You are on page 1of 19

8

ARALING PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kabihasnang Minoan, Mycenean at
Kabihasnang Klasiko ng Greece

Self-Learning Module 1
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kabihasnang Minoan, Mycenean at
Kabihasnang Klasiko ng Greece

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 3


Alamin

Sa modyul na ito, natatalakay ang katangian ng bawat


kabihasnang umusbong sa sinaunang Greece at ang kanilang mga
mahahalagang kontribusyon sa pandaigdigang sibilisasyon.

Nasusuri ang Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang Klasiko ng


Greece (AP8DKT-IIa-1)

Subukin

PANUTO: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Ano ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean na nagsimula sa Crete mga


3100B.C.E.?
A. Greek B. Minoan C. Mycenaean D. Rome

2. Saan na kabihasnan nagiging pinakatanyag na hari si Agamemnon?


A. Greek B. Minoan C. Mycenaean D. Rome

3. Saan matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya ito ang
naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek?
A. acropolis B. agora C. polis D. Parthenon

4. Ang pamayanan ng mga mandirigma sa Greek.


A. Aegean B. Athens C. Dorian D. Sparta

5. Anong maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece ang tinatawag na Attica?


A. Aegean B. Athens C. Dorian D. Sparta

6. Ayon sa kanya “Ang ating konstitusyon ay isang Demokrasya sapagkat ito ay


nasa kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”Sino siya?
A. Cleisthenes B. Pericles C. Solon D. Thucydides

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 4


7. Ano ang makapangyarihang lungsod ng mga Minoan at sumakop sa kabuuang Crete?
A. Agora B. Arena C. Crete D. Knossos

8. Anong pangkat ng tao mula sa hilaga na may kaugnayan sa mga Mycenaean ang
tumungo sa timog ng Greece sa may hangganan ng karagatang Aegean?
A. Aechean B.Aegean C. Ionian D. Dorean

9. Sino ang sumalakay ng Lydia sa may Asia Minor noong 546 BCE dahil sa hangarin nitong
palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran?
A. Alexander the Great C. Darius the Great
B. Cyrus the Great D. Xerxes

10. Sa labanan ng mga Griyego at Persian, sinong hari ang namatay dahil sa pagtataksil at
Pagkakanulo ng kanilang lihim na daanan?
A. Alexander the Great C. Haring Leonidas
B. Haring Gregory D. Haring Philip 1

11. Ano ang tawag sa alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece na pinamumunuan ng Athens
at nabuo noong 478 BCE?
A. Athenian League C. Peloponnesian League
B. Delian League D. Spartan League

12. Sino ang tinaguriang “Ama ng Medisina” ng mga Griyego?


A.Herodotus B. Hippocrates C. Thucydides D. Solon

13.Ano ang tawag sa digmaan na naganap noong 431 BCE kung saan nilusob ng Sparta ang
ang mga karatig pook ng Athens? Umabot ng dalawampu’t pitong taon ang digmaang ito
at lumaganap din ang sakit na nagresulta sa pagkasawi at pagkamatay ng libo-libong tao
kasama na si Pericles?
A. Digmaang Griyego-Persian C. Digmaan sa Salamis
B. Digmaang Peloponessian D. Digmaan sa Thermopylae

14.Sa pagkamatay ni Philip pumalit sa kanya ang kanyang anak na nakilala sa kagalingan ng
pakikidigma at katalinuhan. Sino ang kanyang anak na pumalit sa kanya?
a. Alexander the Great C. Darius the Great
b. Cyrus the Great D. Haring Leonidas

15. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod- estado?
a. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.
b. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang diin ang
demokrasya

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 5


c.Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa
isang lungsod.
d. May ibat-ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa ibat-ibang yunit
ng pamahalaan.

Aralin Kabihasnang Minoan, Mycenaean at


1

Balikan

i. Ano ang kahulugan at kahalagahan ng kabihasnan?


ii. Sa anong kontinente matatagpuan ang bansang Greece?

Tuklasin
Isang araw habang naglalakad ka pauwi sa inyong bahay ay may napansin kang papel sa
daan. Kinuha mo ito at tiningnan kung ano ang laman nito at nakita mo ang dalawang larawan.
Pinagmasdan mo ito.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


6
Pamayanan A

Pamayanan B

https://www.google.com/search?q=bing+clipart+free+images&rlz=1C1UEAD_enPH957PH958&oq=bi&aqs=chrome.0.69i59l2j69i57j
46i199i433i465i512j69i60l4.25099j0j4&sourceid=chrome&ie=
https://clipartix.com/laptop-clipart/

Mga Tanong:

1. Ano ang makikita sa mga larawan?

2. Saan nakasentro ang pamumuhay ng tao sa pamayanan A at B?

3. Kung ikaw ay papipiliin, aling pamayanan ang tatahakin at


nanaisin mong tirahan?

Suriin

HEOGRAPIYA NG GREECE

• Ang Greece ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Balkan Peninsula at may


maraming kapuluan na nakakalat sa tatlong pangunahing dagat na
nakapaligid nito. Ang Ionian Sea sa kanluran, Aegean Sea sa silangan at
Mediterranean Sea sa timog na bahagi at ang pulo ng Crete ang
pinakamalaki .
• Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin ngunit may mainam

7 DIVISION OF MANDAUE CITY


DEPARTMENT OF EDUCATION | 7
naman na mga daungan na nakapaligid nito. Kaya nga ang pamumuhay ng
mga mamamayan dito ay nakasalalay sa pakikipagkalakalan sa ibayong
dagat.

A. ANG MGA MINOAN

• Ang mga Minoan ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean na nagsimula


sa Crete (3100 BCE) at tinawag itong kabihasnang Minoan.
• Ang kabihasnang Minoan ay hango sa pangalan ng hari na nagtatag nito,
si Haring Minos.
• Knossos ang makapangyarihang lungsod ng mga Minoan at sumakop sa
kabuuan ng Crete.
• Kilala ang mga Minoan na manlalakbay at magagaling sa paglalayag.
• Ang kanilang mga kabahayan ay yari sa bato at may sistema na rin sila na
ginagamit sa pagsusulat.
• Umunlad ang mga Minoan dahil sa kalakalan sa ibayong karagatan
• May apat na pangkat ng tao ang mga Minoan (maharlika, mangangalakal,
magsasaka at alipin).
• Ang kontribusyon ng mga Minoan ay ang Arena kung saan isinagawa ang
labanan sa boksing at ang Fresco uri ng sining na mabilisang ipininta sa
dingding.
• Nagwakas ang kabihasnang Minoan noong 1400 BCE dahil sinalakay ang
Knossos nang mga di kilalang mananalakay.

B. KABIHASNANG MYCENAEAN

• Noong 1400 BCE isa nang napakalakas na mandaragat ang mga


Mycenaean at lubos na masakop at magupo na nila ang Crete.
• Pumasok ang mga Dorian sa Greece isang pangkat ng tao mula sa
hilaga noong 1100 BCE at sinalakay nila ang mga Mycenaean.
• Isang pangkat ng tao mula sa hilaga na tinatawag na Ionian na may
kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may
hangganan ng karagatang Aegean.
• Sa mga panahong ito nasa ilalim ng dark age o madilim na panahon ang
Greece sa halos 300 taon.Palasak ang digmaan ng mga kaharian at ang
gawaing pangkabuhayan ng mga mamamayan ay nahinto at maging ang
sining at ang pagsulat.
• Si Haring Agamemnon ang kinilalang hari ng kabihasnang ito.

