You are on page 1of 21

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kabihasnang Minoan, Mycenaean
at Klasikal ng Greece
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang


higit mong maunawaan ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-
unlad at pagbagsak ng mga kabihasnang sumibol sa sinaunang Greece.
Pagtutuonan nang pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga kabihasnang
nabuo sa Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang pangyayari sa
bawat kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa paghubog ng
pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong
pagkatuto.

Ang mga gawaing inilahad ay makatutulong upang mas maunawaan ang


paksa at makamit ang mga layunin. Ang modyul na ito ay nahahati sa mga
sumusunod na paksang talakayan:

Talakayan 1 – Kabihasnang Minoan


Talakayan 2 – Kabihasnang Mycenaean
Talakayan 3 – Kabihasnang Klasikal ng Greece

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapagsusuri ng mahahalagang pangyayari sa kabihasnang Minoan at


Mycenaean;
b. nakapagsusuri ng mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng
Greece; at
c. nakapagpahahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng
Greece sa iba’t ibang larangan.

1
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang sinaunang sibilisasyon sa Isla ng Crete na ipinangalan sa dakilang


hari nila na si Minos?
A. Minoan C. Ionian
B. Mycenaean D. Dorian
2. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado ng Greece?
A. acropolis C. metropolis
B. polis D. agora
3. Aling lungsod-estado ang may pinakamalaking populasyon at naging sentro
ng demokrasya?
A. Sparta C. Corinth
B. Crete D. Athens
4. Alin sa sumusunod ang tawag ng mga Griyego sa kanilang bansa?
A. Aegean C. Hellas
B. Metropolitan D. Polis
5. Alin sa mga sumusunod ang katawagan sa Sibilisasyong Griyego?
A. Heleniko C. Helenistiko
B. Doric D. Ionic
6. Alin sa sumusunod ang digmaan kung saan tinalo ng mga maliit na
puwersang Athenian ang puwersa ng Persia?
A. Digmaang Persian C. Digmaang Marathon
B. Digmaang Peloponnesian D. Digmaang Salamis
7. Alin sa sumusunod ang pamilihang bayan ng mga sinaunang Griyego?
A. acropolis C. metropolis
B. polis D. agora
8. Saan naganap ang isa sa pinakadakilang digmaan sa karagatan sa pagitan
ng mga Athenian at Persians?
A. Persia C. Marathon
B. Peloponnesia D. Salamis
9. Ano ang tawag sa alyansang itinatag sa Delos upang pigilan ang ano mang
banta ng panganib sa lungsod-estado?
A. Delian League C. Peloponnesian League
B. Dorian League D. Ionic League
10. Sino sa sumusunod ang pinuno ng Athens ng narating nito ang ginintuang
panahon?
A. Cleisthenes C. Pericles
B. Draco D. Pisistratus

2
11. Ano ang tawag noon sa mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng
karaniwang tao at maayos na pamahalaan?
A. tyrant C. ostrakon
B. ostracism D. archon
12. Ano ang tawag sa sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao?
A. attica C. ostrakon
B. ostracism D. archon
13. Sino ang may-akda ng Iliad at Odyssey?
A. Aristotle C. Homer
B. Socrates D. Plato
14. Ano ang lungsod-estado na responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay
na sandatahang lakas sa buong daigdig?
A. Sparta C. Corinth
B. Crete D. Athens
15. Ano ang tawag sa pinagsanib na kultura ng Gresya at Asya na naging
bunga ng pananakop ni Alexander the Great?
A. Heleniko C. Helenistiko
B. Doric D. Ionic

3
Aralin Kabihasnang Minoan,
1 Mycenaean, at Greece
Ang kauna-unahang sibilisasyon sa kanluran ay pinangunahan ng mga
Griyego. Ang naibahagi nila sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay ay nagbigay daan
sa paglago at pag-unlad ng Sibilisasyong Kanluranin. Sa araling ito, matutunghayan
at mauunawaan mo ang pagsibol ng Sibilisasyong Griyego at ang mga kontribusyon
nito sa Sibilisasyong Kanluranin at sa daigdig.

Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng pag-aaral ang mga mahahalagang


pangyayari sa pagsibol ng kabihasnang klasikal ng Greece. Susuriin din ang mga
mahahalagang kontribusyon ng Kabihasnang Greek na nagpatunay sa kagalingan
ng mga Griyego sa iba’t ibang larangan.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natalakay ang mga mahahalagang ambag ng mga


sinaunang kabihasnang sumibol sa daigdig. Ang mga kontribusyong ito ang
nagpayabong sa kultura at kabihasnan na napaunlad ng mga sinaunang tao.
Subukan mong sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan
sa nakaraang aralin.
• Sa iyong pagkaunawa, bakit kahanga-hanga ang mga kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Tsino, at Egypt?
• Anong pagpapahalaga ang natutuhan mo mula sa kasaysayan ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig?

Mga Tala para sa Guro

Maaaring papiliin ang mga mag-aaral ng isang


kabihasnan. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng isang
pinakamahalagang aral na kanilang natutuhan mula sa napili
nilang kabihasnan at paano nakatutulong ang aral o
kaisipang ito sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

4
Tuklasin

Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa


ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain
mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito.

Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga salitang nakapaloob sa loob ng


kahong may kaugnayan sa tatalakaying aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Knossos metropolis arena Crete Hellas


Hellenic acropolis agora polis bricks

P K N O S S O S A A M O S L
A Q W R E T Y U I G P K M A
P Z C S S R A D I O Y O E P
K O V K W K S E R R L O T B
W B L A H I C W I A A R R R
A I N I D S T I D N S S O I
A C G L S H I X R V Y C P K
C O R E R K E Y F B O I O S
R T R O W I I L S Y A N L W
E O A A P H I D L S A E I A
T L N H I O D E N A C L S N
E A E L E M L A O Y S L N T
S N R K I M B I I B A E E T
O R A E T N I K S M I H B D

5
Suriin

Maglalakbay tayong muli sa nakaraan, aalamin natin kung paano naging


tagapaghubog ng Sibilisasyong Kanluranin ang mga Griyego. Ating susuriin kung
paano nagsimula ang iba’t ibang sibilisasyong bumuo ng matatag na Sibilisasyong
Griyego? Tutuklasin mo iyan sa araling ito.

Ang lupain ng Gresya ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing


naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging
mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging
dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang
natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ang mga mainam na
daungan na nakapaligid sa Gresya ay nagbigay-daan sa maunlad na kalakalang
pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan.

Kabihasnang Minoan

Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinatawag na Minoan hango sa


pangalan ng tanyag na hari ng pulo, si Haring Minos. Ayon sa mga arkeologo, ito ay
nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay ang
Knossos, matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo. Kilala ang mga Minoan bilang
mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay
na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang
mandaragat.

Noong 1899, nagsagawa si Sir Arthur Evans, isang English na arkeologo, ng


paghuhukay sa Knossos. Ito ay isang matandang lugar na binanggit ni Homer, ang
bantog na manunulat, sa kanyang mga akdang Iliad at Odyssey. Natagpuan niya
ang mga gumuhong labi ng isang malaking palasyong yari sa makinis na bato.
Maraming palapag ang palasyo at ang mga pasilyo nito ay tinutukuran ng mga
haliging kahoy. Ang mga hagdanan nito ay malapad at yari sa pino at puting gypsum.
Ang mga dingding ay napapalamutian ng makukulay na fresco.

KABIHASNANG MINOAN
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
➢ Ang fresco ay larawang mabilisan subalit Pag-unlad:
bihasang ipininta sa mga dingding na ➢ Paglipas ng ilan pang taon na
basa ng plaster upang kumapit nang tinatayang mula 1600 hanggang
husto sa pader ang mga pigment ng metal 1100 B.C.E., narating ng Crete
at mineral na oxide. Madalas na ang kanyang tugatog. Umunlad
inilalarawan nito ang ritwal na bull nang husto ang kabuhayan dito
dancing. dulot na rin ng
pakikipagkalakalan ng mga

