You are on page 1of 2

Giliw -knighterrant Darating ka ba aking giliw Yaring puso y nilalamon ng dilim Ngayon sa ilalim ng mga bituin Muli hinihiling

na kahit anino mo y masilip Akin pa ring binabalik-balik Ang ating masasayang sandali Nangako na dito sa aking tabi Ika y mananatili Tila di ko maisip ang aking pagkakamali Akoy nagising na wala kana sa aking bisig Naglaho ka ng wala man lamang sinabi Kayat ngayo y naninimdim sa sakit na aking sinapit Ngunit di ko mapigil bakit hanggang ngayon Umaasa pa rin na ika y babalik sa aking piling. Sawing pag-ibig -knighterrant Aking pilit sinilip sa iyong mga matang marikit Kung ikaw din ay may pag tingin sa akin Nilabanan ko itong napaka sutil na damdamin Ngunit sadyang ayaw papigil Hindi ko maiwasan sapagkat habang aking itinutulak Ay syang lalong nananabik Sayong presensya natagpuan ko ang ngiti Bawat araw ay may hatid na kilig Bumuhos, bumabaha ng emosyong nakakapagpakiliti Ngunit natatakot din na wala naman itong kaparis Nagtatanong, nag-iisip kung tulad ko Ikaw ay may damdamin din para sa akin Hinahanap ang sagot na matagal ng naka binbin Ngayon aking napipisil tila sayo ako y di pansin Sadyang kay sakit ngunit mabuti na rin Kaysa naman habang buhay akong umasa Sa taong di naman pala ako ibig.

Ano ba ito? -knighterrant Ako y di yata t nag-iisa sa isang sulok ng kawalan Pilit hinahanap ang isang bagay Na hindi ko naman malaman Aking kinakapa dito sa aking puso Ano ba ito? Isang emosyon na ngayon ko lamang natanto Damdamin sa aki y tila bago Sinisimulan ko pa lamang matuto ang aking pusong nagsusumamo Na sana itong nadarama ay maglaho Di ko to ginusto at lalong di ginusto Ngunit di ko mapigil itong puso Nagtatanong ano ba ito? Pilit tumimo sa aking puso Sadyang nakakakilabot ngunit Di ko maikakaila ang sayang dulot nito Kay bigat dito sa aking dibdib Ngunit kakatwang may tili akong naririnig Hinihila ako ng isang pwersa na di ko nakikita Di ko alam pero ito y tila kaaya aya Sayang lamang at takot akong harapin Ang dapat tapatin dahil sa aking paningin Ito y di dapat aliwin

You might also like