You are on page 1of 3

ILANG HIGH SCHOOL

Ilang, Davao City


S.Y. 2019 – 2020

Ikalimang Buwanang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8 (Daigdig)

Pangalan: _________________________ Petsa : ______Iskor: __________


Taon at Pangkat : ___________________ Guro: ________________
Kaalaman ( Pagpipili)
Panuto : Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot. Bawal magbura.
1. Ano ang katawagan na tumutukoy sa kabihasnan ng mga Griyego?
A. Hellas C. Hellenistic
B. Hellenic D. Hellenization
2. Alin sa mga sumusunod ang may wastong paglalarawan sa heograpiya ng Greece?
A. Ito ay bulubunduking bansa na may makitid na lambak.
B. Mayroon itong mga malalaking ilog na angkop sa paglalayag.
C. Mayroon itong malalawak na kapatagan na angkop sa pagtatanim.
D. Bahagi ito ng malawak na steppe ng Europe at Asya.
3. Sa anong tangway bahagi ang Greece?
A. Balkan C. Iberian
B. Baltic D. Italya
4. Kung ikaw ay nasa polis sa sinaunang Greece, saang bahagi ka magtutungo kung ikaw ay mamimili?
A. Acropolis C. Citadel
B. Agora D. forum
5. Ang isang tao na tinatawag na “ tyrant” sa sinaunang Greece ay nangangahulugang _________.
A. Mahusay na pinuno C. naluklok dahil sa suporta ng mamamayan
B. Malupit na diktador D. nakapagpagawa ng maraming estruktura
6. Bakit nagiging estadong militar ang Sparta?
A. Nanakop sila ng mga lupain
B. Natakot sila sa pag-aalsa ng mga alipin
C. Nagtatag sila ng malawak na imperyo
D. Naghiganti sila sa Persia
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian na pinapahalagahan ng mga sinaunang
Athenian?
A. Edukasyon C. lakas ng katawan
B. Kagandahan D. malayang pag-iisip
8. Ano ang nagiging pangunahing lungsod-estado ng mga Griyego sa sinaunang panahon?
A. Athens B. Corinth C. Sparta D. Thebes
9. Bakit nagsimula ang Digmaang Greko-Persiano ?
A. Nagtatag ng kolonya ang Athens sa Asia Minor na teritoryo ng Persia.
B. Nagpalawak ng teritoryo ang Persia hanggang sa Balkan Peninsula.
C. Nagtunggali ang Athens at Persia sa kalakalan sa Aegean Sea.
D. Nagpadala ng tulong ang Athens sa kolonya nito na nasa Asia Minor laban sa Persia.
10. Bakit nagwagi ang mga Athenian sa mga Persian sa Labanan sa Marathon?
A. Mas bihasa sa labanan ang mga Athenian kaysa sa mga Persian.
B. Mas marami ang sundalo ng mga Athenian kaysa sa mga Persian.
C. Estratehiko ang lokasyon ng Marathon na pabor sa mga Athenian.
D. Naging epektibo ang estratehiya ng mga Athenian sa pakikipaglaban
11. Ano ang nagiging bunga ng Digmaang Greko- Persiano?
A. Humina ang Imperyong Persian.
B. Naitatag ng Athens ang Delian League
C. Nagkaisa ang Sparta at Athens
D. Naitatag ang Peloponessian League
12. Anong pangyayari ang isinalaysay ni Homer sa kanyang akda na The Iliad?
a. Digmaang Persian c. Ginintuang Panahon ng Greece
b. Digmaang Trojan d. Pagsakop ng Macedonia sa Greece
13. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga ideya ni Socrates?
A. Dapat mamuno sa isang lipunan ang pinakamatalinong tao.
B. Ang demokrasya ang pinakamainam na anyo ng pamahalaan.
C. Ang katotohanan ay batay sa mga pamahiin at sinaunang tradisyon.
D. Dapat suriin ng tao ang kanyang ideya batay sa katotohanan at katwiran.
14. Bakit itinuring si Alexander the Great na kabilang sa isa sa pinakamahusay na heneral sa kasaysayan?
A. Nagging guro niya si Aristotle na isa sa pinakamatalinong tao sa sinaunang panahon.
B. Nagapi niya ang Imperyong Persian at nakuha ang mga yaman nito.
C. Humalili siya sa kanyang ama na isang mahusay na mandirigma at pinuno.
D. Naging hari siya ng mga lungsod- estado sa Greece at Macedonia.
15. Sino sa mga sumusunod ang nagiging mahigpit na diktador na Romano?
A. Sulla B. Cassius C. Julius Caesar D. Pompey
16. Anong uri ng pamahalaan ang nalinang ng mga sinaunang Romano?
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Oligarkiya D. Republika
17. Kung ikaw ay isang plebeian, anong sangay sa pamahalaan ng mga sinaunang Romano maaari kang
mapabilang?
A. Asamblea B. Consul C. Senado D. Tribune
18. Kalian lamang maaaring mamuno ang isang diktador sa pamahalaan ng mga Romano?
A. Kapag namatay ang consul
B. Sa panahon ng matinding krisis
C. Kapag nag-away ang mga patrician at plebeian
D. Sa panahon ng resesyon ng ekonomiya
19. Bakit nagiging mahalaga ang Twelve Tables sa kabihasnan ng mga Romano?
A. Nagsilbi ang mga plebeian sa legion C. Nagsilbi itong gulugod ng Republika
B. Nagkaisa ang plebeian at patrician D. napigilan nito ang digmaang sibil
20. Nagmula ang katagang alea iacta est sa karanasan ni Julius Caesar mula sa kanyang pakikipaglaban sa mga
Patriciang Romano na nangangahulugang _________
A. Mapinsalang labanan c. maagang tagumpay
B. Matagal na digmaan d. wala nang atrasan
21. Aling lungsod ang nagging sentro ng Hellenistic?
A. Alexandria B. Antioch C. Damascus D. Persepolis
22. Bakit naglaban ang Rome at Carthage sa sigalot na tinawag na digmaang Punic?
A. Pagiging makapangyarihan sa Mediterranean
B. Pag-aagawan sa Timog Italy
C. Pagsalakay ng Carthage sa Numidia
D. Pagsalakay ng Rome sa Zama
23. Sino ang Romanong sumulat sa epikong Aenid na tumatalakay sa kasaysayan ng Roma?
A. Virgil B. Nerva C. Trajan D. Marcus Antonius
24. Alin sa mga sumusunod ang ikinamatay ni Alexander the Great?
A. Tama ng bala ng baril B. Labis na paglalasing at kalayawan
B. Pagpapatiwakal D. Sakit na Epidemya
25. Sino ang tumawid sa kabundukan ng Alps upang sugurin ang mga Romano?
A. Hannibal B. Scipio C. Xerxes D. Ptolemy

