You are on page 1of 9

Margosatubig Pax High School /Kindergarten

,Inc.
7035 Poblacion , Margosatubig, Zamboanga del Sur
Email Address : paxhighschool_margos@yahoo.com
Junior High School
2020-2021

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain 1
Paksa Yaman ng Asya
CoNTENT Ang mga mag-aaral ay:
STANDARDS
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
PERFORMANC Ang mga mag-aaral ay:
E STANDARDS
malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
MELC Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya
*Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
SANGGUNIAN Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph. 36-43
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan ph. 29-31
Core values Deepen and nurture faith life and relationship with God, others and all of creations.
iNtegration Pagpapahalaga sa Kapaligiran, Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos,
Wastong Paggamit ng mga Inilikha  
Layunin ng A. Nakikilala ang mga likas na yaman ng Asya.       
Pagkatoto B. Nailalarawan ang kayamanang likas yaman ng Asya.        
C. Nasusuri ang di‐pantay na distribusyon ng likas na yaman sa Asya. 
Bilang ng gawain 1- konsepto ng asya
Introduction
I. TRANSITION /LINKING STATEMENT
a. Motivation

B. MGA PANGUNAHING KAISIPAN
 likas na yaman – mga elemento ng daigdig na hindi gawa ng tao ngunit may malaking pakinabang sa 
tao.  Ito ay binubuo ng lupa, tubig, mineral at vegetation.  kapansin‐pansing  hindi  pantay  ang 
distribusyon nito sa mga  bansa.   Malaki  ang maitutulong nito hindi lamang sa pansariling kapakanan, 
kung hindi sa  pagpapaunlad  ng  pambansang ekonomiyaSa yamang mineral, 60% ng kabuuang reserbang 
coal ay nasa  Asya.  Mahigit  67% naman ng petrolyo at natural gas ang matatagpuan dito. Mayaman din ang
 kontinente  sa uranium, iron, chromium, manganese, lead at zinc.   Mahalagang  yaman  ng  Asya  ang 
katubigan  nito.  Gamit  ito  sa  pagpoprodyus  ng  hydroelectricity at sa irigasyon ng mga pananim sa Asya.
Malaking tulong din ang katubigan sa kabuhayan ng mga Asyano, partikular sa pangingisda. Mayaman 
ang Asya sa mga yamang dagat tuladng sari‐saring uri ng isda. 
Matatagpuan din sa Asya ang iba’t ibang mammal, reptile, ibon at iba pang uring hayop.  Ilan sa mahahagang 
domestikadong hayop dito ay ang tupa, kambing, baka, kalabaw, manok at baboy 
Sa Asya rin nagmumula ang halos 90% ng kabuuang suplay ng bigas sa buong daigdig.  
Malaking bahagi ng Asya ang maaaring sakahan ng palay. Kilala sa pagluluwas nito angThailand, Pakistan at Vi
etnam.  Mayroon ding nagtatanim ng trigo, barley, mais at millet.    
Mayaman din ang Asya sa mga produktong prutas at gulay. Ilan sa mga ito ay ang  saging, mangga, pinya,
 papaya, at mangosteen, lychee  at durian.  Nagluluwas din ng gulay ang mga Asyano sa ibang bansa, tulad ng
 kabute at  asparagus ng Taiwan.  Ilan pa sa mahahalagang yaman ng Asya ang bulak, tsaa, palm oil, niyog, tubo
 at mga pampalasa
Interaction
Mga Gawaing Pagkatuto:

A. Paglilinaw sa Natutunan 
PANUTO:   Punan ng sagot ang mga patlang upang mabuo ang talata. 
Ang (1)____________________________ ay mga elemento ng daigdig na hindi gawa ng  tao  ngunit 
may  malaking  pakinabang  sa  kanyang  buhay.  Mahigit  67%  naman  ang 
(2)________________________ at (3)_________________________ ang matatagpuan 
dito.  Mahalagang yaman ng Asya 
ang (4)___________________________ nito.  Gamit  ito sa pagpoprodus ng hydroelectricity at sa
 (5)________________________ ng mga  pananim sa (6)____________________________.  Sa Asya 
rin nagmumula ang halos  90% ng kabuuang suplay ng (7)______________________________ sa 
daigdig.  Kilala sa  pagluluwas nito ang (8)______________________, (9) _______________________
at (10)__________________________.    

B. Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang inyong impresyon tungkol sa likas na yaman ng Asya?

2. Ano ang kahalagahan ng mga katubigan para sa Asya? 

3.Bagama’t sagana sa lika na yaman ang Asya, kapansinpansing hindi pantay ang distribusyon nito sa 
mga  bansa. Ano kaya ang maaaring mga dahilan nito

Integration
A. Paglalagom ng Konsepto ( One minute essay)
PANUTO:  Buuhin ang Information Retrieval Chart tungkol sa mga pangunahing likas na yaman 
sa Asya.   Isulat ang maikling paglalarawan sa unang kolum at ang mga 
likas yaman sa  ikatlong kolum. 

PAGLALARAWAN KLASIPIKASYON MGA LIKAS YAMAN


Mineral 

Katubigan 

Hayop

Palay

Prutas

B. Pagsasabuhay sa Natutunan 
Pumili lamang ng isa. 

 
Ang Asya ay isang napakayaman na kontinente.  Dito matatagpuan ang halos lahat 
ng likas na yaman.  Ngunit ito ay hindi nagagamit ng lubusan at sa wastong paraan. 

1.Pagmasdan ang  iyong  sariling  lugar  o  paligid. Anu-ano  ang  mga  bagay  na 


nagpapayaman dito? Nagagamit ba ito sa wastong paraan?Ano ang mga hakbang 
na kailangan mo gawin para magamit ito sa wastong paraan
 
2.Bilang nilikha ng Diyos, paano mo napahahalagahan ang mga biyayang ipinagkaloob  sa  iyo  ng  buong 
Maykapal?  Paano  mo  ito  ginagamit  sa  pang  araw‐araw  na  pakikitungo sa tao at  mga sitwasyon?
Margosatubig Pax High School /Kindergarten
, Inc.
7035 Poblacion , Margosatubig, Zamboanga del Sur
Email Address : paxhighschool_margos@yahoo.com
Junior High School
2020-2021

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Modyul 1
Paksa Katangiang Pisikal ng Asya:Konsepto ng Asya
CoNTENT Ang mga mag-aaral ay:
STANDARDS Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
PERFORMANC Ang mga mag-aaral ay:
E STANDARDS malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
MELC Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang
Asya, Timog-Silangang Asya, Timog- Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/
Gitnang Asya
SANGGUNIAN Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph. 72-100
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan ph. 35
Core values Deepen and nurture faith life and relationship with God, others and all of creations.
iNtegration Pagpapahalaga sa Kapaligiran, Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos,
Wastong Paggamit ng mga Inilikha
Layunin ng A. Nabibigyan kahulugan ang ibig sabihin ng vegetation at vegetation cover.
Pagkatoto B. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng klima sa vegetation.
C. Nailalarawan ang mga vegetation cover sa Asya.
Bilang ng Gawain 2- vegetation ng asya
Introduction
I. TRANSITION /LINKING STATEMENT
a. Motivation

