You are on page 1of 75

ARALING PANLIPUNAN 2:

KASAYSAYAN NG DAIGDIG

INIHANDA NI:
MS. ANNA KATRINA B.
BARRAMEDA
Guro sa Araling Panlipunan
KABIHASNANG MINOAN,
MYCENAEAN AT KABISHANG
KLASIKAL NG GREECE
IKALAWANG MARKAHAN:
ARALIN 1
MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES (MELCS)
Nasusuri ang Kabihasnang
Minoan, Mycenaean at
Kabihasnang Klasiko
MGA NILALAMAN:
1 ANG SINAUNANG GREECE
2 KABIHASNANG MINOAN
3 KABIHASNANG MYCENEAN
4 ANG MGA LUNGSOD- ESTADO NG
GREECE
5 ANG DIGMAANG PERSIA
6 ANG GININTUANG PANAHON NG
GREECE
MGA SINAUNANG LAMBAK- ILOG BANSA KUNG SAAN
KABIHASNAN SA ITO MATATAGPUAN
DAIGDIG

MESOPOTAMIA

INDUS

TSINA

EHIPTO
ANG 01
SINAUNANG
GREECE
GRESYA/ GREECE:
Edad
• Género
Matatagpuan sa Timog
Silangang Bahagi ng Europe
• May magandang lokasyon na
nagsilbing
75% tulay sa pagitan ng
Europe at Asia
Sigue el enlace del gráfico para modificar sus datos y luego
pega el nuevo aquí. Para más información, haz clic aquí

• Sinasakop nitoIntereses
ang Timog
bahagi
25% ng BALKAN
PENINSULA
Balkan Peninsula:
• BALKANIKONG
TANGWAY
• Malaking tangway/
rehiyon sa Europa na
pinapalibutan ng mga
Karagatan.
GRESYA/ GREECE:
Género Edad

• Tatlong Pangunahing Dagat


ang nakapalibot sa bansang
ito.
75%

- Ionian Sea
Sigue el enlace del gráfico para modificar sus datos y luego
pega el nuevo aquí. Para más información, haz clic aquí

- Mediterranean Sea
Intereses
- Aegean Sea
25%
Ang Sinaunang Gresya
• Hindi nabiyayaan ng mainam na
yamang likas ang kalupaan ng Greece.
• 75% nito ay kabundukan na hindi
mainam pagtaniman.
Ang Sinaunang Gresya
•Mabato, hiwa- hiwalay, mabundok
at hindi patag ang lupain.
•Sa kabila ng hindi magandang
topograpiya ng Greece sa Balkan
Peninsula, ito naman ay may
mahusay na lokasyon sa pagitan
ng mga Kontinente.
•Malapit din ang bansa sa mga
pamayanan sa Hilagang bahagi ng
Africa at dahil dito naging
maunlad ang pamumuhay nila lalo
na ang mga mamayan sa lungsod
estado ng Crete.
ANG 02
KABIHASNANG
MINOAN
• Bago pa man yumabong ang mga
Greek sa Balkan Peninsula, nagsimula
ng umunlad ang mga tao sa pulo ng
Crete noong 2500 BCE.

