You are on page 1of 11

Mga

pilosopiya sa
asya
Pilosopiya
- hango sa salitang Griyego na philo at sofia.
- ang pilosopiyang tsino ay nakatuon sa tao at
lipunan.

Tatlong dakilang pilosopiya ang lumitaw sa


Tsina at nagkaroon ng matinding impluwensya sa
buhay ng mga tsino: ang Confucianismo,
Taoismo at Legalismo.
confucianismo
Kung fu Tzu o Confucius.
- pinakatanyag at pinakadakilang pilosopo sa
tsina.
- pinanganak noong 551 bce sa estado ng Lu
sa Tsina
- ayon kay Sima Qian, dumanas ng kahirapan
sa buhay si Confucuis.
- naging guro siya at empleyado sa
pamahalaan.
- hindi siya natuwa sa kanyang nasaksihan na
Sistema ng pamamahala ng isang mataas na
pinuno kung kaya nagdesisyon siyang bumalik sa
kaniyang pribadong buhay.
- naisip niyang magkakaroon lamang ng
maayos na lipunan ang isang bayan kung
pagtutuunan ng pansin ang pagpapabuti ng tao
sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng bawat
tao sa lipunan.
- dahil dito, dapat mapayabong ng tao ang
kaniyang mabubuting asal (virtues).
> jen o kagandahang loob
> yi o pagkamakatwiran
> li pagkamagalang

Ayon kay Confucius makakamit ang jen sa


pamamagitan ng pagsasaayos sa limang
mahahalagang ugnayan sa lipunan.
1. Ang ugnayan ng pinuno at kaniyang
nasasakupan.
2. Ang ugnayan ng ama at anak na lalaki.
3. Ang ugnayan ng asawang lalaki sa asawang
babae.
4. Ang ugnayan ng nakatatandang kapatid sa
nakababatang kapatid.
5. Ang ugnayan ng magkaibigan.
- Sa loob ng 2000 taon,naapektuhan ng
Confucianismo ang iba’t ibang aspekto
ngpamumuhay ng mga tsino kabilang na ang
edukasyon, pamahalaan, kilos at gawi ng mga
tao at kaayusan ng lipunan.
taoismo
Lao Tzu o Lao Tze.
- isinulat niya ang Tao Te Ching(ang daan ng
kalikasan).
- naniniwala ang mga tagasunod ng Taoismo
na dapat matutong manumbalik ang tao sa
kaparaanan ng kalikasan.
- kailangan na maging
mapagtimpi,mapagkumbaba, at mahinahon ang
tao.
-nakapaloob sa aral ng Taoismo ang
pagkakamit ng balance ng kalikasan o daigdig na
kinatawan ng yin at yang.

yin – lupa, dilim, at kababaihan na mahina at


kalmado
yang – langit, liwanag, at kalalakihan na
matatag at malakas.
- upang mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan, kinakailangang manatiling balance
ang dalawang puwersa.
- naniiniwala ang mga taoista na ang mga
sakuna, kaguluhan, at digmaan ay bunga ng hindi
balanseng ugnayan ng yin at yang.
legalismo
Shang Yang at Han Fei Tzu.
- nag turo ng kahalagahan ng pagpapatupad
ang batas upang makamit ang katatagang
panlipunan.
- pinapaboran sa Legalismo ang Sistema ng
pagbibigay ng pabuya at pagpataw ng
kaparusahan upang makontrol ang ugali at kilos
ng tao.

You might also like