B. MGA PANGUNAHING KAISIPAN


Malaki ang kaugnayan ng klima sa uri ng halamang matatagpuan sa isang lugar o
rehiyon. Ang bawat uri ng klima ay may katumbas na vegetation, o tiyak na uri halamang
likas na nabubuhay sa isang lugar. Ang saklaw o bahagdan ng lugar o rehiyon na katatagpuan
ng mga halamang ito ay tinatawag na vegetation cover.
Mixed Forest Gubat na nasa transisyon sa pagitan ng deciduous at coniferous forest; makikita
higit sa hilagang hating globo
Tropical Rainforest Mayabong na kagubatang matatagpuan sa mga bansang malapit sa ekwador;
karaniwang binubuo ng malalaking puno at makapal na dahon
Deciduous Forest Matatagpuan sa rehiyon ng gitnang latitude o temperate zone; makikita rito ang
mga punong oak, beech, chestnut, maple at basswood
Tropical Savanna May matataas na damo at mangilan‐ngilang puno
Tundra Nababalutan ng yelo sa halos buong taon; may mangilan‐ngilang palumpong at
damo; lumot at liken sa bandang hilagang polar
Coniferous Forest Makikita sa rehiyong may mahabang taglamig at may katamtaman hanggang
mataas na presipitasyon bawat taon; halimbawa ng puno ay pine tree, spruce,
fir, at larch
Steppe Mahabang grassland na umaabot sa 8000 km; mula Hungary hanggang
Mongolia
Temperate Grassland Katulad ng tropical savanna ngunit mas malamig ang lugar at mas kaunti ang
presipitasyon
Taiga Coniferous forest na katangian ng vegetation sa rehiyong subpolar ng hilagang
Eurasia
Ang pagkakaiba‐iba ng klima sa Asya ay nagdudulot din ng pagkakaroon ng sari‐saring
vegetation. Matatagpuan sa kontinente ang iba’t ibang uri ng kagubatan, savanna, grassland,
desert scrub, tundra at highland.
Interaction
MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Paglilinaw sa Natutunan
PANUTO: Klasipikasyon. Isulat sa loob ng kahon ang kaugnayan ng mga salita sa loob ng bilog.
PARA SA GURO: Kopyahin ang mga sumusunod sa pisara o news print maliban sa mga sagot sa
parenthesis.

1. 2.

gitnang latitud
temperate zone coniferous forest
punong oak at rehiyong subpolar
maple hilaga ng Eurasia

3 4

nababalutan ng
deciduous yelo mangilan‐
coniferous forest ngilang
hilagang hating palumpong
globo bandang hilagang
polar

5 6

mahabang taglamig
mayabong na katamtaman
kagubatan hanggang
malapit sa ekwador mataas na
binubuo ng presipitasyon
malalaking puno pine tree, spruce, fir

B. Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng vegetation at vegetation cover?


2. Ano ang kaugnayan ng klima sa vegetation?
3. Ano ang kahalagahan ng vegetation para sa isang lugar?
Integration
a. Paglalagom ng Konsepto:
Paglalagom sa Konsepto:
PANUTO: Sumulat ng limang pangunahing pangungusap tungkol sa vegetation ng Asya.
1.
_____________________________________________________________________________________

2.
_____________________________________________________________________________________

3.
_____________________________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________________________

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Pumili lamang ng isa.

Matatagpuan sa kontinente ang iba’t ibang uri ng kagubatan, savanna, grassland, desert scrub, tundra at
highland. Ang pagkakaiba‐iba ng klima sa Asya ay nagdudulot din ng pagkakaroon ng sari‐saring
vegetation.

1. Paano mo mailalarawan ang vegetation ng iyong komunidad? Ito ba ay itinataguyod at


pinaghahalagahan mo? Paano? Ano ang iyong magagawa upang mamulat ang kamalayan ng iyong
komunidad sa kahalagahan ng vegetation sa tao?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

"Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga."
At nangyari ito. Tumubong sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan.
Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga‐‐‐iyon ang ikatlong araw.” (Genesis 1: 11‐13)

2. Nilkha ng Diyos ang lahat ng uri ng halaman. Ang mga halaman na ito ay inilaan para sa tao at sa
kanyang kabutihang pangkalusugan. Ang pagkain ng mga gulay sa hapag kainan ay isang pagbibigay
halaga sa mga inilikha ng Diyos. Bilang miyembro ng pamilya, paano mo maitataguyod ang tamang
pagkain at pangangalaga ng kalusugan ng iyong pamilya?
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Margosatubig Pax High School /Kindergarten
,Inc.
7035 Poblacion , Margosatubig, Zamboanga del Sur
Email Address : paxhighschool_margos@yahoo.com
Junior High School
2020-2021

