You are on page 1of 4

ANG MGA POLIS

 Dahil sa mga digmaan na nangyayari bago pa ang Panahong Hellenic (DARK AGE) nagtayo ng
mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at taluktok ng bundok upang
protektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng mga ibat-ibang pangkat.
 Ang mga kutang ito ay unti-unting naging pamayanan at tinawag itong POLIS o lungsod estado
 POLIS-lungsod estado o city states na binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at
nakasentro sa isang lungsod gaya ng ATHENS at SPARTA
-hango ang mga salitang pulisya,politika,politico,polisiya.
- maaring malaki o maliit ang isang Polis o lungsod-estado depende sa bilang ng
Mamamayan o citizen nito
-ang pinakahuwarang bilang na dapat bumubuo sa isang polis ay 5,000 kalalakihan
 ACROPOLIS- sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek na matatagpuan sa mas mataas na
parte ng Polis at may may mga matatayog na palasyo at templo
 AGORA- ito ay ang pamilihang bayan na nasa ibabang bahagi ng Polis.
 METROPOLIS- ito ang pinagmulang lungsod -estado.
*Ang mga lehitimong mamamayan o citizen ng isang Polis ay binibigyan ng mga karapatan
1. karapatang bomoto,
2. karapatang magkaroon ng ari-arian,
3. karapatang humawak ng posisyon sa pamahalaan
4. karapatang ipagtangol ang sarili sa korte
kapalit nito ay responsibilidad na
1. dapat silang makilahok sa pamahalaan
2. tumulong sa pagtatanggol sa Polis sa panahon ng digmaan.
*mula sa pakikipagkalakalan ay natutunan ng mga Greek ang ibat-ibang ideya at Teknik
 PHOENICIAN- alpabeto at paggawa ng mga malalaki at mabibilis na mga barko
 SUMERIANS- Sistema ng panukat
 LYDIAN-paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan
SPARTA , ANG PAMAYANANG MANDIRIGMA

 PELOPONNESUS- dito itinatag ng mga Dorians ang kanilang polis o lungsod -estado
 Sa lahat ng lungsod-estado , ang SPARTA lamang ang hindi umaasa sa kalakalan dahil ito ay
may magandang klima,sapat na patubig at may matabang lupa na angkop sa pagsasaka.
 Pinapalawak ng Sparta ang kanyang lupain sa pamamagitan ng pananakop sa karatig na lupang
sakahan at pangangamkam nito.
 Pinamumunuan ng isang OLIGARCH – isang lider na pinakamalakas sa buong angkan ng mga
mandirigmang Spartan.OLIGARKIYA ang kanilang pamahalaan.
 HELOT- ito ang mga alipin ng mga Spartans na nagsasaka sa malalawak na lupain ng Sparta
*maraming beses na nag-alsa ang mga Helot laban sa mga Spartans ngunit ni isa ay walang
nagtagumpay.Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga Helot , nagdesisyon ang mga Spartans na
palakasin ang kanilang hukbong military at magtatag ng isang pamayanang mandirigma na
lagging handa sa anumang pag-aalsa ng mga Helot o alipin.
 PANGUNAHING MITHIIN ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at
kababaihang walang kinatatakutan at may malakas na pangangatawan.
 Para matamo ang layuning ito, lahat ng batang isinisilang ay sinusuri.Kung ang sanggol ay
mukhang sakitin at mahina ,ito ay ipinapatapon o dinadala sa mga paanan ng mga bundok at
hinahayaang mamatay doon.Samantala kung ang bata ay malusog, hinahayaan itong lumaki at
maglaro sa kani-kanilang bahay hanggangsa sumapit ang ikapitong taon.
*Pagsapit ng pitong tao ang mga batang lalaki ay dinadala sa kampo military upang magsanay
at sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo-militar.Malalakas na
pangangatawan,katatagan,kasanayan sa pakikipaglaban at katapatan ang ilan sa mga
pangunahing layunin ng pagsasanay.Tinitiis ang mga sakit at hirap ng walang
reklamo..Pinapayagan lamang silang makita ang pamilya sa panahon ng bakasyon.
* edad 20 -nagiging sundalong mamamayan at ipinapadala sa hangganan ng mga labanan
* edad 30 - inaasahang mag-asawa ngunit kakain at maninirahan pa rin sa kampo militar kung
saan hahati sila sa gastos.
*edad 60- puwede ng magretiro sa hukbo

