You are on page 1of 4

CALAUAG CENTRAL COLLEGE INC.

Rizal Cor. Arguelles Sts., Poblacion Cuatro


Calauag, Quezon 4318
Junior High School Department
School Year 2022-2023

MASUSING PANG ISANG ARAW NA BANGHAY ARALIN


SA ASIGNATURANG ARALING PANLIPUNAN PARA SA BAYTANG 7
GURONG NAGSASANAY REDENCIO U. SILANG ASIGNATURA ARALING PANLIPUNAN
ARAW NG PAGTUTURO MARso 13, 2023 BAITANG GRADE 7
(LUNES) PANGKAT (COMPASSION)
ORAS 12:30-1:30 PM (60minuto) PANAHUNAN IKALAWA

I. LAYUNIN
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa sa mga kaisipang Asyano,
PANGNILALAMAN pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
PAMANTAYANG Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
PAGGANAP pilosopiya at relihiyon na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
MGA KASANAYAN SA 1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga pananaw, paniniwala at
PAGKATUTO tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano (AP7 KSA- IIf-1.9)
2. Nabibigyang katuturan ang mga konsepto ng pilosopiya sa pamamagitan
ng pag iisa isa ng mga pilosopiyang sumibol sa Asya.
3. Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng pananaw, paniniwala at
tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano.

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat KABANATA 4: Mga Sinaunang Kaisipan, Kaugalian at
Paniniwala ng mga Asyano
Aralin 1: Mga Pilosopiya sa Asya
B. Sanggunian Ang Paghubog ng mga Sinaunang _Kabihasnan sa Asya
Pahina 143 - 148
C. Bilang ng Araw ng Pagtuturo 1 Sesyon
D. Mga Kagamitan: Smart TV, Multi Media Projector, Laptop, Kartolina, Speaker , Mga
Larawan nina Confucius, Lao Tzu at Shi Huang Ti

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral
Panimula (Pagbati sa mga nasa harapan)
Panalangin (See power point presentation)
Pagtatala ng liban
Pagbabalik Aral
Panimulang Tanong: Ano ang mahalagang aral na Iba’t iba ang kasagutan ng mga mag-aaral
iyong natutunan sa nakaraang aralin?
A. Aktibiti
a.1 Pagganyak: (5 mins)
Magpapakita ang guro ng mga larawan nina Confucius, Lao Tzu, Shang Yang at Han Fei Tzu
sa mga mag-aaral.
CONFUCIUS LAO TZU SHANG YANG HAN FEI TZU

a.1.1. Pagganyak na Tanong : Kilala ba ninyo ang mga nasa larawan? Sino sa inyo ang makakapagbigay ng
ideya kung sino sino ang mga nasa larawan?
a.2. Pagganyak: (5 mins)
Ipaparinig ng guro ang koro ng awiting Pananagutan (Bugoy Drilon Bersyon).
Maaaring sumabay ang mga mag-aaral sa saliw ng musika.
a.2.1. Pagganyak na Tanong :
 Nang marinig ninyo ang awiting Pananagutan, ano ang unang pumasok sa inyong isipan?
 Ano ang iyong naramdaman?
 Gaano kahalaga para sa iyo ang pakikipagkapwa tao?

Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral


a.3. Pokus na Tanong: Iba- iba ang kasagutan ng mga mag- aaral.
 Magbigay ng pilosopiyang
pinaniniwalaan at ipaliwanag.
 Ano ang kahalagahan ng pilosopiya sa
buhay ng tao?
 Anong pilosopiyang tumatak sa isipan
ninyo at bakit?
(Sasagutin ito pagkatapos ng talakayan)

GAWAIN 1: iComment Mo! (5 mins.)


Indibidwal na Gawain:
Panuto: Gamit ang estratehiyang “Atbash Cipher” hahanapin ng mga mag-aaral ang sagot sa kahon na
kung saan nakatala rito ang mga letrang alpabeto na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral upang
mabuo ang salitang hinahanap ng guro na kaangkop sa paksang tatalakayin. Isulat ang letrang nasa
katapat ng bawat kahon upang lumabas ang sagot.
A B C D E F G H I J K L M
Z Y X W V U T S R Q P O N
1. XLMUFXRFH- CONFUCIUS
2. OZL GAF- LAO TZU
3. KROLHLKRBZ- PILOSOPIYA
4. OVTZORHN- LEGALISMO
5. ULFI YLLPH- FOUR BOOKS
GAWAIN 2: Iseen at Isipin Mo! (10 mins.)
Pangkalahatang Gawain:
Instruksiyon: Pagpapanonood/pagpapabasa ng paksa tungkol sa Mga Pilosopiya sa Asya
p. 143- 147 ng Batayang Aklat (see power point presentation)
GAWAIN 3: Pagbulayan at iShare Mo! (10mins.)
Pangkatang Gawain:
Panuto: Kayo ay hinahamon na magbigay ng pananaw at pang-unawa sa mga pilosopiya nila Confucius,
Lao Tzu, Shang Yang, Han Fei Tzu sa pamamagitan ng Share Mo Lang Organizer. Ibigay ang sariling
interpretasyon base sa iyong pagkaunawa sa anyo ng isang maikling pahayag.

