You are on page 1of 6

ANG HEOGRAPIYA NG GREECE

ANG GREECE AY ISANG TANGWAY. ITO AY BAHAGI NG BALKAN PENINSULA NA MATATAGPUAN SA


TIMOG SILANGAN NG EUROPE MABUNDOK AT MABATO ANG GREECE. ANG MGA NABUONG
KABIHASNAN NITO AY WATAK-WATAK NA LUNGSOD-ESTADO O CITY STATE. BAWAT ESTADO AY MAY
SARILING PAMAHALAAN.

MGA PRODUKTONG AGRIKULTURAL NG GREECE

 UBAS
 OLIVE
 TRIGO
 BARLEY

MGA INAANGKAT NA PRODUKTO NG MGA GREEK MULA SA KARATIG POOK

 Butil – Egypt
 Prutas - Phoenicia at Sicily
 Tanso - Cyprus
 Glassware - Egypt
 Dye - Phoenicia
 Ivory – Africa

Minoan

 Ang kabihasnang Minoan ay nabuo sa isla ng CRETE.


 Ang salitang Minoan ay hango sa pangalan ng tanyag na hari ng pulo, si Haring Minos.
 Ayon sa Mito, si Minos ay anak ni Zeus ( hari ng mga Diyos) at ni Europa.
 Sentro ng Kabihasnang Minoan ang lungsod ng KNOSSOS.
 Ang lipunan ng Crete ay nahahati sa apat na pangkat - maharlika, mangangalakal, magsasaka
at alipin. Kilala ang mga Minoan na mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
Magagaling din silang mandaragat.
 Nakatira ang mga Minoan sa mga bahay na yari sa laryo o bricks.
 May sistema ng pagsusulat ang mga Minoan na tinatawag na LINEAR A.
 Ang FRESCO ay larawang mabilisan subalit bihasang ipinipinta sa dingding habang basa
pa ang plaster upang kumapit ng husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral na
oxide.
 Tinatawag naman na pithoi (pithos) ang mga banga na nagsisilbing imbakan ng pagkain
(butil) o inumin ng mga sinaunang minoan.
 Ang mga Minoan ay masayahin at mahilig sa mga magagandang bagay at kagamitan.
 Mahilig din sila sa larong pampalakasan kung kaya itinuturing silang unang nakagawa ng
ARENA kung saan isinasagawa ang mga labanang boksing.
 Bumagsak ang Kabihasnang Minoan tinataya taong 1400 BCE.
Mycenaean

 Ang Mycenae ay isang ancient na lungsod sa Peloponnese, Greece.


 Achaean ang tawag ni Homer sa mga Mycenaean.
 Homer ay isang bulag na makata na nagsulat ng ILIAD.
 Ang ILIAD ay isang epiko tungkol sa naganap na labanan na umiinog sa kuwento ni Achilles,
isang mandirigmang Greek, at ni Hector isang prinsipeng Trojan.
 Si Agamemnon ang pinakatanyag na hari ng Mycenae.
 Naniniwala ang mga Mycenaean sa makapangyarihang diyos na si Zeus, na naghahari sa mga
diyos at diyosa.
 Mayaman at maunlad ang kabihasnang Mycenaean.
 Ang mga libingan ng hari ay naglalaman ng ginto at magaganda at matitibay din ang kanilang
mga palasyo.
 Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang
mga Mycenaean. Kinilala sila na DORIAN. Nagtatag sila ng pamayanan sa Asia Minor at
Karagatang Aegean.
 Kasunod ng pagbagsak ng Kabihasnang
 Mycenanean ang DARK AGES o madilim na panahon na nagtagal nang halos 300 na taon
 (1100-800 BCE).

Hellenic

 Mula sa labi ng madilim na panahon ay umusbong ang bagong sibilisasyon na mabilis na


lumaganap sa kabuuan ng Greece. Tinawag ang kabihasnang ito na Kabihasnang Hellenic.
 Tinawag ng mga Greek ang kanilang sarili na Hellenes na nangangahulugan ding Greek
 Kanilang tinawag ang Greece na Hellas.
 Ang Kabihasnang Hellenic ay kilala din sa katawagang klasikal na kabihasnang Griyego.
 Nagsisilbi ang mga Polis na proteksyon laban sa pagsalakay ng mga iba't ibang and pangkat.
 Ang bawat polis ay kinabibilangan ng 5000 kalalakihan at siyang inilalagay sa opisyal na
talaan ng lungsod-estado.
 Tinatawag na ACROPOLIS ang mga lungsod estado na matatagpuan sa mga matataas na
lugar at naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
 AGORA- pamilihang bayan ng Greek.
 METROPOLIS - PINAGMULANG LUNGSOD
MGA LEHITIMONG KARAPATAN NG MGA MAMAMAYAN SA ISANG POLIS
1. karapatang bomoto
2. karapatang magkaroon ng ari-arian
3. karapatang humawak ng posisyon sa pamahalaan.
4. karapatang ipagtanggol ang sarili sa korte.