Vaa cooper 2018


 KABABAIHANG SPARTANS- sinasanay upang maging matatag at nakikiisa upang pigilan ang
pag-aalasa ng mga Helot.
1. Sila ang nag-aasikaso ng lupain ng kanilang asawa habang ang mga ito ay nasa kampo-
militar
2. Nangunguna sila sa mga palakasan
3. Malayang nakikihalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang nanonood ng
mga palaro gaya ng wrestling, boksing at karera.
 Ang Sparta ang responsible sa pagkakaroon ng pinakamahusay nasandatahang lakas sa buong
daigdig
 PHALANX- hukbo na binubuo ng 16 na hanay ng mga mandirigma,sama-sama sa pagsulong at
paurong sa labanan hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada sa kanan

ANG ATHENS AT ANG PAG -UNLAD NITO


ATHENS- tinatawag na ATTICA isang maliit na bayan sa tangway ng Greece
KATANGIAN NG ATHENS
1.Hindi angkop sa pagsasaka ang kanilang lupain kaya karamihan ay nagtatarabaho sa
minahan,gumagawa ng ceramics, mangangalakal at mga mandaragat.
2.Hindi nananakop ng mga lupain sa halip sila ay nagpapalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng pag-
anib ng mga nais sumali sa kanilang pamamahala.
3.Pinamumunuan sila ng mga TYRANT- isang pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao
at maayos na pamahalaan.
4. DEMOKRASYA ang kanilang pamamahala.
MGA NAGING TYRANT o PINUNO NG ATHENS
1. DRACO- gumawa ng kodigo na nagbigay ng pagkapantay-pantay sa lipunan at binawasan ang
karapatan ng mga mamumuno.
2. SOLON- isang aristokrata na yumaman sa kalakalan, matalino at patas
a. Inalis niya ang pagkakautang ng mga mahihirap
b. Ginawang illegal ang pagkakaalipin ng dahil sa utang
c. Gumawa ng sistemang legal na lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa
magulang na Athenian ay maaring maging hurado sa korte.
d. Repormang pangkabuhayan na nagsulong sa dayuhang kalakalan at mapabuti ang
pamumuhay ng mga mahihirap.
3. PISISTRATUS-isang mayaman na nakuha ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao
a. Pamamahagi ng malaking sakahan sa mga walang lupang magsasaka
b. Nagbigay ng pautang
c. Nagbukas ng malawakang trabaho sa mga malalaking proyektong pampubliko
d. Pinagbuti ang Sistema ng patubig
4. CLEISTHENES-
a. Nagsulong ng sistemang political kung saan hinati niya ang Athens sa sampung distrito at
magkakaroon ng Limampung kalalakihan ang maglilingkod bilang mga tagapayo sa bawat
distrito at maninilbihan sa ASEMBLEYA.
b. Ipinatupad ang OSTRACISM o pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao na panganib sa
Athens.Gamit ang OSTRAKON-pira-pirasong palayok kung saan isusulat ang pangalan ng
taong palalayasin sa Athens,kung nakakuha ng mahigit sa 6,000 na boto ang isang
Athenians siya ay palalayasin sa loob ng 10 taon.
KONTRIBUSYON NG ATHENS
1. DEMOKRASYA-dahil sa mga pagbabagong ipinatupad ng mga TYRANT sa Athens-naisilang
ang DEMOKRASYA kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa
pamamalakad ng kanilang pamahalaan.
2. HALALAN-Ang pagpili ng lider o pinuno ay daaan sa pagkakaroon ng halalan.
3. Pagpapahalaga sa KAALAMAN,EDUKASYON at PILOSOPIYA

