You are on page 1of 23

Araling Panlipunan Grade 9

First Quarter

Gawain Bilang
Paksa : Ang mga Kabihasnang Minoan at Mycenaean
Layunin : Nasusuri ang Kabihasnang Minoan at Mycenean

Konsepto:
Ang mga pulo sa Dagat Mediterranean ay naging mga kolonya ng mga
Phoenician at ito ang pinagmulan ng isa sa mga kabihasnan sa Kontinente ng Europe.
Ilan sa mga kabihasnang ito ay ang Kabihasnang Minoan sa pulo ng Crete at ang
Kabihasnang Mycenaean sa lupain ng bansang Greece na nakabatay ang kabihasnan
sa kalakalang pandagat sa mauunlad na mga lungsod-estado na naging pundasyon sa
isa sa mga kabihasna sa Europe.

KABIHASNANG MINOAN:
Nalinang ang kabihasnang ito sa pulo ng Crete halos kasabay ng mga
kabihasnang Asyano malapit sa dagat Mediterranean. Hango ang kanilang pangalan
sa kanilang hari na si Haring Minos ang nagtatag ng kanilang kaharian. Hiniram ng
mga Minoans ang kaalaman ng Mesopatamia, Egypt, at India at kanilang pinagyaman
ayon sa kanilang pangangailangan. Naging sentro sa kaharian ang Lungsod ng
Knossos.
Naging magagaling na mandaragat ang mga Minoans at mga magangalakal. Sa
Knossos ang bagsakan ng kanilang mga produkto mula sa Asya at Egypt at nakagawa
sila ng mga produkto na katulad sa kanilang produkto. Kalakalan ang batayan ng
Kabihasnang Minoan kaya naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Ang
ebedensiya ng kanilang maunlad na kabihasnan ay ang palasyo sa Knossos na
ipinatayo sa dalawang ektarya ng lupa na napapaligiran ng bahay na bato.
Nakipagkalakalan ang mga Minoans sa mga maliliit na estado sa lupain ng Greece.
Kalaunan, bumagsak ang Kaharian ng mga Minoan nang matalo sila ng mga Mycenaean.

KABIHASNANG MYCENAEAN:

Tinalo ng mga Mycenaean ang mga Minoan at naging makapangyarihan sila sa


Dagat Mediterranean, Dagat Aegean, patungong Black sea. Nakapagpatayo ang mga
Griyego ng mga panahanan sa baybayin ng Asia Minor (Turkey) kaya lalong nagiging
maunlad ang kanilang kabihasnang pandagat na nakabase sa pakipagkalakalan sa mga
karatig pook ng Egypt, Asia at mga baybayin ng Black Sea. Pinatatag ng mga
Mycenaean ang mga lungsod-estado na pinag-uugnay-ugnay ng maayos na daanan at
napalibutan ng makapal na pader ang kanilang mga pulo- kolonya upang may
mapagkukunan ng kabuhayan. Sila ang nagpalaganap ng kanilang mga nalalaman sa
ibang estado sa Europe. Sa kalaunan, ginupo sila ng mga Dorian na tinatawag ang
pangyayaring ito na “dark age”.

Pagsasanay:
1. Ano ang naging batayan sa pag-unlad ng kabihasnang Minoan at Mycenaean?
2. Paano mo mapatunayan na mayroong maunlad na kabihasnan Minoan at Mycenaean?

Emelita G. Ayento, Katipunan NHS, Carmen


ARALING PANLIPUNAN GRADE 9
FIRST QUARTER

Gawain Bilang
Paksa : Ang Kabihasnang Klasikal ng Greece
Layunin : Nasusuri ang mahalagang pangyayari sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng klasikal na
Kabihasnan ng Greece.
Konsepto:
Mula sa madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na tinawag ang
nila ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks at kinilala sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic na naging isa sa
pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan na tumagal mula 800 – 400 B.C.E..
Ang kanilang pagtago sa mga gilid ng mga burol at sa tuktok ng bundok upang maprotektahan ang
kanilang sarili mula sa pagsalakay ay naging isang pamayanan at naging simula ng lungsod-estado o polis na
binubuo ng 5000 na kalalakihan. Karamihan sa mga polis ay may acropolis o mataas na lungsod at mga agora.
Nangunguna sa mga ito ay ang Lungsod ng Sparta at Athens.

SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA MANDIRIGMA


 Ang Sparta ay itinatag ng Dorian sa Peloponnesus na umaasa sa pagsasaka ng mga Helot dahil sa..
1. magandang klima, 2, sapat na patubig, 3. matatabang lupa
 Mga hakbang na ginawa ng Sparta sa pagtupad ng militarismong pamahalaan
 Habang sanggol,
 kung sakitin, dalhin sa paanan ng bundok at hayaang mamatay doon.
 kung malusog, hayaan na magkipaglaro sa ibang kabataan.
 Sa edad na pitong taon, dinadala sila sa kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina
at serbisyo militar at makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon lamang;
 Sa edad na 20, ang kalalakihan ay maging sundalong mamamayan na ipinapadala
sa mga hangganan;
 Sa edad na 30, inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat kumain at maninirahan sa kampo
na hati sa gastos;
 Sa edad na 60, maaring maretiro na.
 Mga karapatan ng mga kababaihang Spartan:
 mag-asikaso ng mga lupain habang ang asawa ay nasa kampo;
 nangunguna sa mga palakasan;
 malayang nakihalubilo sa mga kaibigan ng kanilang asawa at manood ng mga palaro.
 Sparta ang may pinakamahusay na sandatahang lakas sa daigdig namay hukbo na tinaguriang Phalanx.

ATHENS, ANG DEMOKRATIKONG LUNGSOD-ESTADO:


 Maliit na bayan sa Greece na tinawag na Attica na dahil ang lupa ay di angkop sa pagsasaka,
ang mga mamamayan ay
 nagtatrabaho sa mga minahan;
 gumawa ng mga ceramics;
 naging mga mangangalakal o mandaragat
 Mga namumuno sa paglinang ng demokrasya sa Athens
 Draco – isang tagapagbatas na sumulat ng batas dahil sa hiling ng aristokrata
o nagbibigay ng pagkakapantay-pantay sa lipunan
o nagbabawas ng mga karapatan sa mga namumuno
 Solon – mula sa pangkat ng aristokrata na yumaman dahil sa negosyo na gumawa ng reporma
o ginawang ilegal ang pag-aalipin dahil sa utang;
o lahat ng lalaki na ang magulang ay Athenian ay maging hurado sa korte;
o nagbigay kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao
 Pisistratus – mayaman ngunit nakuha niya ang suporta at tiwala ng karaninwang tao dahil
sa radikal na mga pagbabago sa pamahalaan:
o ipinamahagi sa karaniwang tao ang lupang sakahan sa mga magsasaka;
o nagbigay ng pautang;
o nagbukas ng malawakang trabaho sa malaking proyektong pampubliko.

Pagsasanay:
1. Sa iyong pagsusuri, matatanggap mo ba ang ginawa ng pamahalaan ng Sparta sa kanyang mamamayan?
Pangatuwiranan.

