag ng mga Manchu ang dinastiyang Ch’ing (kilala rin bilang
dinastiyang Qing o dinastiyang Manchu) na nagtagal hanggang
1912.
• Malapit ang kultura ng mga Manchu sa mga Tsino dahil kanila
ring tinanggap at isinabuhay ang mga kaisipang Confucian
• Huling dinastiya sa Tsina
• Natamo ng Tsina ang kasalukuyan nitong lawak na lupain, kabilang
ang Tibet at Manchuria
• Napaloob sa kanilang imperyo ang Mongolia
JUNIOR HIGH SCHOOL
Calayan Educational Foundation, Inc.

Dinastiyang Ch’ing

• Ang mga Manchu ang nasa kapangyarihan nang magsimulang


maranasan ng Tsina ang panggigipit na dulot ng imperyalismong Tsina.
Evolve.
Adapt.
Overcome.
CEFI is now ready.

THANK YOU FOR LISTENING!

COLLEGE OF LIBERAL ARTS, SCIENCES AND EDUCATION

You might also like