You are on page 1of 13

Ang Klasikal na Europa

Nahahati ito sa dalawa:


• Panahong Gresya
• Panahong Roma

GRESYA (Sinilangan ng Kanlurang Sibilisasyon)


Nahahati sa 5:
• Minoan (Kabihasnan)
• Mycenaean (Kabihasnan)
• Ang Mga Polis (Lungsod Estado)
• Greco-Persian Wars
• Si Alexander The Great

Napapalibutan ng mga anyong-tubig:


• Ionian Sea — Kanluran
• Mediterranean Sea — Timog
• Aegean Sea — Silangan

- dito nagmula ang kultura ng kasalukuyang Europa, kung kaya't nakuha ang pangalan na
"Sinilangan ng Kanlurang Europa"
- umusbong sa rehiyon ng Aegean na binubuo ng daan-daan at maliliit na pulo, nahahati ito sa 3:
• Cyclades - binubuo ng maliliit na pulo at pinag usbungan ng Panahon ng Tanso
• Crete - matatagpuan sa timog na bahagi at pinagmulan ng Kabihasnang Minoan
• Mainland Greece - pinagmulan ng Kabihasnang Mycenaean

KABIHASNANG MINOAN
- ipinangalan sa kanilang pinuno na si Haring Minos
- sinisimbolo ng labrys o double sided axe na pinaniniwalaang binigay ni Zeus kay Haring Minos
- Labyrinth, pinaniniwalaang binabantayan at pinaninirahan ng isang kalahating toro at kalahating
tao, na tinatawag na Minotaur ; tagapag-bantay ng Labrys
- ang sentro ay itinatag sa Knossos
- Ang mga Artisano nila ay gumawa ng mga armas na yari sa bronse
- ang paraan ng pamumuhay ay agrikultura
- ang Linear A, sa kasalukuyan ay wala pa ring nakakabasa kung kaya't kakaunti lang ang kaalaman
tungkol sa sinaunang kabihasnang Minoan
- 2 dahilan ng pagbagsak — Pagsakop ng mga Mycenaean at Pagputok ng mga bulkan dito

1. Pinuno : • Haring Minos


2. Itinatag : • Crete
3. Ambag : • Naging daan ng kalakal sa pag-itan ng Asya at Aprika
• May maunlad na teknolohiya at mataas na antas ng arkitektura
4. Pagsusulat : • Linear A
KABIHASNANG MYCENAEAN
- sila ang sumakop sa mga Minoan
- ang unang mga pinuno nito ay ang mga haring nakatira sa Citadel ; pinapaligiran ito ng Pader
- Ginawa ni Haring Agamemnon ang Crete bilang sentro ng politika at kultura
- Unti-unting bumagsak dahil sa mga Dorian na syang nagdulot ng away at pagkasira ng mga
pamayanan, paghinto ng kalakalan at sining (naging hudyat ng pagsisimula ng Dark Ages o
Panahon ng Kadiliman)

1. Pinuno : • Haring Agamemnon ; pinaka kilala at pinaka mayaman na hari ng Panahong Gresya
2. Itinatag : • Lupain ng Pelopponesus sa rehiyon ng Mainland Greece
3. Kilala bilang : • Panahon ng Homer, dahil dito nakilala ang mga akda ni Homer na nagkaroon ng
malaking papel sa kanilang kasaysayan

ANG MGA POLIS (Lungsod-Estado)


- noong 800 CE ay nabuo ang tinatawag na yunit pampolitika na lungsod-estado kung saan
tinatawag na Polis
- Binubuo ng tatlong bahagi:
• Acropolis - templo at pampublikong gusali
• Agora - pamilihan
• Polis - kanayunan

- binubuo ang kanilang panlipunang politikal ng hari, sanggunian at kapulungan, na puro lalaki
- Hari ; may kapangyarihan at namamahala
- Sanggunian at Kapulungan ; may responsibilidad na isaayos ang mga kasong may kinalaman sa
pamilya o angkan

IBA'T-IBANG URI NG SISTEMA NG PAMAMAHALA NG POLIS


• Monarkiya - pinamamahalaan ng isang hari o reyna
• Aristokrasiya - pinamumunuan ng pinakamakapangyarihang pamilya, kalimitan ay nag mamay-ari
ng malalaking lupain sa kanilang pinamumunuan
• Oligarkiya - pinamumunuan ng grupo ng mga tao na may iisang hangarin
• Tiraniya - pinamumunuan ng isang Tirano na nakuha ang posisyon dahil sa taglay nyang lakas
• Demokrasya - Lipunang mamamayan ang nasusunod