Vernon P. Batabat Ll. B., Lourdes NHS, Panglao


Araling Panlipunan 9
First Quarter
Gawain Bilang
Paksa : Ang Kabihasnang Klasikal ng Greece
Layunin : Nasusuri ang mahalagang pangyayari sa Digmaang Graeco-Persia, Ginintuang Panahon
ng Athens at mga natatanging Griyego.
Konsepto:
Bagama’t binubuo ang Greece ng iba’t ibang lungsod-estado, malaya ang isa’t isa at iisa lamang
ang wika at kultura ang pinapairal. Naranasan nila ang banta at paglusob ng mga mananakop, nanalo,
sumikat, at nagupo ngunit nakapag-iwan ng mahalagang tala sa kasaysayan.
Ang Digmaang Graeco-Persia (499-479 BCE)
 Sa Marathon, unang sinalakay ng Persia sa pamumuno ni Darius ang Marathon ngunit tinalo ng
25,000 ng pwersang Athens ang 10,000 na pwersa ng Persia.
 Sa Thermopylae, pinamunuan ni Xerxes ng Persia ang isang madugong labanan sa Thermopylae,
ngunit sa pamumuno ni Haring Leonidas ng Greece, dumanak ang dugo ng mga Persiano sa loob
ng tatlong araw. Dahil sa pagtraydor ng isang Greek na nagturo sa mga Persiano sa lihim na
daan patungo sa kampo ng Greek, namatay ang karamihan ng mga sundalo ni Haring Leonidas.
 Sa Salamis, pinamumunuan ni Themistocles ang Athens laban sa hukbo ni Xerxes sa
dalampasigan ng Salamis gamit ang maliit na barkong Triremes na bumabangga-bangga sa
malaking barko ng Persia hanggang sa mabutas at isa-isang lumubog at ang iba ay tinalo ng
alyasa ng Athens; Sparta, Corinth, at Megara.
Ginintuang Panahon ng Athens
Nang nanalo ang Athens sa Persia sa panahon ni Pericles, itinatag nito ang Delian League na naging
dahilan sa pagiging isang imperyo nito. Hindi nagustuhan ng Sparta ang pagkontrol ng Athens sa Delian
League kaya bumitiw ang ito at nagtatag ng sariling alyansa na Peloponnesian League na naging simula
ng Digmaang Peloponnesian na umabot sa dalawampu’t pitong taon at nagbigay ng malaking trahedya
ng Greece at pagbagsak ng imperyo. Sa kalaunan, tinalo ni Philip ng Macedon ang Athens at Thebes na
hudyat ng pagtapus ng kapangyarihan ng Greece.
MGA NATATANGING GRIYEGO
 sa Arkitektura – Ionian, Doric, at Corinthian
Parthenon isang marmol na templo handog kay Athena na itinayo nina Ictinus at Calicrates
 sa Iskultura
 Phidias, pinakadakilang iskultur na gumawa ng estatuwa ni Athena at Zeus.
 Collossus of Rhodes ni chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal sa Seven
Wonders of the Ancient World
 sa Kasaysayan
 Herodotus tinanghal na “Ama ng Kasaysayan” na ang obra maestra ay ang Kasaysayan
ng Digmaang Persian.
 Thucydides sumulat ng Anabis na martsa ng Greek mula sa Babylon hanggang Black Sea
 sa Medisina
 Hippocrates kilala bilang “Ama ng Medisina” na pinakadakilang manggagamot.
 sa Agham at Pilosopiya
 Thales ng Militus naniniwala na ang sandaigdigan ay mula sa tubig, ang pangunahing
elememto ng kalikasan.
 Pythagoras naniniwala na ang bilang na tatlo, lima, at pito ay maswerteng numero.
 sa Politika
 Socrates tumuligsa sa mga Sophist naniniwala na mahalaga na kilalanin ang sarili.
 Plato sumulat ng The Republic tungkol sa katangi-tanging polis at ang uri ng pamahalaan
ay nakapagbibigay ng kaligayahan sa mamamayan nito.
 Aristotle sumulat ng The Politics na tumalakay sa iba’t ibang uri ng pamahalaan at kilala
siya na “Ama ng Biyolohiya”.

Pagsasanay:
1. Sa iyong palagay, kailangan bang magkaroon muna ng digmaan bago makuha at makamit ang
isang Kabihasnan?

Geraldine L. Paslon, Fatima NHS, Cortes


ARALING PANLIPUNAN GRADE 9
First Quarter

Gawain bilang
Paksa : Mga Kabihasnan sa Africa
Layunin : Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga Kabihasnan sa Africa.

Konsepto:
May apat na uri ang rehiyong ekolohikal ng Africa, ang mga lupain sa baybay-dagat, ang
disyerto, ang mga savanna, at ang mga ilog.

Ang mga Kabihasnan sa Kanlurang Africa


 Ghana (400- 1235 CE)
 itinuring na banal at may tanging karapatan makipag-usap sa Dios;
 ipinakita ng hari ang kayamanang ginto sa pamamagitang ng malagintong paligid,
gingtong armas ng sundalo, prinsipe at tagapayo may gintong kasuotan, may gintong
damit ang kabayo, at kwelyo ng aso may ginto.
 Mali (1235-1466)
 sumikat sa pamamahaala ni Sundiata;
 sa pamumuno ni Mansa Musa, ipinakita ang kanyang kayamanan nang pinabaha niya ng
ginto sa Cairo sa pamimigay ng siya ay bumisita at
naging tagapagtustus ng gintong Guinea sa Europe.
 Songhai (1468-1590)
 namumuno si Sunni Ali sa loob ng 35 taon na di matagumpay dahil lumaki siya sa pook
tirahang rural at di niya maunawaan ang nasa pook tirahang urban a dahilan na ipinapatay
niya ang mga nagsipag-alsa.
 lumawak ang kabihasnan sa pamumuno ni Askia dahil siya ay mahinahon, may
malambot na puso, at mabuting makitungo.

Ang mga Kabihasnan sa Silangang Africa


 Zimbabwe:
 itinuring na banal ang hari at inaasahang kapag may nakakahawang sakit,
bibitiw sa kanyang tungkulin para di makahawi;
 naninirahan sa paligid ng palasyo ang mga alipin, magsasaka, katulong,
sundalo at kanilang pamilya.
 Kanem Bornu:
 itinatag ni haring Saif sa dakong silangan ng Lake Chad;
 sa pamumuno ni Haring Idris Alooma noong 1580 lumakas ang kaharian dahil
namigay siya ng kabayo at baril sa kanyang sundalo para mapangalagaan
ang kaharian.
 Hausa:
 itinatag sa dakong hilaga ng Nigeria na ang kabisera ay Soloto;
 pangangalakal ang pangunahing hanapbuhay at garing, katad at kola ang mga
pangunahing produkto.
 Asante:
 itinatag sa pangunguna ng dalawang pinuno na sina Oser Tutu at
Okomfo Akokye;
 pinili ang mga opisyal ayon sa kakayahan at hindi sa katayuan sa buhay.

Pagsasanay:
Ano ang masasabi mo sa mga namumuno ng mga kabihasnan sa Kanluran at Silangang Africa?

Leizel E. Barahan, San Jose NHS, Talibon


ARALING PANLIPUNAN Grade 9
First Quarter

Gawain bilang
Paksa : Ang mga Kabihasnan sa America
Layunin : Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng lipunan ng mga kabihasnang naitatag sa
America.

Konsepto:
Ang kabihasnan ay hindi lamang naitatag sa Asya, Africa, at Europa kundi pati sa America.
Sumibol ang mga kabihasnan sa Timog America, Mesoamerica at Hilaga America

Kabihasnan sa Hilagang America


 Eskimo
 pangunahing hanapbuhay ay pangingisda at pangangaso;
 Igloo bahay na yari sa putik ang ebedensiya sa maunlad na kabihasnan.
 Pueblo Indian
 bahay ay yari sa abobe at may ilang palapag;
 may Totem Pole na sa itaas ay may pigura ng hayop dahil sa paniniwala na ang
ispiritu ng hayop ay gumagabay at sumusubaybay sa buong pamilya;
 katulong sa pamamahala ang konseho ng mga matatanda;
 mapayapa na tao, ngunit kung mapasabak sa digmaan, may ritwal para maiaalis ang
karanasan sa digmaan.

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica


 Olmec
 nangangahulogang “rubber people” dahil unang gumamit ng dagta.
 mula sa kanila ang larong Pok-a-tok.
 kilala sa paglilok ng ulo sa bato at estrakturang hugis pyramide.
 Maya:
 Nagsimula sa kagubatan ng Peten isang probinsya sa Guatemala
 naninirahan sa maliit na pamayanan na pinamumunuan ng “halach uinich” tunay na lalaki
 mahilig sila sa pista at palaro at ang paboritong laro ay pok-ta-pok (pok-a-tok),isang uri
ng basketbol
 Aztec
 naitatag sa Central America partikular sa lambak ng Mexico.
 ang punong lungsod nito ay tinawag na Tenochtitlan, sa lungsod ng Mexico sa kasalukuy
 Obsidian ang kanilang gamit at sandata na yari sa matutulis at itim na bato;
 Chinampas o patanimang nakalutang sa tubig
 Quetzalcoatl ang kanilang panginoon na minsa’y dumalaw at nagsasabing babalik;
 natalo ang kanilang emperador na si Montezeuma ni Hernando Cortez noong 1521 dahil
napagkamalan nila si Cortez na ang kanilang panginoong nagsasabi na
babalik.

