Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 8
Name of Student Teaching Intern: Grade Level: Quarter: Duration: 1
Christine Jean Marie M. Clores Grade 8 2nd hour & 55
minutes
Date and October 22, 2024, 10:05-
Time of 11:55 am
Demonstratio
n
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Content Standards
interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay daan
sa pagkakakilanlan at pagtugon sa nagbabagong kapaligiran.
Performance Nakagagawa ng presentasyon na nagpapatunay ng
Standards interaksiyon ng tao at kapaligiran
Learning Napatutunayan ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng
Competency/ies mga tao sa pag-unlad ng mga kabihasnan
I. Objectives
Nasusuri ang mga unang Kabihasnan ng Greece batay sa
Cognitive
heograpiya, pulitika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala,
lipunan, at dahilan ng pagbagsak ng mga ito.
Affective Naihahambing ang pamumuhay ng mga unang Kabihasnan ng
Greece.
Nailalarawan ang mga lipunan, pamumuhay at pagbagsak ng
Psychomotor
mga unang Kabihasnan ng Greece sa pamamagitan ng
maiksing pagsasadula.
II. Integration
Civic Responsibility
Values
Appreciation for Diversity
Critical thinking
Collaboration
21st Century Skills Leadership
Communication
III. Subject Matter Kabihasnang Klasiko ng Greece
Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
Abejo, R.A G et al(2017).Kasaysayan ng Daigdig.Vibal Group
Inc.G.Araneta Avenue cor. Ma. Clara Street, Talayan, Quezon
References & City.
Materials
Kagamitan sa Pagtuturo:
-Batayang Aklat
-Powerpoint Presentation
IV. Procedure
A. Panimulang Gawain
- Pagsasaayos ng kalinisan at kaayusan ng silid-aralan
A. Preliminaries - Pambungad na Panalangin
- Pagbati
- Pagtatala ng Liban sa klase
Gawain 1: Suriin ang pulitika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
lipunan, at dahilan ng pagbagsak sa bawat kabihasnan ng
Gresya. Ilagay sa matrix ang sagot at isulat sa papel ang mga
sagot. May isang pokus na kabihasnan ang bawat kolum ng
upuan.
Kolum 1- Kabihasnang Minoan (pg. 60-61)
Kolum 2- Kabihasnang Mycenaean (pg.61-62)
Kolum 3- Kabihasnang Hellenic (pg. 62-67)
KABIHASNA PULI- EKONO KULTURA RELIHI LIPUNA DAHILAN
B. Activity
N TIKA -MIYA -YON N NG
PAGBAGSA
K
Batayang Libro: Kasaysayan ng Daigdig
C. Analysis Gawain: Think, Group, Share!
Panuto: Bumuo ng anim(6) na pangkat. Bawat pangkat ay
Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
binubuo ng mga nagsuri ng Kabihasnang Minoan, Mycenaean, at
Hellenic. Ihambing ang mga sagot sa naunang activity, sagutin
ang mga pamprosesong tanong sa ibaba, at may pipiliin na mga
grupo na iulat sa klase ang kanilang sagot.
Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang pagkakatulad at pinagkaiba ng mga Kabihasnan sa
Gresya?
2. Ano ang naging dahilan sa pagbasak ng bawat kabihasnan?
3. Sa paanong paraan masasabing naging maunlad ang bawat
kabihasnan?
4. Bakit napakayaman ng kulturang Greek?
D. Abstraction Ano ang Heograpiya ng Greece?
Ang Greece ay isang lupain na may maraming bundok, kung
saan 80% ng mainland ay kabundukan na nagsisilbing
hangganan ng mga lungsod. Dahil dito, ang mga Greek ay
nanirahan sa mga baybaying lugar at umasa sa karagatan para
sa pagkain. Ang Aegean Sea, na matatagpuan sa pagitan ng
Asia Minor at tangway ng Greece, ay may mahalagang papel sa
kabihasnang Greek. Nasa katimugan nito ang isla ng Crete, na
bahagi ng silangang Mediterranean. Ang kabihasnan ng mga
Greek ay nagsimula rin sa mga pulo sa Aegean Sea, kung saan
nanirahan sila sa mga pangunahing isla tulad ng Crete,
Rhodes, Chios, at Delos.