• Sa isla ng Crete umusbong ang


Kabihasnang Minoan.
• Hango ang pangalang
Minoan sa kanilang
hari na si Haring
Minos.
• Ang pulo ng Crete ay may maunlad na
sibilisasyong kasing tanda ng Egypt at
Mesopotamia.
• KNOSSOS- tawag sa kabisera/ kapital
ng Kabihasnang Minoan sa Crete.
PALACE OF KNOSSOS
MINOAN
• Tawag sa mga taong nakatira sa Crete kung saan
umusbong ang Kabihasnang Minoan
• Ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan
ng mga Minoan ay agrikultura.
• Ang mga Minoan ay may mataas na antas ng
kalinangan sa larangan ng arkitektura at
mayroong mahuhusay na inhinyero.
MINOAN
• Bukod sa kalakalan, ang mga Minoan din ay may
maunlad na teknolohiya.
• Ang kanilang mga sandata at kasangkapan ay
gawa sa copper at bronse.
• May sarili silang estilo ng arkitektura,
pagpipunta at eskultura.
• Ang kanilang sining ay nakapokus sa kalikasan at
palakasan.
MINOAN
• May apat na pangkat ng mga tao sa
pamayanang Minoan:
- Mga Maharlika at pari
- Mga mangangalakal at artisan
- Mga magsasaka
- Mga alipin
• Nasa estratehikong lokasyon ang
Crete na naging dahilan kung bakit
masigla ang naging kalakalan sa lugar
na ito.
• Dito humihinto ang mga
mangangalakal na naglalakbay sa
pagitan ng Africa at Europe.
• Nasa estratehikong lokasyon ang
Crete na naging dahilan kung bakit
masigla ang naging kalakalan sa lugar
na ito.
• Dito humihinto ang mga
mangangalakal na naglalakbay sa
pagitan ng Africa at Europe.
PAGBAGSAK NG MINOAN
•Tinatayang 1600 BCE ng maabot
ng Crete ang kanyang tugatog.
Umunlad ng husto ang kabuhayan
dito dulot ng pakikipagkalakalan
sa paligid ng Aegean Sea.
PAGBAGSAK NG MINOAN
•Pagkaraan ng ilang taon,
sumalakay ang mga Mycenean
mula sa Peloponnesus at kanilang
sinakop at pinamahalaan ang
Kabihasnang Minoan pagsapit ng
1400 BCE.
03
ANG
KABIHASNANG
MYCENAEAN
• Ang mga Mycenaean na sumalakay sa
Crete ay nagmula sa kapatagan ng
Eurasia at nanirahan sa Peloponnesus
sa Greece noong 2000 BCE.
• Tinawag silang Mycenaean hango sa
pangalan ng kanilang lungsod na
Mycenae.
MYCENAEAN
• Mahilig sa pakikipagdigma ang mga
Mycenaean at itinuon nila ang
kanilang buhay sa
pakikipagkalakalan.
• Pagtatanim, pakikipagkalakalan at
pagpapastol ng hayop ang naging
kabuhayan ng mga Mycenean.
• Maliban dito, pinagyaman din ng
industriya ang pagpapanday ng
bronse at ginto, paghahabi ng tela at
paglikha ng mga palayok.
PAGBAGSAK NG MYCENAEAN
•Noong 1200 BCE, ang mga
Mycenaean ay nakipaglaban sa
mga Trojan ng Asia Minor. Kinilala
ang labanan bilang Trojan War.
PAGBAGSAK NG MYCENAEAN
• Hindi tiyak ng mga Historyador kung
ano ang sanhi ng digmaan.
Ipinapalagay lamang na maaring isyu
ito sa pagkontrol ng ruta ng
pakikipagkalan sa Aegean Sea ang
dahilan ng paglusob ng mga
Mycenaean sa Troy.
PAGBAGSAK NG MYCENAEAN
• Humina ang kapangyarihan ng mga
Mycenaean sa pagpasok ng 1200 BCE,
sinasabing isa sa mga dahilan nito ay
ang patuloy na paglalabanan ng
iba’t-ibang kaharian.
PAGBAGSAK NG MYCENAEAN
• Ang pagbagsak ng kabihasnang
Mycenaean ay simula ng panahon ng
Karimlan o Dark Ages sa kasaysayan
ng Greece na tumagaL hanggang 800
BCE.
ACTIVITY 1: WRITTEN WORK 1
Panuto: Pag isipan, unawain, sagutin
ang mga tanong at isulat ang sagot sa
isang buong papel.

1. Paano nakakaapekto ang heograpiya


sa pagsulong ng kabihasnan sa mga
pulo ng Crete?
ACTIVITY 1: WRITTEN WORK 1
2.Paano nagsilbing tulay ang mga Minoan at
Mycenaean sa pagsibol ng Kabihasnan ng
Greece?

3. Paano nakatulong ang Minoan at


Mycenaean sa pagtatatag ng pundasyon sa
Pandaigdigang Sibilisasyon?
ANG MGA03
LUNGSOD
ESTADO NG
GREECE
KABIHASNANG KABIHASNANG
MINOAN MYCENAEAN

HANAPBUHAY NG
MGA TAO

KONTRIBUSYON
NG KABIHASNAN

PAGBAGSAK
• Ang tawag sa mga lungsod- estado o
pamayanan ng Greece ay POLIS
(city-state)

• POLIS- May malayang pamayanan,


may sariling pamahalaan at
nakasentro ang pamumuhay sa isang
lungsod.
2 BAHAGI NG POLIS
1. ACROPOLIS
2. AGORA
1. ACROPOLIS
• Ay isang mataas na pook na
nagsisilbing tanggulan ng mga
Griyego laban sa mga paglusob ng
mga kaaway.
1. ACROPOLIS
• Makikita dito ang templo at gusaling
pampubliko

• Karaniwang matatagpuan sa mataas


na pook tulad ng burol o maliit na
bundok at pinalilibutan ito ng mga
pader.
ACROPOLIS
2. AGORA
• Isang bukas na lugar sa gitna ng
lungsod kung saan maaaring
magtinda o magtipon-tipon ang mga
tao

• Pamilihan na matatagpuan sa ibaba


ng Acropolis.
AGORA
• Sa pagsisimula ng panahong Hellenic,
umusbong ang mga lungsod-estado ng
Greece. Dalawa sa mga
nangungunang lungsod- estado ang
Sparta at Athens.
ANG ATHENS
Ang Athens ay isang pangunahing
lungsod- estado sa baybayin ng
kapatagan ng Attica sa may timog
Silangang bahagi ng Greece.
ANG ATHENS
Nakilala ang Athens sa pagtatatag ng
puro o tuwirang demokrasya.

Demokrasya- hango sa salitang Griyego


na “demos” (mga tao) at “kratia”
(pamamahala).
ANG ATHENS
Nakilala ang Athens sa pagtatatag ng
puro o tuwirang demokrasya.