Mga Ideya at Teknik na natutunan ng mga Greek mula sa pakikipagkalakalan:


1. Phoenician - alpabeto at paggawa ng mga malalaki at mabibilis na barko.
2. Sumerian- sistema ng panukat
3. Lydian - paggamit ng sensilyo o barya sa pakikipagkalakalan.

Sparta
 Ang lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnese. Sa lahat ng mga
lungsod-estado ng Greece tanging Sparta lang ang hindi umaasa sa kalakalan.
 Ang Sparta ay may magandang klima, sapat na patubig, at matabang lupang angkop sa
pagsasaka.
 HELOT ang mga aliping tagasaka ng mga Spartan.
 Sa maraming pagkakataon, nag-aalsa ang mga Helot ngunit ni isa rito ay walang
nagtagumpay.
 Naging pangunahing layunin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at
kababaihang walang kinatatakutan at may malakas na pangangatawan.
 PHALANX na binubuo ng 16 hanay ng madirigma na sama-sama sa pagsulong o paglusob sa
kalaban.

Ang bagong silang na sanggol ay sinusuri upang masigurong ito ay malusog at hindi sakitin. Ang
mga sanggol na sakitin ay hinahayaang mamamatay. Ang mga sanggol naman na malulusog ay
hinahayaang mabuhay.
Pagsapit ng pitong taong gulang, ang batang lalaki ay dinadala sa kampo upang magsanay, at
magpasailalim sa mahigpit na disiplina at serbisyong militar.
Kinakailangan ang malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan
ang ilan sa mga layuning sa naturang pagsasanay.
Sa gulang na 20, ang kabataan ay nagiging sundalong mamamayan at ipinapadala sa hangganan ng
kanilang teritoryo.
Sa edad na 30 ang mga sundalong kalalakihan ay inaasahan ng mag-asawa.
Sa edad na 60, ang lalaking Spartan ay maari ng magretiro sa hukbo.
PHALANX na binubuo ng 16 hanay ng madirigma na sama-sama sa pagsulong o paglusob sa
kalaban.

Athens

 Sa unang bahagi ng 600 BCE, ang Athens isa lamang maliit na bayan. Ito ay matatagpuan
ang Athens sa tangway ng Attica.
 Hindi katulad ng Sparta, ang Athens ay hindi biniyayaan ng ng matabang lupa na angkop
sa pagsasaka. Karamihan ng mga mamamayan nito ay nagtatrabaho sa minahan,
gumagawa ng ceramics, nagiging mangangalakal o mandaragat.
 Sa unang bahagi, ang Athens ay pinamumunuan ng isang Tyrant.
 Ang asembleya ay binubuo ng mayayaman na may malaking kapangyarihan.

 Ang pinuno ng asembleya ay tinatawag na ARCHON na pinapaburan naman ang mga


may kaya sa lipunan.
 Draco (620 BCE) tagapagbatas na nagbabawas ngkarapatan ng mga namumuno.
 Inalis ni Solon ang pagkakautang ng mga mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin
nang dahil sa pagkakautang. Nilikha ni Solon ang Council of 400 na kinakatawan ng 100
kintawan mula sa apat na pangunahing tribo ng Athens.
 Ipinatupad ni Pisistratus ang pamamahagi ng lupang sakahan sa mga magsasakang
walang lupa. Pinaunlad din niya ang sistema ng patubig sa pamamagitan ng pagpapagawa
ng aqueduct.
 Ang pinaka malaking pagbabago sa sistemang politikal ng Athens ay naganap noong 510
BCE sa ilalim ng pamumuno ni Cleisthenes - THE FATHER OF ATHENIAN
DEMOCRACY.
 Ang konseho ang nangangasiwa ng ugnayang panlabas at pananalapi.
 Ang asembleya o Asembly ang taga gawa ng mga pinaiiral na batas. Binubuo ito ng mga
kalalkihang may gulang na 18 taon pataas.
 ipantupad ni Cleisthenes ang sistemang ostracism o pagpapatapon o pagtatakwil sa isang
athenian na nagsisilbing banta sa Athens.
 Ang salitang ostracism ay nagmula sa salitang Ostrakon. Ito ay pirapirasong palayok
kung saan isinusulat ang pangalan na ibinoto upang itakwil palabas ng Athens.
 Dahil sa mga repormang ipinatupad sa Athens kung saan nagkaroon ng malaking bahagi
ang mga mamamayan sa pamamalakad ng pamahalaan, isinilang ang Demokrasya sa
pagsapit ng 500 BCE.

ANG BANTA NG PERSIA

Kinilala ang Persia bilang malakas na pwersa sa Asya. Hinangad nitong palawakin ang imperyo
pakanluran. Sinalakay ng Persia ang Lydia noong 546 BCE sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus the
Great.
Minana ni Darius I ang trono ng ama at ipinagtuloy ang pagpapalawak ng kanilang kolonya.
Sinalay nito ang kalapit na kolonyang Greek. Dahil dito, nagpadala ng pwersa ang Athens sa
kalapit na kolonya ngunit natalo ito sa labannag pandagat sa Miletus. Bagamat natalo ang
puwersa ng Athens ninais ni Darius I na parusahan ang lungsod dahil sa ginawang pagtulong.
Ninais din ng Persia na masakop ang buong Greece.