6
➢ Ang sining sa paggawa ng palayok ay may Minoan sa Gitnang Silangan at
karaniwang disenyo ng mga bagay na sa paligid ng Aegean. Dumarami
nakikita sa kapaligiran tulad ng mga ang mga bayan at lungsod at
bulaklak at disenyong pandagat dulot na ang Knossos ang naging
rin ng kahalagahan ng dagat sa kanilang pinakamalaki.
buhay.
➢ Sila ang unang nakagawa ng arena sa Pagbagsak:
buong daigdig kung saan nagsasagawa
ng mga labanan sa boksing. ➢ Ang Sibilisasyong Minoans ay
➢ Ang mga labi ng palasyo ay tumagal hanggang mga 1400
nagpapahiwatig na may kaalaman na B.C.E. Nagwakas ito nang
ang mga Minoan sa paggawa ng daanan salakayin ang Knossos ng mga
ng tubig, kasanayan sa paggawa ng mga hindi nakikilalang mga
pinong plorera, tela, pabango at pag-ukit mananalakay na sumira at
ng pigurin. nagwasak ng buong
➢ May mga katibayan din na sila ay may pamayanan. Tulad ng
sistema ng pagsulat, may kaalaman sa inaasahan ang iba pang mga
paghahabi, paggawa ng alahas at lungsod ng mga Minoan ay
kagamitang bronse o tanso. bumagsak at isa-isang nawala.

Kabihasnang Mycenaean

Ang mga Mycenaean ay mga katutubo ng lugar sa paligid ng Caspian Sea.


Noong 1400 B.C.E., sinalakay nila ang Knossos at tinapos ang paghahari ng
Kabihasnang Minoan. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa
aplaya ng Karagatang Aegean ang naging sentro ng Sibilisasyong Mycenaean. Ang
mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napaliligiran
ng makapal na pader ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring
lumusob dito. Sa loob ng pader na ito ay ang palasyo ng hari. Bagamat walang
naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kwento ng mga
hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Ang mga kwentong ito ay nag-ugnay sa
mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang
Griyego.

Bahagi ng Kabihasnang Aegean ang Asia Minor. Ang Troy ay lungsod na


matatagpuan sa Asia Minor (Turkey sa kasalukuyan) malapit sa Hellespoint.
Yumaman at naging makapangyarihan ang Troy dahil sa lokasyon nito. Ang Troy
ang pangunahing katunggali ng Mycenaea na sa kalaunan ay bumagsak din sa
kamay ng mga Mycenaean. Ang pagkabihag ng Troy ay ikinuwento ni Homer sa Iliad.
Si Homer ay isang bulag na makata na nabuhay noong ikawalong siglo sa Asia Minor.
Ang Iliad ay isang epiko ng naganap na labanan at umiinog sa kuwento ni Achilles,
isang mandirigmang Greek, at ni Hector, isang prinsipeng Trojan.

7
KABIHASNANG MYCENAEAN
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
➢ Ang kulturang Mycenaean ay Pag-unlad:
mayaman at maunlad na ➢ Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang
pinatutunayan ng kanilang mga napakalakas na mandaragat ang
maskara, palamuti at sandata na mga Mycenaean at ito ay nalubos
yari sa ginto. nang masakop at magupo nila ang
Crete. Ipinagpatuloy nila ang
➢ Batay sa natuklasan ni Sir Arthur kalakalan ng Crete sa Aegean Sea at
Evans, tulad ng mga Minoan, ang dahil dito yumaman at naging
mga Mycenaean ay may sariling makapangyarihan ang mga
sistema ng pagsulat. Mycenaean.
Pagbagsak:
➢ May paniniwala sa isang makapang- ➢ Noong 1100 B.C.E., bumagsak ang
yarihang diyos, si Zeus, na naghahari Sibilisasyong Mycenaean. Tinawag
sa isang pamilya ng mga diyos at itong dark age o madilim na
diyosa. panahon na tumagal nang halos 300
taon. Natigil ang kalakalan at
pagsasaka at natigil din ang mga
gawaing sining. Isa sa pangkat ng
tao na gumupo sa Mycenaean ay
kinilalang mga Dorian.