Demokrasya- hango sa salitang Griyego


na “demos” (mga tao) at “kratia”
(pamamahala).
KALALAKIHAN AT
KABABAIHAN SA ATHENS
Sa Athens, ang mga mamamayang
lalaki ay sangkot sa pagtalakay,
pagpapasya at paggawa ng batas.
KALALAKIHAN AT
KABABAIHAN SA ATHENS
Samantalang ang mga kababaihan ay
hindi itinuturing na mamamayan at
walang pulitikal na karapatan. Ito ay
nangangahulugang hindi sila kasali sa
pagpapasya at pagboto ng mga pinuno.
PAGTATAG NG
DEMOKSRASYA NG ATHENS
Sa simula, ang pamahalaan ng Athens
ay isang monarkiya.

Pagdaan ng ilang taon, napalitan


naman ito ng aristokrasya.
Siyam na archon ang namuno sa
pamahalaang aristokrasya ngunit hindi
rin ito naibigan ng mga tao.

Noong 62 BCE, si Draco na isang


archon ay gumawa ng unang kalipunan
ng mga batas sa lungsod ng Athens.
Ngunit noong 594 BCE, hinirang si
Solon ng mga Maharlika upang
magsagawa ng mga repormang
pampolitika.
REPORMANG PAMPOLITIKA NI
SOLON
1. Pagpapalaya sa mga alipin
2. Pagkakaloob ng lupa sa mga
magsasaka
3. Pagkakaroon ng mga mamamayan
ng karapatang maikabahagi sa
pamamahala ng Asembleya.
Cleisthenes- “Ama ng Demokrasya” sa
Athens.

Noong 510 BCE, lubusang naitatag ang


demokrasya sa Athens.
Pinaniniwalaan na siya ang nagpakilala
sa Ostracism upang mapaalis ang mga
taong ipinalalagay na laban sa
pamahalaan.
Ostraka- isang pirasong banga
Kapag umabot sa 6,000 na boto laban
sa kaniya, siya ay ipapatapon.
KONTRIBUSYON NG ATHENS
• Dakilang sentro ng kulturang
Griyego
• Ipinagmamalaki nila ang kanilang
husay bilang artista, makata,
manunulat at paham.
ANG SPARTA
• Ito ay itinatag ng mga Dorian sa
Peloponnesus sa gawing timog ng
Greece.
ANG PAMAHALAAN NG
SPARTA
• Militaristiko ang pamahalaan ng
Sparta.

• Walang pakikilahok ang mga


mamamayan sa mga gawaing
pampamahalaan.
MGA KABABAIHAN SA
SPARTA
• May Kalayaan ang mga kababaihan
• Maaari silang makisalamuha at
makipagtalo sa kanilang kapwa
• Natatamasa ang Karapatan ng mga
kalalakihan MALIBAN sa pagboto.
MGA KABABAIHAN SA
SPARTA
• Pinapahalagahan ng estado ang mga
babae bilang pagkilala sa bahaging
ginagampanan nila bilang ina ng mga
sundalo.
• Sinanay din sila bilang matatag
MGA KABABAIHAN SA
SPARTA
• Sila ang nag aasikaso ng lupain
• Nangunguna sa palakasan at
malayang nakikihalubilo sa mga
kaibigan ng kani-kanilang mga
asawa habang nanonood ng
wrestling, boksing at karera.
MGA KABABAIHAN SA
SPARTA
• Sila ang nag aasikaso ng lupain
• Nangunguna sa palakasan at
malayang nakikihalubilo sa mga
kaibigan ng kani-kanilang mga
asawa habang nanonood ng
wrestling, boksing at karera.
• Ang sparta ay kinilala na isa sa may
pinakamahusay na sandatahang
lakas sa buong daigdig.
• Sama sama sila sa pagkakatayo,
paurong man o pasulong sa labanan
habang hawak hawak ang mga
pananggalang na tinatawang na
sistemang Phalanx.
ACTIVITY 2: WRITTEN WORK 2
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba upang
mabuo ang paghahambing.
KATANGIAN ATHENS SPARTA
SISTEMA NG
PAMAMAHALA

KALAGAYAN NG
MGA KABABAIHAN
Panuto: Sagutin ang mga katanungan at
ipaliwanag ng malinaw ang sagot.

1. Paano naitatag ang demokrasya sa


Athens?

2. Bakit mahalaga ang lungsod estado ng


Athens at Sparta sa pag unlad ng
Kabihasnang Griyego?
Panuto: Sagutin ang mga katanungan at
ipaliwanag ng malinaw ang sagot.

3. Saan mo nais manirahan sa Greece: Athens


o Sparta? Bakit?
ACTIVITY 3: PERFORMANCE TASK 1

“MR AND MS. ANCIENT GREECE”


GROUP 1: GROUP 2:
KABIHASNANG KABIHASNANG
MINOAN MYCENAEAN
GROUP 3: GROUP 4:
ANG ATHENS ANG SPARTA

You might also like