You are on page 1of 60

Tukuyin ang mga larawan at ibigay ang iyong opinion

HEOGRAPIYA NG GREECE
Ang Greece ay nasa dulong timog
ng Balkan Peninsula sa may
Timog Europe.

Isang bulubunduking lupain ang


Greek Peninsula na pinaliligiran
ng tatlong dagat:
• Aegean sa silangan;
• Ionian sa kanluran,
• at Mediterranean sa Timog.
KABIHASNANG MINOAN
1600 AT 1400 BCE,
KABIHASNANG MINOAN
1600 AT 1400 BCE,
Sumibol ang dalawang sinaunang
kabihasnan sa Greece – ang MINOAN
at ang MYCENAEAN, sa pulo ng CRETE
at baybayin ng AEGEAN SEA sa
silangang bahagi ng Mediterranean.
MINOAN
1600 AT 1400 BCE,
• Unang kabihasnan Aegean
• Hinango mula sa pangalan ni HARING SI MINOS
ARTHUR JOHN EVANS
Nakadiskubre ng PALASYO NG KNOSSOS na makakapagpatunay
sa Kultura ng Minoan

KNOSSOS
FRESCOES
Pinta sa mga dingding sa palasyo ng Knossos, ang kabisera
ng kabihasnang Minoan, na kakikitaan ng tila kasiyahan o
paligsahan ng BULL-LEAPING.

Tinatayang may 200 taon na pinagharian ng mga Minoan


ang buong Aegean ngunit pinapalagay na nagwakas ito
dulot ng isang malakas na lindol, pagsabog ng bulkan o
di-kaya nang sakupin ng mga mananakop
Tinatayang 200 taon na pinagharian ng mga Minoan ang
buong Aegean ngunit pinapalagay na nagwakas ito dulot
ng isang malakas na
• lindol
• pagsabog ng bulkan
• o di-kaya nang sakupin ng mga mananakop
KABIHASNANG
MYCENAEAN
ACHAEANS
Tinawag na mga Achaeans ang mga
MYCENAEAN nang dumating sa Greece
mula sa Balkan noong 2000 BCE.

Itinatag ng mga Mycenaean ang lungsod ng


Mycenae matapos ang kanilang pagsalakay
sa KNOSSOS at iba pang isla ng CRETE at
tuluyang napabagsak ang kabihasnang
MINOAN sa Aegean Sea.
Ipinagpatuloy at higit na pinaunlad ng mga
Mycenaean ang impluwensya ng kabihasnang
Minoan tulad ng MITOLOHIYANG GREEK at
ilang disenyo pang-artisano para sa mga
alahas, banga at mga kasangkapan.

JEWELRIES
POTS

GREEK METHOLOGY SHIPWRIGHT TOOLS


Kasabay ng paghiram ng kulturang Minoan
ang pagpapalawak ng imperyo ng mga
Mycenaean sa pamamagitan ng pakikidigma
at pakikipagkalakalan sa Aegean Sea.
MGA PANGYAYARING HUMUBOG SA KABIHASNANG GREEK AT HELLENISTIC
1100 BCE
Isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa
Greece at iginupo ang mga Mycenaean.

Sila ay kinilalang mga DORIAN


Isang pangkat naman ng tao na
mayroon din kaugnayan sa mga
Mycenaean ang tumungo sa timog
ng Greece sa may lupain sa Asia
Minor sa may hangganan ng
karagatang Aegean at nagtatag ng
pamayanang IONIA at nakilala sila
bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay
tinaguriang DARK AGE o madilim
na panahon na tumagal din nang
halos 300 taon.

Naging palasak ang digmaan ng


mga iba’t ibang kaharian.

Nahinto ang kalakalan,


pagsasaka, at iba pang gawaing
pangkabuhayan.

Maging ang paglago ng sining at


pagsulat nang unti-unti ay
naudlot din.
TROJAN WAR
TROJAN WAR HELEN
ILIAD
Nakasaad sa akda na ILIAD ni Homer ang naging sanhi ng
Digmaang Trojan nang agawin ni PARIS, prinsipe ng Troy, si
HELEN na asawa ni Haring Menalaus, hari ng Sparta.

PARIS
Si MENALAUS ay kapatid ni HARING AGAMEMNON
AGAMEMNON ng Mycenae, na nanguna sa
hukbong Greek upang bawiin si HELEN.
Naging estratehiya ng mga Mycenaean upang
pasukin ang lungsod ng Troy, gumawa ng isang
higanteng estatuwang kahoy na kabayo.

Lingid sa kaalaman ng mga taga-Troy, nasa loob


ng estatuwa ang mga sundalong Mycenaean

MENALAUS
Sa mga unang pag-aaral, pinaniniwalaang isa
lamang alamat ang salaysay ng Trojan War.

Gayunman, dahil sa mga nahukay na mga labi


ng lungsod ng Troy ng mga arkeologo ay
napatunayan na may katotohanan ang mga
nasabing digmaan.

Patunay dito ang maskarang ginto na nahukay


taong 1876 – 1878, ng arkeologo na si
HEINRICH SCHLIEMANN, na pinaniniwalaang
mukha ni Agamemnon
ANG PANAHONG HELLENIC (800-338 BCE)
ANG PANAHONG HELLENIC
(800-338 BCE)

Tinawag ng mga sinaunang Greek ang


kanilang sarili na “HELLENES”.
Ito ay hango sa salitang HELLAS na
tumutukoy sa sinaunang lupain ng
GREECE.

ANG POLIS
Unang pamayanan o malalayang
lungsod-estado
TATLONG BAHAGI
• ACROPOLIS
• AGORA
• KANAYUNAN
POLIS/lungsod estado
TATLONG BAHAGI
1. ACROPOLIS
Dito itinatayo ang templo dahil ito
ang pinakamataas na lugar sa
lungsod-estado

2. AGORA
Pamilihan kung saan maaaring
magtinda o magtipon-tipon ang mga
tao

3. KANAYUNAN
Nakapaligid sa labas ng lungsod

Sakaling may banta ng pananalakay, upang matiyak ang kaligtasan ang mga mamamayang
nakatira sa labas ng polis ay pumapasok sa loob ng lungsod na pinalilibutan ng mga matitibay
na pader na gawa sa bato.
SPARTA
ISANG ESTADO-MILITAR
Ang Sparta ay maituturing na isang estado-militar na
itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog
na bahagi ng isang lambak sa Greece

Hindi tulad ng ibang lungsod-estado, ang Sparta ay


hindi napalilibutan ng malalaking pader ngunit
may malakas na hukbong militar upang maiwasan
ang pag-aalsa ng mga HELOT o tagasaka ng mga
sakahan na sinakop.
TATLONG ANTAS NG LIPUNAN
1. INAPO
Mga orihinal na nanirahan sa Sparta ang
pinakamahalagang pangkat

2. PERIOECI
Mga malalayang tao subalit hindi
mamamayan ng Sparta. Kadalasan sila
ay mga mangangalakal sa bayan ngunit
hindi kailanman maaaring kilalaning
mga mamamayan ng Sparta
3. HELOT
Pinakamababang antas ay mga helot o
mga aliping magsasaka ng Sparta.
LAYUNIN:
Magkaroon ng isang hukbong militar at
magtatag ng isang pamayanan ng mga
mandirigma.

Pitong taong gulang, ang mga batang lalaki ay


dinadala na sa mga kampo-militar upang
sumailalim sa mahigpit na disiplinang militar at
sanayin sa pakikipaglaban kasama ang paghubog
ng katapatan sa pagtatanggol sa Sparta

Sa gulang na 20, ang kalalakihan ay ganap nang


mga sundalo at ipinapadala na sa mga hangganan
ng labanan.
Sa edad na 30, sila ay papayagang mag-asawa
subalit kailangan pa rin nilang manirahan sa
kampo.

Sa kanilang ika-60 taong gulang, sila ay maaari


nang magretiro sa hukbo.
PAMAHALAAN
Pinamahalaan ang Sparta ng dalawang pangkat:

1. ASAMBLEYA NG MGA KALALAKIHAN


Binubuo ng kalalakihan ng may edad na tatlumpu
pataas at humihirang ng mga opisyal ng
pamahalaan
2. KONSEHO NG MATATANDA
Binubuo ng (2) dalawang hari at (28)
dalawampu’t walong miyembro na nasa edad 60
na may tungkulin magpanukala ng batas sa
Asambleya.

3. Mayroon ding (5) limang EPHOR, na


nagpapatupad ng mga batas at atagapangasiwa sa
edukasyon at kapakanan ng publiko.
ATHENS:
ISANG DEMOKRATIKONG ESTADO
ATHENS
ISANG DEMOKRATIKONG ESTADO
Ang Athens ay isang maliit na bayan sa
hilagang-silangan ng Peloponnesus na
tinatawag na Attica, isang polis sa
gitnang tangway ng Greece

Isang demokratikong estado ang Athen's


kung saan nahubog ang konsepto ng
demokrasya o ang pamahalaan ng
nakararami sa paraang tuwiran o hindi
tuwirang pakikilahok ng mamamayan.
ATHENS
ISANG DEMOKRATIKONG ESTADO

Ang Athens ay isang maliit na bayan sa hilagang-silangan


ng Peloponnesus na tinatawag na Attica, isang polis sa
gitnang tangway ng Greece

Isang demokratikong estado ang Athen's


kung saan nahubog ang konsepto ng
demokrasya o ang pamahalaan ng
nakararami sa paraang tuwiran o hindi
tuwirang pakikilahok ng mamamayan.
ATHENS
ISANG DEMOKRATIKONG ESTADO

Ang Athens ay isang maliit na bayan sa hilagang-silangan


ng Peloponnesus na tinatawag na Attica, isang polis sa
gitnang tangway ng Greece

Isang demokratikong estado ang Athen's


kung saan nahubog ang konsepto ng
demokrasya o ang pamahalaan ng
nakararami sa paraang tuwiran o hindi
tuwirang pakikilahok ng mamamayan.
Sina DRACO, SOLON, PISISTRATUS, at CLEISTHENES, ang mga nagsulong ng
demokrasya bilang isang SISTEMANG POLITIKAL SA ATHENS.
DRACO
Ang bumalangkas ng unang kodigo ng mga batas ng Athens na
tinawag na Kodigo ni Draco (Draconian Code)

DRACO
SOLON
Nag reporma sa Draconian Code dahil sa mahigpit na pagpapatulad ng hatol na kamatayan , sa
pamamagitan ng pagtatag ng Konseho ng Apat na Raan (Council of 400), na binubuo ng 100
kasapi mula sa apat na tradisyonal na tribo sa lungsod.

Ang konseho (Council) ay naghahain ng mga batas na pinagbobotohan sa


Asambleya at pagbuo sa korte upang dinggin ang mga kaso at bigyan ng
pagkakataon na ipagtanggol ng mamamayan ang kanilang sarili. SOLON
PEISISTRATUS
Isang aristokrato na nagbahagi ng mga lupain at ari-arian ng mga
maharlika at ipinamahagi ito sa mga magsasakang walang lupa.

CLEISTHENES
Nagpairal ang sistema ng OSTRACISM o ang
pagpapaalis ng sinomang mapang-abusong
opisyal na pinaniniwalaang isang panganib
para sa Athens.

OSTRACISM
Pagbubukod sa isang lipunan o grupo
ANG BANTA NG PERSIA
ANG BANTA NG PERSIA
499 B.C.E,
Ang mga lungsod-estado ng GREECE ay nagkaisa laban sa banta
ng pananakop ng PERSIA, isang malakas na imperyo mula sa
silangan na may hangarin na higit pang palawakin ang
nasasakupan nito sa kanluran.

DARIUS I

Nagsimula ang digmaan noong 499 B.C.E, sa labanang pandagat sa MILETUS, nang
nagpadala ng tulong ang ATHENS sa mga kalapit na kolonyang itinatag nila laban sa mga
PERSIANO.

Sa pangyayaring ito, ay nagbunsod sa layunin ni DARIUS I sa pagsakop ng buong


GREECE
DIGMAANG GRAECO-PERSIA 490 B.C.E
DIGMAANG GRAECO-PERSIA Tinawag na DIGMAANG GRAECO-PERSIA ang unang pagsalakay ng
490 B.C.E PERSIA sa MARATHON, GREECE noong 490 B.C.E.

PLUTARCH
Inilarawan niya ang isang tagapagbalita na si PHEIDIPPIDES ang
tumakbo mula MARATHON hanggang ATHENS upang ipaalam ang
pagkapanalo ng 10,000 puwersa ng ATHENS laban sa tinatayang
25,000 hukbo ng PERSIA. Pagkatapos niyang takbuhin ang kabuuang
25 milya ang katagang “Rejoice, we conquer” ang kanyang isinigaw
bago sya namatay.
480 B.C.E. DIGMAANG THERMOPYLAE
DIGMAANG THERMOPYLAE
480 B.C.E.
XERXES
Ipinagpatuloy ni XERXES, anak ni DARIUS ang
sumunod na labanang naganap sa THERMOPYLAE
noong 480 B.C.E.
HARING LEONIDAS

HARING LEONIDAS
Sinalubong ni Haring Leonidas ng Sparta kasama ang 300
sundalong Spartan ng buong katapangan at kahusayan sa
pakikidigma ang napakalaking hukbo ng Persia Subalit
ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan
patungo ng THERMOPYLAE dahilan ng pagkatalo ng
Sparta. XERXES
THEMISTOCLES
Heneral ng Athens na Namuno sa pagtakas.

pinag-utos na iwanan ng mga Athenian ang Athens at


lumikas sa isla ng SALAMIS kung saan ang dagat ay
lubhang makipot.

Dito natalo muli ang hukbo ni Xerxes dahil nahirapang


makaposisyon at maiwasan ng malalaking barko ni Xerxes
ang pagbangga ng mga sasakyang pandagat ng Athens.
LABANAN SA PLATAEA
Tuluyang natalo ng mga alyansa ng mga
lungsod-estado ng Greece ang
nalalabing hukbo ng mga Persiano sa
labanan sa Plataea.

Ang pangyayaring ito ang nagtulak kay


Xerxes upang bumalik na lamang sa
ASIA MINOR hudyat sa pagwawakas ng
digmaang Graeco-Persian.
20 YEARS PELOPONNESIAN WAR
ANG DIGMAANG PELOPONNESIAN
27 YEARS

PERICLES
Nais na manatili ang kapayapaan di
lamang sa Athens kundi maging sa mga
kalapit nitong mga lungsod-estado at
maging sa Persia.

Habang umuunlad ang Athens, lumawak


din ang kanilang kapangyarihan sa
kalakalan.

Ito ang naging daan na pagiging imperyo


ng Athens sa ilalim ng DELIAN LEAGUE.

PERICLES
Hindi lahat ng lungsod-estado ay
sumang-ayon sa ginawa ng
Athens na pagkontrol sa DELIAN
LEAGUE subalit wala silang
nagawa upang umalis sa alyansa.

Kaya’t ang mga lungsod-estado na


kasapi sa Delian League tulad ng
SPARTA, CORINTH, at iba pa ay
nagtatag ng sarili nilang alyansa
sa pamumuno ng SPARTA at
tinawag itong PELOPONNESIAN
LEAGUE.
431 BCE
Nilusob ng Sparta ang mga karatig-pook ng
Athens na naging simula ng Digmaang
Peloponnesian

Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma


sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos
niya ang pananatili ng mga Athenian sa
pinaderang lungsod.

Samantala, inatasan niya ang sandatahang


lakas ng Athens na lusubin sa karagatan
ang mga Spartan.

Ngunit sinawing-palad na may lumaganap


na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao,
kasama na si Pericles, noong 429 BCE.
27 YEARS
Ang dalawampu’t pitong taong
Digmaan ng Peloponnesian ay isang
malaking trahedya para sa Greece.

Nagkaroon ng malawakang pagkawasak


ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao.

Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng


hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga
bilihin, at kakulangan sa pagkain.
336-263 BCE ANG PANAHONG HELLENISTIC
ANG PANAHONG HELLENISTIC
(336-263 BCE)

ALEXANDER THE GREAT

Namuno sa pagsakop ng Kanlurang Asya,


Egypt, at India.

Panahon ng Kulturang Hellenestic o ang


pagsasanib ng kaalaman at kulturang
Greek at Asya.
LUNGSOD ALEXANDRIA
Ang lungsod ng Alexandria sa Egypt ang naging
sentro ng kulturang Hellenistic.

Mayroon itong isang PAROLA na may taas na 400


talampakan, paaralan, silid-aklatan na naglalaman
ng mga kasulatan tungkol sa mga sinaunang
kabihasnan, obserbatoryo at iba pang institusyon sa
pananaliksik.
ANG PANAHONG HELLENISTIC
(336-263 BCE)

ALEXANDER THE GREAT


Namuno sa pagsakop ng Kanlurang Asya, Egypt,
at India.
Panahon ng Kulturang Hellenestic o ang
pagsasanib ng kaalaman at kulturang Greek
at Asya.
LUNGSOD ALEXANDRIA
Ang lungsod ng Alexandria sa Egypt ang naging sentro ng
kulturang Hellenistic. Mayroon itong isang parolo na may ANTIGONUS SELEUCUS PTOLEMY
taas na 400 talampakan, paaralan, silid-aklatan na
naglalaman ng mga kasulatan tungkol sa mga sinaunang
kabihasnan, obserbatoryo at iba pang institusyon sa
pananaliksik. PTOLEMY sa Egypt
SELEUCUS sa Fertile Crescent
ANTIGONUS sa Greece at Macedonia.
323 BCE ANTIGONUS

Noong 323 BCE sa gulang na 32 taon ay namatay si


Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na
karamdaman. SELEUCUS

Nahati ang IMPERYONG MACEDONIAN sa


kaniyang tatlong heneral na sina

• PTOLEMY sa Egypt,
• SELEUCUS sa Fertile Crescent, at PTOLEMY
• ANTIGONUS sa Greece at Macedonia.

Nagpatuloy ang impluwensya ng kulturang


Hellenistic bagamat unti-unting humina ang
malawak na imperyong minsan tiningala ang
kadakilaan.
MGA KONTRIBUSYON NG GREECE
MGA KONTRIBUSYON NG GREECE

You might also like