Kabihasnang Klasikal ng Greece

Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa


salitang Hellas, na tumutukoy sa kabuoang lupain ng sinaunang Greece. Ang
panahon ng kasikatan ng Kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong
338 B.C.E. ay kadalasang tinatawag na Panahong Hellenic. Narito ang ilan sa
mahahalagang bahagi ng lungsod-estado sa Kabihasnang Greek:

Ang polis o lungsod- Ang acropolis ay


estado ay ang mga tawag sa pinaka- Ang agora o
unang pamayanan mataas na lugar sa pamilihang
sa Greece. Karani- lungsod-estado. bayan na nasa
wang binubuo ng Dito matatagpuan gitna ng lungsod
5000 na kalala- ang mga matatayog ay isang bukas
kihan dahil noon ay na palasyo at na lugar kung
sila lamang ang templo kaya ito saan maaaring
nailalagay sa opisyal ang naging sentro magtinda o
na talaan ng ng pulitika at magtipun-tipon
populasyon ng relihiyon ng mga ang mga tao.
lungsod-estado. Griyego.

8
Dalawang malakas na lungsod-estado ang naging tanyag – ang Athens at
Sparta. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens. Sinakop naman
ng Sparta ang mga karatig rehiyon nito. Oligarkiya o oligarchy ang uri ng
pamahalaan dito kung saan binubuo ito ng isang lupon ng mga dugong bughaw
upang palitan ang hari. Sa mga lungsod-estado, ang mga lehitimong mamamayan
ay binigyang karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa
pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na
makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng
digmaan.

Ang Athens ay tinaguriang demokratikong polis. Dahil direktang kabahagi


ang mga taga-Athens sa pagpili ng kinatawan at maaari rin silang manungkulan,
direct democracy ang ipinatupad ng Athens. Subalit hindi kabahagi sa demokrasya
ng Athens ang mga babae at banyaga. Ang mga sumusunod na pinuno ang
nagpalawig ng democracy o pamahalaan ng nakararami sa Athens:

Inalis niya ang mga pagkakautang ng mga mahihirap at


Solon
ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihirap at ipinamahagi ang
Pisistratus mga lupain at ari-arian ng mayayaman sa mahihirap at walang
lupa.
Sinimulan ang ostracism o ang sistema kung saan
pinahintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang
Cleisthenes
sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib
para sa Athens.
Sa kanyang panahon naranasan ng Athens ang tugatog ng
Pericles demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng
pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.

Ang Sparta ay isang mandirigmang polis. Nanatili itong isang oligarkiya at


isang estadong mandirigma. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang
ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at
matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga taga-Sparta ang
kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan
at pangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay
dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang
sakahan. Ang pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha ng magagaling na sundalo
sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:

9
• Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Ang mahihinang bata o may
kapansanan ay hinahayaang mamatay. Tanging ang malalakas at malulusog
na sanggol lamang ang pinapayagang mabuhay.
• Pitong (7) taon – ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar
upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar.
Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at
katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay.
• Dalawampung (20) taon – ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong
mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
• Tatlumpung (30) taon – maaari na silang mag-asawa ngunit dapat na kumain
at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.
• Animnapung (60) taon – sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.

Digmaang Kinasangkutan ng Greece

DIGMAAN SANHI BUNGA


Digmaang Persian:
➢ Digmaang - Pagsalakay ng Persia sa Greece - Tinalo ng 10,000
Marathon sa pamumuno ni Darius, puwersa ng Athens
tagapagmana ni Cyrus the ang humigit-
Great, na naganap sa kumulang na 25,000
Marathon, isang kapatagan sa puwersa ng Persia
hilagang-silangan ng Athens.
➢ Digmaan sa - Isang madugong labanan sa - Ipinagkanulo ng isang
Thermopylae pagitan ni Xerxes (Persia) at ni Greek ang lihim na
Leonidas (Sparta) na naganap daanan patungo sa
sa Thermopylae, isang makipot kampo ng mga Greek
na daanan sa gilid ng bundok at kaya natalo ang
ng silangang baybayin ng puwersa ni Leonidas.
Central Greece.
➢ Digmaan sa - Sinalakay at sinakop ni Xerxes - Natalo ang plota ni
Salamis ang Athens. Ang mga Greek ay Xerxes ng maliliit na
pinamunuan ni Themistocles sa barko ng Athens na
labanan sa dalampasigan ng pilit na binabangga
pulo ng Salamis kung saan ang ang mga ito hanggang
dagat ay lubhang makipot kaya sa mabutas at isa-
nahirapan ang puwersa ng isang lumubog.
Persia na iwasan ang mga pag-
atake ng maliliit na barko ng
Athens
Digmaang - Ang Athens ang namuno sa - Ang dalawampu’t
Peloponnesian naitatag na Delian League at sa pitong taong Digmaan
pamumuno ni Pericles naging ng Peloponnesian ay
isang imperyo ito. Ngunit hindi isang malaking