- sa pamamagitan ng kaalaman nila sa pagpapanday ng bakal, nakagawa sila ng mga armas na


ginagamit ng mga mamamayan. Isa na dito ay ang chariots na sinasakyan ng mga pinuno
- hukbo ay nabubuo ng ordinaryong mga tao na tinatawag na Hoplites
- Phalanx ang tawag sa pagdidikit dikit ng mga sundalo tuwing digmaan na itinuturi nilang
estratehiya

Dalawang pinaka kilalang Polis sa Gresya:


• Sparta
• Athens
ATHENS
- itinatag sa kapatagan ng Attica na unti-unti at payapang sinakop ng mga Ionians, dala ang kanilang
kultura at wika
- may mas malakas na hukbong pandagat
- Nakilala sa kanilang pamamahala na demokrasya
- Nagkakaroon lang ng kapangyarihan ay ang matataas na tao at hindi kinikilalang mamamayan ang
mga alipin at babae ay wala masyadong karapatan
- Nagkaroon ng alitan sa pag-itan ng mayayaman at mahihirap, sapagkat hindi sang-ayon ang mga
magsasaka at mangangalakal sa pamamahala ng mga Arkon
- Natigil lang ang alitan noong nagkaroon ng reporma sa kanilang pamumuno noong maging Arkon
si Draco

MGA PINUNO NG ATHENS


- Draco
• Draconian Code — lipon ng mga batas sa kanyang administrasyon, isa na dito ay ang pag hintulot
ng pagpatay sa kung sino mang lalabag dito
• Debt Slavery — maaaring bayadan ng mga mahihirap ang kanilang utang sa pamamagitan ng pag
lilingkod sa kanilang kinauutangan
• Pantay-pantay na pagkakahati ng lupain — lubha itong hindi pinag sang-ayunan ng mga
mayayaman, muli ulit nagkaroon ng alitan ang dalwang pangkat

- Solon
• Sa gitna ng kaguluhan na nangyayari sa kanilang lipunan ay naging Arkon pa rin ang isang
mangangalakal na si Solon
• Isinaayos ang mga suliranin ng magsasaka
• Pinalaya niya ang mga alipin na hindi nakapag bayad ng mga utang
• Hindi sinunod ang pantay-pantay na paghahati ng lupain, ngunit nilagyan ng limitasyon ang
maaaring makuha ng isang pamilya
• Konseho ng Apat na Raan (Council of the Four Hundred) - binubuo ng piling kasapi ng
mayayamang may ari ng lupa, sila ang nagmumungkahi ng mga batas na kung saan ay
pagbobotohan ng Asamblea ng mga mamamayan
• Bumuo ng korte na binubuo ng mga mamamayan ng Athens, dito maaaring ipagtanggol ng
nagkasala ang kanyang sarili
• Isinunod sa kaniya ang katawagan ng isang mambabatas, dahil sa kahusayan nya sa pamumuno.
Ito ay tinawag na Solon
• Sa kabila ng lahat ng mga naging reporma, ay hindi rin nagtagal ang kapayapaan, sapagkat sa
tingin ng mayayaman ay mas pinaburan ni Solon ang mga mahihirap at naging dahilan kung bakit
sya ay pinatalsik sa kanyang pwesto
- Pisistratus
• Mamamayang aristokrata na pumalit kay Solon, na naglaon ay naging Tirano na nagpalago ng
demokrasya sa Athen
• Tinanggal ang ideya na ang mayayaman lamang ang kinikilalang mamamayan
• Binawasan ng oposisyon — pinatalsik o pinaalis ang mga maharlika na sumasalungat sa kanyang
pamahalaan
• Kinuha niya ang lupa ng mga maharlika at ibinigay sa mga magsasaka na walang lupain
• Hinikayat ang pagtatanim ng ubas upang gawing alak
• Isinaayos ang irigasyon at namahagi ng kagamitang pang agrikultura upang mapabuti ang
pagsasaka
• Pagpapaganda at Pagpapagawa ng mga templo
• Sinuportahan niya ang pag-unlad ng sining
• Ito ay nagbigay ng maraming oportunidad ng trabaho sa mga tao, ngunit siya ay malupit na pinuno,
kung kaya't hiniling na lang ang pagtalsik sa kanya

- Cleisthenes
• Galing sa isang mayamang pamilya at may mataas na posisyon sa pamahalaan
• Tinutulan niya ang pagpapangkat ng mga tao base sa kanilang kayamanan
• Hinati niya ang mga mamamayan sa 10 tribo, ayon sa kanilang kinaroroonan

