You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 8
(Unang Linggo)
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kabihasnang Minoan, Mycenean
at Kabihasnang Klasiko ng
Greece

MELC: Nasusuri ang kabihasnang Minoan,


Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece
(AP8DKT-IIa-1)

Inihanda ni:

DANIEL C. OBRERO
Guro I
Bingao National High School
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Minoan, Mycenean at
Kabihasnang Klasiko ng Greece
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Daniel C. Obrero
Tagasuri: Marilou P. Pasalo
Carolyn Baguio
Maricel T. Pascua
Tagalapat: John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan 8
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kabihasnang Minoan, Mycenean
at Kabihasnang Klasiko ng
Greece
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kabihasnang Minoan, Mycenean at
kabihasnang klasiko ng Greece. Naglalaman ito ng mga nakatakdang
pagkakasunod-sunod ng leksyon para lubusang maunawaan at maintindihan ng
mga mag-aaral.

Ang modyul ay mayroong isang aralin:

Aralin 1 – Kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang pinagmulan ng kabihasnang Minoan at Mycenean.


2. Nasusuri ang Kabihasnang Minoan at Mycenean.
3. Naususuri ang kabihasnang klasiko ng Greece.
4. Natutukoy ang katangiang heograpikal ng Greece.
5. Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at
pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa
pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

Subukin
Gawain 1. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang
wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa
sagutang papel.

1. Tinawag na Minoan ang unang kabihasanang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa


pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?

A. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.


B. Napakalakas ng puwersang militar ng Minoan.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napaliligiran ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.

2. Nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “lungsod.” Ano ang tawag sa


lungsod-estado ng Greece?
A. Minoan
B. Mycenean
C. Aegean
D. Ionian

1
3. Ito ang tawag ng mga Griyego sa kanilang bansa.
A. Aegean
B. Hellas
C. Metropolitan
D. Polis

4. Ang Sparta ay isang kilalang bayan sa bansang Greece. Anong ilog ang katabi
nito?
A. Ilog Euphrates
B. Ilog Eurotas
C. Ilog Tigris
D. Ilog Huwang Hu

5. Sinaunang sibilisasyon sa Isla ng Crete na ipinangalan sa dakilang hari nila na si


Minos.
A. Mycenean
B. Aegean
C. Ionian
D. Minoan

Kabihasnang Minoan,
Aralin
Mycenean at Kabihasnang
1
Klasiko ng Greece
Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa
Kabihasnang Minoan at Mycenaean.

Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng


Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang
karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig
ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam
na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay
matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.

Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing


naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging
mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging
dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang
natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura.

Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa


maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na
kabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t
ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura
at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng
pamumuhay sa sandaigdigan.
Halaw sa “Project Ease” Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp.8-10

2
Ang mga Minoans
Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-
unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula
sa Crete mga 3100 B.C.E. o before the
common era. Tinawag itong Kabihasnang
Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos,
ang maalamat na haring sinasabing nagtatag
nito. Kilala ang mga Minoan bilang
mahuhusay gumamit ng metal at iba pang https://www.google.com/search?q=minoan+civilization&tbm=i
sch&ved=2ahUKEwi6z8yU4dXrAhVOA6YKHSsCDHcQ2-
teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari #imgrc=VmUMgKeIL5LT_M

sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat.


Magagaling din silang mandaragat.

Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod


at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na
palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na
bato. Ang palasyo ay nasira ng sunod-sunod na sunog at iba pang mga natural na
kalamidad.

Paglipas ng ilan pang taon na 1600 hanggang 1100 B.C.E., narating ng Crete
ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng
pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami
ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.

Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika,


mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga
tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di
nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong
daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E. Nagwakas


ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira
at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod
ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.

Balikan

Gawain 2. Panuto: Batay sa mga tekstong binasa, sagutin ang sumusunod


na tanong.

1. Ang karagatang ito ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba’t ibang


panig ng mundo?

2. Saan nagsimula ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean?

3
3. Sino ang maalamat na haring sinasabing nagtatag ng Kabihasnang
Minoan?

4. Sila ay kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang


teknolohiya?

5. Isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng


Crete?

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga aralin, gawain, at mga estratihiyang
makakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaaring gumamit ng mapa
o globo at atlas.

Tuklasin
Ang Kabihasnang Mycenaean
Matatagpuan sa Aegean Sea ang
sentro ng kabihasnang Mycenaean. Bago pa
sakupin ng mga Mycenaean ang Crete,
nasimulan na nilang paunlarin ang ilang
pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.
Tinatawag silang Mycenean na hango sa
pangalan ng kanilang lunsod, ang Mycenae.
Mula 1400 BCE hanggang 1200 BCE, ang
Mycenae ang naging pangunahing sentro ng
politika at kultura, na mayroong matibay na
tanggulang pangmilitar na nangibabaw sa
katimugang Greece. Sinalakay nila ang https://www.google.com/search?q=mycenaean+civilization&tbm=isch&ved
=2ahUKEwjP2_D_qL_sAhXWAaYKHbI6D4gQ2-
Knossos at iba pang mga lungsod ng Crete cCegQIABAA&oq=myce+civilization&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgYIABAHEB4
yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIAB
noong 1400 B.C.E. Bagama't nasakop ng AHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB46BwgAELEDEEM6BAgAEEM
mga Mycenaean ang Crete na sinasabing 6AggAUI-
FAljImgJgtKwCaAFwAHgBgAGTAogBoAySAQUwLjUuNJgBAKABAaoBC2d3cy1
pinagmulan din ng kabihasnang Minoan, malaki ang naging impluwensya ng mga
3aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=F9OMX4_0CdaDmAWy9bzACA#imgrc=Rx
CGVIGVc9UyBM&imgdii=srlsIYanzFKVbM
Minoan sa Greeks. Kabilang na sa mga impluwensiyang ito ang wika, sining, alamat,
at kwento. Halos lahat ay hiram nila sa kulturang Minoan, isa na rito ang kanilang
sistema ng pagsulat. Maging sa larangan ng sining ay naimpluwensyahan ng mga
istilong Minoan. Si Agamemnon ang pinaka tanyag na hari ng Mycenae. Bagamat

4
hindi na itala sa kasaysayan, ang pagsalin-salin ng mga kwento ng mga hari at
bayaning Mycenaean ay lumaganap at di naglaon ang mga kwentong ito ay nag-
ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan na sinasabing naging batayan ng
mitolohiyang Greek. Noong 1100 BCE, Sinalakay ang Mycenaean ng mga Dorian,
isang pangkat mula sa Hilaga. Samantala, isa pang pangkat na may kaugnayan sa
Mycenaean ang tumungo sa Timog ng Greece sa may lupain ng Asia Minor,
hangganan sa Aegean Sea. Dito, nagtatag sila ng pamayanang Ionia at nakilala
naman bilang Ionian. Tinaguriang Dark Age o panahon ng karimlan ng Greece ang
pangyayaring ito. Naging palasak ang digmaan ng iba't ibang kaharian, nahinto ang
kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Kasama rin dito ang
pagtamlay ng sining at pagsulat. Mula naman sa madilim na panahon, umusbong
ang bagong sibilisasyon sa kabuuan ng Greece. Tinawag nila ang kanilang sarili na
Hellenes o Greeks. Tumagal ito mula 800 BCE hanggang 400 BCE na sinasabing
pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig. Kinilala ang
panahong ito na kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas.

Suriin

Upang mas lalo mong maunawaan at makilala ang kabihasnang Greece, ang
mga sumusunod na teksto sa ibaba ay iyong babasahin at susuriin.