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 8
Paksa: Katangiang Pisikal: Anyo ng Asya
Layuning Pagkatuto:Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.naituturo ang mga anyong lupa at anyong tubig ng Asya;
2.nailalarawan ang mga iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa Asya at
3.naipapaliwanag ang epekto ng pagkakaiba‐iba ng kalupaan at katubigan sa kabuuang
anyong Asya.
Sanggunian:  Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph. 13-18
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan ph. 14-15
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kalikasan/Kapaligiran (Stewardship), Pagkakaugnay‐ugnay
E.P.# 3 Ang lahat ng bagay ay magkaugnay

I- Mga Pangunahing Kaisipan


BULUBUNDUKIN
• Himalayas ‐ katatagpuan ang siyam na pinakamataas na bundok sa daigdig kabilang sa ang Mt. Everest.
• Karakoram ‐ hanay ng mga bundok mula hilagang Pakistan hanggang timog‐kanlurang Asya
• Ghtas ‐ dalawang bulubundukin sa India
PULO
• Borneo ‐ nasaTimog‐Silangang Asya; pinakamalaking pulo saAsya; pinaghahati ang Brunei, Indonesia at Malaysia
• Sumatra ‐ bahagi ng Indonesia; pangalawa sa pinakamalaking pulo saAsya
• Honshu, Hokkaido, Kyushu at Shikoku ‐ mga pangunahing pulo sa Japan
KAPULUAN
• Indonesia ‐ pinakamalaking kapuluan sa daigdig na may higit kumulang sa 17,000 pulo
• Japan ‐ matatagpuan sa Silangang Asya na may higit kumulang 6,500 pulo
• Pilipinas ‐ nasa Timog‐Silangang Asya na may higit kumulang 7,100 pulo
BULKAN
• Kerinci ‐ matatagpuan sa gitna ng Sumatra, Indonesia; pinakamataas na bulkan sa bansa
• Fuji ‐ matatagpuan sa Japan
• Mayon, Taal at Pinatubo ‐ nasa PIlipinas
DISYERTO
• Rub’ al Khali‐ kilala bilang Empty Quarter; pinakamalaking disyerto na buhangin sa daigdig; bahaging Arabian Desert
• Gobi Desert ‐ nasa hilagang China at timog Mongolia
DAGAT
• Arabian Sea ‐ nasa hilagang‐kanlurang bahagi sa Indian Ocean
• Bering Sea, Sea of Okhotsk, Sea of Japan (East Sea) at East China Sea ‐ matatagpuan sa Silangang Asya
• South China Sea, West Philippine Sea, Celebes Sea at Banda Sea ‐ nasa Timog‐Silangang Asya
• Arabian Sea, Red Sea, Mediterranean Sea at Black Sea ‐ nasa Kanlurang Asya
GOLPO AT LOOK
• Gulf of Tonkin, Gulf of Thailand at Moro Gulf ‐ nasa Timog‐Silangang Asya
• Gulf of Oman at Gulf of Aden ‐ matatagpuan sa Kanlurang Asya
• Bay of Bengal ‐ nasa hilagang bahagi ng Indian Ocean; isa sa pinakamalawak na look sa Asya
ILOG
• Chang Jiang ‐ kilala bilang Yangtze River; pinakamalaking ilog sa Asya at pangtlo sa buong daigdig Asya
• Ganges River, Indus River at Brahmaputra River ‐ nasa Timog Asya
• Tigris River at Euphrates River ‐ nasa Kanlurang Asya
LAWA
• Caspian Sea ‐ pinakamalaking lawa sa buong daigdig
• Aral Sea ‐ nasa pagitan ng Kazakhstan at Uzbekistan
• Baikal Sea ‐nasa Russia; pinakamalalim na lawa sa daigdig
• Tonle Sap ‐ nasa Cambodia
• Laguna de Bay ‐ nasa Pilipinas