Kabihasnan sa Timog America


 Inca:
 sumasaklaw ang lupain ng Inca sa lupain ng peru, Ecuador, Bolivia, Chile, at
Argentina.
 ang emperador ay pinaniniwalaan nila na kinatawan ng diyos ng araw at ng lupa
kaya sinasamba;
 Chicha ang beer na madalas nilang iniinum na mula sa mais;
 ginupo ng mga Espanyol ang mga Inca sa pamumuno ni Francisco Pizarro.
 makikita pa sa kasalukuyan ang mga labi ng sinaunang lungsod ng Inca sa
Manchu Piccho ang mga guho ng templong granite, mga palasyo, bahay at sundial.
Pagsasanay:
1. Anu-ano ang mga kabihasnang nabuo sa America?
2. Paano nabubuhay ang mga tao sa sinaunang kabihasnang nabuo sa America?

Geraldine L. Paslon, Fatima NHS, Cortes


ARALING PANLIPUNAN 9
Second Quarter

Gawain bilang
Paksa : Ang mga Pulo sa Pacific
Layunin : 1. Nasusuri ang Kabihasnang Klasikal sa mga Pulo sa Pacific.
1. Napahahalagahan ang kaugalian ng lipunan ng Kabihasnang Klasiakl sa mga
Pulo sa Pacific.
Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar, Ed. D, et al, pahina 123-125

Konsepto:
Ang mga Pulo sa Pacific o Oceania ay binubuo ng 20,000 – 30,000 pulo na nakakalat sa Pacific
Ocean. Marami sa mga pulo ay may mababang lupa at maulan. Natatakpan ng makapal na gubat ang New
Guinea, Solomon Islands at Vanuatu.
Tinawag ng mga manggagalugad na “Garden of Eden” ang mga Pulo sa Pacific dahil sa likas na
yaman nito. Turismo ang pinakamahalagang industriya sa maraming pulo tulad ng Tahiti, Hawaii, Samoa,
at iba pa.

Mga pangkat ng mga Pulo sa Pacific:

 Melanesia: ang Black Island


o Nasasakop ang Fiji, Papua New Guinea, New Celedonia, Norfolk Inslands, Solomon
Islands, at Vanuatu;
o Papuan ang tawag sa karamihan ng mga taga-Melanesia;
o Sa New Guinea, may naninirahan hanggang ngayon na katulad pa sa Panahon ng Bato;
o Mga mahusay na manlililok at manggagawa ng palayok at an g ang New Guinea at
mahilig sa musika.

 Polynesia: ang Maraming Pulo


o Mga nasasakop ay Hawaii, Ester Island, American Samoa, Tonga,
Tuvalu, French Polynesia, Western Samoa, New Zealand,
Cook Islands, Kiribati, at Midway Islands;
o Naniniwala na lahat na bagay na may buhay o wala ay banal at may himalang
kapangyarihan;
o Bawal ang paghipo sa pinuno dahil magkakasakit at maaring mawala kung kakatay
ng karaniwang tao;
o Hawaii at Tahiti ang mga pangunahing pulo.

 Micronesia: ang Maliliit na Pulo


o Mga nasakop ay ang Carolinas, Wake Islands, Marshall, Gilbert, Nauru,
Marianas, Guam, at Palau;
o Karamihan ay mga pulo ng Coral at napaligiran ng niyog;
o Mga mahusay silang mandaragat;
o Katulad ng mga Polynesia, sila ay mahilig sa Tattoo.

Pagsasanay:
1. Bakit tinawag na mga Pulo sa Pacific?
2. Sa dalawang pangungusap, ano ang masasabi mo sa paniniwala ng mga Polynesian tungkol sa
mga bagay at kanilang pinuno?

