You are on page 1of 16

Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano


ARALIN 5.3
Kabihasnang Tsina

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 2

Pag-aralan Natin 4
Paglitaw at Pagyabong 4
Sistemang Pampulitika at Panrelihiyon 6
Sistemang Pang-ekonomiya 8
Mahahalagang Kontribusyon 8
Sanhi ng Pagbagsak 9

Sagutin Natin 10

Suriin Natin 10

Pag-isipan Natin 11

Gawin Natin 11

Dapat Tandaan 14

Pinagkunan ng mga Larawan 15

Mga Sanggunian 15
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Aralin 5.3
Kabihasnang Tsina

Panimula
Bawat kabihasnan ay may kani-kaniyang antas. May kani-kaniya ring pamamaraan ng
pakikiangkop sa kapaligiran at sa pangangailangan ng mga mamamayan. Katulad ng mga
naunang pinag-aralang kabihasnan ay nagkaroon din ng sariling pagkakakilanlan at
mahahalagang pamana ang kabihasnang Tsina. Malaki rin ang bahaging ginampanan ng
lambak-ilog para dito.

Sa araling ito, ating sasagutin ang sumusunod na tanong:


● Ano ang higit na katangian ng kabihasnang Tsina sa lahat ng kabihasnan sa Asya?
● Paano naging makabuluhan ang mga kabihasnang Sumer, Indus, at Tsina, hindi
lamang sa Asya kung hindi sa buong mundo?

1
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Natatalakay ang pag-usbong ng kabihasnang Tsina.
● Nasusuri ang kabihasnang Tsina batay sa mga sistemang pampulitika,
panrelihiyon, panlipunan, at pang-ekonomiya nito.
● Napahahalagahan ang mga ambag ng kabihasnang Tsina sa daigdig.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral ay napaghahambing ang
mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina) (AP7KSA-IIc-1.4).

Subukan Natin

Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano, Markahan Mo!


Mga Panuto
1. Bilugan ang lugar kung saan sumikat ang kabihasnang Sumer. Ipakita rin ang mga
ilog ng Tigris at Euphrates.
2. Bilugan ang lugar kung saan sumibol ang kabihasnang Indus. Ipakita rin ang mga
ilog ng Indus at Ganges.
3. Bilugan ang lugar kung saan umusbong ang kabihasnang Tsina. Ipakita rin ang mga
ilog ng Huang Ho at Yangtze.

2
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang pagkakatulad ng mga lugar sa gawain?
2. Bakit sa mga lugar na ito sumibol ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?

3
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Pag-aralan Natin

Matatagpuan sa Tsina, sa Silangang Asya, ang lambak-ilog ng Huang Ho. Dumadaloy ang
ilog na ito nang may 4,640 kilometro at nagdadala ng dilaw na lupa o loess. Dahil sa
madilaw na kulay ng tubig, tinawag itong Huang Ho o Yellow River.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

banlik lupa; putik

idinadarang inilalapit sa apoy

parmasyutiko may kasanayan sa mga gamot

tapayan banga

Paglitaw at Pagyabong
Itinuturing ng marami ang Tsina bilang pinakamatandang kabihasnang nagpapatuloy
hanggang sa kasalukuyan dahilan upang magkaroon ito ng libong taon ng nagpapatuloy na
kasaysayan. Umusbong ito sa masaganang lupain sa mga lambak-ilog ng Huang Ho (Yellow
River) at Yangtze, bagaman tunay na maraming pagsubok ang dala ng paninirahan malapit
sa mga ilog na ito, piniling pahalagahan ng mga sinaunang Tsino ang mga bagay na maaari
nilang mahubog upang tuluyang mapaunlad ang kanilang pamayanan hanggang maging isa
itong matatag at kinikilalang kabihasnan, hindi lamang sa Asya, kung hindi sa mundo. Kilala
rin ito sa tawag na kabihasnang Shang, na ipinalalagay na nagsimula noong 1600 -1046
BCE.

