You are on page 1of 3

Setyembre 24, 2018

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. Layunin

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal at


paglilingkod sa pamilihan-AP9MYK-IIf9

II. Nilalaman
A. Paksa: Kakulangan at Kalabisan
B. Baitang/Seksyon: 9-Amythest
C. Asignatura: Araling Panlipunan ( Ekonomiks)
D. Sanggunian: Modyul para sa Mag-aaral
https://www.youtube.com/watch?v=lCuQevd0DUY
https://www.youtube.com/watch?v=IHK2PVwio6w&t=36s
https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2018/05/bilang-ng-
walangtrabaho-sa-1st-quarter-ng-2018-pumalo-sa-10-9-milyon/

E. Kagamitan: laptop, telebisyon


F. Pagpapahalaga: matalinong pagpapasya

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Magandang umaga, klas! Magandang umaga din po, mam.

Sino ang mangunguna sa ating panalangin Mam, ako po.


ngayon?

Bago kayo umupo, klas ay maaari bang


pakiayos ang mga upuan at pakipulot kung
may kalat? Salamat po mam.

Sino ang lumiban sa klase? Wala po mam.

B. Paglinang ng Aralin
1. Pagganyak
Bago natin pormal na simulan ang ating
talakayan ay mayroon muna kayong
papanoorin na balita. Handa na ba kayo
para dito? Opo mam.

Ano ang inyong nakita sa video? Maam, ito po ang kasalukuyang balita
tungkol sa mga taong nag-aaway dahil sa
pila ng NFA.
Tama! Bakit kaya sila nag-away?
Ma’am dahil lagi silang nauubusan ng NFA
rice at napuputulan ng pila dahil sa break
time.

Ma’am dahil sa kakulangan sa bigas.


Magaling! Bakit nagkukulang ang bigas?
Maam dahil mas marami ang bilang ng
Tama! Magaling! mga mamimili kaysa sa suplay ng bigas.

Naranasan na ba ninyo ang pangyayaring


ito? Ma’am, hindi pa po pero si mama ko, palagi
po mam.
May nakaranas na ba ng ganito ang
maubusan?
Maam ako po.
Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong
karanasan? Opo mam. (sariling opinyon)

Na kung saan ang ating pag-aaralan


ngaung umaga ay tungkol sa _____________. Ma’am kakulangan at kalabisan po.

Magaling klas!

2. Pagtatalakay
Ano nga ba ang kahulugan ng kakulangan? Ma’am ito po ay tumutukoy sa
panandaliang pagkawala ng isang produkto
o serbisyo.

Tama! Ano pa? Ma’am ito po ung nangyayari na mas


marami po ang bilang ng mamimili
(demand) kaysa sa mga suplay na bibilhin.

Samantala, ano ang ibig sabihin ng Isang kalagayang nangyayari na mas


kalabisan? mataas ang bilang ng suplay kaysa sa
bilang ng mamimili.

Magaling!
May inihanda akong 7 sitwasyon dito na
kung saan tutukuyin ang mga ito kung ito
ay nagpapakita ng kakulangan at
kalabisan. Pero bago yan ang klase ay
mahahati sa apat na grupo. Kung sa
palagay ninyo na ang sitwasyon ay
nagpapakita ng kakulangan itaas ang
salitang KULANG at kung kalabisan naman
itaas ang salitang LABIS. Opo mam.
Handa na ba ang klase?
(Ang mga tanong ay ipapakita gamit ang
laptop at telebisyon)

1. Kailangan ni Cielo ng isang dosenang


rosas para sa kaarawan ng kaniyang ina
ngunit siyam na rosas na lamang ang Kulang
natitira sa flower shop.
2. May 100 sako ng palay si Isko ngunit
70 sako lamang ang handang bilhin ng Labis
bumibili nito.
3. May 36 na panindang payong si Berlin.
Dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan,
naubos lahat ang kaniyang panindang Kulang
payong at marami pang gustong bumili.
4. Sa sobrang lamig ng panahon, naging
matumal ang benta ng ice cream ni Labis
Jocelyn.
5. Napanis lamang ang mga nilutong
ulam ni Aling Nely dahil sa suspensiyon ng Labis
klase kaninang umaga.
6. May 50 lapis ang kailangan ng mga
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng
Pugo ngunit 30 lamang ang natitirang Kulang
suplay ni Mrs. Cruz.
7. Dahil sa mahal na presyo ng NFA rice, Kulang
mahaba palagi ang pila sa palengke.

Magaling! Ngayong nalaman na ninyo ang


pagkakaiba ng kakulangan at kalabisan,
alamin din natin kung ano kaya ang
magiging epekto nito sa ating lipunan?
( Sa dating grupo pa rin, may ibibigay
akong isa bawat grupo na balita alamin
kung patungkol saan ang balita at tukuyin
ang sanhi (dahilan) at bunga(epekto) nito?
Pagkatapos, ilahad sa klase ang inyong
kasagutan na nakasulat sa manila paper.

Unang grupo- Suplay ng bigas ng NFA,


kulang na
Ikalawang grupo- Bilang ng walang trabaho
sa 1st quarter ng 2018 pumalo sa 10.9
milyon
Ikatlong grupo- Kakulangan sa supply,
dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente
ngayong buwan – MERALCO
Ikaapat na grupo – Malaking kakapusan ng (Ang mga sagot ng mga mag-aaral ay
tubig sa Pilipinas, ibinababala na magkakaiba)

3. Paglalahat
Kung ganito palagi ang sitwasyon sa
ating bansa, ano ang maging epekto
nito sa kalagayan ng ekonomiya ng (Ang mga sagot ay sariling opinyon ng mga
bansa? mag-aaral)

IV. Pagtataya
Sagutin at ipaliwanag ang tanong. Isulat sa ½ ng papel. 10 pts.
Ang Pilipinas ay maraming suliranin sa lipunan gaya ng kakulangan ng suplay lalong-
lalo na sa bigas na pangunahing pangangangailangan ng tao upang mabuhay. Kung ikaw ay
magiging pangulo ng Pilipinas, paano mo bibigyang solusyon ang problema sa kakulangan ng
suplay ng bigas?

V. Takdang Aralin

Sa inyong kwaderno, batay sa mga napag-aralan ngayong oras na kakulangan at


kalabisan, paano mo mabibigyan solusyon ang mga ito para sa ikakaunlad ng ekonomiya ng
bansa?

You might also like