Vernon P. Batabat, LL B.
Lourdes National High School
Panglao, Bohol
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain bilang
Paksa : Ang Kabihasnang Klasikal ng Rome
Layunin : 1. Nasusuri ang mahalagang pangyayari sa pag-unlad ng kabihasnang klasikal ng Rome
2. Naipaliliwanag ang mahalagang pangyayari sa Kabihasnang Klasikal ng Rome.
Konsepto:
Nagsimula ang kasaysayan ng Rome ayon sa alamat ng isang kambal na sina Romulus at
Remus na ipinaanod sa Ilog Tiber ng kanilang tiyuhin sa takot na angkinin ang kanyang trono ngunit
sinagip at inaruga ng isang babaeng lobo, lumaki, inangkin ang trono at itinatag ang Rome sa pangpang
ng Ilog Tiber noong 753 B. C. E..
Tinalo ng mga Etruscan ang mga Romano at unang tinuruan sa pagpatayo ng gusaling may
arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng sandata sa pakikipagdigma, pagtanim ng
ubas, at paggawa ng alak.
Pagtatag ng Republikang Romano:
Naitatag ang Republikang Romano ni Lucius Junius Brutus nang kanyang naitaboy ang huling
haring Etruscan na si Tarquinius Superbus.
Tagumpay ng Plebeian laban sa Patrician:
 Nagmartsa ang mga Plebian para matamo ang pantay na karapatan sa buong Rome at patungo sa
Banal na Bundok na ikinatakot ng Patrician baka magalit ang panginoon.
Paraan ng sagot ng Patrician sa hinaing ng Plebeian:
 Sinuyo ng Patrician ang Plebeian na ihinto ang pagmartsa dahil..
o patawarin sa dati nilang utang;
o pagpapalaya sa mga naging alipin;
o paghalal ng dalawang Plebian bilang tribune sa senado;
Resulta sa pagmartsa ng Plebeian:
o Nakagawa ng kauna-unahang Batas Romano na tinawag na “Law of the Twelve Tables”,
na ang mga probisyon ay:
 bawasan ang panlilinlang sa mga Plebeian;
 napagkalooban sila ng karapatang makapag-asawa ng Patrician;
 mahalal na konsul; at
 maging kasapi ng Senado.
Paglaganap ng kapangyarihan ng Rome
Digmaang Rome at Greece:
 Sa unang digmaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy, nagwagi ang Greece dahil sa tulong ni
Alexander the Great kay Haring Pyrrus gamit ang mga elepanteng pandirigma na pinakamahal na
tagumpay o Pyrrhic Victory, ngunit sa ikalawang digmaan nito na naganap sa Beneventum,
nanalo ang Rome at naging reyna ng peninsula ng Italy.
Digmaang Romano at Carthage (Tunis ngayon) o Digmaang Punic:
 Unang Digmaang Punic –
o Bagamat walang malakas na plota ang Rome, tinalo nito ang Cathage noong 241 BCE.
o Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang mga sundalo na maging magagaling na
tagapagsagwan. Naanalo at bilang tanda , sinakop nito ang Sicily, Sardinia, at Corsica.
 Ikalawang Digmaang Punic
o Nagsimula noong 218 BCE nang salakayin ni Hannibal ang lungsod ng Saguntum sa
Spain na kaalyado ng Rome.
o Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang Timog France at Bundok Alps kasama ang 40,000
sundalo para makarating sa Italyat nanato sa Cannae.
o Sa pamumuno ni Scipio Africanus sa Rome, sinalakay ang Carthage at walang nagawa si
Hannibal sa pagsagip sa kanyang kababayan.
o Natalo si Hannibal labanan sa Zama noong 202 BCE at nagkaroon ng kasunduangg
pangkapayapaan na sirain ng Carthage ang plota at isinuko ang Spain at magbayad ng
buwis taon-taon.
 Ikatlong Digmaang Punic
o Dahil sa impluwensya ni Marcus Porcius Cato sa Senado at publiko an gn ng Carthage,
winasak ng Rome ito, sinunog at ipinagbili ang mamamayan bilang alipin.
Tagumpay ng Rome sa Silangan
Tinalo rin ng Rome ang Macedonia, Greece at lahat ng lupain sa baybay-dagat ng Mrditerranean.
Vernon P. Batabat Ll B, Lourdes NHS, Panglao
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter
Gawain bilang
Pamagat : Rome: Tungo sa Imperyong Romano
Layunin : Naipaliliwanag ang mahahalagang pangyayari sa pagtatapos ng Republika at Pagtatag
ng imperyo.
Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig, Mateo, Grace et. Al., Pahina 133-137.
Konsepto:
Naging makapangyarihan ang Rome sa buong Italy dahil sa sunod-sunod na pagwawagi sa
digmaan. Nagdulot ito ng pag-agawan ng mga heneral sa kapangyarihan na nauwi sa mga labanan at
digmaang sibil.
Ang Pagkatatag ng Unang Triumvirate
® Pinilit lunasan ng mga Heneral ng hukbo ang kaguluhan dulot ng mga digmaang sibil.
® Itinatag ang Unang Triumvirate-ang alyansa ng tatlong tao na sabay mangangasiwa sa
pamahalaan.
 Crassus  pinakalma niya ang rebelyon ng mga alipin.
 Pompey  nagtagumpay sa pagsakop sa Spain.
 Julius Caesar  naging gobernador ng Gaul ( France ) nagtagumpay na mapalawak
ang hangganan ng Rome sa France hanggang Belgium.
 pinaslang siya sa loob ng senado noong Maarch 15, 43BCE nina
Crassus at Brutus ang katunggali niya sa senado sa takot ma
maghari siya ng Rome.
Ang Pagtatag ng Ikalawang Triumvirate
 Marcus Lepidus hinawakan ang kapangyarihan sa Gaul at Spain, hinikayat niya ang rebelyon
sa Sicily upang labanan si Octavius at Mark Antony ngunit di nagtagumpay.
 Mark Antony  namuno sa Egypt at nahumaling kay Cleopatra ang Reyna ng Egypt. Nang
mabalitaan na pinagkaluoban niya ng lupain si Cleopatra tinugis siya ni Octavius.
 Octavius  Sa labanan sa Actium, Greece tinalo ni Octavius ang magkaanib na pwersa
ni Mark Antony at Cleopatra. Parehong nagpakamatay ang dalawa.
 bumalik siya sa Rome at nangakong buhaying muli ang Republika.
Ang Imperyong Romano
 Ang digmaan sa Actium nagwakas sa Republika at nagbigaydaan sa pagkatatag ng Imperyong
Romano. Sa pagbabalik niya sa Rome ginawaran siya ng senado ng mga titulong:
Augustus – kapita-pitagan; Imperatur – heneral; Princep – Unang Mamamayan, at
Caesar- Emperador
 Itinuring ang kanyang pamumuno na ”Ginintuang Panahon ng Rome”
 45 taong mahuhusay at matalinong pamumuno; umunlad ang sining at panitikan;
napanatili ang katahimikan; napanatili ang kasaganaan ng Rome
Ilan sa mga ginawa ni Octavius sa kanyang pamumuno:
 hinirang ang malapit at may kakayahang mamuno sa lalawigan;
 inalis ang sistemang pagbubuwis itinaguyod ang pagsasaka at kalakalan;
 nagtayo ng lansangan at mga gusali na yari sa marmol;
 simula ng mahabang talaan ng mga emperador ng Rome.
Mga mabuting pinuno ng Imperyong Romano:
 Nerva – tinaguriang “Era of Good Feelings”;
 Trojan – natamo ng imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan;
 Hadrian – pinagtibay ang mga moog at hangganan – pader ni Hadrian sa England;
 Antoninus Aurelius – nagbigay ng isang prinsipyo ng hustisya, ang taong nagkasala ay ipalagay
na walang sala habang di pa napatunayan sa paglilitis;
 Marcus Aurelius – ipinahiwatig niya ang dapat may kahinahunan taliwas sa karahasan ng mga
labanan.
Pagsasanay:
1. Paano naitatag ang Imperyong Romano?
2. Ano ang papel ni Octavius Augustus sa Imperyong Romano at ano-ano ang kanyang ginawa sa
pagpapalakas nito? Sylvia Q. Dogoy, Hanopol NHS, Balilihan
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain bilang
Paksa : Panahon ng Karimlan: Pagbagsak ng Imperyong Romano
Layunin : Nailalahad ang mga dahilan sa pagbagsak ng Imperyong Romano.
Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig, Mateo, Grace et. Al., pahina 166-175

Konsepto:
Ang panahon ng Pax Romana ay itinuring na katanyagan ng sibilisasyong Griyego-Romano. Ito ay
tumutukoy sa pagtamasa ng kapayapaan, kahusayan at kaunlaran ng buong imperyo. Ngunit sa kabila
ng kapayapaan at kaunlaran, nagwakas ang kaayusan sa daigdig ng mga Romano nang bumagsak ang
imperyo at ito ay itinuring sa kasaysayan na Panahon ng Karimlan.

Sa pagbagsak ng Imperyong Romano noong 476 C.E:


® nawasak ang sentro ng populasyon sa Kanlurang Europe.;
® nawalan ng kakayahang ipagtanggol ang sarili sa mga lumusob na mga barbaro.

Mga salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano:


 Kakulangan ng tapat ay may kakayahang pinuno
o ang iba ay marahas o kaya’y mahina na uri ng pinuno,
o may sira ang ulo ng ilan;
o maraming pinatay ng Praetorian Guard;
o ang iba ay binili ang korona;
o ang mga sundalo nakialam sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
 Paglubha ng krisis pangkabuhayan dahil sa…
o Bubonic Plague na kumitil ng 10 milyong tao;
o maluhong gastos ng emperador at ang kanyang korte;
o pagpapaligsahan ng mga emperador sa paggawa ng proyekto na pang-aliw.
 Paghina ng Hukbong Romano
Nakilala ang mga hukbong Romano sa disiplina at kakayahan ngunit nagbago
sa panahon ni Severus
o binigyang-layaw ang mga sundalo sa paniniwalang manatili sa trono;
o tinaas ang rasyong an g at pinayagang maninirahan kapiling ang pamilya.
 Pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayang Romano
o naging isang pabigat ng itinaas ni Emperador Aurelius ang buwis ng bayan;
o nawala ang dating kabantugan ng Senado.
 Pagbaba ng moralidad ng mga Romano
 Pagsalakay ng mga barbaro sa Rome
Sa panahon na namatay si Constantine, hinati ang kanyang imperyo nina Arcadius at
Honorius na dahilan sa paghina nito at sinalakay ng mga barbarong:
 mga Visigoth, Vandals, Aleman, at Ostrogoths.

Pagsasanay:
1. Ilahad sa dalawang pangungusap ang mahalagang kaganapan sa Panahon ng Karimlan.
2. Maglahad ng tatlong mahalagang aral sa pagbagsak ng Imperyong Romano.

Emelita G. Ayento, Katipunan NHS, Carmen


Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Pamagat : Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Paglakas ng Europe sa Panahong
Medieval
Layunin : 1. Naisa-isa ang mga salik na nagpalakas sa Europe sa Panahong
Medieval.
2.Naipaliliwanag ang mga pangyayari sa Europe sa Panahong Medieval
na nakatulong sa paglakas nito.

KONSEPTO

Sa pagbagsak ng karangyaan ng Imperyong Romano pansamantalang natigil


ang kaunlaran, katanyagan at karunungan. Sa kabila nito, may mga mahahalagang
pangyayari na nagbigay daan sa panibagong kaunlaran na tinaguriang Kabihasnang
Medieval sa Europe.