Paano umusbong ang mga Kabihasnan sa Gresya? Anu-
ano ang mga kabihasnan na ito?
Tatlong rehiyon ang tinatalakay sa pag-usbong ng mga
kabihasnan sa Aegean: Crete, Cyclades, at mainland Greece
(kabilang ang Peloponnese, gitnang Greece, at Thessaly).
Sa Crete, umusbong ang kabihasnang Minoan noong maagang
Panahon ng Bronze (3650 BCE-1400 BCE). Ang Cyclades ay
bahagi ng maagang Helladic ng mainland Greece at Minoan
kasama ang Crete. Ang kabihasnan ng Mycenaean mula sa
mainland Greece ay lumaganap sa Crete noong 1450 BCE.
Habang nasa Panahon ng Bato pa ang buong Europe,
nakabuo na ang Minoan at Mycenaean ng maunlad na kultura sa
Panahon ng Bronze.
Ang mga Minoan ay isang sinaunang kabihasnan na umusbong
sa Crete, na ipinangalan kay Haring Minos. Kilala sila sa kanilang
kasanayan sa metalurhiya, teknolohiya, at pangangalakal, at
naging mahuhusay na mandaragat. Ang lungsod ng Knossos ay
Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
naging makapangyarihan at naging sentro ng kalakalan sa Crete
at Aegean mula 1600 BCE hanggang 1100 BCE. Sa panahong
ito, yumaman ang Crete sa pamamagitan ng pagpapalitan ng
produkto. Ang lipunan nila ay nahati sa apat na antas:
maharlika, mangangalakal, magsasaka, at alipin. Naging tanyag
din sila sa palakasan, at sila ang unang nagtayo ng arena.
Nagwakas ang kabihasnang Minoan noong 1400 BCE dahil sa
sunod-sunod na paglusob na sumira sa kanilang kabuhayan at
lipunan.
Ang kabihasnang Mycenaean ay umusbong sa mainland
Greece noong ika-16 na siglo BCE, at nakasentro sa Argos,
partikular sa Mycenae. Kilala ito bilang unang maunlad na
kabihasnan sa mainland Greece at bahagi ng huling panahon ng
Bronze Age
mga Mycenaean ay nanghiram ng mga aspeto ng kultura mula
sa mga Minoan, tulad ng disenyo ng palayok at palasyo, at
ginamit ang Minoan na sistema ng pagsulat na tinatawag na
Linear B.
Nakikibahagi sila sa kalakalan sa mga lugar tulad ng Egypt,
Phoenicia, at Troy. Natuklasan ng arkeologo na si Heinrich
Schliemann ang mga pader ng Mycenae noong 1876, kasama
ang mga gintong maskara ng mga libingang pinuno. Ang mga
Mycenaean ay kilala sa pagtatanim, pakikipagkalakalan,
industriya, at pakikidigma, at sila ay nagtataglay ng
istrukturadong lipunan na binubuo ng hari, mandirigma,
magsasaka, alipin, at pari. Sinasamba nila ang mga diyos ng
Mount Olympus tulad nina Zeus at Hera. Noong 1300 BCE,
bumuo sila ng isang imperyo sa ilalim ng hari ng Mycenae, at
tinatawag ang kanilang mga tao bilang mga Achaean.
Kabihasnang Hellenic
1. Ang mga Polis (City-States)
Ang kabihasnang Hellenic ay binubuo ng mga polis, o mga
lungsod-estado, na nagsilbing sentro ng pamayanan, politika, at
kultura ng mga sinaunang Greek. Bawat polis ay malaya at may
sariling pamahalaan, batas, at militar. Dalawa sa pinakatanyag
na polis ay ang Sparta at Athens.