1. Kalalakihan na edad 20 pataas : Miyembro ng Asemblea ng Mamamayan

• Asemblea ng Mamamayan - may kapangyarihan sa pamahalaan

2. 30 pataas na edad, miyembro ng asemblea ng mamamayan

• naghahalal ng opisyal ng pamahalaan

3. Edad 60 pataas : Asemblea ng Matatanda

• Nagpapanukala ng batas na pagbobotohan ng asemblea


Binubuo ng:
- 2 Hari — punong-hari, pinuno at hukom
- 8 Miyembro

4. Konseho ng 500

• ng naglaon ay nagkaroon ng 500 miyembro ang konseho na binubuo ng mga lalaking edad 30
pataas
• pumalit ang konseho sa dating arkon

ORTACISMO — pinatapon niya sa malayong lugar ang sino mang mapapatunayang banta sa
kanilang pamamahala at lipunan
SPARTA
- itinatag sa rehiyon ng Pelopponesus, ito ay napapaligiran ng matataas na pader
- malakas ang militarismo o hukbong panlupa
- Nahahati ito sa 3:
• Spartiate - pinaka mahalagang pangkat na binubuo ng nagmamay-ari ng malawak na lupain o
opisyales ng pamahalaan
• Perioece - hindi mamamayan ng Sparta ngunit malaya at namumuhay sa pamamagitan ng
pangangalakal, kailan man ay hindi sila pwedeng maging mamamayan ng sparta
• Helot - mga katutubong nasakop ng sparta, dahil sa mababang antaas, hindi sila pwedeng
humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan

- ang sinumang mapapatunayan o nakikita ng lipunan na may karamdaman ay agad na nilang


pinapapatay
- Ang pamahalan ay binubuo ng:
• Asemblea - binubuo ng mga kalalakihan at may tungkulin na mag hirang ng opisyales ng
pamahalaan, at sya namang bumoboto sa mga isyu at patakaran
• Konseho ng Matatanda - nagpapanukala ng mga batas sa asemblea
• Ephores - nagpapatupad ng mga naipasang batas at may kontrol sa edukasyon at paglilitis ng
kaso

LAYUNIN NG SPARTA
- makabuo ng mahusay na mekanismong militar upang mapalawak ang kapangyarihan
- naging mahigpit ang paghuhubog sa kanilang mamamayan
- ang mga lalaki, 7 na taong gulang pa lamang ay inaaasahang maglilingkod na sa pamahalaan at
tinuturuan na ring magbasa. Nag eensayo na rin sila sa paggamit ng armas at naninirahan sa mga
barracks
- binigyang diin ang kadakilaan ng kamatayan para sa sparta
- pinapayagan lamang bumalik sa kanilang tahan sa edad na 21 na taong gulang
- ang sistemang na ito ay nakagawa ng mga matatapang na sundalo
- hindi nila nabigyang pansin ang larangan ng sining at edukasyon
- kababaihan ay hinahasa sa larangan ng pagtakbo at iba pang pampalakas
- mas binibigyang halaga nila ang pagmamahal sa kanilang bayan kaysa sa kanilang sarili
- sa kanilang pagtanda, ang kababaihan ay abala sa pagpapatakbo ng mga kabuhayan, habang ang
kalalakihan ay naglilingkod sa mga polis

GRECO-PERSIAN WARS
- digmaan sa pag-itan ng Gresya at Persia

- Cyrus the Great


• nagsimula ang digmaan dahil sa pagnanais niya na sakupin ang Gresya noong 546 BCE
• naging maluwag ang pagtrato ni Cyrus the Great sa mga Griyego, ngunit hindi sila sang-ayon sa
pagkuha ng buwis, kung kaya't sila ay nag-aklas

- Darius (Anak ni Cyrus)


• agad nyang sinimulan ang mga kampanya laban sa pangkat etnikong Danube
• pinangunahan nya ang pagsakop sa iba't-ibang lungsod estado ng Gresya
- Ionia at Athens
• nagsimula rin ng pakikipag laban sa mga Persiano (pinamumunuan ni Darius) ang mga Ionia. Ito
naman ay sinuportahan ng mga Athens at lubhang ikinagalit ni Darius. Nag resulta ito sa pagnanais
ni Darius na sakupin ang Gresya lalong lalo na ang Athens