ANG DIGMAAN GRAECO-PERSIA (499 BCE-479 BCE)

Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang


pagpapagawa ng isang plota o fleet pandigma. Unang sinalakay ng Persia ang Greece noong 490
BCE. Tinawid nito ang Dagat Aegean at bumaba sa Marathon. Natalo ng 10,000 na pwersa ng
Athens ag 25,000 na pwersa ng Persia. Tinakbo ng tagapagbalita na si Pheidippides mula
marathon hanggang citadel ng Athens upang ibalita ang pagkapanalo ng Athens. Tinataya na ito
ang pinakaunang takbong marathon.

Ipinagpatuloy ni XERXES I, anak ni Darius I, ang tangkang pabagsakin ang Athens. Noon
480 BCE, naganap ang madugong Labanan sa Thermopylae, pitong Libong Greek ang
nakipaglaban sa pwersa ni Xerxes. 300 nito ay mga Spartan na pinamumunuan ni Leonidas.
Hindi inasahan ni Xerxes ang katapangan at kahusayan ng mga Spartan sa pakikidigma.
Dumanak ang dugo ng mga Persian ngunit ipinagkanulo ng isang Greek na si Ephialtes ang lihim
na daanan sa kampo ng mga Greek. Matapang na ipinagtanggol ng pwersa ni Leonidas ang
Thermopylae habang pinayuhang lumikas ang ibang Greek.

Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens ngunit dinala ni Themistocles ang labanan sa
dalampasigan ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Nahirapang talunin ni
Xerxes ang mas malit na barko ng Athens na pilit na binubutas ang mga barko nito. Isa isang
lumubog ang plota ng Persia.
Tinalo ng alyansa ng lungsod-estado ng Greece gaya ng Athens, Sparta, Corinth, at Mergara ang
pwersa ng Persia.

SI PERICLES AT ANG GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Bagamat napinsala ng Athens sa pang-aataking mga Persian, ito ay muling bumangon. Isa sa
mga may malaking pagbabago na isinagawa sa Athens si Pericles. Siya ay isang Strategos o
heneral na inihalal ng kalalalakihang mamamayan na mamuno ng Athens. Taon-taon siya ay
inihahalal hanggang sa pagsapit ng kanyang kamatayan taong 429 BCE. Pinamunuan ni Pericles
mula 461 BCE hangagang 429BCE. Malaki ang naging ambag ni Pericles sa pagpapalawak ng
demokrasya sa Athens. Naisagawa niya ito sa pamamgitan ng pagpapairal ng mga programang
pampubliko sa layuning gawing marangya ang Athens.
Dinagdagan ni Pericles ang mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya ito. Dahil
dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapagtrabaho sa pamahalaan
mahirap man ito o mayaman. Ang hakbang na ito ay hindi suportado ng lahat lalong lalo na ang
mga mayayaman.
Nangibabaw ang impluwensya ni Pericles sa Athens sa loob ng 32 taon kung kaya ang panahong
ito ay tinatawag na Panahon ni Pericles.
Naniniwala si Pericles na nararapat ang partisipasyon ng mamamayan sa pamahalaan. Pinaganda
din niya ang Athens sa pamamagitan ng pagpapatayo ng magagndang gusali, isa na rito ang
Parthenon.
Samantala, naitatag ang imperyong komersiyal ng Athens sa paglikha nya ng pinakamalakas na
plota sa Mediterranean Sea na nagtol sa kalakalan.
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga kalalakihan ay pinag-aaral sa mga
pribadong paaralan kung saan sila ay natututo ng pagbabasa, matematika, musika at ng mga obra
ni Homer na lliad at Odyssey. Kinilala ang mga sumusunod na Greek at ang kanilang
kontribusyon sa iba't ibang larangan

ISKULTURA
 PHIDIAS - dakilang iskultor na Greek. Obra: estatwa ni Athena (Parthenon) at Zeus
(Olympia)
 CHARES - Collosus of Rhodes
 PRAXITELS - Scopas
 PAGSUSULAT ng Kasaysayan (Historyador)
 HERODOTUS - Ama ng Kasaysayan. Obra: Kasaysayang ng Digmaang Persian
 THUCYDIDES - Anabis, at Memorabilia

MEDISINA
 HIPPOCRATES - Ama ng Medisina

AGHAM AT PILOSOPIYA
 Sophist - pangkat ng guro na sumikat sa Athens.
 THALES - kauna-unahang nagpakilala ng pilosopiya
 PHYTAGORAS - nagpasikat ng doktrina ng numero at kinlala sa kanyang sikat na
Pythagorean Theorem
 SOCRATES - kinilala sa kanyang Socratic Method
 PLATO - nagsulat ng The Republic, isang talakayan tungkol sa katangi tanging polis at
ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.
 ARISTOTLE - nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at
pisika. Kinilala din siyang "Ama ng Biyolohiya". Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang
"Poetic" at "Rhetoric", at ang "Politics".

You might also like