Ang Heograpiya ng Greece


Ang Grecee ay isang
bulubunduking lupain na napapaligiran
ng mga dagat na nagsisilbing mga
hangganan. Ang Grecee ay isang
peninsula. Sa kanluran ng bansa ay ang
Ionian Sea, sa timog naman ay ang
Mediterranean Sea, at sa silangang ay
matatagpuan ang Aegean Sea. Ang Corinth
Gulf naman ay nagdurugtong sa halos
magkahiwalay na rehiyon ng Peloponnesus
at Attica. Daan-daang pulo ang
https://www.google.com/search?q=greek+civilization&tbm=isch&ved=2ahU
matatagpuan sa kanyang mga baybayin KEwi08JaCub_sAhVD4pQKHZZqCn4Q2-
cCegQIABAA&oq=greek+civilization&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIECAAQ
na animo mga batong tuntungan QzIECAAQQzICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADIECAAQQzIECAAQQzICCAA6BggA
pagtungo sa bansang Greece. Ito rin ay EAcQHjoHCAAQsQMQQ1C16gFYioECYOaFAmgAcAB4AIAB8QGIAYgRkgEGMC
4xMi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=4uOMX7T3
tinuturing na “Sinilangan ng Kanlurang OcPE0wSW1anwBw#imgrc=R9Ybw5q0POn7SM
Sibilisasyon” dahil sa kakaibang mga
taga-Kanluran. Sa gitna ng masalimuot na kasaysayan dulot ng pananakop ng mga
dayuhan, napanatili ng lugar ang kanilang tradisyon. Nananatili hanggang sa
kasalukuyang panahon ang impluwensiya ng Greece sa larangan ng politika at
sining.

5
Ang Klasikal ng Greece

Ang mga Polis


Upang maprotektahan sa
pagsalakay ng iba pang mga
pangkat noong panahon ng Dark
Age o Panahon ng Karimlan ng
Greece, nagtayo ang mga Greek
ng mga kuta sa gilid ng mga burol
at tuktok ng bundok. Di naglaon
ang mga ito'y naging pamayanan
na pinag-usbungan din ng mga
lungsod-estado o polis. Ang polis
ay nagmula sa salitang Greek na
nangangahulang lungsod. Dito hango ang mga https://www.pinterest.ph/pin/274860383483891237/

salitang politika, pulisya at politiko. Ito ay


binubuo lamang ng 5000 kalalakihan, sila lamang ang opisyal na itatala sa talaan
ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay matatagpuan sa
matataas na lugar na tinatawag na acropolis o mataas na lungsod. Ito ang nagsilbing
takbuhan ng mga Greek sa panahon ng digmaan at di naglaon ay naging sentro ng
politika at relihiyon ng mga Greek. Ang pamilihang bayan o agora ay ang tawag sa
ibabang bahagi ng acropolis na nagbigay-daan sa malayang bilihan at kalakalan sa
Greece. Samantala, hindi lahat ng mga mamamayan sa mga lungsod–estado ay
binigyan ng karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa
pamahalaan at ipagtanggol ang sarili sa korte, sapagkat hindi lahat ng mga nasa
lungsod-estado ay mamamayan nito. Tanging mga lehitimong mamayaman lamang
ang binigyan ng karapatan. Dahil sa pagbilis ng paglaki ng populasyon, napadpad
at nanirahan ang mga Greek sa karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat
nangibang lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado
o metropolis. Natutunan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik sa iba’t ibang
panig ng mundo. Ang ideya ng kanilang alphabeto maging ang paggamit ng mas
malalaki at mabibilis na barko ay mula sa Phoenician. Sa Sumerian naman ang
sistema ng panukat. Ang paggamit ng senselyo at barya sa pakikipagkalakalan ay
natutunan naman nila mula sa Lydian.