DIGMAANG MARATHON
• ang mga hukbo ay ipinadala ni Darius sa mga embahador ng gresya upang hikayatin na sumali sa
kanilang hukbo at kilalanin sya bilang hari
• tinanggap sya ng ibang lungsod estado ngunit tumanggi ang iba katulad ng sparta at athens
• nagpadala si Darius ng mga hukbo sa mga lungsod estado na ito, ngunit agad na nagpadala ng
tulong ang athens sa mga lungsod-estado na nag-alsa, at ikinagalit ni darius
• agad syang nagplano ng pagsalakay sa athens
• noong marating ng persia ang marathon, humingi ng tulong ang nga athens sa sparta ngunit wala
silang naging tugon kung kaya't hinarap sila ng mga athens.
• Hindi pa rin natugunan ng sparta ang kinakailangang tulong ng athens dahil sa araw na iyon ay
may gaganapin na importanteng seremonya sa kanila
• kinalaban ng athens ang persia ng mag-isa

Hukbo Dami ng Sundalo Mga na Dedu

Persiano 25,000 6,400

Athens 10,000
at 192
Anatolia 1,000

• mabilis napatay ng mga athens ang persia sa pamamagitan ng phalanx


• dahil dito ay umatras ang mga persiano, at hindi natanggap ni darius ang kanyang pagkatalo

DIGMAANG THERMOPYLAE
• matapos ang 10 taon ay muling bumalik ang mga persiano na handa, para maghiganti sa gresya
lalo na sa athens
• sa pamumuno ni Xerxes (Anak ni Darius) ay nakapag dala siya ng hukbo na higit pa sa 1 milyon,
dahil sa tagal ng naging preperasyon
• dumaan ang mga persiano sa isang kipot ng bundok, kung saan hinarang sila ng 300 na spartans
• nagakaroon ng pangunang sagupaan ang spartans at persia, ngunit nagulat ang mga persiano sa
galing sa pakikipag laban ng mga spartans
• noong simula ay hindi napatumba ni xerxes ang grupo ni leonidas (dahil saulado ng spartans ang
lugar at ginamit nila ang estratehiyang phalanx)

ISANG TAKSIL NG SPARTA


• dahil dito, nakita ng mga persiano ang pinagtataguan ng spartans
• ito ay spartan na may kapansanan na ninanais maging parte ng hukbo, ngunit dahil sa kanyang
sakit ay hindi maaari
• dahil sa kanyang sama ng loob sa mga spartan ay itinakwil nya ang mga ito
• agad nilang nilusog ang pinagtataguan ng mga sparta, resulta nito ay agad naubos ang mga
spartans
• ang nagwagi dito ay ang mga persiano

DIGMAANG SALAMIS
• nabalitaan ng mga athens na nanalo ang mga persians laban sa spartans
• inutusan agad ni Themistocles, na lisanin ng mga athenians ang lungsod estado at magtungo sila
sa isla ng salamis
• ang isla na ito ay ginamitan nila ng kanilang mga estratehiya, dahil na nga rin sa kanilang
kahusayan sa hukbong pandagat
• nagkaroon ng mga patibong katulad ng pagsabog sa dagat, na nag resulta sa kahirapan sa
pagsunod sa mga athenians at sila ay natakot. Bumalik ang mga persiano sa persia dahil nito
• walang nangyaring digmaan sa dalawa

DIGMAANG PLATAEA
• naganap sa pag-itan ng griyego at iniwang hukbo ni xerxes na umabot sa 110,000
• ang hukbo na ito ay inutusang gawin ang ano mang makakasira sa lipunan ng Gresya
• pinagtulungan ng mga estado sa gresya ang mga persiano, dito ay nakabuo sila ng pinakamalaki
nilang hukbo
• muling nagapi ang mga persiano sa laban na ito at sila ay natalo, ito na ang hudyat ng pagtatapos
ng laban sa pagitan ng mga persiano at griyego

DIGMAANG PELOPPONESIAN
• digmaan sa pag-itan ng Athens at Sparta
• dahil sa takot ng muling pagsalakay ng persia, nagsagawa ng isang pagpupulong sa isla ng Delos
• nagpadala ng kinatawan ang 140 na polis maliban sa sparta
• Delian League (Liga ng mga Delian o Kompederasyon ng Delian)
- pinangungunahan ng mga Athens
- naglalayon na kalabanin ang Persia
- itinaboy ang lahat ng mga persiano na nanatili dito
- patuloy na nagpalakas ng hukbo ang gresya

