You are on page 1of 1

ANG ATHENS

ANG SPARTA AT ATHENS


 Ang Athens ay matataguan sa Attica.
 Isa sa
 Ang lupain sa Athens ay nahahati sa tatlong pangkat:
1. Orihinal na lahi ng Ionian – kinikilalang tunay na mamamayan ng Athens
2. Meltics – bagamat hindi sila mamamayan ng Athens, sila ay malayang nakakakilos
sa syudad-estado, kabilang dito ay mangangalakal
3. Alipin
 Nakilala ang Athens sa pagtatatag ng pamahalaang DEMOKRASYA.
 MGA UNANG LIDER NG DEMOKRASYA SA ATHENS: Draco, Solon, Pisitratus at Cleisthenes.
 DEMAKRASYA – binigyan ng karapatan ang mga mamamayan na makilahok sa paglikha ng
desisyon ng pamahalaan.
 NGUNIT, tanging malalayang kalalakihan lamang ang kinikilala bilag mga mamamayan ng
Athens.
 KABABAIHAN, DAYUHAN at ALIPIN – ay hindi kinikilala bilang mga mamamayan at mayroon
lamang kaunting karapatan.

ANG KALAGAYANG POLITIKAL AT PANG-KABUHAYAN NG ATHENS

 ANG PAMUMUNO NI DRACO


 Si Draco ay nanungkulan moong 612 BCE.
 Nakilala siya sa kanyang “Draconian Code”.
 Draconian Code – ito ay pinagsama-samang batas na isinulat upang maunawaan ng lahat. Sa
Draconian Code, halos lahat ng kasalanan ay hinahatulan ng kamatayan.
 Halimbawa ng batas sa Draconian Code: debt slaver.
 ANG PAMUMUNO NG SOLON
 Si Solon ay isang pinagkakatiwalaang mangangalakal na nagging Archon noong 594 BCE.
 Inaayos ni Solon ang kalagayan ng mga magsasaka.
 KONSEHO NG APAT NA RAAN (Council of the Four Hundred) – binubuo ng mga piling kasapi
mula sa pangkat ng mayayamang may-ari ng lupa. Ang konseho ay nagmumungkahi ng mga
batas na pinagbobotohan sa asamblea
 Bumuo rin si Solon ng KORTE na kinabibilangan ng mga mamamayan ng Athens.
 Sa korte maaaring iapila ang isang kaso at dito maaaring ipagtanggol ng isang
mamamayan ang kanyang sarili.
 Dahil sa kanyang kahusayan sa paggawa ng reporma, ang isang mambabatas sa ngayon ay
tinawag na SOLON.
 ANG PAMUMUNO NI PISISTRATUS
 Si Pisistratus ay isang mayamang aristokrata.
 Noong 560 BCE, si Pisistratus ay naging tirano (tyrant) at tumulong sa pagpapalago ng
demokrasya sa Athens.
 Inalis niya ang patakarang tanging mayayaman lamang ang mamamayan ng Athens.
 Kinamkam ni Pisistratus ang lupain ng mga mayayaman at ipinamahagi sa magsasakang
walang lupa.
 Pinagbuti niya ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagsasaayos ng irigasyon at pamamahagi
ng mga kagamitang pang-agrikultura.
 Pinasimulan niya ang pagpapaganda ng Athens – nagtayo ng mga gusali at templo at
pagsuporta sa sining.
 ANG PAMUMUNO NI CLEISTHENES
 Cleisthenes – hinirang na bagong pinuno noong 508 BCE.
 Siya ay naging makapangyarihan na nagmula sa isang mayaman at may mataas na posoyon
sa lipunan.
 Mahigpit niyang tinutulan ang pagpapangkat ng tao batay sa kayamanan.
 Mga maaaring kasapi o miyembro ng asamblea, ay mga lalaking mamamayang may higit na
dalawampung taong gulang (20 years old)
 Mga maaaring kasapi o miyembro ng konseho, limang daan ang pinili mula sa kalalakihang
may edad tatlumpu pataas (30 years old)
 Ang KONSEHO, ang pumalit sa kapangyarihan at tungkulin na dating hawak ng arkon.
 Pinairal ni Cleisthenes ang tunay na demokrasya sa Athens.
 OSTRASISMO – patakaran kung saan ipinapatapon sa ibang lugar ang sinumang mamamayang
itinuturing na banta sa kaayusan ng pamahalaan at lipunan.

You might also like