You are on page 1of 3

MARTHINA YSABELLE I.

LOPEZ AP
G7-FLORES Mrs. Ijya Hernando
QUARTER 2-WEEK 4 Dec. 6, 2021

Gawain 1
Impluwensya ng Pamilya at Komunidad

Impluwensya ng Pamilya sa pag-iisip:


Masasabi ko na malaki ang impluwensya ng aking pamilya tungkol sa mga personal kong
desisyon. Isang halimbawa nalang ay ang pagpili ko ng paaralan na aking papasukan. Kung ano
ang mga suhestiyon ng aking mga magulang ay susundin ko ito sapagkat sila ang nagpapa-aral
sa akin. Tungkol naman sa mga ipinopost ko sa internet, nakaka-apekto pa rin ang impluwensya
ng aking pamilya dahil sinusunod ko ang kanilang mga paalala tungkol sa pagpopost online.

Impluwensya ng Komunidad sa pag-iisip:


Hindi ako masyadong naaapektuhan ng komunidad sapagkat hindi naman ako palaging
lumalabas ng bahay. Kung ano ang mga desisyon sa loob ng tahanan ay yun lamang ang aking
susundin.

Gawain 3
Kaisipang Asyano

Sinocentrism:
“Zhongguo” ang pangalang ibinigay ng mga Tsino sa kanilang bansa, na ang ibig sabihin ay
“gitnang kaharian”.
Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang bansa ang sentro ng mundo.
Naniniwala din ang mga Tsino na ang kabishasnang kanilang itinayo, kabilang na ang kanilang
kultura at tradisyon, ang pinakanatatangi sa buong sanlibutan.

Divine Origin:
Ito ay ang paniniwala ng mga Hapon na ang kanilang emperador ay natatangi at walang ibang
katulad.
Naging susi ang Divine Origin sa pag-unlad ng kabihasnang Hapon sapagkat sila ay nagtulong-
tulong upang maibigay ang lahat ng ikasasaya ng kanilang emperador.
Ang emperador ng mga Hapones ay nagmula sa lahi ng mga diyos at diyosa.

Devaraja:
Ang mga hari ay tinitignan bilang buhay na imahe ng mga diyos.
Naniniwala ang mga Hindu sa karma at reincarnation.
Nagmula sa dalawang salitang Sanskrit na “deva” at “rajah” na ang ibig sabihin ay “diyos” at
“hari”.
Cakravartin:
Ito ay ang kaisipang ang haring mabuti, makatwiran, at mapagkalinga ay dapat pamunuan ang
buong mundo.
Ito ay pinaniniwalaan ng mga Buddhist at Hindu.
Isang magandang halimbawa si Haring Asoka ng India.

Gawain 4
Impluwensya ng mga Kaisipang Asyano

Kaisipang Asyano: Sinocentrism


Epekto/Impluwensya sa Lipunan: Nagpursigi ang Tsina na maging pinakamayamang bansa sa
kasalukuyan. Sa huling report ng mga eksperto, naungusan na ng Tsina ang Estados Unidos
kung kayamanan ang pag-uusapan. Naging agresibo din ang Tsina sa kasalukuyang panahon
kaya naman nasasangkot ito sa maraming territorial dispute.

Kaisipang Asyano: Divine Origin


Epekto/Impluwensya sa Lipunan: Dahil sa kaisipang ito, hanggang ngayon ay mataas pa rin ang
tingin ng mga Hapon sa kanilang mga emperador. Binibigyan nila ito ng respeto at patuloy na
ipinagdiriwang ang kanilang mga kaarawan at iba pang mahahalagang pangyayari sa kanilang
mga buhay.

Kaisipang Asyano: Devaraja


Epekto/Impluwensya sa Lipunan: Para sa mga natitirang monarkiya sa Timog-Silangang Asya
kagaya ng Thailand at Cambodia, mataas ang respetong ibinibigay nila sa kanilang mga hari
dahil sa paniniwalang kaisa sila ng mga diyos.

Kaisipang Asyano: Cakravartin


Epekto/Impluwensya sa Lipunan: Ang pagkakaroon ng isang lider na etikal at mabait na
mamumuno sa buong daigdig ay nararapat na mailagay sa United Nations.

Gawain 5
Cause and Effect: Kaisipang Asyano
Anak ng Langit

Cause: Ang dahilan ng pagkakaroon ng anak ng langit ay ang kaisipang Mandate of Heaven
Effect: Ang magiging epekto nito ay ang lahat ng mga mamumuno sa bansang Tsina ay
kinakailangang may basbas ng kalangitan, sapagkat kung hindi nila makukuha ang mahalagang
basbas na ito ay wala silang karapatan na maging pinuno ng isang bansa.

Angkan ng Diyos

Cause: Ang dahilan ng kaisipang ito ay ang paniniwala sa Divine Origin

Effect: Ang magiging epekto nito ay ang pagkakaroon ng isang linya ng mga pinuno na nagmula
daw sa mga Diyos, at igagalang sila ng mga tao sa susunod na ilang libong taon.

Pinagsama-samang Diyos

Cause: Ang devaraja ang dahilan ng kaisipang ito.

Effect: Ang pinunong maituturing na devaraja ay katatakutan ng maraming tao dahil sa


kapangyarihang taglay niya.

Gawain 7
1. Zhongguo

2. Amaterasu

3-4. Izanami at Izanagi

5. Divine Origin

6. Mandate of Heaven

7. Sinocentrism

8. Devaraja

9. Jimmu Tenno

10. Cakravartin/Chakravarti

You might also like