C. ANG MGA POLIS

8 8
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
• Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece ay polis. Ang mga polis ay
may mga lungsod-estado o city state.
• Tinatawag itong lungsod-estado dahil malaya at may sariling pamahalaan
ang bawat isang polis at ang pamumuhay ng mga tao rito ay nakasentro
sa isang lungsod.
• Mahigpit na ipinagtatanggol ng mga polis ang kanilang kalayaan sa isa’t-
isa.
• Madalas ay hindi sila nagtutulungan maliban na lamang kung may
nagbabanta sa kanilang kaligtasan.
• Ang gitna ng lungsod ay tinatawag na agora isa itong bukas na lugar kung
saan ay maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao.

D. ATHENS: ANG DEMOKRATIKONG POLIS

• Hindi naglaon dalawang malakas na lungsod-estado ang naging


makapangyarihan ang Athens at Sparta
• Naging sentro ng kalakalan at kultura ng Greece ang Athens, ngunit
sinakop ng Sparta ang mga karatig na rehiyon nito.
• Pinuwersa ng Sparta ang mga nasakop nilang lupain na manilbihan at
ginawa nilang helot o mga trabahador sa bukid.
• Sina Solon, Pisistratus, Cleisthenes at Pericles ang nagpalawig ng
pamahalaan ng nakararami o demokrasya.
• Direct democracy o tuwirang demokrasya ang ipinatupad sa Athens
dahil tuwirang nakibahagi ang mamamayan sa pamamahala.

E. SPARTA: ANG MANDIRIGMANG POLIS

• Ang Sparta ay tinawag na pamayanan ng mga mandirigma na itinatag ng


mga Dorian sa Peloponnesus.
• Hindi sila umasa sa kalakalan kun di sa pagsasaka.
• Ang pangunahing layunin nila ay ang lumikha ng magagaling na mga
sundalo sa pamamagitan ng masinsinang pagsasanay sa mga bata na
kinuha nila at dinala sa kampo-militar.
• Lahat ng mahinang bata o yaong may kapansanan ay pinapatay nila,
ngunit ang mga batang malulusog at malakas ang katawan ang pinayagan
nilang mabuhay.

F. ANG BANTA NG PERSIA

• Sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Mnor noong 546 BCE dahil
sa hangarin nitong palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran. Ngunit
siya ay nasawi at ipinagpatuloy ni Darius ang kanyang hangarin.

9 9
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
• Naganap ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece noong 490 BCE sa
ilalim ng pamumuno ni Darius.
• Bumababa ang kanilang plota sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang
Silangan ng Athens, ngunit tinalo ng 10,000 puwersa ng Athens ang
humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
• Dahil sa pagkasawi ni Darius sa labanan ipinagpatuloy ito ni Xerxes at
naganap ang labanan sa Thermopylae, makipot na daanan sa gilid ng
bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece.
• 7,000 Greek ang lumaban at 300 ay taga Sparta sa pamumuno ni Leonidas
at sa labanang ito namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas dahil may
isang Greek ang nagtaksil at ipinagkanulo ang kanilang lihim na daanan
patungo sa kanilang kampo.
• Sinakop ni Xerxes ang Athens ngunit pinagpatuloy ni Themistocles ang
labanan at dinala sa dalampasigan sa pulo ng Salamis at isa-isang lumubog
ang mga plota ng Persia.
• Tinalo ni Pausanias pinuno ng Sparta ang nalalabing hukbo ni Xerxes at
dito nagwakas ang hukbo ng Persia.

G. GININTUANG PANAHON NG ATHENS

• Sa panahong ito, si Pericles ang nanunungkulan sa Athens taong 461


hanggang 429 BCE. Nangingibabaw ang kanyang impluwensiya sa Athens
sa loob ng 32 taon kung kaya ang panahong ito ay tinatawag na panahon
ni Pericles.
• Namayagpag ang demokrasya sa panahong ito at naging
makapangyarihan ang Athens at naging isang imperyo sa panahon ng
Delian League.
• Ang Delian League ay ang alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece na
pinamumunuan ng Athens at nabuo noong 478 BCE.
• Lumitaw ang pinakamahusay na artista, manunulat, at mga pilosopo na
tiningala sa sandaigdigan maging sa ating makabagong panahon.
• Ngunit hindi lahat ng mga lungsod-estado ng Greece ang nasiyahan sa
ginawa ni Pericles lalong-lalo na ang Sparta.