• Nakamit ng Athens ang "Ginintuang Panahon" matapos mapaisailalim ang ilang lungsod-estado na
kasapi ng samahan
• Sa patuloy na paglakas ng Athens, pinakaelaman na rin nito ang mga interes ng Sparta, at syang
nagdulot ng alitan sa dalawa
• Ginipit ng Athens ang kalakalan sa Coritnhs at Negara na may kaugnayan din sa Sparta, ito ang
naging simula ng pag-aaway ng dalawang panig
• Agad na inutos ni Pericles — lider ng Athens — ang paglikas ng mga Athenians sa moog, dahil
alam nila ang galing ng mga Sparta sa hukbong panlupa
• Estratehiya nila : salakayin ang sparta mula sa karagatan
• Magiging maayos na sana ang lahat, ngunit biglang nagkaroon ng epidemya sa Athens na syang
nagdulot ng pagkamatay ni Pericles at maraming tao
• Walang pumalit na magandang pinuno, at nagdulot ng paghina ng mga Athens
• Tumagal ang digmaan na ito sa loob ng 9 na taon, natapos ito dahil tuluyang sumuko ang mga
Athens at nawala ang kapangyarihan sa estado at nawala ang kanilang pagiging demokratiko
Alexander The Great At Ang Panahong Helenistiko

• ang nagaganap na hindi pagkakasundo ng mga estado sa gresya ay nagbigay ng lakas ng loob
kay haring philip ng macedonia upang sakupin ito matapos niyang matutunan ang yaman ng kultura
ng gresya
• nagsimula siyang sakupin ang hilagang bahagi ng bansa, isang mahusay na orador ng athens ang
nagbigay ng babala na maaaring salakayin ng macedonia ang gresya at ito nga ay naganap sa
labanan sa chaeronea na kung saan natalo ang hukbo ng athens at ng thebes at naging dahilan ng
pagsuko ng gresya sa kamay ni haring philip
• bagamat nasakop niya ang mga estado ng gresya ay hinayaan pa rin niya na magkaroon ng
sariling pamumuno ang bawat estado
• layunin naman niyang sakupin ang persia ngunit bago ito naisakatuparan ay pataksil siyang
pinatay noong 336 BCE
• ang lahat naman ng mga hangarin ni haring philip ay naisakatuparan ng kanyang anak sa
katauhan ni alexander the great na noon ay dalawamput isang taong gulang pa lamang
• sa kabila ng kanyang murang edad ay gamay na niya ang pamamalakad ng mga hukbo at may
taglay rin siyang kahusayan sa gymnastics
• sa tulong ni aristotle ang kinuhang guro ni haring philip, ay natutunan ni alexander ang mayamang
kultura ng gresya
• nagsimula siyang makidigma ng magupo niya ang pag aaklas ng ilang mga griyego at nang
lumaon ay kanyang idineklara ang sarili bilang hari ng gresya
• nilusob niya ang asia minor at nalupig niya ang mga persiano, nagawa niyang sakupin ang syria,
ehipto, babylon at hilagang indus
• hindi nagtagal ay nasakop niya ang pinakamalaking imperyo at naipalaganap ang kulturang
griyego hanggang sa silangan ng ilog indus
nang siya ay namatay ay nahati sa kanyang tatlong heneral ang kanyang imperyo
- Ptolemy- ang siyang may hawak ng ehipto
- Antigonus- ang may hawak ng macedonia
- Seleucus- napasakamay sa kanya ang imperyo sa asya
• noong panahon na pamumuno ni alexander ay labis ang kanyang pagnanais na mapalaganap ang
kulturang griyego sa lahat ng kanyang nasasakupan
• nagpatayo siya ng mga lungsod estado na nagsilbing sentro ng kaalaman at kultura
• dahil sa lawak ng kanyang imperyo ay hindi naiwasang maihalo ang kulturang griyego sa kulturang
egyptian, persian at indian na naging simula ng pag usbong ng kulturang hellenistiko at tinawag rin
itong sibilisasyong greko oryental
• sa ilalim ng pamumuno ni ptolemy pinaghusay ang agham at sining sa alexandria na nakilala sa
tanyag nitong aklatan, nakilala ito bilang sentro ng pananaliksik dahil sa taglay nitong kalahating
milyong papitus scrolls na nagtataglay ng mga tala hinggil sa sinaunang kabihasnan
• sa panahong ito ay umusbong rin ang dalawang paaralan ng pilosopiya
- stoisismo
- epicureanismo
• Ang Stoisismo ay nagbigay daan sa kahalagahan ng rehiliyon upang maging gabay sa pagtatamo
ng kasiyahan at nagsasaad na ang tao ay dapat mabuhay gamit ang katwiran at ayon sa natural na
batas ng kalikasan
• Sa Epicureanismo naman ay hindi binibigyang halaga ang relihiyon dahil itinuturo nito sa tao na
magpakasaya sa buhay dahil hindi nito tiyak ang kanyang kamatayan.
ROMA

