You are on page 1of 2

PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA EUROPE

Olympics-isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang


bansa
Olympia-isang lungsod-estado ng sinaunang Greece kung saan naganap ang kauna-unahang
Olympics noong 776 BC
ANG MGA MINOANS
Crete-dito nagsimula ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean noong 3100BCE
Knossos-isang makapangyarihang lungsod ng Aegean at sinakop nito ang kabuuan ng Crete at
ditto matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa
at napapaligiran ng mga bahay na bato
Ang pamayanang Minoan ay may apat na pangkat tao:
1.Maharlika
2.Mangangalakal
3.Magsasaka
4. Alipin
ANG MGA MYCENAEAN
Mycenaea-matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean na naging
sentro ng kabihasnan
Dorian-isang pangkat ng tao mula sa hilaga na pumasok sa Greece at iginupo ang mga
Mycenaean noong 1100BCE
Dark Age of Greece- madilim na panahon sa Greece na halos tumagal ng 300 taon kung saan
naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka,
at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Kabihasnang Hellenic o Hellas- naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa
kasaysayan ng daigdig
ANG MGA POLIS
Polis-mga lungsod estado na hango sa salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya,
politika at politiko
Acropolis-mataas na lungsod kung saan matatagpuan ang matatayog na palasyo at temple
kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek
Agora-tawag sa ibabang bahagi ng polis na isang pamilihang bayan.
SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA MANDIRIGMA
-Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at
kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan.
-Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang
sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar.
-Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at
ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
-Sa lipunan ng mga Spartan, maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag.
Phalanx-hukbo kung saan ang mga sundalong Sparta ay nananatiling sama-sama sa
pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa kaliwang
kamay at espada naman sa kanan.
ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO
Athens-isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica simula
noong BCE.
Solon-kilala siya sa pagiging matalino at patas at inialis niya ang mga pagkakautang ng
mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng
sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang
na Athenian ay maaring maging hurado sa mga korte.
Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang
pamahalaan na umuugit ng batas.
Pisistratus-isang politiko na namuno sa pamahalaan ng Athens na nagpamahagi ng malalaking
lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng
malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko.
Cliesthenes-namuno sa Athens noong BCE, hinati nya ang athens sa sampung distrito
Ostracism-ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao
ANG BANTA NG PERSIA
Thermopylae-isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central
Greece kung saan naganap ang labanan ng Persia at Athens
Xerxes- anak ni Darius na nagpatuloy sa tangkang pagpapabagsak sa Athens
DIGMAANG PELOPONNESIAN

You might also like