10
lahat ng lungsod-estado ay trahedya para sa
sumang-ayon sa ginawa ng Gresya. Nagkaroon ng
Athens na pagkontrol sa Delian malawakang
League kaya ang ilan sa mga pagkawasak ng ari-
lungsod-estado na kasapi dito arian at pagkamatay
tulad ng Sparta, Corinth at iba ng mga tao. Lumala
pa ay nagtatag ng sarili nilang ang suliranin sa
alyansa sa pamumuno ng kawalan ng
Sparta at tinawag itong hanapbuhay, pagtaas
Peloponnesian League. Pagsapit ng presyo ng mga
ng 431 BCE nilusob ng Sparta bilihin, at kakulangan
ang mga karatig pook ng Athens sa pagkain.
na naging simula ng Digmaang
Peloponnesian.

Pamana ng Kabihasnang Greek


Sa Panahong Hellenic ang pag-unlad ng kabihasnan ay nakapaloob lamang
sa Greece. Sa Panahong Hellenistic, kumalat ang kabihasnang Greek sa halos lahat
ng kilalang bahagi na daigdig. Pinalaganap ni Alexander the Great, ang pinuno ng
Imperyong Macedonia, ang Kabihasnang Hellenistic, ito ang pinagsamang
kabihasnang Asyano at Greek.

MAHALAGANG
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING TUKLAS
TAO
- Pinaunlad ang prinsipyo sa geometry, ang
Pythagoras Agham
Pythagorean Theorem
- Tinantiya ang paraan ng pagsusukat ng
Archimedes Agham circumference ng isang bilog
- Natuklasan ang prinsipyo ng specific gravity
Euclid Agham - Kinikilalang “Ama ng Geometry”
- Nagawa ang halos tumpak na tantiya ng
Agham circumference ng daigdig
Eratosthenes
- Gumuhit ng mga linya ng latitude at longitude
sa mapa ng daigdig
Agham - Nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw
Aristarchus
habang umiikot sa sarili nitong axis.
Aeschylus Drama - Sumulat ng Prometheus Bound
Sophocles Drama - Sumulat ng Oedipus Rex at Antigone
Euripides Drama - Sumulat ng Trojan War
- Ang kanyang mga isinulat ay pawang
Aristophanes Komedya pagtalakay sa politika at kaganapan sa
Athens sa nakatatawang pamamaraan.
- “Ama ng Medisina” at sumulat ng Hippocratic
Hippocrates Medisina
Oath
Herophilus Medisina - “Ama ng Anatomy”

11
Erasistratus Medisina - “Ama ng Physiology”
Herodotus Kasaysayan - “Ama ng Kasaysayan”
Thucydides Kasaysayan - Sumulat ng History of the Peloponessian War
- Ayon sa kanya “The unexamined life is not
Socrates Pilosopiya
worth living” at “know thyself”
- May-akda ng “The Republic” kung saan
Plato Pilosopiya
inilalarawan niya ang isang ideyal na estado
- May-akda ng “Politics”, kung saan tinalakay
Aristotle Pilosopiya
ang iba’t ibang uri ng pamahalaan
- Ipinakilala ang pilosopiyang stoicism, ito ay
Zeno Pilosopiya may malaking pagpapahalaga sa dignidad,
pagpipigil sa sarili at katuwiran.
- Obra maestra ang estatwa ni Athena sa
Phidias Iskultura
Parthenon at ni Zeus sa Olympia

Sa larangan ng Arkitektura

✓ Parthenon - ay isang marmol na templo


sa Acropolis sa Athens. Ito ay inalay sa
diyosang si Athena na itinuturing ng
mga mamamayan na kanilang patron.
Itinuturing itong simbolo ng
Sinaunang Gresya, Demokrasyang
Ateniano, Kabihasnang Kanluranin at
isa sa pinakadakilang mga
monumentong pangkultura.