- naging sentro ng sibilisasyon sa Italya na itinatag sa pitong burol sa may Ilog Tiber
- ang mga Indo-European ang unang nanirahan sa Latium, dala ang kanilang mga kagamitan
na yari sa bronse at ang wikang Latin
- ang estratehikong lokasyon nito ay nakatulong upang labanan nila ang mga baha at pagpasok
ng mananakop

ETRUSCAN
- unang nanirahan sa hilaga at timog na bahagi ng roma at hindi sila tunay na nakatira o
nanggaling dito
- tuluyan nilang sinakop ang roma at mga karatig na pook nito na nagtagal ng isandaang taon
- napalawak nila ang kanilang sinasakupan at maraming natutunan ang mga romano sa mga
ito, ngunit itinaboy pa rin ng mga romano ang etruscan
- nang sila ay pinatalsik ay nabuo ang republika

MGA PANGUNAHING TAO NG ROMA


● Patricians - sila ang mga unang namuno ng republika, naghahalal sila ng mga konsul,
ang unang konsul nila ay responsable sa mga pang-araw araw na gawain ng
pamahalaan habang ang pangalawang konsul naman ay sa pagpapalakas ng hukbo
- ang mga konsul naman ay binigyan lamang ng isang taon para mamuno upang hindi
masyadong mamalabis ang kanilang kapangyarihan
● Plebians - mga normal na tao na binubuo ng mga magsasaka at mangangalakal, hindi
sila pwede mag-asawa ng mga patricians at hindi pwedeng humawak ng mataas na
posisyon sa pamahalaan

Senado - Binubuo ang senado na 300 kagawad, sila ay mayayaman lamang kung kaya’t mas
nagiging pabor sa mga mayayaman, sila ang nag coconfirm ng mga batas sa asemblea. Sila ay
may malaking kapangyarihan dahil hawak nila ang ugnayang panlabas at gumagawa ng
desisyon tungkol sa isyung may kinalaman sa kanilang estado
Asemblea - pagpapasa ng mga batas, nanggagaling ito sa mga sundalo ngunit hindi nila ito
nakayanan sapagkat may iba silang responsibilidad. Ito ay naibigay sa mga normal na tao o
plebeians

- naisip ng mga plebians kung bakit ganoon sila trinatrato, sa loob ng 200 taon lumaban ang
mga plebians para sa kanilang mga karapatan
- nagsimula silang humiling ng kanilang karapatan noong 494 BCE
- gumawa ng paraan para matakot ang mga patricians:
● Hindi sila magbabayad ng mga buwis
● Hindi sila tutulong sa hukbo
● Magtatayo na lamang sila ng kanilang sariling estado
- napilitan ang mga patricians na pagbigyan ang mga plebians at nabigyan ng karapatang
makapag buo ng sariling asemblea at tinatawag na tribune
- mag pasa ng mga batas para sa mga mahihirap
- nakapag sulat ng mga batas sa isang lapidang tanso na nagpapakita ng karapatan ng mga
mahihirap ito na nga ay ang Law of Twelve Tables na kauna-unahang batas na nakasulat sa
Roma
- dahil dito ay nakamit nila ang kapantayan

ANG DIGMAANG PUNIC (LABAN NG ROMA AT CARTHAGE)

- Noong 264 BCE ay nakipag laban ang mga Roma sa Carthage na isang lungsod sa hilagang
Aprika na itinatag ng mga Phoenicians na kilala sa kanilang hukbong pandagat
- Nagsimula ng masakop ng Roma ang Timog Italya na ikinabahala ng mga Carthaginian, dahil
dito ay nangamba sila na baka sakupin ng Roma ang mga panirahan nila sa Sicily, Sardinian at
Corsica
- Sa kabilang banda, natakot o nangamba ang mga Romano na baka sarhan ng Carthage ang
Dagat Adriatiko at Kipot Messina na daan ng kalakalan nila
- Dahil dito ay nagdeklara sila sa isa’t-isa ng labanan

Ang Unang Digmaang Punic (Romans Win)


- naging pabor ito sa mga phoenicians dahil sa lakas ng hukbong pandagat ng mga phoenicians
- ito ay naganap sa dagat
- gumawa ng paraan ang mga romano para makamit nila ang pagkapanalo
- napabagsak nila ang isang barko ng mga carthage at ginaya ang modelo nito, kung kaya’t
sila’y nanalo

Ang Ikalawang Digmaang Punic (Roman Wins)