II - Matching Type.
Panuto : Tukuyin kung sinong Diyos o Diyosa ng mga Griyego ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa Hanay B. Isulat ang titik ng napiling sagot sa tabi ng bilang.
Hanay A Hanay B
1. Artemis a. Diyos ng Kalangitan
2. Dionysus b. Diyosa ng Pamilya
3. Hestia c. Diyos ng Karagatan
4. Hermes d. Diyos ng kabilang buhay
5. Hephaestus e. Diyosa ng pagsasaka
6. Aphrodite f. Diyosa ng karunungan
7. Ares g. Diyos ng Liwanag
8. Apollo h. Diyos ng Digmaan
9. Athena i. Diyosa ng Pag-ibig at kagandahan
10. Demeter j. Diyos ng Apoy
11. Hades k. Ang Tagapagbalita ng mga Diyos
12. Hera l. Diyosa ng mga Tahanan
13. Zeus m. Diyos ng Alak
14. Poseidon n. Diyosa ng Pangangaso

TEST III - – Classifying Chart .


A. Panuto: Tukuyin kung kaninong ambag ang mga sumusunod. Isulat ang malaking titik ng tamang sagot sa
patlang.

A. Minoan C. Athenian
B. Romano D. Spartan
Sagot Mga Ambag
1. Colosseum
2. Larong Marathon
3. Estatwa
4. Amphora
5. Linear A
6. Baraks
7. Demokrasya
8. Tribune
9. Twelve Tables
10. Aqueduct
11. Aeneid

You might also like