✓ Tatlong istilo ng haligi: Doric – ang pinakapayak, Ionic – mas payat ang haligi
at napapalamutian ng mga scroll, at Corinthian – pinakamagarbong
dekorasyon sa lahat.

Sa Larangan ng Pananampalataya

✓ Ang tradisyonal na pananampalataya sa Greece ay pagsamba ng iba’t ibang


diyos sa pangunguna ni Zeus, ang diyos ng langit.
✓ Pinaniniwalaan ng mga Greek na naninirahan sa Mount Olympus ang diyos at
diyosa at maaaring pasayahin ang mga diyos sa pamamagitan ng pag-aalay
ng mga hayop at pagkain bilang sakripisyo, paglalagay ng palamuti sa
kanilang mga templo, pagdarasal at pagdaraos ng mga pagdiriwang.
✓ Pinarurusahan ng mga diyos ang tao sa pamamagitan ng taggutom, lindol,
sakit at pagkatalo sa digmaan.

12
Pagyamanin

Gawain 1: Triple Venn Diagram


Paghambingin ang katangian ng Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Greek batay
sa sumusunod: heograpiya, kabuhayan, pamahalaan at pinakamahalagang ambag.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
MINOAN MYCENAEAN

GREEK

Gawain 2: Complete It Chart!


Ibigay ang mga konseptong hinihingi sa tsart batay sa natutuhan sa aralin. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Kabihasnang Minoan Kabihasnang Mycenaean

Taon ng Pagsisimula: _____________ Taon ng Pagsisimula: _____________

Kabisera: _________________________ Kabisera: _________________________


Sining: ___________________________ Sining: ___________________________

Dahilan ng Pag-unlad: ____________ Dahilan ng Pag-unlad: ____________


Ambag: _____________ Ambag: _____________

13
Gawain 3: Pamana Ko, Pahalagahan Mo!
Kompletuhin ang data retrieval chart upang maipakita ang kabuluhan ng mga ambag
ng Kabihasnang Greek. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Personalidad Mahalagang Kabuluhan


Ambag

Halimbawa: Nagbigay kaalaman sa Nakatulong nang malaki


makabagong medisina sa sa larangan ng medisina
Hippocrates sinaunang Greece at sa kasalukuyan ang
tinaguriang “Ama ng kanyang mga pag-aaral
Medisina” at ambag

Socrates
Herodotus
Pythagoras
Euclid
Aristotle

Gawain 4: Sino Sila?


Tukuyin ang pinunong nakagawa ng mga sumusunod na ambag sa Kabihasnang
Greek. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Inalis niya ang mga pagkakautang ng mga


mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin
nang dahil sa utang.

Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihirap at


ipinamahagi ang mga lupain at ari-arian ng
mayayaman sa mahihirap at walang lupa.

Sinimulan ang Ostracism o ang sistema kung


saan pinahintulutan ang mga mamamayan na
palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang
paniniwala ay mapanganib para sa Athens.

Sa kanyang panahon naranasan ng Athens ang


tugatog ng demokrasya. Itinaguyod niya ang
pag-upo sa opisina ng pamahalaan ng mga
karaniwang mamamayan.

Pinamunuan niya ang puwersa ng Greek sa


labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis

14
Gawain 5: Discussion Web
Sagutin ang core question ng OO o HINDI batay sa iyong pagkaunawa sa aralin.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

OO HINDI

________________ ________________
________________ Nakabuti ba sa ________________
________________ mga Greek ang ________________
________________ pagpapatupad ng ________________
________________ demokrasya? ________________
________________ Patunayan. ________________
________________ ________________
______________ ______________

Konklusyon:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 6: Kilalanin Mo!


Tukuyin ang mga sumusunod na konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Piliin
ang iyong sagot mula sa kahon at isulat ito sa sagutang papel.