Halimbawa ng ilang mga ambag ng Greeks sa iba’t-ibang larangan:


• Larangan ng Politika: “The Republic ” ni Plato at
“Politics ” ni Aristotle
• Larangan ng Arkitektura: Parthenon- marmol na templo na itinayo nina
Ictinua at Calicrates para kay Athena.
• Larangan ng Pagsulat
Herodotus – Ama ng kasaysayan
Thucydides – “ Anabis” isang sikat na kwento ng martsa ng mga Greek

10 10
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
• Larangan ng Medisina: Hippocrates – Ama ng Medisina
• Larangan ng Agham at Pilosopiya:
Thales ng Militus – ang sandaigdigan ay nagmula sa ang pangunahing element
ng kalikasan
Pythagoras – nagpasikat ng doktrina ng mga numero.
Socrates- “Know Thyself”

H. DIGMAANG PELOPONNESIAN

• Dahil sa pagkontrol ng Athens sa Delian League nangamba ang ibang mga


kasapi na mga lungsod-estado sa kanilang kalayaan. Gusto nilang umalis
sa alyansa ngunit wala silang magawa kaya’t ang ibang mga lungsod-
estado na kasapi sa liga tulad ng Sparta, Corinth, at iba pa ay nagtatag ng
kanilang sariling alyansa na pinamunuan ng Sparta. Ang alyansang ito ay
tinawag na Peloponnesian League
• Nagsimula ang Digmaang Peloponnesian noong 431 BCE dahil nilusob ng
Sparta ang mga karatig pook ng Athens.Umabot ng dalawampu’t pitong
taon ang Digmaang Peloponnesian at lumaganap din ang sakit na
nagresulta sa pagkasawi at pagkamatay ng libo- libong tao kasama na si
Pericles. Nagkaroon din ng malawakang pagkawasak ng ari-arian, kawalan
ng hanapbuhay, tumaas ang presyo ng mga bilihin at kakulangan sa
pagkain.
• Lahat ng pumalit kay Pericles bilang pinuno ng Athens ay hindi
nagtagumpay dahil sa maling pamamalakad.

I. IMPERYONG MACEDONIAN

• Nagkawatak-watak ang mga lungsod-estado ng Greece dahil sa hindi


pagkasundo, kaya madaling nasakop ito ni Philip, hari ng Macedonia ang
mga lungsod-estado ng Greece maliban lamang sa Sparta noong 338 BCE,
dahil gusto niyang pag-isahin ang mga ito.
• Sa pagkamatay ni Philip, pumalit sa kanya ang kanyang anak na si
Alexander the Great na nakilala sa kagalingan ng pakikidigma at
katalinuhan
• Naging magaling siya na pinuno at naging guro niya si Aristotle ng siya ay
bata pa lamang.
• Nagtayo siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya,
Egypt, at India. Sa Silangan naman pinalaganap niya ang kaisipan ng mga
Greek.
• Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 BCE dahil sa hindi tiyak na
karamdaman, unti-unting humina ang imperyong kanyang naitatag.

11 11
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
Pagyamanin

Unawain Mo Na

A. Panuto:
Tukuyin ang inilarawan ng bawat pangungusap sa pamamagitan ng
pagkompleto ng mga titik upang mabuo ang salita. Sumangguni sa mga salita
sa loob ng kahon.