2. Spartans
Ang Sparta ay isang militaristiko at disiplina na polis. Kilala ito sa
mahigpit na pamumuhay at pagsasanay ng kanilang mga
mamamayan bilang sundalo mula sa murang edad. Ang lipunan
Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
ng Sparta ay umiikot sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan,
na siyang pangunahing sandigan ng kanilang polis. Ang mga
Spartan ay may aristokratikong uri ng pamahalaan na
pinamumunuan ng dalawang hari.
3. Athens
Ang Athens, kabaligtaran ng Sparta, ay kilala sa demokrasya at
kultura nito. Dito unang naitatag ang demokrasya, isang uri ng
pamahalaang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
mamamayan na magpasya sa mga mahahalagang usapin. Ang
Athens ay naging sentro ng sining, agham, pilosopiya, at
edukasyon sa kabihasnang Hellenic. Si Pericles ang isa sa
pinakatanyag na pinuno ng Athens.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng digmaan sa pagitan
ng Greece at Persya, at Athens at Sparta?
Greco-Persian Wars
Ang mga digmaan sa pagitan ng Greece at Persya ay tinawag na
Greco-Persian Wars (499 BCE - 449 BCE). Ito ay nagsimula nang
subukang sakupin ng Persya ang Greece. Kabilang sa mga
mahalagang labanan ay ang Labanan sa Marathon,
Thermopylae, at Salamis, kung saan nagtagumpay ang mga
Greek, sa kabila ng mas malakas at mas malawak na hukbo ng
Persya. Ang tagumpay ng Greece ay nagbigay ng malaking
impluwensya sa kanilang kasaysayan at pagyabong ng kanilang
kabihasnan.
Peloponnesian War
Ang Peloponnesian War (431 BCE - 404 BCE) ay ang digmaan sa
pagitan ng Athens at Sparta, kasama ang kanilang mga
kaalyado. Ito ay bunga ng tunggalian sa kapangyarihan at
pagkakaiba ng sistema ng pamahalaan at pamumuhay ng
dalawang polis. Ang digmaan ay nagtapos sa pagkatalo ng
Athens, at ang Sparta ang namuno sa Greece matapos ang
digmaan. Gayunpaman, ang labis na paghihina ng parehong
polis ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng Macedonia sa ilalim ni
Alexander the Great.
Anu-ano ang mga iniwang pamana ng sinaunang Greece?
Ang Athens ay naging sentro ng sining, kaalaman, at pilosopiya
sa sinaunang Greece, lalo na sa ilalim ng pamumuno ni Pericles.
Sa kanyang panahon, umunlad ang kulturang Athenian, na may
pagtuon sa edukasyon, sining, at pamamahala. Ipinatayo ang
Acropolis at Parthenon, at nakilala ang mga manunulat tulad
nina Aeschylus, Sophocles, Euripides, at Aristophanes sa teatro,
Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
at si Pindar sa tula. Ang mga siyentista at matematikong sina
Thales, Pythagoras, Democritus, at Hippocrates ay nagbigay din
ng mahahalagang kontribusyon.
Si Phidias ay naging tanyag sa paglilok ng mga estatwa tulad ng
Zeus sa Olympia (isang "Seven Wonders of the Ancient World")
at Athena Parthenos sa Parthenon. Si Myron, isa pang kilalang
Greek sculptor, ay lumikha ng Discobolus. Kilalang mga
philosopher tulad nina Protagoras, Zeno ng Elea, at Anaxagoras
ay kaibigan ni Pericles, habang ang mga kilalang historyador
tulad nina Herodotus at Thucydides ay namuhay din sa panahon
ng Athens. Ang mga institusyon ng edukasyon tulad ng
Academy ni Plato at Lyceum ni Aristotle ay nagsimula rin dito.
