You are on page 1of 4

Sagot sa mga tanong kung bakit

Nung una tayong nagkausap

Ang iyong mga mata’y may kislap

Na bumighani sa aking kalooban

Nang wala man lang pangundangan

Bes, yan ang tawag mo sa akin

Di ko alam kung ano ang iisipin

Kung dapat bang matuwa o masaktan ng palihim

Sa tulog ko’y ikaw ang nakikita

Bawa’t galaw mo ay naaalala

Ika’y nasa isip sa bawat paghinga

Mapansin sana ang aking paghanga

Ito na ang simula…

Bakit nga ba sa lahat ikaw pa?

Pwede namang sa iba bakit sayo pa

Bakit kase sobra mong paasa?

O ako lang naman talaga ang nagbigay ng malisya

Bakit ba sobra mong lambing?

Wala namang tayo, at wala ka namang pagtingin

Bakit patuloy akong kumakapit

Kung alam kong hindi na dapat ipilit?


Sabi nila satin, ‘’bakit hindi na lang kayo?’’

Yan din ang tanong na gumugulo sa isip ko

Ngunit paglipas ng oras at taon

Alam ko na ang mga sagot sa mga bakit ko noon

May dahilan pala si tadhana

Kung bakit hindi tayo itinadhana

Dahil may bubuo at magbibigay ng pagasa

Sa puso kong pagod ng umasa

Kaya pala magkaibigan lang tayo

Dahil sayo ako masasaktan at matututo

Kung pano magmahal kahit walang kapalit

At ngumiti kahit pilit

Kaya pala hindi mo ako gusto

Dahil mas pinili mo ang pagkakaibigang totoo

At durugin ang puso ko

Kaya pala hindi naging tayo

Dahil may siya na ipaglalaban ako

At mamahalin ako ng husto

Kaya pala nakatayo ako sa harap mo

Dahil merong siya na hindi aalis sa tabi ko

Kaya pala meron lang Ikaw at Ako


Dahil hindi pwede ang tayo

Kaya pala ngayon masaya na ko

Dahil hindi na ako umaasa sayo

Bumalik ulit sa umpisa, sa ibang oras

Ibang pagkakataon at ibang pagibig

Ngayon may nagmamahal na sakin

Sa paraan na wala ng sakit

Wala ng mga bakit

Ngayon, buo na ako ulit

Salamat sa sakit at sa malasakit

Ngayon, malakas na ulit ang puso ko

Handa na ulit magmahal ng buo

Sa wakas, nasagot na ang mga bakit

Na matagal kong tinago at binaon sa isip

Dumating ang pagmamahal na hindi inaasahan

Na magiging sagot sa lahat ng katangahan

Kaya pala hindi ako ako para sayo

Dahil hindi ikaw ang panalangin ko.

You might also like