II – Gawaing Pagkatuto:
A. Pagwawasto ng Pag-unawa
PANUTO: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang at isulat ang tamang sagot sa loob ng mga
kahon.
1 pangalawa sa pinakamalaking pulo sa Asya S U M A T R A
2 dalawang bulubundukin sa India G H T A S
3 pinakamalaking kapuluan sa daigdig I N D O N E S I A
4 pinakamalaking disyertong buhangin sa daigdig R U B’ A L K H A L I
5 pinakamataas na bundok E V E R E S T
6 isa sa pinakamalawak na look sa Asya B AY O F B E N GAL
7 pangatlong pinakamahabang ilog sa daigdig CHI AN G J I ANG
8 pinakamalalim na lawa sa daigdig B A I K A L S E A
9 pinakamalaking pulo saAsya B O R N E O
10 may humigit na kumulang na 7,100 pulo P I L I P I N A S

B. Mga Gabay na Tanong


1. Ano kaya ang kahalagahan ng mga anyong lupa at anyong tubig na ito sa sitwasyong kabuhayan at
ekonomiya ng Asya?

1. Sa kabuuhan, paano mo mailalarawan ang anyo ng Asya batay sa mga kalupaan at katubigan  nito? 

C. Paglalagom ng Konsepto
PANUTO: Buuhin ang chart sa ibaba. Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa anyong lupa at
sa anyong tubig.
Anyong Lupa Anyong Tubig
1. Napakaraming uri ng anyong lupa mayroon 1. Karamihan sa mga anyong tubig ng Asya ay
ang Asya matatagpuan sa Silangan at Timog-Silangan.
tubig
2. Ang Aysa ay mayroong anim na uri ng kalupaan 2. Sa Asya matatapuan ang pinakamalalaim,
pinakamalawak at pinakamalaking mga anyong lupa
at tubig
3. Ang Asya ay natural na bulubundukin 3. May apat ng uri ng anyong tubig ang Asya.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto: Sagutin ang tanong na nasa ibaba.

Sa pag‐aaral na ito ay nadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga anyong lupa at anyong tubig sa Asya.
Natutunana natin na ang pagkakaiba‐iba ng pisikal na anyo ang siyang naghuhubog ng ating lipunan,
kabuhayan at kasaysayan.

1. Pagmasdan ang mga anyong lupa at anyong tubig sa inyong cuidad/komunidad, ano ang kanilang mga
kalagayan ngayon? Bilang miyembro ng grupong kabataan, paano mo maitataguyod ang
pagpapahalaga at pangangalaga para sa mga anyong lupa at anyong tubig sa iyong kapwa kabataan?
____________________________________________________________________________________

III -Maikling Pagsusulit bilang


Pagtatapat-tapat
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga katangian ng mga Anyong Lupa’t tubig ng Hanay A sa Hanay B at
isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

HANAY A HANAY B
___d___1.rehiyon ng Asya kung saan makikita ang Red at Black sea a.Japan
__g____2.pinakamalaking kapuluan b.Baikal sea
__e____3.dalawang kilalang bulubundukin sa India c.Mt. Everest
__j____4.kilalang lawa sa Pilipinas d.Kanlurang Asya
__k____5.bansa kung saan makikita ang Gobi dessert e.Ghtas
__l____6.bansa kung saan makikita ang Mt. Mayon Pinatubo f.Hilagang Asya
__a____7.binubuo ng pulo ng Honshu, Hokkaido, Kyushu at Shikoku g. Indonesia
___b___8.pinakamalim na lawa sa daigdig h.Caspean sea
___h___9.pinakamalaking lawa sa daigdig i.Borneo
___i___10.pinakamalaking pulo sa Asya j.Laguna de Bay
k.China at
Mongolia
B – Pagpapaliwanag (10 Puntos)
Pamantayan sa pagmarka:Nilalaman - 5 puntos
Tamang paggamit ng salita - 3 puntos
Kalinisan - _2_puntos
10 puntos
Panuto: Sagutin ang tanong ng limang pangungusap sa isang talata lamang. Gamitin ang rubric bilang gabay
sa pagsagot.

1. Bakit mahalaga ang ilog para sa mga tao??

You might also like