Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region III
Schools Division of Olongapo City
SERGIA SORIANO ESTEBAN INTEGRATED SCHOOL CORAL II
I. Multiple Choice: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang na nakalaan.
______ 8. Ang Asya ay napalilibutan ng iba’t ibang anyong-tubig tulad ng mga ilog at karagatan.
Bilang isang NGO volunteer, paano ka makatutulong sa pangangalaga nito?
a. Magpaskil ng slogan na “Huwag Magtapon ng Basura Dito”.
b. Maglunsad ng Fun Run para makalikom ng pondo para sa paglilinis ng mga anyong
tubig.
c. Hayaang manirahan ang mga tao sa mga pampang at daluyan ng tubig.
d. Magmungkahi ng pagpapatayo ng mga tulay na magdurugtong sa mga anyong-tubig.
______ 10. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historical at
kultural na aspekto. Kung pagsasama-samahin ang mga bansa, alin ang mga bansang
napapaloob sa iisang rehiyon?
a. United Arab Emirates, Qatar at Iran
b. North Korea, Nepal at Singapore
c. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan
d. China, Indonesia at Uzbekistan
_____ 12. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at
Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil
isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historical, at kultural.
Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal,
kultural, agrikultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
_____ 13. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng
kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway, kapuluan,
bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong
halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na may malaking
implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
_____ 14. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito
ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan
at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init. Ano naman
ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan
ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t
ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
a. I, II, IV
b. II, III, IV
c. I, II, III
d. I, III, II
______ 32. Paano mo bibigyan ng paglalarawan ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa
Asya?
a. Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay magkakatulad.
b. Ang mga likas na yaman sa rehiyon sa Asya ay magkakaiba.
c. Ang mga rehiyon sa Asya ay salat sa mga likas na yaman.
d. Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay malapit ng maubos.
______ 33. Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya ay may taglay na iba’t ibang uri
ng likas yaman na nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng
Timog Silangang Asya?
a. Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.
b. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng
magagandang aplaya o beaches.
c. Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na
may pinong-pinong buhangin.
d. Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-
hangang tanawin na likha ng kalikasan.
______ 34. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na
pagtaniman sa Hilagang Asya ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap
buhay ng mga naninirahan dito?
a. Pangingisda c. Pagsasaka
b. Pagmimina d. Pagpipinta
______ 35. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na
nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating
tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?
a. Yamang Lupa c.Yamang Gubat
b. Yamang Tubig d. Yamang Mineral
______ 36. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yamanng Timog Silangang
Asya?
a. Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.
b. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.
c. Ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.
d. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan
______ 37. Ano ang pangkalahatang tawag sa mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng
lupa, kagubatan, karagatan, ilog at mga depositong mineral?
a. Heograpiya c. Likas na Yaman
b. Kapaligirang Pisikal d. Vegetation
______ 38. Paano nagkakaroon ng tamang ugnayan ang tao at ang mga likas na yaman?
a. Ginagamit ng tao ang likas ng yaman upang yumaman.
b. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang kumita ng pera.
c. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang maging kapakipakinabang.
d. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang hindi maubusan para sa kanyang
pansariling pangangailangan.
______ 39. Habang patuloy na tumataas ang populasyon ng mga tao, lalong nagiging mataas ang
pangangailangan ng lupain na mapagtataniman upang makasapat sa pagtugon sa
pangangailangan sa pagkain. Anong implikasyon ang pinapakita ng pahayag na
ito?
a. agrikultura c. ekolohiya
b. ekonomiya d. panahanan
______ 40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kapakinabangan ng likas na
yaman sa pamumuhay ng mga Asyano.?
a. Natutugunan ng likas na yaman ang pangangailangan sa panahanan at
kabuhayan.
b. Sa likas na yaman nagmumula ang mga hilaw na materyales at produktong
iniluluwas ng mga bansa sa Asya.
c. Tumataas ang antas ng pambansang kita ng mga bansa dahil sa paglinang sa
mga likas na yaman.
d. Lahat ng nabanggit
_______41. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa buhay ng mga Asyano?
a. Dahil ito ang tumutustos sa pangangailangan ng bansa
b. Dahil ito ay nagpapataas ng antas ng pambansang kita ng bansa
c. Dahil ito ay nagbibigay panahanan, pagkain at kabuhayan sa mamamayan
d. Lahat ng nabanggit
_______42. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong sa pangangalaga ng kapaligirang
pisikal at mga likas na yaman?
a. Pagkontrol sa dami ng populasyon.
b. Pakikiisa sa mga programang nagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan.
c. Patuloy at walang habas na paggamit ng likas na yaman para sa pansariling
kapakanan.
d. Wastong paggamit at paglinang ng mga likas na yaman.
______43. Bilang isang mamimili, ano ang pinakamainam na gawin upang mabawasan ang
greenhouse gases?
a. Bumili at gumamit lagi ng mga supot na yari sa plastik.
b. Gumamit ng bayong tuwing mamamalengke.
c. Gumamit ng kotseng nagbubuga ng itim na itim na usok.
d. Magsunog ng mga gulong ng sasakyan upang mabawasan ang basura.
_______44. Suriing mabuti ang larawan sa ibaba. Ano ang implikasyon nito sa pamumuhay ng
tao?
4. Pagkasunog ng
plastic
5. pagdami ng
sasakyan
Prepared by:
Reviewed:
Emelia L. Ronquillo
Head Teacher
Noted: