You are on page 1of 8

8 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 2: Week 1
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: Ikalawang Markahan:Unang Linggo


Taon at Pangkat: Petsa:

ANG KABIHASNANG MINOAN, MYCENEAN AT KABIHASNANG KLASIKO NG


GREECE
Ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Naiisip nating sibilisado
ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang
pangkat, sa halip na gumalaw nang magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Inaasahan
din na makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura,
edukasyon, pamahalaan at kakayahang maipagtanggol ang sarili.

Ang Kabisnang Gresya


.

Polis – Sistematikong samahang pampulitika sa


Gresya.
Acropolis – Pinakamalakas na bahagi ng “polis” na
nasa ibabaw ng isang burol.
Agora – Lugar ng pamilihan at pinagdarausan ng
pampublikong pagpupulong.

Sibilisasyong Minoan
May sarili silang sistema ng pagsusulat na tinatawag na Linear. Ayon sa pag-aaral, ang
kabihasnang Griyego ay nagsimula noong 2500 B.C sa isla ng Crete. Ito ay ang maalamat na
sibilisasyong Minoan na hango sa pangalan ng pinuno nito na si Haring Minos. Ang
pagkakatuklas sa sibilisasyong ito ay dahil sa arkeolohikong Ingles na si Arthur Evans na
nakatuklas ng isang gumuhong palasyo sa Crete. Ayon sa kanya, ang palasyong iyon ay pag-
aari ni Haring Minos ng Crete. Ang kabisera nito ay Knossos.

Mahahalagang Pangyayari sa Sibilisasyong Minoan


• Pagpapagawa ng mga daan at aqueducts (mga kanal)
• Pagpipinta sa mga sariwang plaster.
• Pag-uukit sa mga plorera o pigurin
• Pagsusulat sa sariling wika.

Sibilisasyong Mycenean o Aegean

Nagsimula ito noong 1450 B.C. Ang Mycenae ay isang lungsod na matatagpuan sa timog
ng Gresya. ito ay tinatawag ring kabihasnang Aegean. Ang pinakamahalagang naiambag nito
ay ang tholos na ginamit ng mga maharlika, reyna at hari sa lahat ng sakop na lugar ng
Mycenean. Nagwakas noong 1000 B.C.

2
Ang Pamumuhay sa Sinaunang Gresya

Relihiyon

Ang mga Griyego ay naniniwala sa maraming diyos at diyosa. Itinuturing nila ang kanilang mga
diyos na makapangyarihan at imortal na may itsurang mukhang tao. Pinaniniwalaan din nila na
nakatira ang mga ito sa Bundok Olympus na pimumunuan ni Zeus.

Ilan sa mga diyos at diyosa ay ang mga sumusunod:


Poseidon – kapatid ni Zeus, diyos ng karagatan
Apollo – anak na lalaki ni Zeus at diyos ng araw, musika, at kagalingan.
Hera – asawa ni Zeus at diyosa ng pag-aasawa
Athena – diyosa ng karunungan

Palakasan Pamilya

Naniniwala ang mga Griyego na Ang pangunahing yunit panlipunan


isang paraan ng pagbibigay-pugay sa ng sinaunang Gresya ay ang pamilya na
kanilang mga diyos at diyosa ay ang pinamumunuan ng mga kalalakihan.
pagpapaunlad ng kanilang mga sarili, isipan Inaasahang susundin ng mga kababaihan
at katawan. Pinapahalagahan nila ang ang kanilang asawa, aalagaan ang mga
kanilang mga katawan at nagdaraos sila ng anak at pangangasiwaan ang mga gawaing
mga patimpalak palakasan. Dito nagsimula bahay. Hindi sila kabilang sa pagsisilbi sa
ang Olympic Games, na pormal na lipunan.
sinimulan noong 770 B.C.

Ang Lungsod-Estado ng Athens (Demokratikong Polis)


Bago pa man nalinang ang demokrasya sa Athens, ito muna ay isang
monarkiya. Pinalitan ng mga aristokrata ang hari at pinamumunuan ang
Athens ng siyam na archons o mga opisyal. Sa ilalim ng pamahalaang
oligarkiya, unit-uniting tumaas ang populasyon at umunlad ang kalakalan.
Ngunit sa kabila nito, maraming mga magsasaka ang hindi nakuntento sa
pamamahala ng mga archons. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa
Greece ang Athens.
Oligarchy – sentralisadong pamumuno sa pamamagitan ng pagtatag ng
isang lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari.

3
Pistratus – hinati-hati
Draco – gumawa ng ang mga lupain ng
batas na nagbigay ng mga mayayaman at
malulupit na parusa sa ipinamahagi sa mga
mga nagkasala. walang lupa.

Cleisthenes
- nagpahayag sa
Solon – tumulong Gresya bilang
sa mga kauna-unahang
magsasakang Ilan sa mga demokrasyang
nabaon sa utang. nakilalang bansa sa buong
Athenian na mundo.
nagsulong ng
kapangyarihan ng
mga mamamayan
sa pamamagitan
ng demokrasya.

Ang Lungsod-estado ng Sparta (Mandirigmang Polis)

Ang bawat lungsod-estado sa Gresya ay may kani-kaniyang kasaysayan, institusyong


pampulitika, at kultura. Ito ang nangyari sa Athen at Sparta. Kung ang Athens ay nakalinang ng isang
pamahalaang demokratiko. kabaliktaran naman ang nangyari sa Sparta. Nalinang nito ang isang uri
ng pamahalaan, na kontrolado ang lahat ng aspeto ng buhay ng mga mamamayan nito. pagdating
ng 500 B.C nakontrol ng Sparta ang kabuuan ng peninsula na tinawag nilang Peloponnesus.

Sila ay hinahagupit taon-taon upang subukan ang kanilanag kakayahang tiisin ang kanilang
pisikal na paghihirap. Sa pagsapit ng ika-20 taong gulang, ang mga kalalakihan ay ganap ng
mga sundalo.

Tatlong pangkat ng lipunan ng Sparta:


Maharlika – pinakamayayaman
Perioeci -malalayong tao na naghahanapbuhay bilang mga mangangalakal o
artisano
Helots – pinakamababang uri ng lipunan

Sibilisasyong Helenistiko

Ang sibilisasyong ito ay umusbong mula noong 323 B.C. pagkatapos ng kamatayan ni Alexander
the Great. Ang sibilisasyong ito ay ang pagsasama ng sibilisasyong Griyego at sibilisasyong Asyano.

Mga Naiambag ng Sibilisasyong Helenistiko sa Kasaysayan

● Pilosopiyang Epicureanism na itinatag ni Epicurus na may konsepto ng “Eat and be merry for
tomorrow you shall die “. Sinasabi ng pilosopiyang ito na gawing maligaya ang arawarawna
pamumuhay at iwasan ang labis na pag-iisip.
● Ang pilosopiyang Stoicism ay itinatag ni Zeno noong 300 B.C. Ang pangunahing konsepto
nito ay ang pagmamahal sa dignidad, at paggalang ng damdamin ng ibang tao.
4
● Prinsipyo ng lever at pulley ni Archimedes na malaking tulong sa industriya at
imprastraktura.

Pilosopiyang Griyego

Ang mga Griyego ay ang mga unang pangkat sa lipunang naghiwalay sa pag-aaral ng
mga kaisipan at relihiyon.

Mga Kilalang Pilosopo

Socrates – itinuturo niya sa mga tao na kilalanin ang kanilang mga sarili, at naniniwala siya na
mauunawaan lamang ng tao ang kaniyang sarili sa isang paraan ng pagtatamo ng kaalaman na
nakilala bilang “Socratic Method”.
Plato – naniniwala siya na ang lipunan ay kailangang pamahalaan ng mga taong taglay ang
karunugan at hindi yaong mga mayayaman at tanyag lamang. Aristotle – nakilala sa agham at
medisina.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang Klasiko ng Greece.
AP8HSK-Ij-10

Mga Layunin

1. Natatalakay ang kabihasnang: a. Minoan b. Mycenean c. Greece.


2. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari at kontribusyon ng kabihasnang Minoan,
Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece.

Pagsasanay 1
Panuto : Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman
kung di-wasto. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ang mga Griyego ay naniniwala sa maraming diyos at diyosa.


2. Si Aldus ang anak na lalaki ni Zeus at diyos ng araw, musika, at kagalingan.
3. Linear ang tawag sa sistema ng pagsusulat ng Minoan.
4. Ang pilosopiyang Stoicism ay itinatag ni Zeno. Ang pangunahing konsepto nito ay
ang pagmamahal sa dignidad at paggalang sa damdamin ng ibang tao.
5. Natamo ng Gresya ang iba’t ibang tagumpay sa larangan ng kaisipan, agham,
sining at literatura na siyang dahilan upang tawagin itong “Ginintuang panahon ng
Athens”.
6. Si Aristotle ay naniniwala na ang lipunan ay kailangang pamahalaan ng mga taong
taglay ang karunugan at hindi yaong mga mayayaman at tanyag lamang.
7. Ang mga Griyego ang mga unang pangkat sa lipunang naghiwalay sa pag-aaral ng
mga kaisipan at relihiyon.
8. Si Draco ay ang tumutulong sa mga magsasakang nababaon sa utang.
9. Ang Polis ay isang sistematikong samahang pampulitika sa Gresya.
10. Ang Perioeci ay ang mga malalayong tao na naghahanapbuhay bilang mga
mangangalakal o artisano.

5
Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang mga sumusunod na kontribusyon. Isulat ang Mi kung ito
ay ambag ng kabihasnang MINOAN, My kung kabihasnang MYCENEAN at Kl naman kung ambag
ng kabihasnang KLASIKONG GREECE. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Linear

2. Tholos

3. Socratic Method

4. Pag-uukit sa mga plorera o pigurin.

5. Olympic Games

6. Pilosopiyang Stoicism

7. Pagsusulat sa sariling wika.

8. Paggawa ng mga daan at aqueducts

9. Pamahalaang Demokratiko

10. Pagpipinta sa mga sariwang plaster.

Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Pinakamababang uri ng lipunan ng Sparta.


2. Gumawa ng batas na nagbigay ng malulupit na parusa sa mga nagkasala.
3. Asawa ni Zeus at diyosa ng pag-aasawa.
4. Naniniwala siya na ang lipunan ay kailangang pamahalaan ng mga taong
may taglay na karunugan at hindi yaong mga mayayaman at tanyag lamang.
5. Sentralisadong pamumuno sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang lupon
ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari.
6. Siya ang Diyosa ng karunungan.
7. Ginagamit sa pagsisiyasat sa posisyon ng araw at bituin.
8. Sila ang unang pangkat sa lipunan na naghiwalay sa pag-aaral ng mga
kaisipan at relihiyon.
9. Pinakamalakas na bahagi ng “polis” na nasa ibabaw ng isang burol
10. Lugar ng pamilihan at pinagdarausan ng pampublikong pagpupulong.

6
Pagsasanay 4 (Performance Task)
Panuto: Sagutin ang tanong sa hindi bababa sa limang pangungusap. Isulat ang sagot sa kahon
na nasa ibaba. Gawing patnubay ang pamantayan na nasa ibaba.

“Bilang isang mag-aaral na nasa ika-8 baitang, Ano ang mga


pinakamahalagang naiambag ng kabihasnang klasikal ng Greece sa
kasalukuyang panahon na iyong napakikinabangan?”

PAMANTAYAN NG
KAPASYAHAN PUNTOS MARKA NG GURO

MENSAHE 5

PAGKAMALIKHAIN 5

KAUGNAYAN SA PAKSA 5

KABUUAN 15

Pangwakas: Sagutin ang tanong upang makabuo ng iyong repleksiyon hinggil sa araling ito.

Kung nabubuhay ka noong Panahong Klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira, sa
Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang iyong sagot.

7
Teacher III
NELFEL JOY C. TIPAY
Inihanda ni:
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1: 1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. TAMA 5. TAMA 6. MALI 7. TAMA 8. MALI 9. TAMA 10. TAMA
Pagsasanay 2: 1. Mi 2. My 3. Kl 4. Mi 5. Kl 6. Kl 7. Mi 8. Mi 9. Kl 10. Mi
Pagsasanay 3: 1. Helots 2. Draco 3. Hera 4. Plato 5. Oligarchy
6. Athena 7. Astrolabe 8. Griyego 9. Acropolis 10. Agora
Pagsasanay 4: (Performance task) Magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral base sa sariling opinyon.
Pangwakas: Magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral base sa sariling opinyon.
Secretariat (DepEd-IMCS) 120-144
Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education Instructional Materials Council
2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City,
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis.
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
Sanggunian

You might also like