You are on page 1of 36

Kabihasnang

Klasiko ng
Greece
• Griyego (Greek)
–Ang unang kabihasnang klasikal sa
Mediterranean na nanghiram ng
mga ideya mula sa ibang sibilisasyon
tulad ng Egypt at Persia
• Hellenic - klasikal na kabihasnang
Griyego
–Mula sa salitang Hellas (sinaunang
katawagan sa Greece
Heograpiya ng
Greece
• Ito ay matatagpuan sa Timog-
Silangan ng Europa at sa Balkan
Peninsula
• 75% ng kalupaan ng Gresya ay
kabundukan
• Mabato, hiwa-hiwalay, mabundok, at
hindi patag ang lupain
• Crete
– Pinakamalaking isla sa Greece
• Ang Greece ay kabilang sa mga
bansa sa mundo na may
pinakamahabang baybayin
• Maraming look at daungan
• Bulubunduking bansa sa
Europe na may makikitid na
lambak
• Mt.Olympus
–Pinakamataas na bundok na
tinatawag na “tahanan ng mga
diyos”
• Mahirap pamunuan ang mga
Griyego sa pamamagitan ng isang
pamahalaan dahil sa hinahati ang
mga rehiyon nito ng mga
kabundukan at bulubundukin
• Itinuon ng mga sinaunang
Griyego ang kanilang
kabuhayan sa dagat
• Mahalaga ang paglalayag at
kalakalan para sa kanila dahil
salat sila sa likas na yaman
Mga lungsod-estado
ng Greece
• Lungsod-estado sa
Greece na sumibol
noong 750 B.C.E
• Sumibol sa mga
kapatagan o mga
lambak na
napapaligiran ng
mga kabundukan
• Acropolis
– Pinakamataas na lugar sa lungsod-estado
• Agora
– Isang bukas na lugar kung saan maaaring
magtinda o magtipon – tipon
– Pinakasentro ng polis
Mga Lungsod-estado sa
Greece
• Athens
• Sparta
• Corinth
• Argos
• Thebes
MGA ANYO NG
PAMAHALAAN
1. Monarkiya
– Unang anyo ng pamahalaan sa mga polis
– Pinamumunuan ng hari sa tulong ng
konseho
2. Aristokrasya
– Pamahalaan na
pinamunuan ng mga
maharlika
– Ang pamahalaang ito
ay mapaniil at di
makatwiran
– Gumawa ng mga batas
para sa kanilang
kapakanan
Tyrany
– Pamumuno ng isang tao lamang
– Karaniwang nakukuha ang kapangyarihan
sa pamamagitan ng pang-aagaw mula sa
maharlika
• Pisistratus
– ipinagpatuloy niya ang pagbabawal ng
kapangyarihan ng mga maharlika
– nagpasimula ng pagpapatayo ng templo
para kay Athena at Zeus sa Acropolis sa mga
maharlika
3. Oligarkiya
• Pamahalaan na pinamumunuan ng
iilang makapangyarihang tao
4. Demokrasiya
• Uri ng pamamahala kung saan
ang mga mamamayan ay may
pakikilahok sa pamahalaan
Sino ang tinatawag na mamamayan sa
Greece?
• Mga kalalakihan na nasa sapat na
gulang
• Sila lang ang may karapatang bumoto
• Ang kababaihan at mga bata ay hindi
tinatawag na mamamayan
• Ang mga kalalakihan ay kailangang
magsilbi sa hukbong sandatahan
bilang sundalo
Phalanx
• Pangkat ng mga sundalo
• Ang bawat mamamayan ay
kinakailangan na
maglingkod bilang sundalo
sa kanyang polis
• Sa panahong ito, ito ang
pinakamahusay na paraan
sa pakikipaglaban
MGA PANGUNAHING
LUNGSOD-ESTADO SA
GREECE
Sparta at Athens
Sparta:Estadong Militar
• Pangunahing lungsod-estado sa Laconia
• Kilala sa buong Greece dahil sa buhay na
walang luho at malakas nitong
mamamayan
• Kilala rin dahil ang mga kababaihan nila
ay may karapatang magkaroon ng ari-
arian
• Pinamumunuan ng dalawang hari upang
matiyak na hindi magmalabis sa
kapangyarihan ang bawat isa
• Pinamumunuan sila ng pangkat ng
matatandang kalalakihan na tinawag na
Gerousia
• Ang uri ng kanilang pamahalaan ay
oligarkiya
• Helot
– Aliping magsasaka
• Noong 600 B.C.E hanggang 371 B.C.E
ang Spartan ang pinakamalakas na
hukbo sa Greece
• Nakilala ang mga Spartan sa kanilang
lakas,katapangan at dedikasyon
• Pinapahalagahan ng mga Spartan
ang pagsunod sa tungkulin,kalakasan
at disiplina
Mga Sundalong Mamamayan
• Sa pagsilang, ang mga batang spartan ay
pag-aari na ng estado
• Ang mga batang lalaki sa edad na pito ay
binibigyan ng mahigpit na pagsasanay
• Sa edad na 20 ay nagiging ganap na
sundalo ang mga Spartan na lalaki
Athens:Estadong Demokratiko
• Dito nakasentro ang klasikal na kasaysayan
ng Greece
• Maunlad na polis
• Nakilala dahil sa pagpapahalaga ng estado
sa edukasyon at malayang pag-iisip
• Dito isinilang ang demokrasya dahil sa mga
reporma na pinasimulan ng mga lider tulad
nina Solon,Cleisthenes at Pericles
Cleisthenes