DEMOKRASYA ATHENS SPARTA


PELOPONNESIAN MINOAN MYCENAEAN
MACEDONIAN
1. Ito ang lungsod-estado na naging makapangyarihan at nakapagtatag ng
isang imperyo pagkatapos ng digmaang Greece at Persia.
_ _ S
2. Ito ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta at ng mga kaalyadong
lungsod-estado nito.
O N A
3. Isang lungsod-estado na nakasentro ang buhay ng mga mamamayan sa
aspetong militar at pagtatanggol sa estado.
P_ _ T
4. Ito ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Crete.
_ _ O_ N
5. Itinuturing ito na pinakamalaking ambag ng Athens sa daigdig na
hanggang sa ngayon ay ipinatutupad pa rin ng maraming bansa.
_ _M_ _ R ____________

Isaisip

Matuto Ka!

12 12
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
Panuto: Magtala ng tig-isang ambag bawat kabihasnan at ang kabuluhan nito.
Isulat sa unang kolum ng kahon ang uri ng kabihasnan, kontribusyon sa
pangalawa at at kabuluhan sa pangatlong kolum ng kahon. 5 pts. Each

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

Kabihasnang
Minoan

Kabihasnang
Mycenaean

Kabihasnang
Sparta

Isagawa

B. PANUTO:
Kopyahin ang salitang hindi kabilang sa pangkat. Pagkatapos ay tukuyin ang
pagkakatulad ng mga natirang salita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

DEPARTMENT OF EDUCATION |
13DIVISION OF MANDAUE CITY 13
1. Athens Mycenaean Thebes Sparta
A. Digmaang Greeco-Persia
B. Digmaang Peloponnesian
C. Mga lungsod-estado ng Greece
D. Sinaunang kabihasnan ng Greece

2. Ionia Marathon Salamis Thermopylae


A. Digmaang Peloponnesian
B. Kolonya ng Athens
C. Kolonya ng Sparta
D. Labanan ng Greece at Persia

3. Draco Cleisthenes Leonidas Solon


A. Diyos ng mga Greek
B. Greek na lumaban sa Persia
C. Pinunong Sparta
D. Mga nagpasimula ng demokrasya sa Athens

4. Magaling na mandirigma Pagtatanggol sa estado


Paglinang sa katalinuhan Pagsasanay sa gawaing military
A. Buhay- Minoan
B. Buhay – Mycenaean
C. Pamumuhay sa Athens
D. Pamumuhay ng mga Spartan

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
wastong sagot.

1. Anong ipinatupad sa Athens kung saan tuwirang nakibahagi ang


mamamayansa pamamahala?
a. Awtokratiko b. Demokrasya c. Militaristiko d.Monarkiya

2. Sino ang tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” ng mga Griyego?


a. Herodotus b. Pericles C. Pythagoras d. Socrates

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


14 14
3. Anong tawag sa pamayanan ng mga mandirigma sa Greek?
a. Aegean b. Athens c. Dorian d. Sparta

4. Anong maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica?


a. Aegean b. Athens c. Dorian d. Sparta

5. Kaninong salita ito nanggagaling? “Ang ating konstitusyon ay isang Demokrasya sapagkat ito
ay nasa kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”
a. Cleisthenes b. Pericles c. Solon d. Thucydides

6. Anong makapangyarihang lungsod ng mga Minoan at sumakop sa kabuuan


ngCrete?
b. Agora b. Arena c. Crete d. Knossos

7. Anong pangkat ng tao mula sa hilaga na may kaugnayan sa mga Mycenaean


ang tumungo sa timog ng Greece sa may hangganan ng karagatang Aegean?
a. Aegean b. Aechean c. Ionian d. Dorian

8. Sinong sumalakay ng Lydia sa Asia Minor noong 546 BCE dahil sa hangarin
nitong palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran?
a. Alexander the Great c. Darius the Great
b. Cyrus the Great d. Xerxes

9. Sinong hari ang namatay sa labanan ng mga Griyego at Persian dahil sa


pagtataksil at pagkakanulo ng kanilang lihim na daanan?
a.Alexander the Great c. Haring Leonidas
a. Haring Gregory d. Haring Philip l

