You are on page 1of 2

TEACHER’S LEARNING PLAN NG GRADE 8 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 6 (1st Quarter) (5 mins)


Paksa: Heograpiya ng Egypt
Layunin ng Pagkatuto: Sa katapusan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang…
1. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig (AP8HSK-
Ig-6)
1.1 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng heograpiya o lokasyon sa pag-usbong ng kabihasnan Egypt
1.2 natutukoy ang mga ibinigay na tulong ng heograpiya sa pag-usbong ng kabihasnan
Sanggunian:
 Perry, M. (1989). A History of the World. Mandaluyong City: National Book Store Inc.
 (Online) http://www.reshafim.org.il/ad/egypt/economy/

Pagpapahalaga: CHEERS: Kamalayan at Pagpapahalaga


Panganyak Kaalaman: Recalling
 Mula sa kabihasnang Mesopotamia, India at Tsina, sa paanong paraan magkakatulad ang mga
kabihasnang ito?

I. Mga Mahalagang Kaisipan (5 mins)

Ang ilog nile ang isa sa pinaka-kilalang likas na yaman tubig sa mundo. Ito ay matatagpuan sa Egypt at pinaliliutan
ng tatlong malalaking disyerto: ang Sinai sa silangang, ag Nubia sa timog at ang Sahara sa kanluran.

Taon-taon umaapaw ang ilog nile dahil sa pagtunaw g mga yelo sa bundok at bumababa sa ilog. Perwisyo man ito
para sa mga tao ngunit ito rin ang paraan ng pagpapataba ng lupa pagkat nagdadala ito ng silt.

Mula noon tinuringna ang Egyptbilang biyaya ng nile ayon it okay Herodutus, pagkat dito nakasentro ang
pamumuhay ng buong Egypt.

Ang Egypt ay nahahati sa dalawang bahagi ang lower Egypt na matatagpuan sa hilagang lupain o kung saan ang nile
ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala ang upper Egypt ay nasa katimugan, mula Libyan desert
hanggang Abu Simbel

II. Mga Gawain sa Pagkatuto (10 mins)


A. Paglilinaw ng Natutuhan
Panuto: Mula sa graphic organizer sa ibaba. Ibigay ang mga tulong na naibibigay ng ilog nile sa Egypt.

___
___

___
B. Mga Gabay na Tanong (25 mins)
1. Paaano na natutulong ang Ilog nile sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ng Egypt?
2. Maituturing ba na uunlad ang isang kabihasnan kung ito ay umusbong sa isang anyong tubig?
Ipaliwanag.
C. Pagsasabuhay (10 mins)
Ang ilog Nile ang nag-angat sa buhay ng mga tao sa Egypt, pinalilibutan man ng mga malawak na disyerto,
natutunan ng mga tao gamitin at manipulahin ang pag-gamit sa ilog. Saan man parte ng mundo, malaki ang
ambag ng bawat likas na yaman.
Ang Pilipinas ay halos binubuo ng mga likas na yaman tubig at isa na ditto ang mga ilog. Maliit man ito
kung maituturing ngunit sadyang napakadami itong nagagawa sa tao. Paano nga ba dapat natin pangalagaan ang
ating mga ilog at ano-ano ang iyong maimumungkahing pag-gamitan nito nang hindi nakakasira ng kalikasan?

D. Paglalagom ng Konsepto (5 mins)


Panuto. Imagery: Visual Mapping. (Dyad) Iguhit sa kahit papaanong paraan ang inyong natutunang ukol sa Ilog
Nile ng Egypt.

Facilitators: __________________ __________________ __________________

Inihanda ni: Al-Muktar I. Musa


ArPan Teacher

Iniwasto ni: Gng. Lorna M. Sayson


ArPan Subject Area Coordinator

Ipinagtibay ni: Gng. Daisy B. Natividad


High School Principal

You might also like