– Hinati ang lungsod sa mga bagong


distrito na tinawag na deme o mga
bayan
– Nilikha ang Council of the Five Hundred
para magmungkahi ng mga batas
– Ang bawat mamamayan ay may
pagkakataon na makibahagi sa konseho
Solon

–Nagpatupad ng maraming
pagbabagong politikal sa Athens
–Ang kanyang pangalan ay
nangangahulugang “mambabatas”
–Tanyag sa pagiging makatarungan
Pericles

– Ang Kanyang pamumuno ay itinuturing na


Gintong Panahon ng Athens
– Hinikayat niya ang pagdedebate,paghalal at
paggawa ng batas at higit sa lahat ang
kalayaan sa pagsasalita
– Nagkaroon ng pagkakataon ang mga
mahihirap na maglingkod sa pamahalaan
• Demokrasya
–Direktang pamamahala ng
taumbayan
–Maaaring makilahok ang mga
mamamayan sa pamahalaan
–Gayunpaman, ang uri ng demokrasya
na nalinang sa Athens ay limitado
–Kalalakihan lamang na nasa wastong
gulang ang maaaring bumoto
• Ang mga kalalakihan sa Athens ay
nagtutungo sa sentro ng lungsod
• Sila ay magbobotohan sa Boule (tinawag
na Council of the Five Hundred)
– Binubuo ng 500 kasapi na nasa edad 30
pataas na pinipili sa pamamagitan ng
palabunutan
• Ang Athens ang naging pangunahing
lungsod-estado sa Greece sa larangan ng
politika,sining at kaalaman
Pagpapaalis sa mga di kanais-nais
na tao sa Athens
• Isinagawa ang ostracism
• Ostracism
– Ang isang mamamayan na inaaakalang
mapanganib ay ipinapatapon sa malayong
lugar
– 6000 mamamayan ay may kalayaang pumili
ng isang opisyal na patatalsikin sa Athens
paniniwalang hindi ito makatutulong sa
estado
GAWAIN 2:
Paghambingin ang Athens at Sparta batay sa mga
sumusunod na aspekto ng nasa talahanayan.

Aspekto Sparta Athens

1.Katawagan sa
Lungsod
2. Lokasyon sa Greece

3.Uri ng Pmahalaan

4.Pagkakakilanlan

5.Pagpapahalaga
Sagutin mo!

1. Bakit tinawag na Kabihasnang Klasikal ang


panahon ng sinaunang Greece at Rome?
2. Ano ang ipinalalagay ng marami na
pinakamahalagang pamana ng Greece sa daigdig?
Bakit?
3.Paghambingin ang Athens at ang Sparta. Anu-ano
ang pagkakaiba ng dalawang lungsod-estado?
4. Ano ang kulturang Hellenistic?
5.Sino si Pericles? Bakit siya tinawag na “Unang
Mamamayan ng Greece”?
  

You might also like