Bago tuluyang makamit ng kabihasnang Tsina ang kaunlaran at kapayapaang tinaglay nito
ay kinailangan muna nitong lutasin ang paulit-ulit na suliranin sa matinding pinsalang dulot
ng pag-apaw ng tubig sa ilog Huang Ho. Bagaman naging mahalaga para sa agrikultura ang
dilaw na banlik na dala ng ilog sa tuwing umaapaw ito, ito rin ay nagdulot ng suliranin sa

4
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

mga mamamayan. Ang labis at matinding pag-apaw nito ay nagdulot ng pinsala sa mga
pananim, ari-arian, at maging sa buhay, kung kaya ito ay nakilala rin bilang “Pighati ng
Tsina” (China’s Sorrow ). Maliban dito ay kinailangan din nilang tugunan ang pinsalang
dulot ng pag-aaway ng mga pinuno mula sa iba’t ibang dinastiya. Sa kabila ng mga
suliraning ito ay naipagpatuloy naman nila ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Lar. 1. Nakikita sa mapa ng Tsina ang mga ilog ng Huang Ho at Yangtze

Ang interes ng mga eksperto sa pag-aaral hinggil sa kabihasnang ito ay nagsimula nang
madiskubre ang mga butong panghula o butong orakulo (oracle bones) na kinilala bilang
“buto ng dragon” na ibinenta ng grupo ng Tsinong parmasyutiko noong 1899. Dahil dito,
naging sunod-sunod na ang paghahanap at pagsusuri sa mga labi ng sinaunang kabihasnan
upang higit na maunawaan ang sopistikasyong hatid ng kanilang pamumuhay.

5
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Lar. 2. Nagdala rin ng pighati ang Ilog Lar. 3. Butong panghula


Huang Ho sa mga sinaunang Tsino.

Sistemang Pampulitika at Panrelihiyon


Nang mapatalsik ng rebeldeng pinuno na si Cheng Tang, ang huling pinuno ng maalamat
na naunang dinastiya ng Xia, agad itong nagtatag ng sariling dinastiya at nagpatuloy ang
ganitong uri ng pamumuno. Ang mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina ay ang
pagkasunod-sunod ng pagpapalitan ng mga pinuno at tagapamahalang kabilang sa iisang
mag-anak sa loob ng maraming salinlahi sa Tsina. Sa ganitong sistema, ang susunod na
lider ay maaaring ang anak ng kasalukuyang pinuno. Ayon sa mga nakatala sa mga butong
panghula, ang mga hari ng dinastiyang Shang ay mga lider-militar na namuno sa mga
hukbong gumamit ng mga sandatang bronse at sasakyang chariot.

Lar. 4. Ginagamit na gabay sa Lar. 5. Telang sapatos na nahukay kasama ng


mahahalagang desisyon ang mga libingan sa sinaunang Tsina.
butong panghula.

6
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Isa sa mga kilalang hari ay si Wu Ding at ang asawa niyang si Fu Hao ay mahusay na
pinunong militar. Ang mamamayan ng kabihasnang Shang ay sumamba sa kataas-taasang
diyos na si Shang Di, na diyos ng langit at ninuno ng mga hari. Ang mga hari at kaniyang
mamamayan ay nakipag-ugnayan sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga butong
panghula upang humingi ng gabay para sa mahahalagang desisyon na kailangan nilang
isagawa. Tanging ang mga hari lamang ang maaaring manguna sa pakipag-ugnayang ito.

Isinusulat nila sa mga buto ang kanilang katanungan para sa kanilang mga ninuno,
pagkatapos ay idinadarang nila sa init, kapag nagkaroon na ng lamat o bitak ang buto,
pagbabatayan nila ng kanilang kapalaran ayon sa sagot ng kanilang mga ninuno. Ang ilan
sa mga tanong ay patungkol sa panahon hanggang sa kahihinatnan ng digmaan.

May mga ebidensya rin ng paniniwala nila sa kabilang buhay batay sa mga ari-ariang
natagpuan kasama ang mga bangkay ng mga yumaong hari. May mga bungo at buto rin ng
pinaniniwalaang mga alipin ang kabilang sa mga natagpuan sa libingan ng kaharian.
Nagkaroon din sila ng pagsamba sa mga espiritu sa kapaligiran (animismo) na kanilang
ipinakita sa kanilang pagpapahalaga sa natural na ayos ng kapaligiran.

Sistemang Panlipunan
Katulad rin ng kabihasnang Sumer, ang
pagkakaayos ng mga estruktura mula sa
mga templo hanggang sa kabahayan ay
ayon sa antas ng tao sa lipunan. Nasa
sentro ng lungsod ang mga templo at
palasyo ng emperador o hari, nasa paligid
naman nito ang kabahayan ng mga
maharlika (mayayaman at mga
makapangyarihang tao). Sa higit na
malayong bahagi naman ng lungsod
matatagpuan ang kabahayan ng mga
ordinaryong mamamayan. Batay na rin sa
ilang labi, kasama ang labi ng hari, nabakas

7
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

na mayroong pang-aaliping naganap sa kabihasnang Shang. Kung ang alipin ay nanilbihan


sa maharlika, siya ay kasama sa libingan nito, kasama rin ang mga yaman at iba pang
ari-arian ng hari.