Eratosthenes Fresco Hellenistic Parthenon


Sir Arthur Evans Herodotus Democracy
Marathon Dark Age Oligarchy

___________1. Makukulay na larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga


dingding ng bahay sa Kabihasnang Minoan.
___________2. Isang English na arkeologo na nagsagawa ng paghuhukay sa Knossos.
___________3. Siya ang itinuturing na Ama ng Kasaysayan.
___________4. Ito ang panahon kung kailan natigil ang kalakalan at pagsasaka at
mga gawaing sining sa Kabihasnang Mycenaean.
___________5. Isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens na inalay sa diyosang
si Athena.
___________6. Siya ang gumuhit ng mga linya ng latitude at longitude sa mapa ng
daigdig.
___________7. Ito ang tawag sa pinagsamang Kabihasnang Asyano at Greek.
___________8. Digmaan kung saan tinalo ng maliit na puwersa ng Athens ang
malaking puwersa ng Persia.
___________9. Uri ng pamahalaan kung saan binubuo ito ng isang lupon ng mga
dugong bughaw upang palitan ang hari.
___________10. Ito ang uri ng pamahalaan ng nakararami na ipinatupad sa Athens.

15
Isaisip

Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang buod ng aralin. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Ang Kabihasnang Minoan ay sumibol sa pulo ng ____________ sa


Aegean Sea. Ang tampok na gusali sa lungsod na ito ay ang magarang
palasyo ng hari na yari sa bato at napapalamutian ito ng mga ____________.

Ang kabisera ng Kabihasnang Mycenaean ay ang lungsod ng


_________________. Ang Lungsod ng _________________ ay ang kalabang
Lungsod ng Mycenaean.

Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay _____________, hango


sa salitang ______________, isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece. Ang
pinakatanyag na polis o lungsod-estado sa Greece ay ang _____________ at
________________. Umunlad sa Greece ang ___________________ o pamahalaan
ng nakararami. Sa Panahong ____________________, kumalat ang
kabihasnang Greek sa halos lahat ng kilalang bahagi na daigdig.

Isagawa

Gamit ang mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang poster Ad. Ang
lilikhaing poster Ad ay magpapakita ng paraan ng pagtataguyod ng sangkatauhan
sa mahahalagang ambag ng Kabihasnang Greek. Mamarkahan ang poster Ad gamit
ang kasunod na rubrik.

16
Pamantayan sa Pagmamarka ng Poster Ad
Pamantayan Natatangi Mahusay May Marka
5 puntos 3 puntos Kakulangan
1 puntos
Impormatibo Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
o poster Ad ay poster Ad ay poster Ad ay
Praktikalidad nakapagbigay ng nakapagbigay kulang sa
kompleto, wasto ng wastong sapat na
at mahalagang impormasyon impormasyon
impormasyon
Ang Ang Ang
Malikhain pagkakadisenyo pagkakadisenyo pagkakadisenyo
ng poster Ad ay ng poster Ad ay ng poster Ad ay
napakahusay mahusay may
kakulangan
Ang poster Ad ay Ang poster Ad Ang poster Ad
Katotohanan nagpapakita ng ay nagpapakita ay nagpapakita
makatotohanang ng ilang paraan ng iilang
paraan ng ng pangyayari. Ang
pagpapahalaga. pagpapahalaga. nilalaman nito
Ang nilalaman Ang nilalaman ay walang
nito ay may nito ay may dating sa
bisa/dating sa dating sa madla.
madla. madla.
Kabuoang Marka:

17
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang katawagan sa Sibilisasyong Griyego?