- sa pamumuno ni Hannibal ay nilusog nila ang Roma sa likod nito, at dumaan sa bundok Alps
na kung saan ito ay isang malamig na parte
- dahil sa kalamigan ay kalahati ng hukbo ang namatay bago sila makarating ng Roma
- sa loob ng labinlimang taon ay nanatili sina Hannibal sa Roma at kinalaban nina Hannibal ang
maliliit na grupo ng mga tao sa Roma at kapag ito ay natalo ay kanilang isasama sa hukbo
- si Scipio na syang pinuno ng Roma noon ay nangamba at nakahanap ng estratehiya na
kopyahin ang mga Phoenician
- pumunta naman ang hukbo nina Scipio sa Carthage at nag retreat sina Hannibal matapos
itong malaman, dahil pagod pa si totoy Hannibal ay ayun natalo ;-;

Ang Ikatlong Digmaang Punic (Roman Wins)


- Ang isang Senado ng Roma na katauhan ni Cato ay nag nais na tuluyan nang kuhanin at
wasakin ang Carthage
- tuluyang winasak ng mga roma ang carthage
- dahil sa pagkapanalo na ito ay nagbigay ito sa kanila ng kapangyarihan sa Mediterannean at
nagbigay daan upang mapalawak pa ang imperyo
Mga Suliranin Pagkatapos ng Digmaang Punic
● Suliraning Agrikultura
● Suliraning Ekonomiya
● Suliraning Panlipunan

- nagkaroon ng limitasyon ang agrikultura, dahil dito ay kumuha sila sa carthage na kanilang
sinakop
- ito ay naging dahilan ng pagmamahal ng mga pagkain sa roman
- suliraning panlipunan, ang mga mayayaman ay binigyang pokus lamang ang mga sarili. Hindi
nabigyan ng sapat na pagkain ang mga plebeians
- dahil sa pagka-sira ng mga sakahan ay nawalan ng trabaho ang mga magsasaka
- nagpaalipin ang mga plebeians para sa pagkain
- Ipinahayag ni Spartacus ang pagpapalaya ng mga alipin at namuno siya sa pag-aalsa, ngunit
pinatay siya ng kaniyang mga taga-sunod
- nagkaroon ng mga civil war (within the country), ito ay dahil hindi nila alam kung sino ang
dapat mamuno

UNANG TRIUMBIRATA
- saka lamang natapos ang mga kaguluhan nang sila ay namuno
- sila ay namuno bilang pamahalaang oligarkiya
- nagsama-sama sila upang mapatalsik ang senado, na pinamumunuan ng mga mayayaman

Julius Caesar (Kanluran)


- isang heneral, kilala rin sa larangan ng pandidigma
- one of the most famous leaders of europe
- napalawak nya ng sobra ang kanilang lupain at lumaban ang mga Romano sa Gaul
hanggang sa maisama na rin niya ang lupain ng Rhine hanggang Atlantiko. Nakuha rin niya ang
bahagi ng Mediterranean hanggang sa Dagat Hilaga.
- Veni, Vidi, Vici (I came, I saw, I conquered)
- tinawag syang Master, Diktador na pang habang-buhay
- namatay noong Marso 15, 44 BCE (The Ides of March) dahil sa sinasabing mas pagiging
pabor nya sa mga mahihirap
- nakita nya ang kagandahan ng persia o asia minor, kung kaya’t hinangad nya ang pagsakop
dito

Pompey (Gitna at Timog)


- nagtagumpay syang sakupin ang Armeni
- kilala sa larangan ng pandidigma
- naging malaki ang impluwensiya sa desisyon ng senado

Crassus (Silangan)
- mayamang tao sa roma
- ipinadala sya sa parthia, na kung saan ay namatay agad sya
- yaman lang alam mo boi
Julius Vs Pompey
- nag selos itong si Pompey kay Caesar
- iminungkahi niya sa senado na umuwi na lamang si caesar, tulog tulog na lang daw caesar
- nalaman ni Julius ang plano ni Pompey kung kaya’t napaisip sya. Naisip nya na pag umuwi
siya ay magkakaroon silang dalawa ng digmaan at kung hindi naman ay magkakaroon pa rin
- umuwi na lamang si Julius at dumaan sya sa Ilog Rubicon
- nag harap ang hukbo ni Pompey at Julius, at mabilis na natalo ang hukbo ni Pompey
- si Pompey ay nakatakas at tumakbo papuntang Greece, sinundan siya ni Julius
- naglaban ulit ang hukbo ni Pompey at Julius sa Greece at natalo ulit ang hukbo ni pompey
- Si Pompey ay muling nakatakas at tumakbo papuntang Thesally at hinabol siya muli ng hukbo
ni Julius
- Nagharap ulit ang dalawang hukbo sa Thesally, at muling natalo si Pompey. Nakatakas ulit
siya at tumakbo papuntang Egypt na syang sinundan muli ni Julius
- Nagharap muli ang dalawa sa Egypt at dito ay tuluyan nang namatay si Pompey matapos
masaksak ni Julius