Ang mga sumusunod na pangyayari ang nagbigay daan sa paglakas ng Europe:

© Ang palakas ng Simbahang Katoliko Bilang Institusyon sa Gitnang


Panahon.
© Ang Holy Roman Empire.
© Ang paglunsad ng mga Krusada.
© Ang Institusyong Pyudalismo at Manoryalismo
© Pag-unlad ng mga Bayan at Lungsod

PAGSASANAY:

1. Magbigay ng dalawang pangyayari na nagbigay daan sa paglakas ng Europe.


2. Ipaliwanag ang inyong napiling sagot.

Mrs. Sylvia Q. Dogoy


Hanopol National High School
Balilihan, Bohol
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Pamagat : Ang Mga Krusada
Layunin : 1. Nasusuri ang dahilan sa paglunsad ng mga Krusada.
3. Nahihinuha ang positibo at negatibong epekto ng mga Krusada.
Konsepto:
Sa pagsapit ng middle ages, naging makapangyarihan ang Simbahang Katoliko
at naitatag ang Holy Roman Empire sa ilalim ng emperador na may basbas mula sa
Santo Papa. Kasabay ng paglakas ng Simbahang Katoliko, namayani rin ang
kapangyarihan ng mga Muslim sa Asya nang napasakamay nila ang Herusalem at
pinagbabawalan ang mga Kristiyano na makabisita rito.

Mga dahilan ng Krusada:


 bawiin ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim;
 nabahala ang Simbahan sa mabilis na paglaganap ng Islam;
 paglapastangan ng mga Muslim sa Banal na Libingan ni Kristo sa Herusalem.

Mga positibong epekto ng Krusada:


 paghina ng Pyudalismo;
 paglitaw ng mga bayan at lungsod;
 pinalawak nito ang kaalaman ng emperador sa maraming bagay;
 pagpapalitan ng mga kultura, kalakal at kaalaman.

Mga negatibong epekto ng Krusada:


 kakulangan ng pagkakaisa at pagtutulungan;
 kakulangan ng mga sasakyang magagamit;
 kulang sa kaalaman upang isagawa ang misyon;
 marami sa mga kasapi ang walang tunay na hangarin kundi pang-personal
lamang.

Pagsasanay:

1. Bakit inilunsad ang mga Krusada?


2. Sa iyong sariling pang-unawa, ano ang maitutulong sa pagkakaisa at pagtutu-
lungan sa pagsagawa ng anomang an g? Ipaliwanag.

Leizel E. Barajan, San Jose NHS, Talibon


Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Pamagat : Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Bayan at Lungsod
Layunain : Nailalarawan ang mga dahilan sa pag-usbong ng mga bayan at
lungsod, ang mga pagbabagong dulot, at mga pamana nito sa
kabihasnan.
Konsepto:
Sa panahon ng Dark Ages, nawalan ng sigla ang kalakalan, humina ang
produksyon at nauntol maging ang pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng buhay.
Maraming institusyong nagbigay-sigla upang makabangon sa panghina ang Europe.

Mga dahilan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod:


 pananaig ng impluwensya ng Simbahan;
 ang pagsigla ng kalakalan dulot ng Piyudalismo;
 ang mga Krusada;
 ang mga perya.

Mga pagbabagong dulot sa pagsibol ng mga bayan at lungsod:


 paggamit ng mga negosyante ng malalaking layag at sagwan;
 pinabilis ng barko ang paglalayag at pangangalakal;
 pagsimula ng malawakang pagsososyo at pamumuhunan ng mga Italyano;
 pamumuhunan ng pamilya;
 pagtatag ng samahan ng mga an gn;
 pagsimula ng moneyed-economy.

Mga pamana ng bayan at lungsod:


 Naging sentro ng kalakalan at industriya ang mga bayan at lungsod;
 Naging sentro ng kultura ang mga bayan at lungsod lalong-lalo an g
sining- pagpinta, eskultura, at arkitektura;
 Naging saligan ng kalayaang pulitikal ang mga bayan at lungsod;
 Paglitaw ng mga Burges;
 Sa mga bayan at lungsod sumikat ang malayang kaisipan.
Pagsasanay:
1. Ilahad ang kaganapan bago umusbong ang mga bayan at lungsod.
2. Sa dalawang pangungusap, ilahad ang mga dahilan sa pag-usbong ng mga
bayan at lungsod.
3. Ipaliwanag ang pagbabagong dulot ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod.

Mrs. Sylvia Q. Dogoy


Hanopol National High School
Balilihan, Bohol
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Pamagat : Paglakas ng mga Bourgeoisie-Pagsilang ng Merkantilismo
Layunin : 1. Nakapagbibigay ng katuturan ng bourgeoisie at merkantilismo; at
3. Napahahalagahan ang mga impluwensya ng mga burges at mga epekto
ng merkantilismo.
Konsepto:
Marami ang mga salik na nagpatatag ng daan tungo sa paglakas ng Europe.
Mahalaga ang ginampanang papel ng mga bourgeoisieat ang pagsilang ng
merkantilismo sa paglakas ng Europe. Sa pagsigla ng kalakalan, umunlad ang
ekonomiya ng mga bansa sa Kanlurang Europe na nagbunsod sa pag-aagawan ng mga
kolonya upang may mapagkukunan ng mga ginto at pilak.
ANG MGA BOURGEOISIE
Ang mga Bourgeoisie ay mga mangangalakal, mga banker, at mga
propesyunal bagaman may salapi, hindi naman nabibilang sa mga lipi ng
maharlika at kaparian. Sila ay nakapagbubuo ng bagong uri ng lipunan na
panggitnang uri.
Impluwensiya ng mga Bourgeoisie:
 umaasa sa kanilang suporta ang mga ministro ng pamahalaan;
 naiimpluwensiyahan nila ang paggawa at pagpapatupad ng mga
patakaran;
 namumuno sila sa kilusang teknikal at pagbabagong pampulitika; at
 nakapag-iimpluwensiya sila sa kultura ng bansa.
PAGSILANG NG MERKANTILISMO
Ito ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay-diin sa akumulasyon ng ginto
at pilak, pagtatag ng mga kolonya, at regulasyon ng kalakalang panlabas upang
pakinabangan ng bansang mananakop.
Ilan sa mga epekto ng Merkantilismo:
 nagbigay-daan sa pag-aagawan ng kolonya at nakapagpalakas sa kapang-
yarihan ng mga bansang mananakop lalo na sa mga hari;
 humantong sa mga labanan sa dagat ang pagnanasa ng mga bansang Eu-
ropeo sa kayamanan ng mga kolonya;
 pagpapatupad ng pamahalaan ng patakaran na dapat isulong ang paglu-
luwas ng kalakal at hindi ang pag-angkat nito;
 tumaas ang presyo at butaw ng mga produktong galing sa ibang bansa; at

Pagsasanay:

1. Ano ang Bourgeoisie at ang Merkantilismo?


2. Alin sa dalawa ang higit na nakatulong sa paglakas ng Europe, ang mga
bourgeoisie o ang merkantilismo? Pangatuwiran.

Mrs. Sylvia Q. Dogoy


Hanopol National High School
Balilihan, Bohol
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Pamagat : Pagtatag ng National Monarchy
Layunin : 1. Nailalahad ang kahulogan ng National Monarchy; at
2.Nasusuri ang mga salik sa paglakas ng hari at ang pagsisimula ng
National Monarchy.

Konsepto:
Marami ang palatandaan sa paglakas ng Europe. Isa sa mga ito ay ang
pagtatatag ng National Monarchy. Ang National Monarchy ay nangangahulugang
pamumuno ng isang hari o reyna sa isang bansa.

Mga salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Hari sa Europe:


● marami ang maharlikang sumama sa Krusada na hindi na nakabalik;
● ang pagsibol ng mga bayan at lungsod; at
● ang pangungulekta ng pamahalaan ng buwis.