Group 1: SHANG YANG


“Huwag mong isipin kung ano ang magagawa ng katungkulan mo para sa iyo, kung hindi kung
ano ang magagawa mo sa mga taong nagluklok sa iyo.”
SML@ Shang Yang___________________________________

Group 2: CONFUCIUS
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”.
SML @ Confucius____________________________________

Group 3: LAO TZU


“If you are depressed, you are living in the past. If you are anxious, you are living in the future. If you are
at peace, you are living in the presence”
SML @ Lao Tzu_____________________________________

Group 4: HAN FEI TZU


“It is dangerous for a ruler to trust others. He who trust others can be manipulated by others”.
SML @ Han Fei Tzu_________________________________

B. Analisis
GAWAIN 4: Gawin at iMy Day Mo! (5 mins)
b.1. Sino sa mga dakilang pilosopo sa Asya ang iyong higit na pinaniniwalaan?
Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay at ipaliwanag sa harap
ng klase ang iyong opinyon. (Pipili muna ang guro ng tatlong mag-aaral na unang magpapasa ng
gawain. Ang ibang outputs ng mag-aaral ay checheckan sa kasunod na araw)

BATAYAN sa PAGMAMARKA
KATEGORYA PAGLALARAWAN PUNTOS
INTRODUKSYON Nakapanghihikayat, malinaw na nakalahad ang 10
pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw
ukol dito
DISKUSYON Makabuluhan ang bawat talata dahil sa mahusay na 20
pagpapaliwanag at pagtalakay sa paksa.
KONKLUSYON Nakapanghahamon at naipapakita ang pangkalahatang 20
palagay o paksa batay sa katibayan at mga katwirang
inisa-isa sa bahaging gitna.
KABUUAN 50

c. Abstraksyon
GAWAIN 5: Replyan Mo! (15mins)
c.1. Ipasagot ang Pokus naTanong na nasa bahaging Aktiviti.
Pokus na Tanong:
 Magbigay ng pilosopiyang pinaniniwalaan at ipaliwanag.
 Ano ang kahalagahan ng pilosopiya sa buhay ng tao?
 Anong pilosopiyang tumatak sa isipan ninyo at bakit?
Group 1- Confucianismo Group 2- Legalismo
RUBRIKS SA DEBATE
Kaangkupan sa Paksa 30%
Kaisahan ng Pahayag 30%
Mensahe ng Pahayag 20%
Kooperasyon at Paggalang 20%
KABUUAN 100%

d. Aplikasyon
GAWAIN 6: iPost Mo! (5mins)
d.1. Ipasagot ang Maikling Pagsusulit sa sagutang papel.
Panuto: Piliiin ang titik ng tamang sagot at isulat sa papel.
1. Ito ay kasulatan na sinulat ni Lao Tzu na nasa anyong patula.
a. Four Book b. Legalismo c. Philosophy d. Tao Teaching
2. Ito ay salitang Griyego na nagsimula sa Philo at Sophia.
a. Confucianism b. Legalism c. Pilosopiya d. Tao Teaching
3. Pilosopiyang itinatag ni Lao Tzu.
a. Confucianism b. Legalism c. Taoism d. Tao Teaching
4. Ito ay nangangahulugang Karunugan.
a. philo b. Sophia c. tender d. unbreakable
5. Ang katumbas na kahulugan ng philo at Sophia kapag pinagsama ay:
a. Kalinisan at kagandahan b. kaluwalhatian at kapurihan
c. kasaganaan at katahimikan d. pagmamahal sa karunungan
Susi sa Pagwawasto:
1. D 2. C 3. C 4. B 5. D

IV. TAKDANG ARALIN


1. Magdala ng mga larawan ng mga kilalang kababaihan sa Asya.
2. Saan larangan nakilala o naging tanyag ang mga nakilalang kababaihan sa Asya?
3. Itala/Ipaliwanag ang kanilang mga naging ambag at kontribusyon sa kani-kanilang bansa.

Inihanda ni:

REDENCIO U. SILANG
Gurong Nagsasanay

You might also like