Ang mga magbubukid, artisano, mangangalakal , at ordinaryong mamamayang


nanirahan sa malayong bahagi ng lungsod ay hindi pinahintulutang gumamit ng mga
tansong kagamitan sa kanilang mga ritwal. Ang kanilang mga gamit ay yari sa bato at hindi
kasama sa kanilang libingan.

Mahahalagang Tanong
● Ano ang epekto ng heograpiya sa kabihasnang Tsina?
● Paano at bakit natatangi ang kabihasnang Tsina?
● Ano ang mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Tsina?

Sistemang Pang-ekonomiya
Pagtatanim ang pangunahing gawain ng mga sinaunang Tsino. Katulad ng mga naunang
kabihasnan, naging maunlad rin ang gawaing agrikultural ng kabihasnang Shang dahil sa
angkop na heograpiya nito. Sapat ang suplay ng tubig mula sa mga tabing ilog, kung kaya
hindi nila kinailangang magtuon ng labis na pansin sa pagtayo ng sistema ng irigasyon.
Palay at millet ang ilan sa produktong agrikultural na kanilang ikinalakal sa mga kalapit na
pamayanan. Nagsimula na rin silang gumawa ng mga tapayan sa init ng pugon. Marunong
din silang maghabi ng tela mula sa seda at abaka. Ang mga kutsilyo, bingwit o kawil, pait,
palakol, at iba pang kagamitan ay yari sa bronse. May mga kasangkapan ding yari sa mga
buto at bato.

Mahahalagang Kontribusyon
Sa libong taong namayagpag ang kabihasnang ito, sa kabila ng pagpalit-palit ng mga
dinastiya ay nag-iwan ito ng mahahalagang pamanang hanggang sa kasalukuyan ay
napakikinabangan pa rin ng mundo. Nakabuti pa nga ang pagpalit ng mga dinastiya
sapagkat higit na napaunlad ang mga imbensyon sa pangunguna ng mga pinunong nagnais
na maging mas tanyag ang kanilang pamumuno kaysa sa mga nauna.

8
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Narito ang ilan sa mahahalagang ambag na iniwan ng kabihasnang Tsina:


● Paraan ng pagsulat (calligraphy) (ang mga simbolong ginamit sa mga butong
panghula ay halimbawa ng karakter ng pagsulat ng mga Tsino, na sumimbolo sa
mga bagay, tunog, o ideya na isinulat nang patayo)
● Mga sandata at kagamitang yari sa tanso
● Kagamitang seramiko
● Mga alahas na gawa sa jade
● Mga burdadong sapatos
● Mga telang seda
● Panghuhula gamit ang butong pang-orakulo, at marami pang iba

Lar. 7. Calligraphy Lar. 8. Chinese ceramics Lar. 9. Paggawa ng telang


seda

Sanhi ng Pagbagsak
Walang anomang tala sa pagbagsak ng sinaunang kabihasnang Tsina sapagkat hindi naman
ito tuluyang nawala, sa halip ay napalitan lamang ang mga naunang dinastiya ng mga
sumunod rito na higit namang pinaunlad ang kultura, ekonomiya, at pamumuhay ng mga
Tsino. Ang dinastiyang Shang ay pinalitan ng dinastiyang Chou.

9
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Sagutin Natin

Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa kahon.

lider-militar artisano maharlika Xia mangangalakal

alipin emperador calligraphy buto ng dragon dinastiya

____________________ 1. nakatira sa sentro ng lungsod

____________________ 2. nakatira sa paligid ng uring nakatira sa sentro ng lungsod

____________________ 3. naninirahan sa malayong bahagi ng lungsod

____________________ 4. may kasanayan sa isang partikular na gawain

____________________ 5. nanilbihan sa mga maharlika

____________________ 6. sistema ng pagsulat

____________________ 7. sunod-sunod na palitan ng mga pinuno at tagapamahalang


kabilang sa iisang mag-anak sa loob ng mahabang taon

____________________ 8. nahukay sa Tsina noong 1899

____________________ 9. sinundang dinastiya ng Xia

____________________ 10. mga namuno sa dinastiyang Shang

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Anong dalawang ilog ang naging karamay sa pagsulong ng kabihasnang Tsina?
2. Ano ang naging gampanin ng mga butong pang-orakulo?
3. Ano ang ilan sa ambag ng kabihasnang Tsina sa sangkatauhan

10
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Pag-isipan Natin

Sa iyong palagay, ano ang maaaring kakulangan o kahinaan ng kasalukuyang


kabihasnang Asyano kung hindi nagsumikap tungo sa kasakdalan ang mga pinuno at
mamamayan ng kabihasnang Sumer, Indus, at Tsina?