Simula ng National Monarchy sa Kanlurang Europe:


 binigyan ng Simbahang Katoliko ang hari ng Franks ng titulong emperador;
 kinoronahan ni Papa Leo III si Charlemagne bilang Banal na Emperador ng mga
Romano;
 sa France sa panahon ni Philip Augustus, pinag-isa niya ang bansa noong 1202
nang tinalo at binawi niya ang naging teritoryo ng Ingles;
 sa Spain panahon ni Haring Ferdinand at Reyna Isabella, pinaalis nila ang mga
maharlika sa pamahalaan at sila ang naghirang ng opisyal ng simbahan;
 sa Spain panahon ni Haring Philip II, lumakas ang kapangyarihan ng isinanib sa
Spain ang Portugal.

Mga Pagsasanay:
1. Ano ang National Monarchy?
2. Bakit lumakas muli ang monarkiya sa Europa?

Mrs. Sylvia Q. Dogoy


Hanopol National High School
Balilihan, Bohol
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Paksa : Ang Renaissance
Layunin : 1. Nabibigyang-kahulugan ang Renaissance at nailalahd ang mga bunga nito.
2.Napahahalagahan ang mga dakilang humanista, ang kanilang mga mahalagang
obra maestra, at mga bunga sa Panahon ng Renaissance.
Konsepto:
Nagsimula ang Panahong Renaissance noong 1300 at nagtapos noong 1600. Ang
Renaissance ay ang muling pagkamulat, pagpapanibago o revival, o muling pagsilang sa kulturang
klasikal ng Greece at Rome na nagbibigay-diin sa kahalagahan at kakayahan ng tao o pagbabalik-sigla
sa kasalukuyang buhay at mga material na bagay mula sa mga pangangailangang ispirituwal noong
panahong medieval. Ito ay transisyon mula medieval patungong modernong panahon. Itinuturing itong
isa sa pinakadakilang panahon sa kasaysayan sa larangan ng sining na nagsimula sa Italy.
Mga dahilan na sa Italy nagsimula ang Renaissance:
 pinagmulan ito ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano sa mga
Romano kaysa alinmang bansa sa Europe;
 dahil sa pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahuhusay sa sining at mga
masigasig sa pag-aaral.

Mga Humanista sa Panahon ng Renaissance at ang kanilang mga Obra Maestra


Mga Humanista Larangan Kontribusyon/Obra maestra
Francesco Petrarch Panitikan Ama ng Humanismo, gumawa ng Song Book na koleksyon ng sonata ng pag-ibig
Giovanni Boccacio Panitikan Decameron – koleksyon ng 100 nakatatawang salaysay
Niccolo Machiavelli Panitikan The Prince – pilosopiyong pulitikal na dapat gumamit ang hari ng katusuhan,
kalupitan at panlilinlang upang maging makapangyarihan.
Desiderius Erasmus Panitikan - Prinsipe ng Humanista
In Praise of Folly – tumuligsa sa di mabuting gawi ng mga pari at karaniwang tao
Baldassare Castiglione Edukasyon The Courtier, na ang kabalyero ay dapat mahusay mandirigma, tula, musika.
Leonardo da Vinci Sining The Last Supper at Mona Lisa
Michaelangelo Bounarotti Sining Pieta at pagpinta ng kisame ng Sistine Chapel sa Rome
Raphael Santi Sining Ganap na Pintor at kilala sa pagkakatugma at balance ng kanyang mga likha
Miguel de Cervantes Panitikan Don Quixote de la Mancha

Ang mga bunga ng Renaissance:


 nagbunga ito ng mga kahanga-hangang likha sa sining at panitikan na naging bahagi ng mahala-
gang pamana sa sangkatauhan;
 nagbigay-diin sa Rebolusyong Intelektwal at Rebulosyong Protestantismo na nagpahina sa kapang-
yarihan ng Papa at ang mga makapangyarihang maharlika;
 gumising sa nahihimbing na isipan ng tao upang baguhin ang maling paniniwala ng Panahong Medieval;
 nag-ambag din ito ng malawak na kaalaman tungkol sa daigdig;
 nagbigay-sigla ang diwa ng Renaissance sa mga eksplorador na makatuklas ng mga bagong lupain;
 malaki ang naitulong ng Renaissance sa pagsulong at pagkakabuklod-buklod ng mga bansa tu-
lad ng England, France, Spain, at Portugal;

Pagsasanay:
1. Ano ang naging konsepto para sa iyo ng Renaissance?
2. Sa dalawang pangungusap, maglahad kung bakit mahalaga ang mga obra maestra ng mga
Humanista sa Panahon ng Renaissance.

Mrs. Sylvia Q. Dogoy


Hanopol National High School
Balilihan, Bohol
Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang :
Paksa : Ang Paglakas ng Kapapahan – Ang Banal na Imperyong Romano
Layunin : Nasusuri ang paglakas ng Kapapahan at natutukoy ang mga kaganapan sa pagtatag ng
Banal na Imperyong Romano.
Konsepto:
Ang Simbahan ay isa sa mahahalagang institusyon na nakatulong sa pag-usbong at paglakas
ng Europe, lalong-lalo na ang organisasyon ng Kapapahan. Tumutukoy ang kapapahan sa tungkulin ng
Santo Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin sa kapangyarihang pampulitika bilang
pinuno ng Estado ng Vatican.

Mga salik na nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Kapapahan:


 Pagbagsak ng Imperyong Romano;
 Matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan;
 Uri ng pamumuno ng Simbahan; at
 Pamumuno ng mga Monghe;

Mga Papa na nakatulong sa pagpalakas ng kapangyarihan ng Kapapahan:


 Constantine the Great – pinagbubuklod-buklod niya ang mga Kristyano sa Konseho ng Nicea at
Konseho ng Constantinople;
 Papa Leo the Great – binigyang-diin niya ang “Petrine Doctrine”, ang doktrinang nagsasabi na
ang Obispo ng Rome ang tagapagmana ni San Pedro;
 Papa Gregory I – sumanib sa Katolisismo ang iba’t ibang tribung barbaro nang nagpadala siya
ng mga misyonero sa iba’t ibang sulok sa Europe;
 Papa Gregory VII – napalakas niya ang kapangyarihan ng kapapahan nang humingi si Haring
Henry IV ng kapatawaran sa Papa na nagtapos sa alitan sa kapangyarihang sekyular at ek-
lesyastikal.

Pagsimula ng Banal na Imperyong Romano:


 Noong kapaskuhan ng taong 800 C.E., kinoronahan ni Papa Leo III si Charlemagne na naging
dahilan sa pagkatatag ng Banal na Emperyong Romano at si Charlemagne o Charles the
Great bilang Unang Emperador nito.

Ilan sa mga ginawa ni Charlemange sa kanyang pamumuno:


 Pinaunlad ang edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng paaralan sa loob ng palasyo;
 Pinaliit ang gastusin ng emperyo dahil pinatulong ang mamamayan sa hukbo;
 Pinahalagahan ang Simbahan at sinusunod ang simulain ni St. Benedict at Pope Gregory 1.

Pagsasanay:
1. Ano ang Kapapahan? Paano lumakas ang kapangyarihan ng kapapahan?
2. Paano mo mapapatunayan na malaki ang impluwensya ng Simbahan sa Banal na Imperyong Ro-
mano?

Geraldine L. Paslon, Fatima NHS, Cortes


Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Blg :
Paksa : Bahaging Ginampanan ng Simbahan sa Paglakas ng Europe-Pagkakasangkot ng
Simbahan sa Suliraning Pambansa
Layunin : 1. Nailalahad ang mga paraan na ginawa ng Simbahan at mga misyonerong
nakatutulong sa pagpalakas ng Europe; at
2.Napahahalagahan ang mga dahilan sa pagkakasangkot ng Simbahan sa suliraning
pambansa .
Konsepto:
Sa pagbagsak ng Imperyong Romano sa kamay ng mga barbaro noong 476 C. E, nagsikap ang
Simbahan at mga mamamayan sa tulong ng mga institusyon upang mapangalagaan ang kalinangan sa
imperyo. Nagpapadala ang Simbahan ng mga misyonero sa iba’t ibang sulok ng Europe at sa tulong ng
kanilang hari na si Clovis, marami ang sumampalataya sa Kristiyanismo.

