You are on page 1of 4

8

DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF CITY SCHOOLS QUEZON CITY
NOVALICHES HIGH SCHOOL
Asignatura Araling Panlipunan
DEVELOPMENT TEAM
Author: Mrs. Jovirisa D. Marquez
Content Evaluator Mr. Leopoldo S. Halili/ Mrs. Maria Luisa R. Gerero
Language Evaluator: Mrs. Jovirisa D. Marquez
Format Evaluator/ Subject LR Coordinator Mrs. Ma. Rosavilla C. Habana & Ms. Mary Grace Austero
School LRMS Coordinator Mr. Janlee Mark F. Mabunga
GOVERNMENT PROPERTY NOT FOR SALE
Pangalan: ______________________________________ Petsa ng Pagtanggap: __________
Pangkat: _______________________________________ Petsa ng Pagsagot: __________
Guro: _______________________________________ Marka: __________
LEARNING ACTIVITY SHEETS
WEEK 5 | QUARTER I | SCHOOL YEAR 2020-2021
IMPLUWENSYA NG HEOGRAPIYA SA PAG-UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN

Panimula (Susing Konsepto)


Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa kaayusan, distribusyon interaksiyon ng ibat-ibang
katangiang pisikal sa ibabaw ng daigdig at ng tao sa kanyang kapwa at sa kanyang kapaligiran. Isa ang
HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan.
Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa
pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan.
Malaki ang ginampanan ng heograpiya sa pagsibol ng mga
sinaunang kabihasnan na matatagpuan sa Mesopotamia, Indus, Tsina,
Egypt at Mesoamerica. Ang mga kabihasnang umusbong sa daigdig
ay madalas makikita sa mga tabing ilog o lambak, dito makikita natin
na malaki ang ginampanan ng heograpiya upang ang mga
kabihasnang ito na nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa
lahat ng tao sa kasalukuyan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia


Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na
meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa
pagitan ng dalawang ilog”.

KATANGIAN NG HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA


1. Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at
Euphrates Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at
Turkey.
2. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent,
3. Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap
ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar.
4. May klimang mainit at tuyo
5. Binubuo ng kapatagang alluvial

Kabihasnang Indus

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,binubuo ito ng mga
bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives. Matatarik na
kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga
nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian
Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang
kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito

AP 8 page 1
Heograpiya ng Lambak ng Indus
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas
na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Nagsimula ang kabihasnan sa
India sa paligid ng Indus River.Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na
yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang
2900 km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Sa pagitan ng
Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at
nagbibigay-daan upang malinang ang lupain. Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng
Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at
maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-
irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

Heograpiya ng Kabihasnang Tsina


Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa
Yellow River o Huang Ho. Nagmumula ang ilog sa kabundukan ng
kanlurang China Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba
sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas
nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ang pangyayaring ito ay
nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.

Heograpiya ng Kabihasnang Egypt.

Lower Egypt - ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Upper Egypt - ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang
sa Abu Simbel.
Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga. Tinawag ang Egypt bilang "The
Gift of the Nile" Matatagpuan ang Egypt sa kontinenteng Africa. Ang malakas na
pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat
taon na nagdudulot ng pagbaha. Nahinto lamang ang pagbahang ito noong 1970 nang maitayo ang
Aswan High Dam at nakatulong ang Dam na ito upang makapagbigay ng elektrisidad at maayos na
suplay ng tubig. Ang taunang pag-apaw ng Nile noong panahong neolitiko ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa
tuyong lupain at nagiiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Kaagad nagtatanim
ang mga magsasaka matapos ang pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting
naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay
naging tahanan ng mga ibon at hayop. Ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan
ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang
ilog Nile ay nagsilbing ding mahusay na ruta sa paglalakbay, ngawa nitong mapag-ugnay ang mga
pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang mga disyerto sa silangan at kanlurang
bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt kung kayat ang mga tao ay nagawang
makapamuhay nang mapayapa at masagana.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na


nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan
sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa
pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca
sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan
ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang
hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua
sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang
malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras. Sa
lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng

AP 8 page 2
mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa
rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-
usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may
malaking populasyon ang rehiyong ito.

Kasanayang Pagkatuto at Koda

Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig


AP8HSK-Ig-6

Panuto
1. Tukuyin sa mapa ang kinaroroonan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig sa
pamamagitan ng pagkulay dito
Mesopotamia – pula, Indus – berde, Tsina – dilaw, Egypt – kahel, Mesoamerica – asul
2. Magtala ng 3 katangian ng Heograpiya ng bawat kabihasnan. Gamiti anh chart sa pagsagot
Pamamaraan

1.

2. HEOGRAPIYA NG KABIHASNAN

MESOPOTAMIA INDUS TSINA EGYPT MESOAMERICA

Katangian ng Katangian ng Katangian ng Katangian ng Katangian ng


Heograpiya Heograpiya Heograpiya Heograpiya Heograpiya
1. 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3. 3.

AP 8 page 3
Gabay na Tanong:

1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t
isa? ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng
kabihasnan?
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng


mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag ang sagot
.________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Rubrik sa Pagpupuntos
2 puntos sa bawat tamang kulay ng mapa 10 puntos
5 puntos kung maayos at malinis ang pagkakakulay 5 puntos
Kabuuan 15 puntos

Pangwakas

Pagbuo ng Konlusyon: Kumpletuhin ang Pangungusap

Maiuugnay ang heograpiya sa pagbuo ng kabihasnan dahil


__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Mga Sanggunian

Batayang aklat ph. 57 – 63

https://www.researchgate.net/figure/Map-of-the-subcontinent-approximately-10-000-years-ago-The-
Indus-valley_fig2_322331835
https://mesopotamia.mrdonn.org/geography.html
https://quizlet.com/185519024/6th-grade-social-studies-chapter-5-ancient-china-flash-cards/
https://www.pinterest.ph/pin/333125703666430775/
http://www.famsi.org/maps/

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

AP 8 page 4

You might also like