You are on page 1of 33

Araling Panlipunan 8

Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Ikalawang Araw

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig. (AP8HSK-Ig-6)

https://tinyurl.com/2tdbdmx7

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Layunin:

1. Naiuugnay ang heograpiyang pisikal sa pag-usbong ng


kabihasnan.

2. Nasusuri ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng


kabihasnan.

3. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa naging ambag


ng heogapriya sa pag-usbong ng kabihasnan.
https://tinyurl.com/2tdbdmx7

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kaugnayan ng Heograpiya sa Pag-usbong ng
Kabihasnan

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Balitaan Muna Tayo:

● Maglahad ng napapanahong isyu. Isulat


ito sa iyong notebook.
● Ano kaya ang mga maaaring maging
implikasyon ng mga pangyayaring ito sa
takbo ng kasaysayan sa mga darating na
henerasyon?

Source: youtu.be Created May 25, 2017


https://tinyurl.com/thhztce9

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Balikan Natin: Tanda Mo pa Ba?

1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang


panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay
ng tao?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 1: PICTURE FRAME!

Panuto: Tingnang mabuti at suriin ang bawat larawan. Bigyan ito ng maikling
interpretasyon base sa iyong pagkakaunawa.

.
Finkel, L. Gilgamesh: The Hero King London: The British Andwerk, Brian. Pyramid at Giza. National Geographic Partners LLC.
Museum Press. 1998. https://tinyurl.com/2p8vzaya. 2014. https://tinyurl.com/yc5nr9fm.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 1: PICTURE FRAME!

Sumaquel. Kasaysayan ng Daigdig. Wikipedia. October 2014.


https://tinyurl.com/ybfdj22m. Angelo, Juliet. Banga at Tapayan. Flicker .com. June3,
2021. https://tinyurl.com/bdhz33nv.

Martin, Victor. Palayan. Pilipino Star Ngayon Probinsya. March


13, 2021, 12:am. https://tinyurl.com/yckvvckx.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?


2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong
pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan”?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
KAUUGNAYAN NG HEOGRAPIYA SA PAG USBONG NG
KABIHASNAN

Malaki ang kaugnayan ng heorapiya sa pag-usbong ng sibilisasyon na


siyang humubog sa daloy ng kasaysayan ng daigdig.Patunay ito sa mga
sinaunang kabihasan sa Mesopotamia,kabihasnang Indus, kabihasnang
Tsino, kabihasan sa Africa, at Mesoamerica.
Ano nga ba ang kaugnayan ng heograpiya sa pagsibol ng sinaunang
sibilisasyong ito?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kabihasanang Mesopotamia

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o


“pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang
lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-
unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t
ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang
lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang
umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba
pang mga kabihasnan.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng ma ilog Tigris at Euphrates
ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig. Ang regular na pag-apaw ng ilog
Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil
dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kabihasnang Indus

Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa


kasalukuyan,binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung
ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo
na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya
maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang
nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran,
Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang
kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.
Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga,
nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang
mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala
ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at
nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na
may habang 2900 km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong
kapatagan ng Pakistan.. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng
matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado
sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-
apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang
malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit
ng 3000 B.C.E.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos
na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal
pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit
kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng
sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kabihasanang Tsino

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa


tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay
nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000
milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa
mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na
kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay
nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China
Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa
tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang
dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya,
hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng
dinastiya.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang
pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan
upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga
Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na
tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino.
Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang
Middle Kingdom.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kabihasnan sa Africa

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa


Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa
Mesopotamia ay mas naunang magsimula ngunit mas masasabing mas
yumabong ang kabihasnan sa Egypt. Sa pag-unawa sa heograpiya ng
sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay
nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy
patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang
Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula
katimugan patungong hilaga.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift
of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay
magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar
na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo
bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong
1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng
elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing
mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong
mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng
ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng
ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito
ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay
nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kabihasnang Mesoamerica

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga


mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North
America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang
kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng
mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at
South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang
kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.
Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba
pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa
River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fonsceca sa katimugan ng El
Salvador.Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng
pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang
bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag
ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-
usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa
kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 2:

Panuto: Punan ng mga titik ang mga blankong linya sa bawat


kabihasnan gamit ang mga terminolohiya o konsepto na maikakabit sa
kanila, lalo na batay sa kanilang partikular na katangiang heograpikal.
Maaaring hindi magkakasunod ang titik ng iyong sagot sa bawat
kabihasnan.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sa paanong paraan nagkapare-pareho ang mga sinaunang kabihasnan


pagdating sa katangiang heograpikal? Ipaliwanag.
2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal
ang mga sinaunang kabihasnan?
3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa isang lugar sa
pagtataguyod ng kabihasnan?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 3: PILIIN MO ANG PILIPINAS
Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang talahanayan. Tingnan ang
halimbawa sa ibaba.

Katangiang Epekto ( Mabuti o Katwiran


Heograpikal ng Hindi Mabuti)
Pilipinas
Halimbawa: Hindi Mabuti Maraming bulkan at
Nasa Pacific Ring of lagging mataas ang
Fire tsansa ng paglindol
1.
2.
3.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 4: ILARAWAN MO!
Panuto: Gumupit o gumuhit ng larawan ng isang lambak-ilog sa
kahon sa ibaba at ipaliwanag ang kahalagahan ng katangiang
heograpikal na ito na nakatulong sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 5: NATUTUNAN MO! IPAKITA MO!

Ipahayag ang sariling saloobin sa naging ambag


ng heograpiya sa pag-usbong ng kabihasnan at
ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa inyong
pamumuhay ngayon.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
DUGTUNGAN TAYO!

Panuto: Batay sa inyong naramdaman at realisasyon dugtungan ang


salitang nasa ibaba.

Nabatid ko sa araw na ito_______________________________________


___________________________________________________________
___________________________________________________________

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kasunduan:

1. Ipaliwanag ang impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga


sinaunang kabihasnan.
2. Maghanda ng mga kagamitan para sa Poster/slogan tulad ng bond paper
at krayola.
Sanggunian: Batayang Aklat, Kasaysayan ng Daigdig, pahina 70-73

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sanggunian:
Aklat
Cabral, Wilfredo E. et.al. 2020. Araling Panlipunan Unang Baitang. PIVOT IV-A Learners’ Material. 35-38.
Soquila, Rheena M. 2016. Batayang Aklat sa Araling Panlipunan I. St. Augustine Publications, Inc. 61-74.
Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Baitang. 2017. Kagawaan ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. 61-66.
Internet
Andwerk, Brian. Pyramid at Giza. National Geographic Partners LLC. https://tinyurl.com/yc5nr9fm
Angelo, Juliet. Banga at Tapayan. Flicker .com. June 3, 2021. https://tinyurl.com/bdhz33nv
Finkel, L. Gilgamesh: The Hero King. London: The British Museum Press. 1998. https://tinyurl.com/2p8vzaya.
Martin, Victor. Palayan. Pilipino Star Ngayon Probinsya. March 13, 2021, 12:am. https://tinyurl.com/yckvvckx.
Sumaquel. Kasaysayan ng Daigdig. Wikipedia. October 2014. https://tinyurl.com/ybfdj22m

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN

You might also like