10. Ano ang tawag sa alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece na


pinamumunuan ng Athens at nabuo noong 478 BCE?
a. Athenian League c. Peloponnesian League
b. Delian League d. Spartan League

15 15
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
11. Sino ang tinaguriang “Ama ng Medisina” ng mga Griyego?
a. Herodotus b. Hippocrates c. Solon d. Thucydides

12. Ano ang tawag sa digmaan na naganap noong 431 BCE kung saan nilusob ng
Sparta ang mga karatig pook ng Athens? Umabot ng dalawampu’t pitong taon
ang digmaang ito at lumaganap din ang sakit na nagresulta sa pagkasawi at
pagkamatay ng libo-libong tao kasama na si Pericles.
a. Digmaang Griyego-Persian c. Digmaan sa Salamis
b. Digmaang Peloponnesian d. Digmaan sa Thermopylae

13. Umusbong ang kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na


pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad
ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging
lig-
tas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya
ang isla ng Crete.
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe.
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang
Kabihasnang Minoan
a. I at II b. II at III c. II at IV d. I, II, at III

14. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman
sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. napakalakas ng pwersang pang militar ng Minoan
b. napalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
c. nakarating sa ibat-ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete
d. napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.

15. Ang Sinaunang Greece ay binubuo ng ibat-ibang estadong lungsod na ang


bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatagng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
a. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng
Europe na isang mabundok na lugar.
b. Ibat-iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya ibat-ibang kabihasnan ang
umusbong dito.
c. Ibat-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan sa Greece.
d. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maramingmangangalakal sa
bawat lungsod-estado

16 16
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
Susi sa Pagwawasto

Answer key
7.D 14. A
9.c
6.B 13. B
katalinuhan-d 8.b
5.B 12. B
4.Paglinang sa 7.c
4.D 11. B
3.Leonidas-d 15. a 6.d
3.C 10.C
2.Ionia- a 14. d 5.b
2.C 9. B
1.Mycenaean- b 13. d 4.b
1.B 8.C 15. A
Gawain B. 12.c 3.d
Panimulang Pagtataya
11.b 2.a
10.b 1.d
5.Demokrasya 3. Sparta
Panghuling Pagtataya
2.Peloponnesian
4.Minoan 1.Athens
Gawain A :

Sanggunian

Rosemarie C. Blando, Michael M.Mercado , Mark Alvin M. Cruz ,Angelo S. Espiritu, Edna L. De
Jesus, Asher H.Pasco ,Rowel S. Padernal, Yorina C.Manalo , at Kalenna Lorene S. Asis. Unang
Edisyon 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig
City, Philippines: Vival Group Inc. And Department of Education- Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Grace Estela C.Mateo, Ph.D., Rosita T. Tadena, Ph.D. ,Celinia E. Balonso, Ph.D. , Celes-
Tina P. Boncan, Ph.D., Mary Dorothy dl. Jose, M.A., John N. Ponsaran,M.P.M., Jerome A. Ong
M.A. 2012. Kasaysayan ng Daigdig:Araling Panlipunan Serye lll- Batayang Aklat para sa Ikat-
Long Taon.Quezon City, Philippines: Vival Publishing House, Inc. and Philippine Educational
Publishers’ Association; Book Development Association of the Philippines; Association of
South East Asian Publishers; and Graphic Arts Technical Foundation

Eliza Dalangin – Bustamante, Michael M. Mercado. 2012. Sulyap ng Kasaysayan ng


Daigdig:Araling Panlipunan lll. Quezon City, Philippines: St. Bernadette Publishing
House Corporation; and Philippine Educational Publishers’ Association (PEPA)

17 17

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

MERLINDA L. CANOY
Writer

MARITERR P. JUMAO- AS
MENCY B. RABANES
ANCIE U. DOMPOR
Editor

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor in LRMDS

ESTELA B. SUSVILLA PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 18


18
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

19 19

You might also like