Gawain: Audio Drama
Panuto:
Sa parehong pangkat, isasadula ang mga naging kontribusyon/
pamana ng mga kilalang tao sa Sinaunang Gresya sa
pamamagitan ng Audio Drama. Bawat grupo ay bibigay ng 1
hanggang 2 minuto sa pagsasadula
Group 1- Aeschylus, Sophocles, Euripides, Aristophanes
Group 2- Plato at Aristotle
Group 3- Thales, Pythagoras, Democritus, Hippocrates
Group 4-Phidias at Myron
E. Application Group 5- Protagoras, Zeno ng Elea, Anaxagoras
Group 6- Herodotus at Thucydides
Batayan: Book “Kasaysayan ng Daigding” pg. 67-68
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman (kahalagahan ng tema, kaugnayan sa 50%
kasaysayan
Pagganap 20%
Estruktura at Daloy 30%
Kabuoang Puntos 100%
V. Assessment Pagtugmain ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat
Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
sa patlang.
HANAY A
1. Umunlad ang edukasyon, sining, at pama-
mahala sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.
2. . Ang heneral na Theban na gumapi sa mga
Spartan noong 370 BCE
3. Dalubhasang nakatuklas sa palasyo sa Knossos
4. Ang pinuno ng Macedonia na sumakop sa Athens noong 338
BCE
5. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey
6. Nakapangalan sa kaniya ang isang kasun-duan sa pagitan ng
Persia at Athens noong 449 BCE
7. Umakda ng mahihigpit na batas sa Athens noong 621 BCE
8. Ang German na nagpasimula ng mga paghuhukay at pag-
aaral sa Mycenae
9. Pinunong Persian sa panahon ng pagsisimula ng Persian Wars
10.Ang bumago sa mahihigpit na batas sa Athens
HANAY B
A. Draco
B. Arthur Evans
C. Philip II
D. Darius I
E. Heinrich Schliemann
F. Homer
G. Solon
H. Epaminondas
I. Pericles
J. Callias
Batayan: Kasaysay ng Daigding book, pg. 69
Mga sagot:
I - Pericles
H - Epaminondas
B - Arthur Evans
C - Philip II
F - Homer
J - Callias
A - Draco
E - Heinrich Schliemann
D - Darius I
G - Solon
Republic of the Philippines
Cebu Normal University
Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Integrated Laboratory School
Telephone No.: (+63 32) (254 1452 loc.144)
Email: cte@cnu.edu.ph | Website: www.cnu.edu.ph
VI. Assignment Basahin ang paksang “Kabihasnang Klasiko ng Roma” para sa
susunod na klase.
Batayang Libro: Kasaysayan ng Asya, pg.72-91
VII. Reflection “Ang tunay na Lider ay hindi lamang nasusukat sa
kapangyarihan kundi sa kanilang kakayahang manghikayat,
mamuno sa katarungan, at lumikha ng isang lipunan na
nakabatay sa kaalaman at pagkakaisa.”
Ang mga hari at pinuno sa sinaunang Greece, tulad ng mga
tanyag na hari sa Sparta at Athens, ay nagpapakita na ang
liderato ay higit pa sa simpleng paghawak ng kapangyarihan.
Ang kanilang kakayahang manghikayat at makabuo ng mga
alyansa ay nagbigay-daan sa pagsulong ng kanilang mga
lipunan. Nakakatulonh din ang pag-usbong ng mga pilosopo
at mga institusyon ng pag-aaral sa Greece, tulad ng mga gawa
ni Plato at Aristotle, ay nagbigay ng pundasyon sa intelektwal
na pag-unlad. Ang mga lider na nagtataguyod ng kaalaman ay
nag-aambag sa pagbuo ng mas makatarungan at maunlad na
lipunan
Prepared by:
CHRISTINE JEAN MARIE M. CLORES
Social Studies Teaching Intern
Approved by:
CRISLEE V. NEGRIDO, EdD (Cand.)
Social Studies Teaching Mentor