Mga misyonerong nagpalaganap sa turo ng Simbahan:


 Clovis, nagpalaganap sa Kanlurang Europe;
 St. Augustine, nagpalaganap sa England;
 St. Patrick, nagpalaganap sa Ireland;
 St. Boniface, nagpalaganap sa Germany; at
 St. Thomas Aquinas, nagpalaganap sa pamamagitan ng kanyang aklat na,
“Summa Theologica”.

Mga paraan na ginawa ng Simbahan sa pagpalaganap ng Kristiyanismo:


 pagpapatayo ng Paaralang Parokyal na pinapairal ng Pilosopiyang Scholasticism o pagbigay-diin
sa mga turo ng Simbahan at ni Aristotle;
 pagpapatayo ng Monasteryo; at
 pagpapadala ng mga misyonero sa iba’t ibang sulok ng Europe.

Ang mga dahilan sa pagkasangkot ng Simbahan sa suliraning pambansa:


 nang ibinigay ni Pepin the Short sa Papa ang lupaing kanyang nasakop mula sa hari ng Lom-
bard na nagbigay sa Papa ng karapatan na kilalaning pinuno ng estado ng Vatican at pinuno ng
Simbahan;
 dahil sa seremonyang “Lay Investiture”; na ang hari ay nagbibigay ng singsing sa Obispo at
mga tauhan na kanyang katulong. Nagkaroon ng dalawang tungkulin ang Obispo; maging
malapit sa hari o feudal lord o kaya sa Papa; at
 dahil sa pagpapalabas ni Papa Gregory VII ng kautusan na nagbabawal sa mga pari na mag-
asawa at magbili ng kanilang katungkulan.

Solusyon sa pagkasangkot ng Simbahan sa mga suliraning pambansa:


 Nilagdaan ang kasunduan sa Council of Worms noong 1122 na may mga probisyon na:
o ang mga pari ang pipili ng Obispo at
o ang Abbot ang mamumuno sa lupain ng Simbahan.

Pagsasanay:
1. Ilahad kung paano nakatulong ang Simbahan sa pagpalakas ng Europe.

2. Makatarungan ba ang pagkakasangkot ng Simbahan sa suliraning pambansa? Pan-


gatuwiranan.

Sylvia Q. Dogoy
Hanopol National High School
Balilihan, Bohol
ARALING PANLIPUNAN GRADE 9
Second Quarter

Gawain bilang :
Paksa : Ang Repormasyong Protestante
Layunin : Nasusuri ang mga dahilan, mga epekto, at ang mga nagpalaganap
ng Repormasyong Protestante.

Konsepto:
Dahil sa Renaissance, nabuksan ang isipan at damdamin ng mga mamamayan sa Europe na naging
dahilan at hudyat sa paghangad ng mga pagbabago sa iba’t ibang larangan. Isa na rito ang pagbabago
sa ilang mga turo ng Simbahan. Ang matatag na paninindigan ng Simbahan laban sa pagbabago ang
nag-udyok ng kilusan na tinawag na Repormasyong Protestante. Si Martin Luther ang nagpasimuno sa
malawakang repormasyon nang hayagan at lantaran niyang ipinako ang kanyang “Ninety-Five Theses”
sa harap ng Simbahan sa Wittenberg.

Ilan sa mga dahilan ng Repormasyong Protestante:


 paglakas ng pamahalaan at pag-aabuso ng mga tauhan ng Simbahan;
 ang Great Schism sa pagitan ng Greek Orthodox at Roman Catholic;
 ang pagiging materyoso at kawalan ng karangalan sa mga alagad ng Simbahan; at
 ang Renaissance.

Ilan sa mga turo ng Simbahan na dapat baguhin ayon sa mga repormista:


 ang kaligtasan
 ang relikya
 ang di pag-aasawa ng mga tauhan ng Simbahan;
 ang di pagkakasala ng Papa at iba pa.

Mga nagpalaganap ng Protestantismo:


 Martin Luther, nagpalaganap ng Protestantismo sa Germany;
 Ulrich Zwingli nagpalaganap ng Protestantismo sa Switzerland;
 John Calvin, nagpalaganap ng Protestatismo sa France;
 John Knox, nagpalaganap ng Protestantismo sa Scotland; at
 Haring Henry VIII, nagpalaganap ng Protestantismo sa England.

Ilan sa mga epekto ng Repormasyong Protestante:


□ Nagpahina sa impluwensya ng relihiyon sa mga gawain ng pamahalaan at tao;
□ Nakapag-udyok sa pagsilang ng Nasyonalismo sa maraming bansa sa Europe;
□ Nakatulong sa pamalalahanan ang mga negosyante na sumunod sa tuntunin ng moralidad;
□ Lumaganap ang pag-aalinlangan sa mga doktrina ng Simbahan at naglaho ng lubusan ang
pananalig sa Simbahan at nagkaroon ng kalayaan sa pananampalataya;
□ Ang mga likha ng sining ay nakalilito sa pag-unawa sa mga Salita ng Diyos dulot nito
lumitaw ng bagong istilo ng pagpipinta, ang baroque.
Pagsasanay:
1. Sa iyong palagay, makatarungan ba ang mga dahilan ng Repormasyong Protestante?
Bakit?
2. Pumili ng mga epekto ng repormasyon na sa tingin mo ay mahalaga. Pangatwiranan.

Geraldine L. Paslon, Fatima NHS, Cortes


ARALING PANLIPUNAN GRADE 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Paksa : Mga Kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa Daigdig
Layunin : Natutukoy ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko

Konsepto:

Marami ang mga ambag ng Kabihasnang Klasikal sa kasaysayan na may kaugnayan sa


sining. Nasasabi na ang ambag at kontribusyon ay nakatuon sa tao dahil naipakita nila ang
kanilang pagsisikap at kasanayan upang purihin at bigyan ng kasiyahan ang mga tao at hindi ang
kanilang diyos. Marami ang mga ambag sa kabihasnan na dapat nating masusuri para magsilbing
huwaran, pugay, at aral.

Kontribusyon ng mga Griyego


 sa Sining
o Discobolus o Discuss Throw ni Mayron – makikita nito ang balanse, dangal at
mahinahon na pigura sa pagpupukol ng discuss.
o Estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia na gawa ni Phidias.
o Venus de Milo – kinilalang pinakamagandang modelo ng hugis ng babae.
o Colossus of Rhodes – isa sa itinuring na “Pitong Kahanga-hangang bagay sa
sinaunang panahon.”
 sa Arkitektura
o Parthenon – pinakamagandang temple sa Greece na laan kay Athena na patron ng
Athens
o Tatlong Uri ng Istilo ng Haligi:
 Doric – pinakapayak, walang salayan (base) at simple ang kapital;
 Ionic – may disenyong Scroll sa kapital;
 Corinthian – may disenyong dahon ng Acanthus.
Kontribusyon ng mga Romano
 Law of the Twelve Tables - kauna-unahang batas ng bansa na kumukilala sa paggalang,
katapatan, katarungan, at pagkapantay-pantay ng tao sa harap ng batas.
 Appian Way – pinakatanyag ng daan na ginawa ng Rome na nagdurugtong sa Italy at
Rome;
 Collossium – isang bukas na arena na may upuan sa 50,000 katao;
 Pantheon - na ang kahulugan ay “para sa lahat na diyos” ang nagsilbing musoleo ng
mahalagang tao sa bansang Rome.
Kontribusyon ng America
 Obsidian - ang kanilang gamit at sandata na yari sa matutulis at itim na bato;
 Chinampas - patanimang nakalutang sa tubig ang kanilang tinataniman
 Chicha - ang beer na madalas nilang iniinum na mula sa mais;
 Pok-ta Pok - isang uri ng larong basketbol
 Totem Pole-isang poste na may nakaukit na ulo ng hayop sa dulo nito

Pagsasanay:
1. Magbigay ng dalawang kontribusyon ng bawat kabihasnang klasiko.
2. Ano ba ang mahalagang pamana ng iyong pamilya na sa iyong palagay ay mahalaga sa iyo?s