A. Doric C. Helenistiko
B. Heleniko D. Ionic
2. Sino sa sumusunod ang namuno sa Sparta sa Digmaang Thermopylae?
A. Xerxes C. Darius
B. Leonidas D. Cyrus the Great
3. Alin sa sumusunod ang tawag sa trabahador sa bukid ng mga taga-Sparta?
A. Agora C. Polis
B. Hellas D. helot
4. Alin sa sumusunod ang makitid na daan sa kabundukan kung saan naganap
ang isa sa digmaan sa pagitan ng mga Athenian at Persian?
A. Dardanelles C. Hellespoint
B. Salamis D. Thermopylae
5. Sino ang tinaguriang Ama ng Kasaysayan?
A. Herodotus C. Plato
B. Sophocles D. Aristotle
6. Sino ang may-akda ng Iliad at Odyssey?
A. Homer C. Plato
B. Socrates D. Sophocles
7. Ano ang tawag sa pinagsanib na kultura ng Gresya at Asya na naging bunga ng
pananakop ni Alexander the Great?
A. Macedonia C. Heleniko
B. Helenistiko D. Persiano
8. Sino sa sumusunod ang kinikilalang “Ama ng Geometry”?
A. Archimedes C. Eratosthenes
B. Pythagoras D. Euclid
9. Anong uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga
pinunong inihalal ng mga mamamayan?
A. Monarkiya C. Oligarkiya
B. Demokrasya D. Estado
10. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa lungsod-
estado?
A. May patubig sa pananim
B. May mahalagang istrakturang piramide, templo at pamilihan
C. Maraming pataniman
D. Maraming kabahayan

18
11. Ano ang alyansang itinatag sa Delos upang pigilan ang anumang banta ng
panganib sa lungsod-estado?
A. Delian League C. Dorian League
B. Ionic League D. Peloponnesus League
12. Sino ang may-akda ng The Republic?
A. Homer C. Plato
B. Socrates D. Sophocles
13. Sino ang pinuno noong narating ng Athens ang ginintuang panahon nito?
A. Cleisthenes C. Draco
B. Pericles D. Pisastrasus
14. Alin sa sumusunod ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal
nang mahigit na 27 taon, at nagbunga ng malaking pagkawasak sa mga
lungsod-estado ng Gresya?
A. Digmaang Peloponnesian C. Digmaang Persians
B. Digmaang Punic D. Digmaang Trojan
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa istilo ng haligi ng mga gusaling
Greek?
A. Doric C. Ionic
B. Scroll D. Corinthian

Karagdagang Gawain

Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang iyong


pagpapahalaga at pagmamalaki sa mahahalagang ambag ng
Kabihasnang Griyego?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
______________________________

19
20
Gawain 6 4. Euclid – Ama ng Geometry Gawain 2
1. Fresco – malaking tulong sa pag- Minoan – 3100 B.C.E.
2. Sir Arthur Evans aaral ng matematika -Knossos
3. Herodotus 5. Aristotle – akdang -Fresco at paggawa
4. Dark Age “Politics” – nakatulong sa
ng palayok
5. Parthenon pag-aaral ng uri ng
6. Eratosthenes pamahalaan -pakikipagkalakalan
7. Hellenistic -Linear A
8. Marathon Gawain 4 Mycenaean – 1400 B.C.E.
9. Oligarchy 1. Solon -Mycenae
10.Democracy 2. Pisistratus -maskara, palamuti
3. Cleisthenes
4. Pericles at sandata yari sa
ISAISIP (In Order)
5. Themistocles ginto
Crete, Fresco, Mycenae,
-pakikipagkalakalan
Troy, Hellene, Hellas, Athens Gawain 5
-Linear B
at Sparta, Democracy, Batay sa sariling
Gawain 3
Hellenestic pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan 1. Socrates – “know thyself”
ISAGAWA – mahalagang kilalanin ang
Nakabatay sa rubrik ang TAYAHIN sarili
1. B 10. B 2. Herodotus – “Ama ng
pagmamarka
2. A 11. A
Kasaysayan” – malaking
3. D 12. C
KARAGDAGANG GAWAIN 4. D 13. B tulong sa pag-aaral ng
5. A 14. A kasaysayan
Batay sa sariling 6. A 15. B 3. Pythagoras – Pythagorean
pagkaunawa ng mag-aaral 7. B Theorem – prinsipyong
ang kasagutan 8. D nagagamit hanggang sa
9. B kasalukuyan
Gawain 1 SUBUKIN
1. A 9. A
2. B 10. C
3. D 11. A
4. C 12. B
5. A 13. C
6. C 14. A
7. D 15. C
8. D
TUKLASIN
Susi sa Pagwawasto

You might also like