Vaa cooper 2018


ANG GININTUANG PANAHON NG ATHENS
461-429 BCE-tinaguriang GININTUANG PANAHON NG ATHENS O “GOLDEN AGE OF ATHENS
“.Pinamunuan ni PERICLES ang Athens hanggang sa kanyang kamatayan.Ito ang panahon kung saan umunlad
ang Athens sa edukasyon,pilosopiya,siyensya,politika at pamumuhay.Sa panahon din na ito marami ang
pinairal na magagandang mga programang pampubliko at pinalawak ang demokrasya sa Athens.
Sa Athens nagmula ang mga pinakamahuhusay na artista (alagad ng sining-arkitektura,pagpipinta ,paglilok at
iba pa),manunulat(writer and historians)mga pilosopo(philosophers),siyentista,mathematicians, manggagamot at
mga magagaling na guro.
Mga kilalang personalidad sa Athens sa ibat-ibang larangan
Larangan Pangalan at ambag
POLITIKA, 1. PERICLES- pagpapatibay at pagpapalawak ng demokrasya sa Athens ngunit maraming
PILOSOPIYA
at tumuligsasa kanyang mga panukala na pagdadagdag ng mga mangagawa sa pamahalaan at
EDUKASYO swelduhan ang mga ito.Ayon sa kanya ang mga mahirap o mayaman ay puwedeng
N magtrabaho sa pamahalaan
2. SOPHIST-pangkat ng mga guro na nagpakilala ng bagong pilosopiya na ayon sa kanila ay
maaring turuan ang tao na gumawa ng mga batas ,makapagsalita at makipagdebate sa
Assembleya
3. SOCRATES-nagpakilala ng SOCRATIC METHOD-paggamit ng siyentipikong paraan at
pagtatanong upang malaman ang katotohanan.
Nag-iwan din ng mahalagang payo na kilalanin ang iyong sarili (KNOW THY
SELF)kung
saan patuloy kang magtanong ng mga bagay-bagay upang matiyak na may kasagutan sa
bawat katanungan.
4. PLATO-pinakasikat na mag-aaral ni Socrates. Isinulat niya ang THE REPUBLIC- isang
aklat na naglalaman sa talakayan kung ano ang katangi-tangi sa isang polis at ang uri ng
pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.
5. ARISTOTLE- pinakamahusay na mag-aaral ni Plato. May-akda ng POLITICS kung saan
tinatalakay ng mga mamamayan ang ibat-ibang uri ng pamahalaan.
-POETIC-pagsusuri sa ibat-ibang dula-dulaan
-RHETORIC-paano dapat ayusin angisang talumpati-
-Siya rin ang AMA ng BIOLOHIYA dahil sa kanyang malawakang pag-aaral ng mga
halaman,hayop,astronomiya,at pisika na pawing nangangailangan nh masusing
pagmamasid .
ARKITEKTU 1. ATHENIANS- kilala sa kanilang mga disenyong IONIAN, DORIC at CORINTHIAN sa
RA at
SINING paggawa ng bahay, templo,palasyo at mga gusaling pampubliko.
2. ICTINUS- gumawa ng PARTHENON na apat na taon niyang ginawa gamit ang DORIC
style
3. CALICRATES- siya ang nagdesinyo sa templo ni Athena na yari sa marble maging ang
templo ni Posiedon, Ares at iba pang diyos at diyosa ng mga Griyego.
4. PHIDIAS- pinakadakilang iskultor sa Greece na gumawa ng estatwa ni ATHENA sa
parthenon at ZEUS ng Olympia na parehong yari sa tone-toneladang ginto at ivory.
5. CHARES- maygawa ng COLLOSSUS of RHODES para sa diyos ng araw na si HELIOS
na yari sa Bronze
6. PRAXITELES- maygawa ng SCOPAS at nagdesinyo ng baryang romano
KASAYSAYA 1. HERODOTUS- AMA NG KASAYSAYAN at obra niya ang makasaysayang
N AT
PAGSULAT DIGMAANG GRAECO- PERSIAN .Isang manlalakbay mula Egypt,
Syria,Babylonia,Macedonia, Black Sea, isla ng Delos at iba pa at manunulat ng mga
kuwento at mitolohiya mulasa ibat-ibang lugar.
2. THUCYDIDES- isang bantog na historyador at sinulat niya ang
a) DIGMAANG PELOPONNESIAN- ang labanang umabot ng 27 taon
b) ANABASIS –ang sikat na martsa ng mga Greek mula Babylonia hangang Black
Sea
c) MEMORABILIA- mga kalipunan ng mga kuwento ng guro na si SOCRATES

MEDISINA, 1. HIPPOCRATES- siya ang AMA NG MEDISINA. Siya ang nagsabi na ang medisina
AGHAM at
MATEMATI o panggagamot ay isang agham at hindi bunga ng mahika.Ang pagkakaroon ng
KA karamdaman ay hindi dahil sa mga kinikilalang diyos/diyosa kung di ito ay resulta ng
Vaa cooper 2018
kapabayaan sa kalusugan.Siya ang nagpahinto sa sakit na pumatay kay Pericles
2. THALES ng Militus- isa sa mga matalinong tao na nag-alis sa kaisipan ng mga Greeks
na ang lahat ng bagay na nangyayari sa paligid ay resulta ng mga gawain ng mga
diyos/diyosa ng Greece.
-Ayon sa kanya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig , ang pangunahing element ng
kalikasan (cosmology).Pinag-aralan niya ang tungkol sa daigdig,pagkakaroon ng
lindol,ang buwan at ang araw.
3. PYTHAGORAS- nagpakilala ng PYTHAGOREAN THEOREM at unang
mathematician na gumamit ng pure math sa kanyang pag-aaral ng mga numero.Ginamit ang
kanyang teorya sa mga musical instrument para makabuo ng magkakaugnay na tuno.

Vaa cooper 2018

You might also like