Leizel E. Barajan, San Jose NHS, Talibon


ARALING PANLIPUNAN GRADE 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Paksa : Ang Rebolusyong Intelektwal: Kaugnayan nito sa Nasyonalismo
Layunin: 1. Natutukoy ang mga pilosopo at kanilang kaisipan na nakapagmumulat sa isipan ng
mga tao.
2. Naipaliliwanag ang ugnayan ng Rebolusyong Intelektwal sa paglinang ng
nasyonalismo.
Konsepto:
Ang mga bagong kaisipan o pilosopiya na itinuturo ng mga pilosopo at siyentista ang naging
simula ng pagkamulat sa mga karapatan ng mga mamamayan. Ang mga tuklas sa Agham at
Matematika at sa iba’t ibang larangan ay nakaganyak sa mga tao na hanapin ang katotohanan. Sa
kanilang paghanap sa katotohanan ay isang bagong panananalig ang nabuo; ang Rebolusyong
Pangkaisipan o Enlightenment.
Ang mga pilosopo at kanilang mga pilosopiya:
 Rene Descartes – nakasalalay ang katotohanan sa sariling isip at kakayahang mangatwiran;
 Voltaire – ang mga tao ay may karapatang pangasiwaan ang kanilang sarili ng gobyerno ayon sa
batas ng katarungan, katwiran, at budhi;
 Denis Diderot – Patnugot ng Encyclopedia na nagbigay- paliwanag sa pinakahuling modernong
kaisipan na makatutulong sa pagpapalaganap nito;
 John Locke – nagpalaganap ng kaisipang Empericism at nagpaliwanag na buhat sa pandama at
karanasan ang ideya at hindi mula sa kapanganakan;
 Montesquieu – sa kanyang aklat na Spirit of the Law, ang makatarungan pamahalaan ay may
tatlongsangay: Ehekutibo-tagpangasiwa, Lehislatibo-mambabatas, at Judisyal-tagapaghukom;
 Jean Jacques Rousseau – sa kanyang Social Contrast, nagsasaad na walang natural na
karapatan ang sinumang tao na pamahalaan ang kanyang kapwa ngunit ito ay nagyayari dahil
isinuko ang kanyang karapatan;
 Adam Smith – sa Prinsipyong Laissez Faire, hindi dapat makialam ang pamahalaan sa
ekonomiya ng bansa;
 Cesare Beccaria – sa kanyang aklat na “On Crime and Punishment”, kinondena niya ang
paggamit ng matinding parusa lalong-lalo na sa parusang kamatayan at ang torture upang
aminin ng tao ang krimen.

Ugnayan ng Rebolusyong Intelektwal sa Nasyonalismo:


 nag-ugat ang nasyonalismo sa mga kaisipan ng mga pilosopo sa Panahon ng Rebolusyong
Intelektwal;
 dahil sa kaalaman mula sa mga pilosopo tumibay ang taling bumibigkis sa mamamayan na
magkakaisa para makamit ang kalayaan, sa mapayapang o kaya sa madugong paraan;
 namulat sa katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya at
maging maligaya;
 dahil sa kaalaman na isinisiwalat, maraming nagbuwis o handang ibubuwis ang buhay para ma-
pangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban.

Pagsasanay:
1. Sino sa mga Pilosopo ang sa tingin mo ay may mahalagang kaisipan na nakapagpamulat sa
isipan ng mga tao? Magbanggit ng dalawa at mangatwiran.
2. Sa isang pangungusap ipliwanag ang ugnayan ng Rebolusyong intelektuwal sa nasyonal-
ismo.

Emilita G. Ayento, Katipunan NHS, Carmen West


Araling Panlipunan Grade 9
Second Quarter

Gawain Bilang
Paksa : Ang Rebolusyong Industriyal
Layunin : Natutukoy ang mga dahilan kung bakit sa Great Britain nagsisimula ang
Rebolusyong Industriyal at ang ibang mga bansa sa labas ng Britain.
Nabibigyang halaga ang mga epekto nito.

Konsepto:
Bagaman nagsisimula sa Great Britain ang Rebolusyong Industriyal, hindi ito nag-iisa sa Europe.
May mga bansa rin na naging industriyal sa iba’t ibang kadahilanan. Hindi man katulad ng Britain ang
ibang mga bansa sa kalagayan, ngunit nagagawa pa rin nilang maging industriyal. Noong ika-19 siglo,
naging industriyal din ang Belgium, France, at Germany sa Europe at sa ika-20 siglo, ang United States,
Japan, at ang Russia. Naimbento ang makinarya na siyang ginamit sa paggawa, pamalit sa lumang paraan
na ginagamitan ng kamay. Natuklasan din ang bagong enerhiya na pumalit sa lakas ng hayop. Lahat ng
pagbabagong ito ay tinawag na Rebolusyong Industriyal.
Mga dahilan sa pagsimula ng Rebolusyong Industriyal sa Great Britain:
 may matatag na kalagayang pulitikal;
 may maayos na kalakalang panloob;
 may matatag na sistemang pagbabangko at pagseseguro;
 may pinakamaunlad na pangangalakal sa daigdig;
 maraming pantalan at ilog na pweding paglayagan ng mangangalakal at kalakal;
 may maraming kolonya na mapagkunan ng hilaw na sangkap.

Mga pangunahing imbensyon at imbentor sa panahon ng Rebolusyong Industriyal:


 Thomas Savery at Thomas Newcomen - Steam Engine;
 Michael Faraday – Enerhiyang Pangkuryente;
 Josiah Wedgewood – Palayok;
 John Mac Adam at Thomas Telford – mga lansangan;
 Samuel Finley Breese Morse – Morse Code;
 Guglielmo Marconi – Wireless telephone;
 Alexander Graham Bell – Electric Magnetism/Hearing Aid;
 John Wilkeson – makinang bakal-pandayan;
 Abraham Darby – paraan sa pagtunaw ng bakal ang gamit ay karbon;
 Edward Cartwright – Power Loom gamit ay tubig;
 Eli Whitney – Cotton gin naghiwalay ng buto sa bulak ng cotton.
 Michael Pupin at Lee de Forest- paggamit ng telepono sa malayong lugar;
 John Kay – Flying Shuttle
 Richard Arkwright – unang makinang pinaandar ng tubig.

Positibong Epekto Negatibong Epekto


- nakapagbabago sa pamumuhay ng mga tao; - pagdami ng mga squatters;
- pagdagsa ng mga tao sa lungsod - marami ang mga palaboy;
- mga bata ay napilitang magtrabaho;

Pagsasanay:
1.Anu-ano ang mga dahilan kung bakit sa Great Britain nagsimula ang
Rebulosyong Industriyal?
2.Sa iyong palagay anong positibong epekto ng Rebulosyong Industriyal ang
kapakipakinabang? Pangatwiranan.
Leizel E. Barahan, San Jose NHS, Talibon

Araling Panlipunan Grade 9


Second Quarter

Gawain Bilang
Paksa : Mga Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Layunin : 1. Naipaliliwanag ang ikalawang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
2.Nasusuri ang mga dahilan at ang mga epekto nito sa mga bansa nasakop.

Konsepto:

Ang Imperyalismong lumaganap sa Africa at sa Asya noong ika-19 na siglo ay dulot


ng hangarin ng mga Kanluranin para sa mapagkukunan ng mga hilaw na mga materyales
at matatambakan ng mga labis na produkto dahil sa ekonomiyang kapitalista.

Ilan sa mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo

-Industriyalisasyon
-Pamumuhunan
-Salik Ekonomikal
-Salik Politikal

Ilan sa mga Epekto ng Kolonisasyon at Imperyalismo

-pagsamantala ng mga Kanluranin sa likas na yaman at lakas paggawa


-pagkasira ng kulturang katutubo ng mga kolonyal na bansa
-hidwaan ng teritoryo

Pagsasanay:

1. Nakatutulong kaya ang industriyalisasyon sa mga bansang sakop?


Pangatuwiranan.
2.Bakit lumaganap ang Imperyalismo sa Africa at Asya?

Emelita G. Ayento, Katipunan NHS, Carmen

You might also like