You are on page 1of 6

KLASIKONG KABIHASNAN NG GREECE

(Kabihasnang Griyego)

KABIHASNANG GRIYEGO – nakasentro sa karagatan.


KABIHASNANG KLASIKAL - ang naiambag sa agham, sining, at
kaisipan ay may mataas na antas ng kagalingan na
tinitingala
sa daigdig.
GREECE – matatagpuan sa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa
Timog-Silangang Europa.
-mabato at hiwa-hiwalay, katatagpuan ng liko-likong
baybaying-dagat at magagandang daungan.
-75% ay mga kabundukan
-mangingisda at mangangalakal
-pakikipag-ugnayan sa mga karatig-pook sa Mediterranean.
POLIS-isang yunit pampolitika ang nabuo na tinatawag na
lungsod-estado o mga sinaunang pamayanan sa Greece.
3 Bahagi na Bumubuo sa Polis
 Acropolis-matatagpuan sa matataas na lungsod o pook
tulad ng burol o bundok na pinalilibutan ng pader at
kakikitaan
ng mga templo at gusaling pampubliko, sentro ng pulitika
at relihiyon.
 Agora- pamilihan na nasa ibaba ng acropolis
 Polis-binubuo ng mga nkapaligid na kanayunan

Mga Lehitimong Mamamayan


 May karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian,
humawak ng posisyon sa pamahalaan, ipagtanggol
ang sarili sa korte.
 Makilahok sa pamahalaan at tumulong na pagta-
tanggol sa polis sa panahon ng digmaan.

Pakikipagkalakalan ng mga Greeks-natutunan ng mga


Griyego ang mga makabagong ideya at teknik
 Phoenecians-alpabeto at paggawa ng mas malaki
at mabibilis na barko.
 Sumerian-kaalaman sa panukat
 Lydian-paggamit ng sinsilyo o barya sa pakikipagkala-
kalan.
SPARTA-isang lungsod estado na itinatag ng mga Dorians sa
Peloponnesus, sa timog na bahagi ng tangway ng Greece.
-magandang klima, sapat na patubig at matatabang lupa
para sa pagsasaka, hindi umaasa sa kalakalan.
-pananakop at pagpapalawak ng lupain
-pinalakas ang hukbong military at itinatag ang pamayanan
ng mga mandirigma
3 Pangkat ng Tao sa Lipunan
1. Spartiate- kabilang sa salin-lahi ng mga Dorian, nagmamay-
ari ng mga lupain at opisyal ng pamahalaan.
2. Perioeci-hindi mamamayan ng Sparta ngunit malaya, nabu-
buhay sa pakikipagkalakalan
3. Helot-mga katutubong sinakop ng mga Spartan
PAMAHALAAN:
Asamblea- mga kalalakihan at mga hinirang na opisyal na
bumuboto sa mahahalagang isyu at patakaran.
Konseho ng mga Matatanda-nagpapanukala ng batas sa
Asamblea
Ipinagbawal ang paggamit ng ginto at pilak bilang salapi at
ipinalit ang baretang bakal.
Mahusay na mekanismong military sa pagpapalawak ng
kapangyarihan.

Mga Kalalakihan- sinasanay sa hukbong pangmilitar upang


ihanda sa paglilingkod sa pamahalaan.
-malalakas na katawan, “Tao para sa Estado”
-7 taon ay dinadala na sa kampo-militar upang magsanay
-20 taon gulang, ganap na sundalong mamamayan
-30 taon gulang, pag-aasawa at paninirahan sa kampo
-60 taon gulang, maaari nang magretiro

Mga Kababaihan- sinasanay na maging matatag (pagtakbo,


pagbuno, at iba pang palakasan), nag-aasikaso ng lupain
at kabuhayan ng kanilang asawa habang nagsisilbi sa polis.
Laconic-matipid magsalita, “Ang Tao ay Para sa Estado”
Phalanx-tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo
ng 16 na hanay na mandirigma.

Ang Demokrasyang ATHENS


 karapatan ng mamamayan na lumahok sa paglikha ng
desisyon ng pamahalaan.
 mga malalayang kalalakihan lamang ang kinikilala bilang
mamamayan ng Athens.
 ang kababaihan, dayuhan, at mga alipin ay hindi kinikilala
bilang mamamayan at kaunti lamang ang karapatan.
 matatalinong isip,nagpapahalaga sa edukasyon, sining at
panitikan, ”Ang Estado ay Para sa Tao”
DRACO(621 BCE)
-Draconian Code
-Pagkakapantay-pantay sa lipunan at naba-
wasan ang karapatan ng mga namumuno.
-Hinahatulan ng kamatayan ang kasalanang
nagawa ng tao
-Debt Slavery
-Ipinaglaban ng mga magsasaka ang
kanilang karapatan na nauwi sa Digmaang
Sibil.
SOLON (594 BCE)

-mangangalakal na archon
- pagpalaya sa mga naging alipin dahil sa
pagkakautang.
-limitasyon sa lawak ng lupaing maaaring

angkinin ng mga maharlika.

COUNCIL OF THE 400- mga piling kasapi mula sa pangkat ng


mayayamang may-ari ng lupa, nagmumungkahi ng batas
na pinagbobotohan sa Asamblea.
Korte sa Mamamayan ng Athens-pinaboran ang mahihirap
kaysa mayayaman.
PISISTRATUS (560 BCE)
-mayamang aristokrata at tirano sa pagpapalago
ng demokrasya sa Athens
-pagpapatapon sa mga maharlikang sumasalungat
sa patakaran ng pamahalaan.
-pagkamkam sa lupain ng mga Maharlika na ipina-
mahagi sa mga magsasakang walang lupa.
-pagpaunlad sa irigasyon at agrikultura
-pagpapaganda sa Athens (gusali, templo
at sining)
CLEISTHENES (508 BCE)
-tinutulan ang pagpapangkat-pangkat ng tao
batay sa kayamanan.
Asamblea-sangay ng pamahalaan na humahalal
sa mga opisyal ng pamahalaan (kalalakihang
edad 30 pataas)
Konseho ng Matatanda-nagpapanukala ng batas at mga
patakarang pagbobotohan (2 hari at 8 kasapi edad 60
pataas)
Council of 500- hinati ang Athens sa 10 tribo, at ginawang 500
ang miyembro ng konseho, na mula sa mga kalalakihang
may edad 30 pataas na nagpapanukala ng batas sa
Asemblea.
Patakarang Ostrasismo-pagpapatapon sa ibang lugar sa mga
mamamayang nagiging banta sa kaayusan ng
pamahalaan at lipunan.

You might also like