6
Pagyamanin
Kabihasnang Klasiko ng Greece: Imperyong Macedonian
Sa paghahangad ni Haring Philip
ng Macedonia na pag-isahin ang mga
lungsod-estado, bumuo siya ng isang
hukbo at sinanay sa pinakamabisang
paraan ng pakikidigma ng Greece. Bilang
pagtatanggol ng kanilang kalayaan,
noong 338 BCE ay sinalakay ng
magkasanib na puwersa ng Athens at ng
Thebes ang Macedonia. Madaling tinalo
ni Philip ang hukbo ng dalawang
lungsod-estado. Ang pagkatalo ng Athens
at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng https://www.google.com/search?q=imperyong+macedonian&tbm=isch
kapangyarihan ng mga lungsod-estado. &ved=2ahUKEwihpraFw7_sAhWGA6YKHXmuCL4Q2-
cCegQIABAA&oq=imperyong+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgII
Dahil dito, ang buong Greece, maliban sa ADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgUIABCxA1DEu
Sparta, ay napasailalim sa gFY7tYBYP3pAWgAcAB4BIAB9gGIAbwUkgEGMC4xMS40mAEAoAEBqgE
LZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei=Zu6MX6HbBoaHmAX5
kapangyarihan ng Macedonia. Naging 3KLwCw#imgrc=e_wH6gVpP4RH-M
tanyag na pinuno ang anak ni Philip na si
Alexander the Great ng Macedonia. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya
si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang
lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong
gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece.
Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang
Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan
at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang
Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Kinilala
siya bilang isang pinakamagiting na pinuno dahil sa pagkasakop niya ng maraming
estado. Noong 323 BCE, sa gulang na 32 taon, namatay si Alexander sa Babylon sa
hindi matiyak na karamdaman.

Isaisip
Gawain 3. Panuto: Isulat ang limang (5) pinakanatutunan sa araling ito.
1.
2.
3.
4.
5.

7
Isagawa
Gawain 4. Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng pangangalaga
at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na
Panahon. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Rubric sa Pagmamarka ng Slogan


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Mahusay at malinaw 10
naipakikita ang mensahe
Pagkamalikhain Napakaganda at napakalinaw 5
ng pagkakasulat ng mga titik
Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang 5
pagkakasulat; naglagay ng
malilikhaing bagay at simbolo;
angkop ang kulay ng disenyo
Kabuuan 20

Tayahin
Gawain 5. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at
piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang
sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ang naging pangunahing sentro ng politika at kultura, na mayroong matibay


na tanggulang pangmilitar na nangibabaw sa katimugang Greece.
A. Minoan B. Greece C. Mycenae D. Rome

2. Sinaunang sibilisasyon sa Isla ng Crete na ipinangalan sa dakilang hari nila na si


Minos.
A. Mycenean B. Minoan C. Ionian D. Lahat ng mga
nabanggit

3. Ito ay nagdurugtong sa halos magkahiwalay na rehiyon ng Peloponnesus at Attica.


A. Rome B. Greece C. Corinth Gulf D. Peninsula

4. Ang mga ito'y naging pamayanan na pinag-usbungan din ng mga lungsod-estado.


A. Ilog Euprates B. Ilog Tigris C. Rome D. polis

5. Pinag-isa niya ang mga lungsod-estado at bumuo ng isang hukbo at sinanay sa


pinakamabisang paraan ng pakikidigma ng Greece.
A. Haring Philip ng Macedonia
B. Alexander the Great
C. Pytagoras
D. Hypocrates

8
Karagdagang Gawain
Gawain 6. Panuto: Natutuhan sa aralin ang mayamang pamana ng Greece sa
sibilisasyon. Ipakita at ipahayag mo ang iyong pasasalamat sa kanilang naiwang
pamana sa pamamagitan ng:

➢ Gumawa ng isang essay tungkol sa mga kontribusyon ng mga Greece.

Rubric sa Karagdagang Gawain


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Angkop at malinaw na 20
naipapakita ang mensahe ng
essay
Pagkamalikhain Napakaganda at napakalinaw 20
ng pagkakasulat ng mga titik
at mensahe ng essay.
Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang 10
pagkakasulat. Malinaw ang
paglalahad o presentasyon
Kabuuan 50

9
Susi sa Pagwawasto

Kinossos 5.
A 5. Mga Minoan 4. A 5.
D 4. Haring Minos3. D 4.
C 3. Crete 2. C 3.
B 2. Mediterranean B 2.
C 1. 1. Karagatan ng A 1.

Tayahin (Gawain 5) Balikan (Gawain 2) Subukin (Gawain 1)

Mga Sanggunian:
Araling Panlipunan: KASAYSAYAN NG DAIGDIG (DepEd)

WBLS - Araling Panlipunan 8; 2nd Quarter (Weeks 1-2)

Department of Education. "K To 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes". Pasig City: Department of Education Central
Office, 2020.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like