IKALAWANG TRIUMBIRATA
- nagdulot ng kaguluhan ang pagkamatay ni Julius Caesar
- nawala lamang ang kaguluhang ito nang pumalit ang ikalawang triumbirata
- gusto nilang pahinain ang kapangyarihan ng maharlika

Octavian (Kanluran)
- pamangkin sa malayong pinsan ni Julius Caesar
- ang pagkapanalo nya kay Marc Anthony ang nagbigay sa kanya ng pangalan na
“unchallenged leader”
- matapos makuha ang titulo na unchallenged leader ay nakuha niya rin ang titulong Augustus
na nangangahulugang “ang kanyang kamahalan’ at imperador o emperador

Marc Anthony o Marcus Antonious (Silangan)


- pinagkakatiwalaang tinyente ni caesar
- basta sya ay malandi na person

Marcus Lepidus
- dating heneral ni caesar

Octavian Vs Marc Anthony


- nagsimula ito noong nagkaroon ng kaguluhan sa pag-itan nila, matapos hindi sila magkasundo
sa hatian ng kanilang sinasakupan
- nag deklara ng digmaan ang dalawa sa isa’t-isa, at dahil napagod or ayaw na ng away ni
octavian ay pinag sundo niya silang dalawa sa pamamagitan ng pagpapakasal nya kay marc
anthony sa kanyang kapatid na si Octavia
- pumunta si Marc Anthony sa Egypt o Ehipto at nakilala nya doon si Cleopatra, isa sa mga
pinaka magandang babae ng kasaysayan at sa pag tagal ay nagkaroon ng 2 anak
- Ang 2 anak na ito ay syang inalagaan ni Octavia. Matapos malaman ni Octavian ang ginawa ni
Marc Anthony ay nag deklara sya ng digmaan sa pag-itan nilang dalawa
- ito ay naganap sa Actium at syang natalo ni Octavian sina Marc Anthony
- Inakala ni Cleopatra na patay na si Marc Anthony kung kaya’t uminom sya ng kamandag ng
ahas at namatay
- Ng malaman ni Marc Anthony and sinapit ni Cleopatra ay uminom din sya ng kamandag ng
ahas (Romeo and Juliet vibes)

ANG IMPERYONG ROMANO


- Dahil nga sa naging titulo ni Octavian na Augustus ay kinilala na sya bilang Augustus Caesar
- nakontrol nya ang military at nakuha na katapatan ng mga ito sa pamamagitan ng mga
insentibo at binuksan rin ang pagkamamamayang Romano sa kanyang imperyo
- Namuno sya sa loob ng 40 na taon at napanatili ang kapayapaan na tinawag na “Pax
Romana” o Roman Peace
- Sa loob ng 200 taon ay nakamit ng Romano ang makatarungang pamamahala
- Noong namatay si Augustus Caesar ay umabot ang imperyo mula sa British Ingles hanggang
sa Asya

Ang Limang Mabubuting Emperador


● Nerva (2 years) - sinimulan ang adoption system kung saan binibigyang pangalan na
ang susunod na emperador upang maiwasan ang pagkakaroon ng civil war <3
● Trajan - kauna-unahang emperador na taga-labas at pinalawak ang sinasakupan ng
kanyang imperyo at tinaguriang o Optimus
● Hadrian - nakilala sa pagpapatayo ng pader upang depensahan ang imperyo (Hadrian
Walls) at may pantay na pagtingin sa kanyang nasasakupan
● Antoninus Pious - ipinagpatuloy ang ipinapatayo na pader at tinawag na Antonine
Walls at upuang mapalakas ang hukbo ay ipinatupad ang sapilitang pagsusundalo ng
mga katutubo
● Marcus Aurelius - pagbabago sa burukrasya (division of power) at hustisya. Ipinakilala
ang sistemang merit. Hindi sya pabor sa digmaan ngunit napilitan pa ring makidigma
para ipagtanggol ang kanyang nasasakupan

PAGTATAPOS NG ROMANO
- sa loob ng 200 taon na iyon ay nagkaroon sila ng maraming suliranin lalo na dahil sa mga
banta ng digmaan
- sila ay nagkaroon ng 28 na emperador sa pag-itan ng 192 CE at 284 CE at sunod-sunod
namang namatay dahil sa kaguluhang pampolitika

You might also like