Gawin Natin
Mga Panuto:
1. Pumii at magtala ng tatlong pinakamahahalagang ambag ng bawat kabihasnang
Asyano.
2. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
3. Suriin ang tatlong itinalang pinakamahahalagang pamana at ang isinulat na
paliwanag. Pumili ng isang pinakanamumukod-tangi at pinakanakaimpluwensiya sa
buong mundo.
4. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

Sumer Indus Tsina

Pinakamahalaga Ambag 1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

Paliwanag
1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

11
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Pinakanamumukod-
tanging Ambag

Paliwanag

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa ng Magaling Napakahusay


kaysa Pagsasanay 3 4
Pamantayan
Inaasahan 2
1

Nilalaman Malabo at Medyo Kumpleto at Kumpleto,


magulo ang malinaw ang malinaw ang napakalinaw,
talahanayan, talahanayan, talahanayan, at tama ang
kulang ng kulang ng kulang ng ilang nilalaman ng
maraming maraming detalye; talahanayan;
detalye; wala o detalye; naipakita ang naipakita ang
kulang ang kailangang kakayahan sa husay sa
kasanayan sa masanay sa pagsusuri at pagsusuri at
pagsusuri at pagsusuri at pagpapaliwa- pagpapaliwa-
pagpapaliwa- pagpapaliwa- nag. nag.
nag. nag.

12
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at


Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng
napakadumi maging output; may ipinasang
ng output; maayos at ilang nakitang output; walang
napakaraming malinis sa bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang bura, paggawa; pagkakamali. dumi, o
dumi o maraming pagkakamali.
pagkakamali. nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali.

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa


Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
minuto/ minuto/oras/ minuto/oras/ itinakdang
oras/araw/ araw/linggo araw/linggo ng minuto/oras/
linggo matapos ang pagpapasa. araw/linggo ng
matapos ang itinakdang pagpapasa.
itinakdang panahon ng
panahon ng pagpapasa.
pagpapasa
dahil ipinaalala
ng guro.

13
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Dapat Tandaan

● Nabuo ang kabihasnang Tsina sa ilog-lambak ng Ilog Huang Ho at Ilog Yang Tze.
● Ang pagkakatuklas ng mga butong panghula (oracle bones) ay nakatulong sa
pagbibigay-salaysay sa kasaysayan at kultura ng kabihasnang Tsina.
● Naging tanyag ang kabihasnang Tsina dahil sa husay nito sa paggawa ng mga
kasangkapang yari sa tanso.

14
Araling Panlipunan

Baitang 7 • Yunit 5: Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano

Pinagkunan ng mga Larawan

Lar. Location Map of Asia ni Uwe Dedering ay may pahintulot batay sa CC BY-SA 3.0 sa
pamamagitan ng Wikimedia.

Lar. 1. China Geography ni Seasonsinthesun ay may pahintulot batay sa CC BY-SA 3.0 sa


pamamagitan ng Wikimedia.

Lar. 2. Yellow River ni Amphylite ay may pahintulot batay sa CC BY-SA 3.0 sa pamamagitan
ng Wikimedia.

Mga Sanggunian

Mark, Joshua J. “Ancient China.” Disyembre 18, 2012. World History Encyclopedia. Nakuha
noong Enero 18, 2022. https://www.worldhistory.org/Sumerians/ .

Murphy, Rhoads. A History of Asia. New York: Harper Collins Publishers Inc., 1992.

The Editors of Encyclopaedia Britannica. “China.” Encyclopædia Britannica. Nakuha noong


Enero 18, 2022. https://www.britannica.com/place/China/Relief.

Timemaps.com Editors. “Ancient China: Civilization.” TimeMaps. Nakuha noong Enero 18,
2022. https://www.timemaps.com/civilizations/ancient-china/ .

15

You might also like